Chapter 29
"Your so gorgeous girlfriend." Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil kahit ngayon naninibago pa din ako pag nilalagyan ang mukha ko ng make up.
"Just tell me if nagbago na ang isip mo sa modeling." Kumindat siya sa akin na kinailing ko
Nakahati iyong buhok ko sa gitna at naka-braid sideways na mas lalong na emphasized ang mukha ko. Hindi makapal ang make up na naka-apply sa mukha ko since ayoko ko talagang nilalagayan ang mukha ko ng kung ano-anong kolorete. Sinigurado ni Rezzy na konti lang ang iaapply sa mukha ko kaya more on natural look ako.
Si Rezzy kasi ang kinuntsaba ko para ayusan ako dahil ayokong kumuha pa ng entourage si Mom para lang sa akin, bali ito ang kabayaran niya sa pagmomodel ko.
Tsaka ngayon kinukulit niya ako, gusto talaga akong gawing model ni Rezzy para daw may kasama siya. At parating iling o tawa lang ang sagot ko kasi hindi niya talaga ako tinitigilan.
"You know I love you Rez but modeling is not for me." I kissed her in the cheeks and thanked her for the job well done with my face. The best girlfriend ever.
"Okay, tara na nga." Inakay na niya ako palabas sa kwarto. And again haharap na naman kami sa maraming tao. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa mga ganito. Bumuntong hinga ako at hinanda ang sarili harapin ang maraming mga tao.
NGAYON KO lang uli naramdaman ang sobrang pagod sa pag-ngiti, noong una iyong araw ng kasal namin ni Renzo at ngayon ay celebrasyon ng kaarawan ni Renzo. Pinipilit ko na lang ang sarili ko sa mga taong lumalapit sa akin at kinakausap ako para batiin, hindi ko namang pwede hindi sila pansinin at kausapin. Ang mga taong ito actually ay mga kakilala, investors at malapit na kaibigan ng dalawang pamilya. Lahat ng naka-attend sa celebrasyon ay puro mga kilala sa industriya..
Basically hindi lang ito isang party for me and Renzo but mainly for the family business as well. Kinuha na nila ang pagkakataon na ito para lalong malaman ng mga tao kung gaano na kalaki at katibay ang kompany dahil sa dalawang merging, the party is just a front to ward off competitors. At ngayon pagod na pagod na ako kumausap sa mga taong hindi ko naman gustong makausap but I don't have a choice so might as well face them with a sweet smile.
Dahil sa hindi ako nauubusan ng taong lumalapit at kumakausap sa akin ay hindi pa din kami nakakapag-usap ng maayos ni Renzo. Ni hindi ko nga siya nakausap ng limang minuto dahil agad na may nakikipag-usap sa kanya.
Halata sa mukha ni Renzo ang pagkabwisit pag may kumakausap sa kanya, para bang ayaw niyang umalis sa tabi ko. Kaya ako na mismo ang nagtaboy sa kanya dahil kailangan niya ding malaman at makilala ang mga investors at ibang mga tao sa business industry.
Hindi ko siya mahanap kanina pa dahil napalayo siya ng may kumausap sa kanyang foreign investors. I really admire his personality, iyong pakikipag-usap niya palang sa iba't-ibang tao ay wala lang sa kanya. Kayang-kaya niyang maghandle ng kahit na anong sitwasyon. Sana ganoon din ako, iyong full of confidence sa sarili na nakikipag-usap sa kahit sino na hindi na iilang.
Napatingin ako sa paligid, soft music is playing and a lot of couples are dancing and enjoying the party. Okyupado ang lahat ng mga tao, ang iba may mga kinakausap habang ang iba ay nagsasayaw sa gitna. Napatigil ako at napatitig sa old couple na malapit sa kinatatayuan ko, a husband and wife based on how they look at each other. Kahit na matanda na sila ay na-eenjoy pa sila sa piling ng isa't-isa, they look so contented and happy. And I wish me and Renzo could last that long.
Napangiti ako at nakontentong nakatingin sa mga nag-sasayaw ng biglang may humawak sa bewang ko. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon dahil agad din itong nagsalita.
"Why is the beautiful lady all alone?" Bulong ni Renzo sa may tenga ko habang nakatingin pa din ako sa old couple na nagsasayaw. Tumingin ako sa kanya at napangiti. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha, lalo siyang naging kaaya-kaaya sa paningin ko dahil napaka-pormal ng suot niya. Naka-three piece suit siya at napaka-ayos ng buhok niya, ang fresh niyang tignan kahit kanina pa siya paikot-ikot sa venue para kumauspa ng mga bisita.
"The beautiful lady was left all alone."
"Thank God that your all alone." Humarap ako sa kanya at ngumiti. Mabilis kong nilagay ang isa kong kamay sa likuran ko dahil baka makita niya ang kanina ko pang hawak-hawak. Napatingin ako sa necktie niya
"Your necktie suits you." Inayos ko ng konte ang necktie niya gamit ang isa kong kamay.
"Thanks, my girl gave this to me." At kumindat siya sa akin which made my heart skip a beat.
"So where is this girl? Gusto ko ata siyang makilala," pagsakay ko naman sa mga sinabi niya.
"No need, kilalang-kilala mo na siya. My girl, can I have this dance?" Tumango ako at kinuha ang kamay niyang nakalahad. Nakarating kami sa dance floor ay agad niya akong dinantay sa malapad niyang dibdib. Mabagal lang ang sayaw namin na sinundan lang ang beat ng tugtog, isang long song.
"Close your eyes please." Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Tumango siya at isinara ang kanyang mga mata. Unti-unti kong ikinabit sa kanyang leeg ang necklace na hinanda ko.
Pinabuka ko na ang kanyang mga mata at mabilis niyang tinignan kung ano ang kinabit ko sa leeg niya.
"Akala ko nawala ang singsing na ito." Pagkasabi na pagkasabi niya ay mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Naramdaman kong hinahalikan na niya pala ang buhok ko at muli akong sinasayaw. Bukod kasi sa necktie na suot niya ngayon ay ginawa kong necklace ang sing-sing niya.
Hindi niya alam na nasa akin pala, nakailang beses na din niyang tinanong sa akin kung nakakita daw ba ako ng singsing pero parating hindi ang sagot ko. Hindi ko na din kasi alam kung anong ibibigay kasi meron naman ata siya ng lahat ng kailangan niya.
"Thank you." Nararamdaman ko ang bawat haplos niya sa likuran ko pati sa buhok ko. Alam ko kasing hindi niya gustong nagsusuot ng sing-sing kaya ginawa ko na lang na necklace para kahit nasaan siya ay dala-dala niya iyon.
Hinding-hindi ako magsasawang yakapin siya katulad ngayon. Amoy na amoy ko ang pabango niya na walang sawang sinisinghot ko. At dahil sa naging obvious na ata ang ginagawa ko dahil natawa siya.
"Gustong-gusto mo talaga ang pabango ko." Bulong niya sa may tenga ko kaya mabilis na namula ang pagmumukha ko. Hindi naman kasi ang pabango niya lang ang gusto ko, pati ang mismong amoy niya pag walang pabango.
Gusto kong sabihin iyan sa kanya kaya lang nahihiya na ako. Minabuti ko na lang itago ang pagmumukha ko sa dibdib niya na mas lalong kinatawa niya mabuti na lang hindi kalakasan.
"Akala ko pabango ko lang ang gusto mo pati kili-kili ko pala." Sinuntok ko ito sa braso habang nakatago ang pagmumukha ko.
"Promise me one thing." Tumingin ako diretso sa mga mata niya.
"Ano iyon?"
"Parati mong isuot ang necklace na iyan, kahit saan at kahit kelan. Promise?" Nakangting kong sabi sa kanya. Please say yes.
"Okay, I promise." Ngumiti siya sa akin pero halatang hindi pa siya tapos magsalita.
"What?" tanong ko rito. Syempre alam kong may kapalit ang hinihingi ko sa kanya.
"Kilalang-kilala mo na nga ako." Lumapit siya sa may tenga at bumulong siya sa akin. "Wear your ring always and stay in love with me no matter what happens." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Tama ba ang narinig ko? O gawa-gawa lang ng utak ko ang narinig ko? Alam kung hindi ako nagkakamali sa narinig ko kahit sobrang hina ng pagkakasabi niya sa mga huling salitang iyon.
"Don't worry, I'll always love you." I kissed him in his nose and sweetly smiled. Hindi ko alam bakit iyan ang nasabi niya sa akin. Alam kong sinugal ko na ang lahat ngayon dahil sa harap-harapan kong sinabi sa kanya pero wala na akong pakialam.
"Can I dance with my daughter in law?" Napatingin ako kay Papa at kay Renzo. Masama ang tingin na binibigay niya sa ama pero agad din nawala iyon, guni-guni ko lang ata iyon.
Ngumiti sa akin si Papa habang nagsasayaw kaming dalawa. Nang inabot ako kanina ni Renzo ay pinisil niya pa ang kamay ko at pilit lang ata akong inabot sa Papa niya. Hindi ko alam kung may nangyari ba kaya pinagkibit balikat ko na lang.
"You love my son right?" Nabigla ako sa narinig ko pero alam kong kailangan kong sagutin si Papa.
"I love Renzo. He's actually my first love, Papa." Ngumiti ako sa kanya.
"That's good to hear. From the start, I know you two are destined." In an instant ay namula ako na parang kamatis kaya natawa si Papa na mas lalo kong ikinahiya.
LUMAPIT SA akin ang isang waiter at kumuha ako ng pineapple juice. Napatingin ako sa dakong kaliwa ng maramdaman kong may nakatitig sa akin.
Hindi nga ako nagkakamali ng mapansin kong nakatitig sa akin si Heidi na pulang-pula sa dress na suot-suot niya. Hindi ko expected na nandito siya ngayon but well may chance naman talagang pupunta siya dito dahil may pag-aari ang pamilya niya na mga malalaking hotels hindi lang dito sa bansa kundi sa asya din. Magkakilala din kasi ang parents naming pareho ni Renzo sa parents niya.
Tumingin na lang ako sa ibang direksyon at naiilang sa tingin niya dahil hindi niya ako tinitigilang titigan ng masama at nawewerduhan ako sa ngiti niya. Tumayo na ako para magpunta sa banyo dala-dala ang pouch ko.
Napatingin ako sa salamin, sa sarili ko. Naalala ko ang mga tingin sa akin ni Heidi, iyong tingin niya na para bang may mangyayaring masama sa akin. Iyong ngiting binigay niya sa akin ay kakaiba.
Masyado lang ata akong nag-iisip ng masama kay Heidi. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganito.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya napalingon ako sa taong pumasok. Si Heidi na ngayon ay nakatitig na naman sa akin habang hawak-hawak niya ang isang pouch at isang baso ng may laman na champagne. Inilapag niya ang baso at kumuha ng lipstick sa pouch niya.
Tumitig siya sa akin sa salamin. Isang matalim na totig at sinabayan ng ngiti.
"Enjoy it while it last darling." Humarap siya sa akin habang sinasabi iyon. "Dahil hindi mo alam kung kelan mawawala sayo ang hindi naman sayo."
"Anong sinasabi mo Heidi?" Tanong ko rito dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"I'm simply giving you friendly advice. Omg, my hand slipped." Napatingin ako sa dress kong tinapunan niya ng champagne.
"I'm not sorry though," kumindat pa siya sa akin at iniwan ako.
Napabuntong hininga lang ako at napatingin sa salamin. I thought this night would turn out to be great, I guess not.
Lastly, I never thought that this happy night would ruin and change my whole life.