KABANATA 2
Tagaktak ang aking pawis nang matapos sa ginawa. Hindi na ako nagulat na bukod sa papuri ay umulan din ng pera sa itaas ng entablado. My eyes wondered at the crowd for a moment before I made my final walk, taking those pennies in my hands.
"Bakit ba kasi ayaw mong isama sa trabaho mo ang magpagamit, Wayo? Tiyak na mabenta ka," one of our regulars said.
Naningkit ang mga mata ko sa matabang matanda. Mabigote siya at nagkikinangan ang mga gold na singsing sa mga daliri. Naalala kong may-ari siya ng isang casino. May lahing intsik.
"Wala sa kontrata, boss," nakangisi kong tugon.
"Kung bibilhin ba ang kontrata mo, pwede na?"
Aba, gahaman ka taba! Kahit bilhin mo pa ang buong pagkatao ko, hindi ako pabebenta sa'yo. Jusko, hindi pumapatol ang ganda ko kay Majinbu.
Lumapit ako sa kaniya sapagkat siya ang nakaupo sa harap ng stage. Ang hawak na mga pera ay ekspertong sinukbit sa bawat gilid ng aking cycling shorts. One touch on his chin, nanindig na ang mga balahibo niya. Hindi tinatago ang tunay na kulay, ah?
Kulay manyak.
"Your offer is good, but sorry, I am not for sale," malandi kong sabi.
Binigyan ko siya nang mabilis na halik sa tungki ng kaniyang ilong. Mukha namang nakuntento na siya roon. Sumipol ang mga nasa paligid at muling umugong ang hiyawan. Ngumuso ako at muling nilibot ang paningin sa paligid. Nang makuntento ay kumaway na ako sa kanila dahil tapos na ang aking palabas.
Tiba-tiba na naman, ayos.
"Iba talaga ang ganda, bakla. Umakyat baba lang sa pole, instant yaman na," si Tenten.
Tencio Batumbakal. Isa sa mga kasamahan ko sa Vizcara pero hindi kagaya ko, ang baklang ito ay waiter naman dito. Mas bet niya raw ang ganoon para makalandi nang todo sa mga costumers.
"Sus, mukhang tiba-tiba ka rin sa mga tip ngayong gabi. Dami nating costumers ngayon."
"Ay, korekong. Inggit-inggitan ang baklang Tenten, eh, ako nga rito puti lang ang mga mata. Weak na ang landi, weak pa ang benta," sabi naman ni Teyang.
Siya si Theofilo Dela Vega. Siya ang bartender ng Vizcara. Alam ko ay bestfriend silang tatlo nina Mama Jessie na owner nitong Vizcara. Pagkatapos makapagtapos sa kolehiyo ay pinagtulungan nilang patayuin itong bar. Hindi ko alam ang mga kwento ng mga buhay nila, pero alam ko na pare-pareho naming naging tahanan ang Vizcara. Para sa aming mga bakla.
Si Mama Jessie ang drag queen na nagpatuloy sa akin dito. Jenzen Fontanilla, ang owner ng Vizcara. Mahal na mahal ko siya dahil siya ang nagmistulang ina para sa akin. Kinupkop niya ako nang walang pag-alinlangan kahit hindi pa niya ako lubusang kilala.
Dalawang taon na ang lumipas mula noon.
Naisip ko ba ang pamilya ko sa loob ng dalawang taon na iyon? Hindi. Mas naging masaya ako sa buhay kahit wala na sila. It felt like leaving my own family gave me the freedom I always wanted. Kahit kadugo ko sila.
"Yosi muna ako mga bakla," paalam ko sa dalawa na nag-sa-sight na naman sa mga bisita.
Bago ako lumabas ay nilingon ko muna ang isang partikular na pwesto na kanina ko pa tinitignan mula sa entablado. Nang makita na wala ay lumabas na ako.
Umupo ako sa nara na upuan sa labas ng bar. Mula rito ay tanaw ang tahimik na karagatan. Ang nagpapaingay at nagpaliliwanag lamang noon sa gabi ay ang mga fire dancers malapit doon at ang mga taong nanunuod sa kanila. Sa malayong dako ay ang mga hotel at ang mga tiyangge. Sa dulo ng isla ay ang Vizcara.
Lumayag ang kaisipan ko sa trabaho ko ngayon. Natulala sa apoy na pumapaikot sa harap, naisip ko kung ikinahihiya ko nga ba ang kung ano ang ginagawa ko ngayon. Kung tatanungin ako at sasagutin ko? Hindi. Dahil kapag nasa entablado ako at experto kong ginagalaw ang aking katawan doon, nailalabas ko kung ano talaga ako. Iyon ako, eh. Bakit ko ikahihiya?
When the crowd cheered my name. Kapag pinagsisigawan nila ang pangalan ni Wayo, nag-iinit ang aking puso. Ramdam ko ang pagtanggap sa kung ano ako. Hinding-hindi ko ito ipagpapalit sa buhay ko dati.
Pang-limang buga mula sa aking sigarilyo, nawala ang dagat sa aking paningin. Ang kaninang mga fire dancers ay napalitan ng isang matipuno, mataas, at mabangong bulto.
Napangisi ako.
Akala ko wala na siya?
"You're Wayo, right?" Nanindig ang mga balahibo ko sa pormal at malalim niyang boses.
Mula sa tiyan, tumaas ang paningin ko papunta sa nakayuko niyang mukha sa akin. Nakatayo siya sa harap ko na noo'y nakaupo. Infairness, gwapo. Hindi. Sobrang gwapo na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko!
"Yes. May kailangan ka sa akin, Sir?" Nang-aakit ang aking boses.
Nakita kong nalukot ang mukha niya. His nose crunched up, mukhang ayaw sa amoy ng sigarilyo. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtitig sa gwapo niyang mukha.
Pormal ang buhok niyang itim. Malinis na nakaparte ang kakaunting buhok sa kabila habang ang nakararami sa kabila. A clean comb over. Bumagay sa mukha niya na wala manlang burangos. Halatang malinisin.
A deep set of brown hazel eyes. Kahit madilim ay kita ko ang tapang noon. Habang tinititigan ako ng mga mata na iyon ay parang gusto ko kaagad ibigay ang aking sarili sa kaniya. It was like he's solving me like a mystery. I felt so vurnerable under this man's gaze. Ramdam ko iyon kanina pa, kahit nasa entablado pa ako.
Kahit sa pananamit, mahahalata mong napakapormal niya. Surely, a business man. Dashing a black duster jacket na may itim na turtle neck para sa panloob. That slacks na hapit na hapit sa kaniya. And a leather cape toe oxfords shoes. Mahalaga yata ang oras sa kaniya dahil sa relo niyang mamahalin. Surely, he was a very organized man.
This was a man na masarap pangarapin at the same time, nakatatakot angkinin. A high caliber kind of man.
"Done checking me out?"
I snapped back. Patago kong pinunasan ang gilid ng aking labi at baka mukha na akong aso na naulol sa kaniya. Shocks.
Ngumisi ako. "Ano nga po ang kailangan mo sa akin?"
Bumuntonghininga siya. Sinusundan ng tingin ang aking yosi. Tumaas ang isa kong kilay sapagkat sigurado akong nais niya akong suwayin, but then, his desperate request betrayed him.
"I want you to be my boyriend," walang amor niyang sabi.
Bahagya akong napatunganga sa harap niya. Nakita niya yata iyon kaya dumugtong siya.
Tumikhim siya. "For a month. Just for a month, that is."
Ah. Iyon pala. So it's like that, huh?
My smirk got laced with sarcasm. Tumayo ako habang hithit ang aking sigarilo na noo'y paubos na. Tinapon ko iyon at inapakan. Sabay sa pagtayo ko sa harap niya ay ang pagbuga ko ng usok diretso sa kaniyang mukha. I laughed im my mind when he then glared at me with that disgust on his face.
Gusto niya akong syotain? Pero diri siya sa akin? This was why I hate straight men. Parang si Richard, walang kwenta.
Infairness, ang medyo kalakihan kong katawan ay may panlaban naman sa tangkad niya. Hindi rin naman kasi ako ang tipo ng bakla na mukhang feminine looking talaga. Iyon lang, nadala ng aking mukha ang kakaunting lahi ng espanyol na mayroon sa side ng ama ko.
"Sir, performer po ako rito sa bar. Pole dancer. Pero hindi po kasama sa kontrata ko ang pagiging escort."
I heard his tongue clicked nang makabawi sa usok ng sigarilyo. His eyes became more dangerous that turn my smirk into grin. Those stare made me shudder.
"How much is your contract? I'll buy it." Desperado talaga siya.
Walang pinagkaiba kay taba. Gwapo nga, wala ring kwenta. Again, this was why I hate straight men. Tingin nila sa aming mga bakla pang-experemento. Kung hindi makuha sa mga babae ang isang-daan na pursiyento ng kaligayahan ay kami naman ang titikman.
Nakasusuka.
"Bakit ba desperado ka? Para sa isang bakla na kagaya ko?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang pa. "Sa gwapo mong 'yan mukhang babae pa ang pipila sa iyo, Sir. Kung gusto mo lang tumikhim ng bakla just to explore something new, then I am not the one. Sorry, but I am not the easy type."
Tinapik ko siya ng dalawang beses sa kaniyang dibdib na noo'y natigilan yata sa narinig. May insulto sa mga mata ko siyang tinignan bago tinalikuran. Too much of you pretty boy.
No one could dominate Warren Yoriel Esmeralda. Not even a high caliber of a man.