KABANATA 1
Toy cars. Fake guns. Robots.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga kalaro ko kung bakit gustong-gusto nila ang mga laruan na iyon. They said it was fun, pero bakit hindi ko maramdaman? Napaka-boring ng mga iyon para sa akin.
If you ask me what was fun, well...
I looked at girls my age carrying those all pink, beautiful, princess dolls. Kumikislap kaagad ang mga mata ko sa magagarbong kasuotan ng mga laruan na iyon. Those girls didn’t know fashion at all! Kung ako iyon, I'll make it wear pink top, white skirt, and baby pink flat shoes. The hair was on pony with glittering pins at both sides.
"Guns are for boys while dolls are for girls," my pre-school teacher said.
Umiyak ang batang babae na kaklase ko matapos kong agawin ang laruan niyang barbie. Tinuruan ko lang naman siya sa kasuotan, was thad bad? Bakit ganiyan sila makatingin sa akin? Was that weird? Bakit kapag silang babae naglaro ng toy cars namin, parang okay lang? Bakit kapag kami nakahawak lang ng dolls, tinititigan na ng kakaiba?
Why?
Noong tumuntong ako sa elementarya, medyo naintindihan ko na. People made a big deal when it came to sexuality. Kapag astig ka kahit sa pagporma, kapag mahilig ka sa mga action at baril-barilan, kapag marami kang type na babae, kapag nanonood kang porn, lalaki ka. Pero kapag mahinhin ka, malinisin sa katawan, nagsusuot ng pink, nagpapaiyak ng babae o nagbabarkada ng babae, sensitibo sa mga usaping malaswa, tiyak tatawagin kang bakla.
Hindi ko talaga makuha ang kaisipan na ganoon ng mga tao. Gano'n ba talaga iyon?
Nang tumuntong ako ng highschool, namulat ang mga mata ko na tama nga siguro sila. Sila na hindi ko maintindihan noon ay tila nakukuha ko na. The way I loved pink, the way I am conscious with my body like girls did, why I loved hanging out with girls, and looked at boys differently... nakuha ko na.
Believe me; I hated myself when everything dawned to me. Kasalanan iyon. Tinatak ko iyon sa aking utak dahil iyon ang sinasabi nila. Kasalanan ang magkagusto sa kaparehong kasarian. Kasalanan ang gustuhing maging babae ka kahit lalaki ka o maging lalaki ka kahit babae ka.
Doon ako nagsimulang magtago. Ang itago ang tunay na ako. I needed to wear a mask. A mask to protect myself from harm. From the society's eyes and to my family's disappointent. I was so afraid that time. I was a closet gay when I was in highschool.
But the more I hide myself, mas lalong bumibigat. Mas lalong nais kumawala. Anong magagawa ko? Ganito ako. My heart didn't beat for girls or for guns. My heart beated for boys and for beautiful Barbie dolls. Ano ba ang masama roon? Ano ba ang masama sa pagtanggap sa aking sarili? Na mahalin ang tunay kong pagkatao? Na magmahal ng tunay kahit pa sa kaparehong kasarian?
Were they really right? Were we really wrong for being like this? Why? Dahil si Adan at Eba ang para sa isa't isa? Dahil gumawa ang Diyos ng lalaki at babae at iyon ang tama? Ibig sabihin ba mali ang puso na nakalagay rito sa dibdib ko? Hindi ba kami tao na ginawa ng Diyos? Ano ba ang mali? Ang Diyos o ang paniniwala ng mga tao?
Pero nang mangyari sa akin ang bagay na iyon, hindi ko maiwasang isipin na mali nga siguro ang Diyos para gumawa pa ng pusong tumitibok. Ang sinasabi nilang tamang paniniwala sa salita ng Diyos na kami ay makasalanan, pero nangangaliwa sa kanilang mga asawa, kasama ba iyon sa pinaglalaban nilang tama? Bakit kami lang? Bakit ang mga kagaya ko lang?
College nang hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nasunod ang aking puso, napaso, nabigo, niloko, tinalikuran hindi lamang ng lalaking minahal ko, kundi pati ng buong mundo.
Hindi ko akalain na sa isang iglap babaliktad ang lahat. Kumalat sa aming paaralan ang eskandalo na ako at ang kalaguyo kong lalaki ay naghahalikan. Hindi ko alam na may nakakita pala sa amin ng araw na iyon, kinuhaan kami ng mga litrato at kumalat sa mga GC. Naisip ko pa nga that maybe, I was really framed.
How pathetic of me.
"R-Richard, ginusto mo rin iyon? G-Ginusto mo rin iyon, 'di ba?" nagsusumamo kong sabi sa harap ng lalaking nakahalikan ko, lalaking minahal ko.
Nasa loob kami ng silid noon, crowded by audiences that only wanted news. Even the teachers were not meddling, they all looked disappointed. Pero nang wala pang skandalo na lumabas, special pa sa special ang treatment nila sa akin. Mga plastic.
Ngumisi si Richard sa akin at doon pa lang, alam ko nang mag-isa lang ako sa laban.
"Ikaw lang ang may gusto, Warren. Pinagbigyan lang kita... kasi bakla ka."
Kasi bakla ka? Pinagbigyan? Tang-ina naman.
I'm a fool. Oo nga naman? Ano nga ba ang tingin ng mga lalaking ito sa mga bakla? May lalaking tunay nga ba na magmamahal sa aming mga bakla? Kung hindi pitaka, ano pa nga ba ang ibang tingin nila sa amin? Parausan sa frustrations nila na hindi minsan maibsan ng mga kababaihan?
Mga gago! Hindi rin naman namin hinangad na lalaki rin ang aming nanaisin! Did they think we became like this just for fun? Did they think we only wanted boys to fool around? Ha! Mga bakla kami na nais ding makamtan ang isang tunay na pagmamahal, kahit pa sa kapwa rin namin lalaki!
"Hindi ba at anak iyan ni Mayor? Diyos ko, hindi ako makapaniwala nang sinabi sa akin ng anak ko ang balita."
Hinding-hindi ko makalimutan ang mga mukha ng mga taong nakapaligid sa akin nang lumabas ang skandalo. Ang mga kutya sa akin sa buong paaralan. Namamawis at kabado na ako sa daan pa lamang noon pauwi. Pero baon ko ang pag-asa na hindi ako pababayaan ng sarili kong pamilya. Pamilya ko 'yun, eh.
But I was wrong.
"I-I'm home!" pilit kong pinasigla ang aking boses kahit pa gusto ko nang umatras dahil naroon silang lahat sa sala.
"Warren Yoriel, come here," maawtoridad na utos ni Dad.
I'm so afraid that time, pero umasa akong papanigan nila ako. I was ready to say sorry for ruining our image kung alam na nila. But the moment I stood in front of them at tinapunan nila ako ng nanghuhusgang tingin, agaran akong nanlamig. They were already judging me! My own family!
"What is the meaning of this?" Itinaas ni Dad ang kaniyang cellphone kung saan makikita ang litrato namin ni Richard.
"D-Dad that was—"
"Are you gay?" Kuya interrupted me, his gaze was piercing.
Napayuko ako. Wala na akong takas. Wala na akong maitatago. My being was already bared in front of me.
"I-I am." I swallowed my confession.
Hindi ko sukat akalain na ang paglabas ko sa sarili kong pamilya ay ganito. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko, pero kahit pala umamin ako nang maaga, hindi rin nila matatanggap. Ang sarili kong pamilya. No one would accept me except myself. Ang sarili ko lang ang meron ako.
"Alam mo ba kung anong kahihiyan ito, Warren Yoriel! Por diyos por santo, wala akong anak na bakla!" Dad's voice boomed at every corner of our house.
I was shaking, ang mga luha ay sunod-sunod nang umaagos. Napailing sina Ate at Mommy sa akin. I looked at my mother, pero hindi ko akalain na pati siya ay titignan ako nang naiiba. My mother, who always looked at me, like I'm the most precious person she ever had.
"S-Sorry for disappointing you, p-pero heto po talaga ako, Dad. Anak niyo ako, hindi niyo ba ako matatanggap—"
Nanlaki ang aking mga mata nang mapabaling ang aking ulo sa lakas ng sampal ni Dad. Doon ako biglang nagising sa lahat-lahat. No matter how I explained my side, kahihiyan na ako sa kanilang lahat.
"Disgusting," my own Ate said that!
"Wala kang kwenta na bata ka! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga tao sa eskandalo na ito?" si Dad.
"Alam mo ba na makasalanan ang magmahal sa kaparehong kasarian, Warren?" Kuya stated.
Shock to what he said, I looked at him as if tinubuan siya bigla ng isa pang ulo. Makasalanan? Ha! Akala ko mga kasalanan lang sa batas ang tinatanggap niyang kasalanan, I never expect my lawyer of a brother is also this biblical.
"Pamilya niyo ako, anak, kapatid... pero nasasabi niyo lahat iyan sa akin?" Tinignan ko sila isa isa until my gaze stopped at Dad in front of me. "Sino sa atin ang walang kwenta?"
"Layas," si Dad, his eyes were bloodshot. "Lumayas ka sa pamamahay na ito ngayon din! Wala akong kapamilya o anak na kagaya mo!"
I opened my eyes as the lights in the stage met my gaze. Dahan-dahan akong tumuntong sa entablado habang unti-unti nang nag-uumpisa ang mala-erotica na tugtugin. Ang roba na tanging takip sa aking katawan ay aking kinuha at hinagis sa noo'y naghihiyawan nang mga bisita. I am only wearing cycling shorts.
I glazed my body on the pole, dancing along the music. Ang sakit ng nakaraan na nanumbalik sa aking isipan ay nagpapalabas ng aking emosiyon, making my body thrilled with excitement. Tila may mga paru-paro sa aking tiyan. Bumibigat ang aking hininga.
I felt so free. Like an angel who finally found his wings. Malayang ginagalaw ang aking katawan, nilalabas ang mga nakatagong emosiyon na matagal nang naipon.
"Whoah! Wayo!"
"You're making me horny!"
"The best!"
"Wayo! Wayo!"
That's how my life started at Vizcara. Ganoon nakilala si Wayo. Kada gabi sa gitna ng entablado, pinapalambot ang aking katawan ng musika. Rito nagkaroon ng lugar ang pagkatao ko. Rito tanggap ako. Hindi minamata o kinukutya, bagkus ay pinagsisigawan ang aking pangalan.
Vizcara was my only home.
And in between my ecstasy, my eyes met those heated gaze that made every inch of my body melt.