KABANATA 21

"Putangina!" malakas kong mura sabay hampas sa puno ng niyog kung saan ko inalalay ang aking sarili.

Ang walanghiyang JM na iyon. Tarantang-taranta para kay Mikee na galos lang naman ang natamo. Binuhat pa! Samantalang ako na halos mamaga na ang paa at hindi makatayo ay iniwan lang nila roon!

"Shuta naman."

Pinunasan ko ang mga luha na hindi ko pinigilang kumawala sa aking mga mata. I'm so fucking frustrated! Masamang-masama ang loob ko. Oo, uunahin niya talaga si Mikee dahil mahal niya 'yun, pero kailangan ba talagang iwan nila ako roon? Hindi manlang ba niya ako i-check as a friend? Nakakapanlumo!

Sigurado akong putlang-putla na ako ngayon. Pinilit ko lang na makatayo kanina kahit paika-ika. Halos kinse-minutos na, malayo pa rin ako sa Vizcara. Malamig na ang mga pawis na lumalabas sa katawan ko.

I bit my lower lip hard. Tila may kuryente na dumadaloy sa paa kong namamaga patungo sa buo kong katawan. Ang sakit!

"Wayo!"

I gasped at kaagad na inangat ang aking paningin. Umasa ako na si JM iyon, kaso nang makita na ang afam lang pala kanina ay tila mas sumakit yata ang katawan ko. I smiled weakly.

Wala na yatang plano na balikan niya ako. Sana all inuuna sa lahat ng bagay. Sana all si Mikee.

Hindi ka naman kasi mahal, Wayo. Napabusangot ako sa naisip kong iyon.

"H-Hey..." Pilit akong ngumiti sa poging afam kahit hindi na siguro maipinta ang mukha ko.

Maagap naman siyang lumapit sa akin para alalayan ako. "Are you okay? Looks like you're hurting a lot."

No choice. Kapit na tayo sa afam, Wayo. Sobrang sakit na talaga, shuta! Kung papaalisin ko pa 'tong afam, baka gumapang na ako makauwi lang ng Vizcara.

"Yes, I sprained my ankle and it hurts a lot. Sorry, but could you help me get back at Vizcara?" nangingiusap kong saad.

Patay-hiya na lang, Wayo.

"Of course! Come, I'll carry you."

Mabilis namang naupo ang matulunging afam sa harap ko para makasampa ako sa kaniyang likod. Kalimutan muna natin ang landi, Wayo. Awang-awa ako sa sarili ko dagdag pa ang sama ng aking loob. Did I deserve to be treated like this?

"Oh! Anong nangyari sa'yo, bakla?" taranta at concern na boses ni Teyang ang sumalubong sa amin ni afam.

Maingat niya akong inupo sa isa sa mga upuan doon. Agaran ko siyang pinasalamatan at akala ko'y aalis na siya, bigla pa siyang naupo sa harap ko para tignan ang namamaga kong paa. I whinced in pain nang mahawakan niya iyon at suriin.

"H-Hey, it hurts. It's fine now, you can go..." ani ko rito.

"Nah, we need to do something about this immediately. We need cold compress," utos niya kay baklang Teyang na kaagad namang sumunod.

Buti pa 'to! Ngayon ko lang nakilala pero tinulungan ako. Samantalang iyong si JM, jusko. Kahit tanungin kung masama ba ang lagay ko o hindi, wala! Iniwan lang ako basta-basta na akala mo'y mamamatay na iyong Mikee niya. Galos lang naman ang natamo no'n!

"T-Thank you," pagpapasalamat ko sa hindi na mabilang na pagkakataon sa afam na hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Ngumiti siya sa akin. "Just have a drink with me tonight."

Marahan niyang ginulo ang buhok ko sabay paalam nang aalis. Babalik daw siya mamayang gabi to have a drink with me. Siyempre hindi ko tinanggihan. Ang laki ng tulong niya sa akin ngayong araw.

"Ano ba ang nangyari sa'yo, bakla? Naku, lagot ka kay Mama mamaya at hindi ka makaka-perform niyan," pangaral ni Teyang.

I rolled my eyes at him. Lagot talaga ako nito. Mabuti wala pa sila ni Tenten ngayon. Sana kumunti na ang pamamaga bago makauwi sina Mama Jessie.

"Natapilok nga ako sa hagdan doon sa groto. Peste si JM, iniwan ba naman ako roon," pagmamaktol ko.

"Ay, kawawa ka naman. Baka kasi may ibang inuna kaya ganoon," pagpaparinig niya habang nagpupunas ng mga baso.

Pabiro ko siyang tinapunan ng tissue na nasa tabi ko at ang gaga tinawanan lang ako. Gosh, hindi manlang nabawasan ang sama ng loob ko! Sana mamaya kapag nakipag-inuman ako sa afam na iyon, mawala na.

Ang tanga-tanga mo naman kasi, Wayo. Ano, lalaban ka pa ba? Napapala mo sa pagkakagusto sa mga lalaking too good for you. Dapat sa'yo iyong mga wild rin at handang sakyan mga kagagahan mo. Si JM, talagang mga Mikee ang nais no'n.

Eh, hindi ba si Richard ay wild naman, bakit sinaktan ka pa rin? Singit ng hukluban kong isip.

Tse! Gago lang talaga ang isang 'yun!

"Hoy bakla, beauty rest lang muna si watashi," paalam ko kay Teyang at paika-ikang naglakad.

"Rest lang bakla. Ang beauty, naka'y Mikee."

"Che! Inggrata! Pangit mo!"

Pabagsak kong sinara ang pinto ng kwarto ko at hinayaang humalakhak mag-isa ang baklang Teyang sa labas. Pagod akong nahiga sa higaan ko habang iniingatang hindi masagi ang namamaga kong paa sa kung saan. Shuta, parang kinukuryente ang buo kong katawan kapag nagalaw, eh.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung nangumusta manlang ba si JM sa akin pagkatapos nila akong iwan, ngunit mas nangalit lang ang kalooban ko nang makitang wala. Grabe naman! Anong klaseng galos ba ang natamo no'ng Mikee? Bumuka ba tuhod no'n para mabalewala niya ako ng ganito? I mean, hello? Kahit concern as fake partner niya manlang? Heto ba makukuha ko sa pagtulong ko sa kaniya?

"Grabe, mas masakit pa 'to kaysa sa ginawa sa akin ni Richard noon. Bakit gano'n?" masama ang loob kong saad sabay punas ng mga luha kong nagsilabasan na. "Grabe ka naman, JM."

Kaya ayaw ko talagang nagkakagusto ako sa isang tao, ang bilis kong masaktan. Ang bilis kong maging emosiyonal. Oo gaga ako at naglalandi, pero marupok lang 'tong puso ko. Funny how different JM with Richard, pero kahit hindi naman kami ay labis na akong nasasaktan. How much more kung naging syota ko pa 'yun? Which is malabo rin sa malabo.

Ako lang naman kasi ang may gusto at hindi pa niya alam!

"Ang hirap pala labanan no'ng Mikee riyan sa puso mo, shuta. Lakas ng loob kong sabihin na lalaban ako, matatalo rin pala ako kaagad!"

Marahas akong bumaling patagilid sa kama at kaagad ring ngumiwi nang sumakit ang namamaga kong paa. Marami pa akong naisip na puro lang naman si JM at Mikee hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.

Naisip ko noon na mabuti nga siguro kung sabihin ko na kay JM na ayaw ko na. Bahala na siya kung paano niya paibigin ang Mikee niya. Dahil kung ipagpapatuloy ko pa ito, baka malunod lang ako sa labis na sakit.

Natatakot na ako.