Mula sa espasyo ng mga jalousie na gawa sa kahoy, malayang pumapasok ang sinag ng papalubog na araw na tumatama sa mga arm chair at sa mga gamit sa kalahating bahagi ng room.
Naka-upo ako sa isa sa mga arm chair, nakapikit, nakaharap sa sinag ng araw, at naliligo sa init na hatid nito.
Agad kong minulat ang mga mata nang makarinig ng shutter sound. Nakita ko si Tan-Tan na nakatayo ilang dipa ang layo sa akin, hawak ang cellphone niya at nakatutok sa akin.
"Hoy, Tan-Tan! Huwag ka ngang basta-bastang kumukuha ng litrato dito. Mamaya may sumamang hindi tulad sa atin. Nakalimutan mo na ba kung anong room 'to?"
Agad akong tumayo at hinablot ang cellphone niya at balak sanang burahin ang larawan subalit bago ko pa magawa na agaw na niya ito.
"Alam mo ikaw, you believe in a lot of things," sabi niya at isinuksok sa kanang bulsa sa harap ng kaniyang pantalon ang cellphone. "We better start cleaning already, para matapos na tayo agad at makauwi na. This day is so tiring."
Naglakad siya papunta sa lagayan ng mga walis at kumuha ng dalawang tambo. Tahimik akong sumunod sa kaniya. Pagharap na pagharap niya nginitian ko siya nang malapad at agad na yumuko. Maingat kong dinukot ang cellphone niya. Nang makuha ito, agad akong tumakbo at hinanap ang litratong kuha niya kanina.
"Tin-Tin!"
Binelatan ko siya at naghabulan kami sa loob ng room. Ang mga alikabok na tinatamaan ng sinag ng araw ay nagmimistulang butil ng ginto sa kinang na maihahalintulad sa mga ngiti namin ng mga sandaling iyon habang nag-aagawan sa cellphone. Bago iyon naglaho na parang bula at pareho kaming namutla sa takot nang may kumalabog sa c. r.
Napatingin kami sa isa't isa at alangang ngumiti.
"Hangin lang iyon. Humangin lang tapos may nahulog."
"Yeah," pagsang-ayon niya.
"Sa tingin ko, mas makabubuti kong umuwi na tayo. Bukas na lang ako maglilinis kasama ng mga classmates ko. Wala pa namang list of cleaners, kaya sigurado akong hindi magagalit si ma'am. Halika na!" Mabilis kong sabi.
Marahas kong binigay sa kaniya ang cellphone at nag-martsa papunta sa upuan ko. Isinukbit ko ang backpack ko at tumingin sa kaniya na tila nabato sa kinatatayuan niya.
"Let's go!
Dali-dali siyang naglakad palapit sa akin pero bigla na lamang napatigil nang muling may kumalabog sa banyo. Sa pagkakataong iyon, sigurado akong hindi na iyon basta-basta hangin lang.
Pareho nang dilat na dilat ang mga mata namin. Sabay kaming napatingin sa banyo at sa isa't, kasabay ng pagkurap ng aming mga mata, ay ang sabay ding pagtakbo namin palabas-takot na takot na takot.
Iniwan ko sa guard ang susi ng room namin, walang akong sinabing kung ano at nanginginig ako nang sobra habang inaabot iyon.
Alam kong may mga tinanong siya sa akin pero hindi ko maalala kung sinagot ko ba ang mga iyon.
Hanggang sa maka-uwi kaming dalawa, walang salitang lumabas sa bibig namin ni Tan-Tan. Sa sobrang takot ko, tinawagan ko siya at buong gabi kaming magka-usap. Kinabukasan, natawa na lamang kami nang malamang ang kalabog na narinig namin ay galing sa dalawang dagang nalaglag sa walang lamang balde at sinubukang makalabas. Buong araw iyon ang laman ng usapan namin at buong araw din kaming tumatawa.
Isa iyon sa mga ala-ala na kasama siya na, tumatak talaga sa isip ko, ang takot tapos ang kakaibang ginhawa at saya na pareho naming naramdaman ng mga panahong iyon ay lalong nagpatibay sa pagkakaibigan namin.
Sa huling pagkakataon, pinasadahan ko ng tingin ang room kung saan nangyari ang lahat at nagsimulang lumisan.
Simula Grade 1, parte na ng buhay ko si Tan-Tan. Bago pa magsimula ang araw hanggang sa matapos, nandiyan siya palagi. Kaya sobrang hirap mag-adjust nang umalis kami. Ilang taon din ang binilang bago ako masanay na walang Tan-Tan sa tabi ko.
Alas-singko dose na. Base sa oras na nasa wristwatch ko. Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa gate habang inililibot ang mga mata sa lugar na dati'y kilala ko ngayo'y hindi na masyado.
Nang makalabas ako ng campus, tinahak ko ang daan papunta sa playground. Buhay na buhay na ang paligid. May mga ihaw-ihaw sa tabi, nag-iinuman, naglalaro ng online games at nagtsi-tsismisan. Iba't ibang uri ng mga tao ang nakakasalubong ko at iba't ibang uri ng mga sasakyan ang dumaraan sa tabi ko. But for some reason, It feels lonely. Hinahanap ko siguro iyong dating senaryo. Iyong mga batang naglalaro pa rin, sinusulit ang buong araw, iyong mga binatilyo't dalagitang nakatambay sa gilid ng daan at nagtatawanan o kaya'y seryosong nag-uusap tungkol sa buhay. Iyong panahong simple lang ang lahat sa paningin at pananaw ko.
Everything changed.
But that sense of unfamiliarity faded the moment I laid my eyes upon the playground. It remains the same, like how it was that night we made those promises. Napangiti ako at agad na inakyat ang hagdan ng slide na gawa sa bakal. Umupo ako sa dulo at pinagmasdan ang obra maestra ng kalikasan-ang kalangitang resulta ng pagtatagpo ng dilim at nang tila sumusuko ng liwanag.
Nakatingin lang ako sa kalangitan hanggang sa lumitaw ang mga bituin. Wala akong iniisip na kahit ano kaya marahil hindi ko namamalayan ang paglipas ng oras.
"Tin-Tin!" Napatingin ako sa baba kung saan nanggaling ang boses at nakita si ate. Napakunot ang noo ko. "Bumaba ka nga diyan! Pinag-alala mo ako, akala ko kung ano nang nangyari sa iyo! Ba't 'di mo sinasagot ang tawag ko? Mahirap bang gawin iyon?"
Doon ko lang napansin na may mangilan-ngilang bilang ng tao na pa lang nakatambay sa kaninang tahimik na playground at balot na sa dilim ang buong paligid. Wala akong kamalay-malay.
Ipinagsawalang bahala ko iyon at nag-slide pababa. Alangan akong naglakad ako palapit kay ate dahil sa maitim na awrang bumabalot sa kaniya. Napalunok ako ng laway nang tumigil ako sa harap niya. Ibubuka ko na sana ang bibig para batiin siya pero hindi ko na nagawa. Gigil na gigil niyang piningot ang tenga ko.
"Aray!" sigaw ko.
Sinamaan ko siya nang tingin na ginantihan niya at ginawang triple ang sama dahilan para umurong ang tapang ko.
"Aray mo mukha mo! Bwisit ka! Pinakaba mo ako ng sobra!"
"Bitawan mo kaya muna tenga ko bago mo ako sermunan," parang bata kong sabi.
"Hindi! Hihilahin ko 'to hanggang sa maka-uwi tayo! Lakad!"
"A-Aray! Ate naman!"
"Lakad sabi e'!"
"Ito na! Ito naman! Nawili lang e'. Sorry na!"
"Where's your phone?"
Agad kong kinapkapan ang sarili at naramdaman ito sa kanang bulsa sa harap ng pantalon ko. Agad ko itong dinukot at inabot sa kaniya.
"Here!"
Sinubukan niyang buksan iyon pero ayaw mabuhay.
"Na-lowbat ako kanina. Magpapalitan sana kami ng contact number ni Ma'am Emillia kaso, biglang namatay ang phone ko."
"Ba't hindi ka umuwi agad?"
"E' sa ayaw ko pa e'!"
"Hawakan mo itong walang kwentang cellphone mo!"
Marahas niyang inabot sa akin ang cellphone ko at sa wakas binitiwan na din niya ang tenga ko. Dinukot niya ang cellphone niya at may tinawagan. Huminga siya nang malalim.
"Nahanap ko na po siya, lolo Pyerrot, pakisabihan na lang po sina Mang Mindu at iyong iba. Pasensiya na po talaga," kalmado niyang sabi.
Gulat na gulat ako sa narinig.
"You made a big deal out of this?"
Sinamaan niya ako nang tingin.
"Alam mo ba kung anong oras ka umalis?"
"Three something?"
"Anong oras na ngayon?"
Agad akong tiningnan ang wristwatch ko at napasinghap.
"Oh my god! Seryoso?"
Mag-i-eight-thirty na nang gabi.
"Oh my god! Seryoso?" panggagaya sa akin ni ate.
"Halos limang oras ka ng nasa labas. Tapos, hindi ka pa ma-contact. Sa tingin mo anong gagawin ko? Tutunganga? Hihintayin na may magbalita sa akin na may masamang nangyari sa'yo? Gaga ka ba? Big deal! Pasalamat ka nga hindi ko pa natawagan sina mama e'! Kasi kung hindi pa talaga kita nakita dito, handa na akong magpasabon kay mama at magpabanlaw kay papa. Baliw ka!"
Ramdam ko ang labis na takot at pag-aalala niya na pilit niyang ikinukubli sa galit at mataas niyang boses.
"I'm sorry, ate," mangiyak-ngiyak kong wika at niyakap siya ng mahigpit.
"Tsk!"
Muli niyang piningot ang tenga ko pero sa pagkakataon iyon hindi na masyadong masakit.
"Pagbalik natin, humingi ka ng pasensiya kina lolo Pyerrot a'."
"Yes, ma'am."
"Alis na tayo bukas."
"Huh? Akala mo ba mags-stay tayo ng ilang araw dito?"
"Sinabi ko iyon kasi akala ko nandito si Tan-Tan. Para, alam mo na, mabawi niyo iyong nawalang mga taon but since, wala naman siya, we better get going."
"Okay. Wala namang problema sa akin iyon."
"Ganoon lang? Ganoon-Ganoon lang? Hindi ka man lang ba kokontra?"
Napatigil ako sa paglalakad.
"That's it! I knew something is up! What is it? Tell me!" excited kong sigaw na parang bang may nalaman akong sikretong matagal ko ng sinusubukang malaman.
Simula pa lang alam ko ng may mali, hindi ko lang matulunton kung ano. Si ate iyong tipo ng tao na hindi basta-basta ibinababa ang pride niya, no, never niyang binaba ang pride niya kahit kanino. Hindi sa akin, hindi kina mama at papa, hindi kay lola at lalong hindi kay kuya Justin. She never said sorry first, kahit siya ang mali. Kayang-kaya niyang tiisin ang kahit na sino sa mahabang panahon. As in, mahabang panahon at hindi siya nagbago kahit nang makilala niya at ikasal sila ni kuya Justin.
Bakit ngayon biglang nag-iba ang ihip ng hangin at siya ang unang lumalapit kay kuya Justin?
Isa lang ang naiisip kong posibilidad at napaka-imposible ng bagay na iyon.
Ate stayed silent for a while as if she's contemplating if she should said it or not. Wala akong makitang kalungkutan sa mukha niya na mas lalong nagpapatibay sa paniniwala kong hindi nambababae si kuya pero mabuti nang sabihin ko kung anong nasa isip ko.
"Ate, oo, maingay ka, bungangera, maitim ang budhi, masakit magsalita, matigas ang ulo, pasaway isip bata-"
"I'm pregnant! Isang buwan na!
"Ate naman! Hindi nagloloko si kuya Justin. Mahal ka no'n. Sobra! Alam-Huh?"
"Pinagsasabi mo? Ikaw! Huwag mong sinusumpa iyong kasal ko! Sinasabi ko sayo!"
Natigilan ako nang mapagtanto kung anong sinabi niya kanina. Agad akong napasinghap at gulat na napatingin kay ate. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at nagtatalon.
"You're pregnant? Oh my God! Hindi nga? Seryoso? What the f-"
Agad na hinawakan ni ate ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya dahilan para mapanguso ako at matigil sa pagsasalita at pagtatalon habang ang isa ay naka-amba naman ng suntok.
"Sige, ituloy mo. Babangasan ko talaga iyang bunganga mo!"
Iwinaklit ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan ko nang mahigpit ang mga iyon.
"Alam na ba nina mama at papa? Ni lola? Ni kuya Ju- Ah! Kaya ka nagmamadali? Oh my god! Ate! Congratulations!"
"Actually, last night kaya ako nagpunta sa room mo para sabihin na may bata na nga dito," turo niya sa tiyan niya, "kaya lang nakalimutan ko nang makita ko iyong larawan niyo ni Tan-Tan."
"What?"
"Tapos, nang nasa room ko na ako, doon ko naalala, kaya lang naisip ko na baka tulog ka na. Ayaw ko ng disturbuhin ka, then, pumasok sa isip ko sina mama, kaya tinawagan ko sila, I was about to tell them about the good news after kung masabi na uuwi tayo kaya lang nasigawan naman ako at pinatayan kaya hindi ko nasabi. Tulog na din si lola. Si Justin naman, gusto kong sabihin sa kaniya ng personal at gusto ko sanang siya ang unang makaalam kaya lang hindi ko talaga mapigil iyong saya, it's overflowing! Gusto kong sabihin sa iba, but in the end wala akong nasabihan kung kailan gustong-gusto kung may pagsabihan."
"So, it means, ako ang unang nakaalam?"
Tumango-tango si ate.
"Ay! Ang saya! Ang saya-saya! Tara na, ate! Tara na! Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksiyon ni kuya Justin bukas! Sisiguraduhin kong maku-caught on cam ko iyon! Ay! I can't wait. Let's leave early tomorrow! Kaya matulog tayo ng maaga after dinner. Let's go!"
...
"Bakit inaantok ka?" tanong sa akin ni ate pagkaupong-pagkaupo ko.
"Hindi ako nakatulog kagabi," walang lakas kong sabi at nakapikit na sumandal sa matigas na backrest ng kahoy na upuan.
"Oo nga pala," agad akong umayos ng upo at humarap kina Mang Mindu, "pasensiya na kayo Mang Mindu, kuya Lawrence, hindi kayo naka-inom kagabi. Miss na miss na po talaga ni ate si kuya Justin kaya hindi na po siya makapaghintay na makita ang asawa niya kaya atat na umalis. Sorry po talaga."
Sinipa ako ni ate at sinamaan nang tingin.
"Pinagsasabi mo?"
Napatawa si Mang Mindu.
"Wala iyon, ano ka ba, iha, ayos lang, meron naman kaming dalawang linggo para gawin iyon."
"Oo nga, Tin-Tin, dalawang linggong panay tungga lang ng alak!"
"Aysus! Hanggang salita ka lang naman Lawrence e'. Kapag sinabi ni Oriette na uwi, wala ka namang magawa kun'di sumunod."
Tukso ni ate dahilan para mapakamot nang nahihiya sa likod ng kaniyang batok si kuya Lawrence at mapangi ng alangan na nagpatawa sa amin ni Mang Mindu.
"Tama na iyan. Editte, Nelcie, Biang, halika na kayo dito. Maupo na kayo."
Matapos sabihin iyon, agad na umupo si lolo Pyerrot sa pwesto niya, at gaya kahapon, sabay-sabay kaming kumain.
...
"Aalis na po kami, lolo Pyerrot, aling Editte, ate Nelcie, ate Biang."
Nakangiti akong tinanguan ng tatlong babae.
Nakatayo kami sa tapat ng bahay at sa tabi ng van.
"Mag-iingat kayo."
"Pasensiya na po ulit kayo sa nangyari kahapon, naabala ko pa po kayo."
"Huwag mo ng isipin pa iyon, ineng. Ayos lang," sabi ni aling Editte.
"Kitakits na lang po tayo ulit sa piyesta," sabi ni ate. Kagabi, napag-usapan naming dalawa ang tungkol doon at pumayag naman siya nang nagpaalam ako.
"Nandito kayo sa piyesta, ate Bridgette?" sigaw ni ate Klaren habang patakbong lumalapit sa amin mula sa gate nila. Kasunod niya si tita Triahlyn na mahinhing naglalakad.
"Talas ng pandinig mo, Klaren!" Kinindatan lamang siya ni ate Klaren at yumakap sa braso ni ate nang makalapit samantalang umakbay naman siya sa akin. "Tita Triahlyn," gulat na sabi ni ate nang makita ang ina ni ate Klaren. "Oh my God!" Pumito siya gamit ang kaniyang bibig. Iyong pitong naririnig mo sa mga tambay kapag may seksing dumaraan. "Tumatanda kayo ng paurong, tita! Mas lalo kayong gumaganda, sumeseksi at bumabata! Anong sikreto niyo?"
"Che! Bolera!"
Tumawa lang si ate.
"Kaka-uwi niyo lang po?"
"Oo."
"Si tito Rey?"
"Nagpa-iwan. Ang dami pa kasing gagawin."
"Ah?"
May ari ng isa sa pinakamatanda at pinakatanyag na pagawaan ng mga muwebles sa buong probinsiya ang pamilya nina ate Klaren, specifically, iyong papa niya—si Tito Rey.
Matatagpuan sa kalapit na siyudad ang shop at workshop nila. Iyon ang rason kung bakit madalas silang wala at halos hindi makita. Sa pangangalaga ni lola nila ibinibilin sina ate Klaren at Tan-Tan, dahilan kung bakit ganoon na lang kami kalapit na apat—ako, si Tan-Tan, si ate at ate Klaren maging ang mga magulang namin.
"Pauwi na ba kayo?"
"Hindi pa po. Ang totoo papunta kami sa resort ng asawa ko, dumaan lang kami dito para kamustahin ang lugar at siyempre kayo na rin po."
"May asawa ka na pala? May anak na ba kayo?"
Kagat-labing napatangin sa akin si ate at agad ding ibinalik kay tita Triahlyn. Nahihiya siyang napakamot sa ulo.
"Ah, magkakaroon na po. Buntis po ako."
"Ano?" malakas na sigaw ni ate Klaren sa gitna ng pagsinghap ng iba.
Shit! Kailan ba ako matuto?
Ilang minuto akong nabingi, hindi marinig ang masasayang pagbati nila kay ate. Next time, kapag nandito ako, I should always wear an airpods with noise cancellation feature. Kapag magkasama silang dalawa, bigla-bigla na lang may sisigaw.
"Bridgette?"
Agad akong napatingin sa tabi ko nang marinig ko iyon.
"Aling Mary?"
"Bridgette! Oy, kamusta na?"
Naglakad siya palapit kay ate at nakisali sa usapan.
Si Aling Mary ang may-ari ng tindahan sa harap ng bahay namin na madalas naming utangan dati.
"Tin-Tin?"
Muli akong napalingon sa tabi ko at kumunot ang noo ng makita ang isang mamang kilalang-kilala, sa tingin ko'y nasa singkwenta na ang edad niya ngayon at bitbit pa rin ang palagi niyang bitbit dati na labis naming ikinakatuwa kapag nakikita namin ni Tan-Tan.
"Tatay Fredo?"
"Ako nga!"
Masaya akong tumakbo palapit sa kaniya.
"Nagbebenta pa rin ho kayo ng taho?"
"Oo."
"Magkano po?"
"Ten pesos."
"Dalawa po."
"Kamusta na?" tanong niya habang inihahanda ang taho ko.
"Ayos naman po."
"Kayo po?"
"Ayos lang din."
Sandali pa kaming nag-usap ni 'tay Fredo bago siya nagpaalam at sa sandaling panahon na iyon, nalaman kong nakapagpatapos na siya ng dalawang anak at ngayo'y maayos na ang buhay niya't maginhawa. Patuloy pa rin siya sa pagtitinda ng taho kasi hinahanap-hanap ng katawan niya ang pagod at init.
"Bridgette!"
Napaangat ako ng tingin at nakita si Aling Rose na naglalakad palapit. Siya ang may-ari ng bakery na dating pinagtatrabuhuan ni ate.
"Bridgette!"
"Tin-Tin!"
"Bridgette!"
"Tin-Tin!"
"Bridgette!"
...
"My god! Akala ko talaga hindi na tayo makakaalis? Anong oras na?"
Agad kong dinukot ang cellphone ko at inalam ang oras.
"Eleven fifty-four."
"Ano? Alas-sais tayo lumabas ng bahay para makaalis at alas-onse na? Kaya pala nagugutom na ako. Hindi ko man lang namalayan ang oras."
Napatingin kami kina kuya Lawrence at Mang Mindu nang sabay silang tumawa. Si Mang Mindu ang kasalukuyang nagda-drive.
Inabot sa amin ni kuya Lawrence ang isang pink na eco-bag.
"Ito oh. Ipinagbalot tayo ni lolo Pyerrot ng pananghalian. Kainin niyo na habang mainit pa."
"Kayo po?"
Itinaas ni kuya Lawrence ang kulay asul na eco-bag habang may malawak na ngiti sa labi. Sinuklian namin iyon ni ate nang mas malawak na ngiti.
"Tumigil po muna kayo diyan sa tabi Mang Mindu. Sabay-sabay na po tayong kumain."
"Sigurado ka? Hindi ba't nagmamadali ka? Pwede namang mauna na munang kumain si Lawrence habang nagda-drive ako, pagkatapos, palit kami."
"Sigurado po ako. Hindi naman po aalis si Justin do'n. Isa pa po, mahirap kumain ng umaandar ang sasakyan, baka hindi pa po kami matunawan."
"Kung ganoon, sige."
...
Tahimik kaming kumakaing apat at nasa pagkain lamang ang buong atensiyon dala ng labis na gutom ng basagin iyon ng biglang pagtunog ng cellphone ko. May natanggap akong text.
Inilapag ko ang lunchbox sa espasyo sa gitna namin ni ate at dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Agad ko iyong binuhay at pinindot ang notification para sa mensaheng iyon.
Nabato ako sa nabasa. Nagawang yanigin ng tatlong salitang iyon ang sistema ko.
Nanginginig kong itinaas ang cellphone ko at muling binasa ang text ni kuya Justin para makasigurado.
'Alfred is here.'
Napapikit ako nang mariin. Dismayadong-dismayado sa nabasa.
Anong klase ng laro 'to, tadhana?
Bakit?
Bakit?
"Bakit?"
"Huh?" sabi ni ate na puno ang bibig.
Umiling ako.
"Oh."
Nagpatuloy siya sa pagkain.
Sa ikatlong pagkakataon, binasa ko ang text message at napabuntong-hininga.
Siguro naman, hindi magtatagpo ang mga landas namin? Malawak ang resort, sobrang luwag, kaya napaka-imposibleng magkita kami. Tama! Imposible ngang mangyari iyon. Tama.
Let's stop thinking about that. Balak ko na sanang isuksok pabalik sa bulsa ang cellphone ko ng muli itong tumunog. May natanggap na naman akong text galing kay kuya. Agad ko iyong binuksan.
Napaawang ang mga labi ko.
'He's staying in front of the room na pina-reserve ko para sa'yo.'
"What. The. Fuck!"
Natigilan ako nang makaramdam ng masamang enerhiya sa tabi ko. Dahan-dahan akong tumingin kay ate.
"Anong sabi mo?"
Alangan akong tumawa at ibinigay sa kaniya ang cellphone ko para wala nang pali-paliwanag.
"What. The. Fuck!"
See, she reacted the same way I did. Agad niyang pinindot ang call button sa itaas na kanang bahagi ng screen nang nanggigigil at inilapat sa kaniyang tenga ang cellphone ko.
"Kapag hindi mo pinaalis ang gagong iyan diyan sa resort, ikaw ang aalisin ko sa buhay ko at sa buhay ng magiging anak natin!" malakas at mabilis na sigaw ni ate na nagpanganga sa akin at kina Mang Mindu at kuya Lawrence.
Habol ang hiningang napatingin siya sa amin, kunot ang noo.
"Ano?" galit niyang tanong.
"A-Ate, yo-you just—"
Agad siyang natigilan at napasinghap. Napatakip siya sa kaniyang bibig gamit ang libre niyang kamay samantalang natampal ko naman ang sariling noo at napailing-iling.
"Wh-What di-did yo-you ju-jus-just said?" rinig kong tanong ni kuya Justin. Confusion and excitement is all over his voice.
Ate tap the red call button—the end call button marahil dala nang labis na panic pero hindi pa lumilipas ang isang segundo, agad na lumabas ang pangalan ni kuya sa screen ng phone ko.
"What should I do? What should I do? I want to tell him in person, not like this!"
"Ba't ka kasi nagpadala sa emosyon mo?"
"Ano?"
"Wala. Sabi ko, sabihin mo na. May iba ka pa bang pagpipilian?"
"Meron."
Agad niyang sinagot ang tawag.
"It's a prank! You've been pranked! I prank you!"
"What?" rinig kong natatawang sagot ni kuya. "Prank?"
"Oo! Prank! Alangan namang totoo iyon! Hindi a'! Hindi 'no! Hindi talaga! Prank lang!"
Kahit ako, hindi maniniwala sa pinagsasabi ni ate.
"Yehey! I've been prank by my beautiful wife! I'm going to be a father soon!"
Sa tono ng boses niya, pinipigil niya ang hindi umiyak. He's happy. So, happy! Super happy! I want to see his reaction so bad, pero anong magagawa ko? Siguro, sa pangalawa na lang.
You see, watching men so happy that they cried whenever their wife or their partner tells them that they're going to be a father soon, is really heartwarming.
That's one of the reason that despite of what happened to me and Alfred, I still believe in love.
Love is such a wonderful feeling.
...