'Malapit na ba kayo?'
Napabuntong-hininga ako nang malalim sa ika-hindi ko na mabilang na pagkakataon. Simula ng ibaba ni ate ang tawag, inulan ako ni kuya ng paulit-ulit na mensahe na may tatlumpung segundong pagitan sa bawat isa. Paano ko alam? Kasi binibilang ko. It's been an hour, imposibleng hindi ko mapansin iyon.
Muli akong bumuntong-hininga at pinatay ang cellphone ko. Sumandal ako sa backrest at tumingin kay ate, tulog na tulog siya.
Napangiti ako. Buti naman. Ang ingay niya kasi kanina parang bubuyog bulong ng bulong, hindi ko naman maiintindihan.
Ipinihit ko ang ulo sa bintana at pinagmasdan ang kalangitan. Nag-aalala ako. Nando'n siya. Paano kung sakaling magkita kami? Paano ko siya kakausapin? Paano ko siya haharapin? Bilang sino? Ang ako na nilikha ko base sa ugali ng mga babaeng naging girlfriend niya-ang perpektong kasintahan na tanging siya lang ang nakakakilala? O, ang ako na kilala ng mga taong malalapit sa akin maliban sa kaniya?
Now that I think about it, 'ni isang beses hindi ko ipinikita sa kaniya ang tunay na ako. Hindi dahil hindi ako kampante na magugustuhan niya ako, kung hindi dahil natatakot ako. Natatakot ako na masayang ang pagkakataon na maging kami. Bago ko pa mamalayan, tatlong taon na pala ang lumipas at nasanay akong harapin siya sa bersyon kong nilikha ko para lang sa kaniya dahil kahit hindi ko man aminin, naging kami dahil do'n.
Napabuntong-hininga ako. Kung may isang bagay man akong pinagsisisihan, iyon ay ang kumapit ako ng matagal sa kaniya at ikinulong ang mga sarili namin sa isang relasyong pinagbigkis ng kasinungalingan.
Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sariling lamunin ng mundo ng panaginip.
...
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na putok ng kung ano-ano at ingay ng mga taong nagsisigawan at nagpapalakpakan na kahit sino mararamdaman ang labis na kagalakan na nararamdaman nila. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at umayos ng upo.
Nakita ko si Mang Mang Mindu sa driver seat at nakatingin sa labas habang may malawak na ngiti sa labi. Sinundan ko ang mga mata niya at nakita ang tumpok ng mga taong nakasuot ng pulang uniform mula sa malawak na nakabukas na pinto ng passenger seat, pumapalakpak ng walang tigil at halatang pilit na pilit ang malawak na ngiti sa kanilang mga labi. Sa harap nila'y isang tarpaulin na kasing lapad at laki ng isang kobre kama ng queen size na kutson, dito naka-imprinta ang mga katagang 'Welcome, Ms. Luaton at Sister-In-Law!' na pupusta ako ng isang milyon, agad niyang pinagawa no'ng malaman niyang pupunta kami ni ate dito.
Wala namang masama doon, ang masama iyong picture na nasa tabi ng titulo namin ni ate na nagpa-awang sa mga labi ko at nagpakulo ng dugo ko sa puntong kayang-kaya kong pumatay ng tao ng hindi nakokonsesensiya. Iyong sa kaniya iyong pinaka-magandang picture niya no'ng kasal nila. Iyong akin? Iyong picture kong nagsusuka sa garden ng hotel kung saan ang reception nila, hindi iyong kuha sa likod kun'di iyong kuha sa harap. Kitang-kita ang ekspresyon ng pagmumukhang kong hirap na hirap at kung paano lumabas ang suka sa bibig ko.
"May kopya ako ng litratong mong iyan?" biglang sabi ni Mang Mindu dahilan para mapatingin ako sa kaniya na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Sumalubong sa akin ang likod ng isang cellphone at ang sunod-sunod na shutter sound. Nang mapagtanto ko iyon, nakababa na si Mang Mindu.
"Pasensiya na, iha. Utos ng lola mo! Sinusunod ko lang!"
Matapos niyang sabihin iyon, agad niyang isinara ang pinto at tumakbo ng mabilis.
"Mang Mindu!" madrama kong sigaw at inunat ang mga braso ko sa direksyon niya. "Mang Minduuuuu!" Pero, apologetic lang niya akong tiningnan at nagpatuloy sa pagtakbo.
Inis kong ibinaling ang atensiyon sa direksyon nang ngayo'y magkayap ng sina ate at kuya Justin. Isinukbit ko ang bag ko at padabog na bumaba. Malakas kong sinarado ang pinto ng van at gaya ng inaasahan ko napunta sa akin ang atensiyon nilang lahat. Humalukipkip ako at dahan-dahang naglakad palapit kina ate na may tinging kahit sino kakabahan. Bawat hakbang ko, ilang libong beses ko na silang napatay sa utak ko. Sigurado akong pinagplanuhan nila itong tatlo pero iyong pasimuno si lola na siguradong nagpapagulong-gulong na sa sahig ngayon sa kakatawa na mas lalong nakakapanginig ng laman dahil naririnig ko sa utak ko ang paghalakhak niya.
I stop right in front of them and smile. A creepy one. Magkasunod ko silang binalingan ng tingin na hindi binubura ang ngiti sa labi at inilingkis sa magkabilang braso nila ang mga braso ko.
"Let's go. Nagugutom na ako. Sigurado naman akong pinaghanda mo kami ng makakain kuya 'di ba?" tanong ko sa pinakamalambing na tono ng boses ko.
"O-"
"Sa dami ng staff na kasama mo sa pagsalubong sa amin, may naiwan pa ba sa loob ng resort? Baka mamaya bumaha ng complaint imbes na pagbati."
I looked at ate after I said that, sinalubong ako ng dilat na dilat at nanlilisik niyang mga mata.
Kuya smiled.
"You don't have to worr-"
"Kapag nakaabot iyon kay uncle Gyles, naku!" I saw his smile slowly fade away.
You see, kuya Justin had a great collection of Pokemon memorabilia at lahat iyon nasa isang floor ng bahay nila. As in, isang buong floor is assign and design specifically for that. Iyon ang panakot sa kaniya ni uncle kapag may nagawa siyang mali o something na ikakagalit ng father niya and ever since I found that out-actually sinabi ni auntie sa akin, malakas daw kasing mag-asar si kuya Justin, proven at tested na iyon sa mga pinsan niya-never pa akong binigo ng informasyon na iyon.
"Everyone! Balik na kayo! Balik na! Dali!"
I saw ate shaking her head.
"Tara na?"malambing kong tanong at naunang humakbang dahilan para mahila silang dalawa.
Rinig na rinig ko ang bulungan nilang dalawa, nagsisisihan. It made me laugh in my mind, an evil one. Actually, hindi naman talaga ako galit, oo, na-offend ako pero mga ilang segundo lang iyon and after that I found the humor in it. Gusto ko lang paglaruan ang mga isip nila, I'm pretty sure, hinuhulaan na nila ang mga bagay na posible kong gawin to get back at them.
Nakakatawa naman talaga iyong picture na iyon. After I got a copy of the video, napahalakhak talaga ako. Nang gabi kasing iyon, tinanong ko sina mama at papa kung pwede akong uminom ng alak, joke-joke lang naman, hindi ako seryoso, kaya I was taken a back nang sabay silang tumango.
"Really?" tanong kong hindi makapaniwala sa mababang tono.
"Uhm! Basta magtira ka ng pang-uwi," sabi ni papa.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero tumango pa din ako at ayon na nga, the last thing I remember is kung gaano kapait iyong alak na ni-recommend ni ate at lola, hindi ko alam kung ano ang tawag do'n pero sige lang ako ng sige and after that wala na akong maalala. As in blangko ang utak ko kapag sinusubukan kong balikan ang mga nangyari nang gabing iyon. Kinabukasan, naligo ako sa sermon nina mama at papa na nagpa-triple sa sakit ng ulo ko. Two days din akong nakahilata dahil sa hung-over. Oo, dalawang buong araw.
The next morning, nang bumaba ako sa dining area, may nakita akong projector.
"Para saan iyan?" tanong ko kay ate habang umuupo sa pwesto ko.
"May panonoorin tayong movie. Nakakatawa."
I heard kuya Justin giggled pati na din sina ate Therese at nanay Berta na naghahain ng pagkain dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Have you watched it already ate Therese?" inosente kong tanong.
"Huh?" natatawa niyang tanong.
"Yes, live!" Bulalas ni kuya na nagpahalakhak sa kanilang lahat at nagpa-triple sa pagkalitong nararamdaman ko. It's like they knew something that I don't. I felt left out and so confused but the video that played on the screen after a few minutes made me understand everything. Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin and what happens next is history, a bloody one.
Napatigil ako sa paglalakad nang dumampi sa balat ko ang may kalakasang ihip ng hangin. It's refreshing. I close my eyes and took a deep breath. Amoy na amoy ko ang dagat. I smile. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita ang kalmadong dagat na kumikinang na parang diyamante dahil sa sinag ng araw na tumatama rito. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. It's 3:25. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi. Pwede pa akong makapaglibot-libot.
Patakbo ko silang hinila pero nang maalala kong buntis si ate, agad akong nagdahan-dahan.
Pumasok kami sa isang seafood restaurant at pumwesto sa tabi ng pader na gawa sa salamin. Kitang-kita ang magandang karagatan sa labas. Agad naming nilantakan ang mga pagkaing inihain sa amin. I was about to ask kung nasaan sina Mang Mindu at kuya Lawrence nang mahagip ng gilid ng mata ko ang dalawang pamilyar na pigurang nagtatampisaw sa tubig. It's them.
Matapos kumain, saglit akong nagpatunaw at nagpaalam kina ate at kuya. 3:52. Basa ko sa oras sa wristwatch ko. Nagmamadali akong lumabas ng restaurant at tumakbo papunta sa dalampasigan na parang isang batang sabik na sabik maglaro sa tubig. I hurriedly took off my shoes at dinama ang pagbaon ng mga paa ko sa may kainitang pinong buhangin. Itinaas ko ng kaunti ang pantalon at dinampot ang sapatos ko saka nagsimulang maglakad sa mababaw ng parte ng tubig. The water is crystal clear and warm. Nakakakiliti ang mga buhangin. Hindi na mainit ang sikat ng araw, sobrang presko sa katawan ng maya't mayang pag-ihip nang may kalakasang simoy ng hangin.
May mangilan-ngilang naliligo sa dagat, nang madaanan ko sina Mang Mindu, kumaway ako sa kanila and they did the same, ang iba'y nagpapakasasa sa iba't ibang water activity na ino-offer ng resort, sa buhanginan nama'y may naglalaro ng beach volleyball, may mga batang naghahabulan, may nagtatayo ng sand castle, may nagba-vlog at kung ano-ano pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagpapakalunod sa magandang tanawin hanggang sa marating ko ang parte ng dalampasigan na wala nang masyadong tao at istablishemento. I stopped and face the horizon. I took a deep breath and slowly exhales. I smile.
Kulay kahel na ang kalangitan at medyo lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Ang kaninang payapang tubig ay nagsisimula ng umalon at sumasabay sa tunog na nililikha nito sa tuwing tatama sa dalampasigan ay ang huni ng mga ibon na lumilipad sa kalangitan.
Initsa ko ang sapatos ko sa buhangin at kinuha sa bag ko ang phone ko. After that, isinukbit ko pabalik ang bag ko and took a lot of selfie, nang magsawa I change the camera from front to back and took a lot image of the sky, the sea and the horizon. Ibinalik ko sa front cam ang camera at kumuha ng 360° na video. Napatigil ako sa ginagawa ng makita ko ang isang lalaking naka-upo sa flat na tuktok ng isang may kataasang bato hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. I stopped recording and looked at him.
The look in his eyes, the expression of his face, the way he sits and this atmosphere, it's as if he's hurting, he's suffering from something I don't know.
He's handsome. I give him that. Baka artista? Baka may shooting dito na hindi ko alam? Inilibot ko ang mga mata ko para kumpirmahin iyon pero wala naman akong makita mga camera at kung ano pang che-che bureche na makikita sa shooting.
Ibinalik ko ang mga mata ko sa kaniya, for some unknown reason I felt a sense of familiarity towards him. I stare at him for little while and realized na may hawig siya ng kaunti kay Tan-Tan. I smile at napa-iling na lamang.
Speaking of Tan-Tan, agad kong dinukot mula sa bulsa ng pantalon ko ang piraso ng papel na inabot sa akin ni ate Klaren kanina bago kami umalis. It's Tan-Tan's phone number. Binuklat ko iyon at tumingin sa papalabog na araw. Huminga ako nang malalim. It's now or never, Tin-Tin!
"Fighting! Kaya ko 'to!" malakas kong sigaw. Mula sa gilid ng mata ko nakita ko ang lalaking napatingin sa akin, dilat ang mga mata. Nagulat 'ata.
I mouthed sorry at yumuko-yuko pa na parang koreano while smiling shyly. Sa isip lang dapat iyon 'e.
Muli akong huminga nang malalim at sinimulang i-dial ang number niya. For the third time, I took a deep breath and was about to press the call button when a familiar voice calls out my name.
"Khristine?"
I froze. No way!
Pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas, nanghina ang mga tuhod at ang mga braso ko dahilan para mabitawan ko ang phone ko. Ang ingay na nilikha no'n ang nagpabalik sa akin sa huwisyo.
Agad akong yumuko at dinampot ang cellphone ko. Umayos ako ng tayo at sinuklay pataas ang mahaba at itim na itim kong buhok. Humarap ako sa kaniya ng may pekeng ngiti na nakasanayan ko na kapag kasama siya.
"Alfred? What a coincidence! Hindi ko ine-expect na magkikita tayo dito."
Agad na napunta ang mga mata ko sa babaeng nakalingkis sa mga braso niya.
"Oh! Cassy! Hi! It's good to see you!"
Pamamlastik ko at tumawa ng pilit.
"I don't feel the same," pagmamaldita niya at tinarayan ako.
"Well, if that's the case, mauna na ako. Bye."
Agad akong naglakad paalis sa tubig at pinulot ang sapatos ko.
"Why are in such a hurry? Hindi mo na ba kayang pigilan ang pagpatak ng mga luha mo?" nakapameywang na sabi ni Cassy.
Napabuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kanilang dalawa.
"Uhm. Uhm." Tumatango-tango kong sabi. "Tama ka. Naiiiyak ako kasi sobrang saya ko, na sa wakas nagawa ko na rin siyang bitawan after three years!" madiin kong sabi sa tatlong taon habang nakatingin kay Alfred.
Nilagpasan ko sila habang paulit-paulit na tinataktak ang phone ko.
"Really? Knowing you baka the moment you found out na wala na kami, you'll come running to Alfred and beg him na makipagbalikan sa'yo!"
I'm begging, please, someone save these two. Mapapatay ko talaga 'tong dalawang 'to.
"Ilang beses mo na bang ginawa iyon? Four? Five? Hindi imposibleng gawin mo ulit iyon ng ilang beses pa."
Huminga ako nang malalim na malalim para pakalmahin itong demonyo sa loob ko na gustong-gustong balatan ng buhay 'tong dalawang letseng nasa harap ko.
Ngumiti ako nang pilit at balak na sanang humarap sa kanila ng muling magpupuputak 'tong mukhang pwet ng manok na Cassy'ing 'to.
"Nandito ka para mag-move on, right?"
May lahi bang manghuhula 'tong bruhang 'to?
"Sadly, hindi ko hahayaang mangyari iyon. I'll make sure na you'll regret leaving Alfred."
Her last statement made me laugh hysterically. Agad akong humarap sa kanila.
"What did you say?" tumatawa kong tanong. "You'll make sure na I'll regret leaving that bastard?" Inilipat ko sa kamay kong may hawak na sapatos ang phone ko at sinuklay pataas ang buhok ko. "I hate to break it to you but the only thing that I regret about our relationship is that I made it last for three years. Nagsayang ako ng tatlong taon. Iyon ang pinagsisisihan ko ng sobra. Kaya sinisigurado ko sa'yo kahit ano pang gawin mo, I'll never regret leaving him. Never!"
Aalis na sana ako ng may maalala ako.
"And for the information of both of you, hindi ako nandito para mag-move on. Bakit kailangan ko pang bumiyahe ng malayo at magsayang ng pera para kalimutan ang isang lalaki wala namang kwenta? Hindi ka naman ganoon kahirap kalimutan, Alfred."
Ngumisi si Cassy nang may tunog. I can tell, hindi siya kumbinsado sa mga sinabi ko.
"So, why are you here?"
Puro ganda lang talaga 'tong Cassy'ing to, walang utak. Balak ko sanang barahin si Cassy nang may brasong pumatong sa balikat ko. He's refreshing scent that somewhat reminded me of summer permeated my nose. Agad akong tumingala para makita ang mukha ng taong iyon and it's the guy na naka-upo sa bato kanina. Balak ko na sanang tanggalin ang braso niya when I heard what he said.
"He's here to meet me." Tinitigan niya ako at nginitian. "Give me that," kinuha niya sa akin ang sapatos ko bago ibinaling ang atensiyon sa dalawa. "Hi! Nice to meet you two. I'm Khristine's fiance."
Sabay-sabay na nalaglag ang mga panga naming tatlo.
"W-What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Cassy. Napangisi ako. Kani-kanina lang kasi nagniningning ang mga mata niya ng makita 'tong lalaking naka-akbay sa akin. Ano ka ngayon? Kapag gwapo talaga, tsk.
"Fi-Fiance? You? Her fiance?" Humalakhak ang bruha.
Nakaka-insulto 'a.
"If you're trying to help her atleast came up with a lie that's believeable, look at her maging siya hindi makapaniwala sa sinabi mo. Isang linggo pa lang mahigit nang maghiwalay kami, how come na sa isang linggong iyon may fiance na siya agad?" seryosong usal ni Alfred.
"Is this your way of convincing everyone na naka-move ka na kay Alfred and you're not coming back to him? 'Coz I'm telling you, it's not convincing."
Napatawa ako nang malutong.
"Teka lang ha, paulit-paulit ka e', kanina pa, nakaka-irita na. For your information, hindi ako ang nakikipagbalikan everytime na nagbe-break kami. Siya! Iyong gagong iyan! Iyang boyfriend mo for atleast two weeks. Hihingi siya ng tawad, ako naman si tanga at martyr papatawarin siya. Tapos, magloloko na naman! Papatawarin ko naman! Magloloko na naman! Papatawarin ko na naman! Tapos, ikaw na iyong huli." Nginitian ko si Cassy, ngiting nang-iinis.
"Gulat nga ako 'e! Usually kasi, hindi umaabot ng linggo matapos ko siyang mahuli, kokontakin na niya ako at mag-e-explain kuno. Hindi ko alam kung saan niya napupulot ang kapal ng mukha at ang mga pinagsasabi niya. Pero sayo, it's been almost two weeks but he never contacted me. Mukhang seryoso siyang patagalin ang relasyon niyo ng ilang buwan bago ka niya palitan."
"Shut up! Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinabi mo? You're only saying that to save face. Sa relasyon niyo, ikaw itong parang asong ulol na sunod nang sunod kay Alfred. Me? Papalitan? Mahal ako ni Alfred. Kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago iyon. Right, babe?"
Lakas talaga ng amats ng bruha 'to. Bahala siya, basta binalaan ko na siya.
The three of us waited for him to answer. Napangisi ako ng makita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya bago tumango ng pilit at ngumiti ng peke.
"Of course, babe."
Napa-iling na lang ako. Maaawa ba ako kay Cassy o matatawa?
"See? Who knows baka mauna pa kaming ikasal sa inyo. Ah! Imposible nga pala iyon, kasi you'll never get married, because you two are lying."
Napabuntong-hininga ako nang malalim. I really hate lying. I really do. Pero kung sa dalawang 'to lang din naman, masaya akong gagawin iyon ng kahit ilang beses.
"Haven't you heard of arranged marriage? We are in that situation."
"As if that still happens today."
"Hindi porke't hindi nangyayari sayo eh hindi na nangyayari sa ibang tao. Let's go, Tristan. Sayang lang oras natin dito."
Kung sino ka mang lalaki ka pagtiyagaan mo na muna ang pangalan ng kababata ko tutal magkamukha naman kayong dalawa.
"Ah! Before I forgot, we're getting married by the end of next month. I'll send you an invitation, that's a promise. Be sure to come. Let's go?"
Itong lalaking 'to kung makapagsinungaling wagas. Okay na 'e. Tinutulungan ba niya talaga ako?
Nginitian niya ako nang matamis at inabot ang kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon. Grabe! Ang lambot ng kamay niya. Ang kinis pa. Kompirmado. Anak mayaman nga. Magkahawak-kamay kaming naglakad paalis.
"Sandali!"
Inis akong humarap kay Alfred.
"Ano?"
"Is that him?"
Kumunot ang noo ko.
"Iyong childhood friend mong nangako kang pakakasalan?"
Nakikinig pala siya sa mga kwento ko. Akala ko kasi—Tsk. I don't know why but for some reason, knowing that hurts.
"Uhm."
Ngumiti siya nang mapait.
"I see."
Bakit pakiramdam ko nasasaktan siya? Ipinagkibit-balikat ko iyon.
"May sasabihin ka pa ba? Tanong? Clarifications?"
Umiling siya. Binalingan ko si Cassy na nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.
"Ikaw?"
"Wala na! Hindi naman ako interesado sa relasyon niyong dalawa!"
Tinarayan niya ako at ibinaling ang mga mata sa lalaking kahawak-kamay ko. Kinindatan niya siya at nag-flying kiss pa.
I was taken a back ng ilapit ng lalaki sa mukha ko ang mukha niya. Napalunok ako ng laway. I think I'm starting to get addicted to his scent.
"Can we go? That girl is creeping me out," bulong niya na muntik ng magpahagalpak sa akin sa katatawa.
"Uhm. Let's go," nakangiti kong sabi.
...
Tuluyan nang lumubog ang araw, mas lalong lumamig ang simoy hangin at lumakas ang alon sa dagat. Buhay na buhay ang tabing-dagat dahil sa bilang ng tao na hindi lang dumoble, trumiple pa mula sa bilang kanina. Ang ilaw mula sa sandamakmak na stalls na wala naman kanina'y nagbibigay liwanag sa buong dalampasigan. Ang usok mula sa mga nilulutong pagkain sa mga stalls na iyon, ang pumupuno sa ilong ko at nagpapatakam sa labi ko. Tawanan at kaliwa't kanang iba't ibang tugtog naman ang nagsusumiksik sa tenga ko. May ilang mga grupong naghahanda para lumikha ng bonfire.
"Hindi naman sa pagiging tsismoso," napatingala ako sa lalaking hawak pa rin ang kamay ko at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Tumingin siya diretso sa nagtatanong kong mga mata. "Did you really do that?" He paused again.
"Do what?"
"Forgiving your boyfriend for three times?"
Napangisi ako at umiwas ng tingin.
"Four. Four times."
"Wow!"
Napatawa ako sa reaksyon niya. Kulang na lang pumalakpak siya e'.
"Why though?"
"Kasi mahal ko siya?" Mabilis kong sagot. "Hindi ba obvious?"
"Are you sure? Do you really love him?"
My smile fade away. Marahas kong binawi ang kamay ko at tumigil sa paglalakad. Tinitigan ko siya ng seryoso.
"What do you mean?"
He took a deep breath and stop.
"Look," he took a deep breath again. Nakonsensiya naman ako bigla. I know he's thinking that I'm angry. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit?
I saw a bench behind him. Agad akong naglakad palapit do'n at umupo. Agad niya akong sinundan. Napabuntong-hininga ako pagkalapat na pagkalapat ng pwet ko. Seryoso ko siyang tinitigan.
"Say what you want to say. We're totally strangers to each other so, it doesn't really matter if I get offended with whatever words comes out of your mouth," kalmado kong sabi.
Hinablot ko ang sapatos ko sa kamay niya at inilapag ito sa buhangin. Kinuha ko sa bag ang wet wipes at nilapag ang bag ko sa tabi ko, sa ibabaw nito ang basa kong cellphone. Dumikwatro ako at pinunasan ang paa ko para alisin ang mga buhangin dito. Umayos ako ng upo pagkatapos, sandali siyang binalingan bago abutin ang isang pares ng sapatos at isuot ito.
"I can at least do that as "Thank you!" to the person who helped me even if I don't need it."
Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin.
"Fine. Binigyan mo ako ng go signal, huwag kang magagalit a'."
"I promise." Itinaas ko ang kanang kamay ko. "In case you need assurance."
I started cleaning my other feet.
"You promised! Here I go."
"Uhm. I'm listening," sabi ko habang tinatali ang sintas ng sapatos.
"You don't look hurt at all earlier. If you really love him, kahit gaano ka pa kagaling magtago ng emosyon, may sisingaw at sisingaw pa rin ng kaunti. Pero, kanina, wala. It as if you're relieved and it weirded me out."
Umayos ako ng upo at dumekwatro. Itinukod ko ang siko sa dulo ng backrest ng bench at itinukod naman ang ulo ko sa nakakuyom kong kamao.
"Iyon na iyon?" walang-gana kong sabi.
"Uhm!" Tumango siya.
"And I'm supposed to be hurt from that?"
"Hindi ba?"
"I'm not."
Itinaas ko ang mga paa ko at nag-indian set. I took a deep breath at inunat ang buong katawan ko. Tumitig ako sa kawalan.
"Okay. Listen. Tutal estranghero naman tayo sa isa't isa, I'll tell you everything right from the start. Are you willing to listen?"
"Uhm!"
Ibubuka ko na sana ang mga labi ko para mag-kwento ng maunahan ako ng tiyan ko.
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. This is awkward.
"Mamaya kapag napakain ko na ang dragon na alaga ko." Alangan akong tumawa. "Let's go. I'll treat you," mabilis kong sabi at agad akong tumayo saka mabilis na naglakad papalayo.
I heard him laugh hysterically. Naikuyom ko ng mariin ang mga kamao ko.
"Nakakahiya!" inis kong bulong.
...
To be continued...