Pinasadahan ko ng tingin ang two-storey house na nasa harap ko. Mapait akong napangiti. Modernong-moderno ang disensyo, malayong-malayo sa ancestral house na kinalakihan ko at ng buong pamilya nina papa.
Ang tanging bagay lang na nanatiling pareho ay ang maliit na hardin sa harap at ang bahay na katabi namin na tanging pader na gawa sa rehas ng bakal lamang ang naghihiwalay—ang bahay nina ate Klaren, ang bahay na kinalakihan ni Tan-Tan.
I chuckled and shake my head. Why am I being sentimental all of a sudden?
Papasok na sana ako ng bahay, nang makita ko si ate Klaren na kumakaway sa direksyon ko. Itinuro niya ang bote ng ketsup na hawak niya tapos itinuro ang bahay nila at nag-stop sign. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Marahan akong tumango na naging go signal niya para tumakbo papasok.
"Hindi pa rin siya nagbabago. Pwede naman niyang isigaw ang gusto niyang sabihin? Hindi naman ganoon kalayo ang distansiya namin sa isa't isa para hindi kami magkarinigan?" bulong ko. Napabuntong-hininga ako at napangiti. Sa sobrang dami nang nagbago sa lugar na 'to, nakakatuwa lang isipin na may mga bagay na nanatiling pareho gaya ng naalala ko.
Nakita ko siyang tumatakbo mula sa bahay nila hanggang sa makalapit siya sa akin. Hapo siyang tumigil, habang nakayuko at nakapatong ang mga palad sa kaniyang tuhod na nakabaluktot.
"Let's get inside," wika niya na hinahabol ang kaniyang hininga.
"Ayos ka lang?"
Nag-thumbs up siya at nag-okay sign. Hindi halatang hindi siya mahilig sumenyas o sadyang tinatamad lang siya magsalita? No, the latter don't sound right. Ate and her are on the same wavelength. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit sobrang close nila sa kabila ng halos limang taong age difference.
"Ate Bridgette!" sigaw niya, full volume na, na pati puso't kaluluwa ko namutla sa gulat, pagtapak na pagtapak namin sa harap ng pinto. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, dilat na dilat ang mga mata at nakabuka ang bibig—panandaliang nabingi. Kung ganoon, hindi siya mahilig sumenyas o tinatamad magsalita, tinitipid niya ang boses niya para sa sigaw na iyon?
"Sorry, nagul—"
"Hoy!"
Sabay kaming napaigtad ni ate Klaren.
Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko na kanina'y unti-unti nang kumakalma. Feeling ko, kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako bigla dahil sa kanilang dalawa na parehong nakalulon ng megaphone tapos mikropono tapos speakers na may kasamang amplifier.
"Sino ba yan? Makasigaw ka naman! May sunog ba?" Napatigil si ate ng magtama ang mga mata nila ni ate Klaren. Ang kaninang pulang-pula niyang mukha sa galit na sasabog na'y napalitan ng malawak na ngiti at masayang ekspresyon na may kasamang kislap ng mga bituin. "Klaren!" masayang sigaw ni ate na muling nagpa-igtad sa akin.
"Ate Bridgette!"
"Shit!" bulong ko.
Yinakap nila nang mahigpit ang isa't isa at nagtatatalon. Masaya silang humilaway sa yakap.
"Kamusta ka na?" sigaw ni ate Klaren.
"Ayos lang!"
Napapikit ako nang mariin at itinakip sa mga tenga ko ang dalawang palad ko. Agad akong umalis sa lugar na iyon, bago pa masira ang eardrums ko at mamatay sa gulat.
Hindi ba sila marunong mag-usap ng normal? As in iyong normal, hindi iyong tinalo pa nila iyong nasa magkabilang bundok kong magsigawan.
"May nag-aaway ba sa labas, iha? Ba't may nagsisigawan?"
Lumingon ako sa direksyon ng pinto at marahang tumango. Nakangiti akong humarap kay lolo Pyerrot na naghahain ng makakain.
"Parang ganoon na nga po. Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po sila aabot sa puntong magpapatayan."
Nakatingin lang siya sa akin ng tahimik. Nakaka-ilang.
"Ganoon ba? Tin-Tin? Tama?"
"Opo," sagot ko na may nag-aalangang ngiti.
"Halika na. Maupo ka na dito, para makapananghalian na kayo. Sandali lang at tatawagin ko sina Mindu at Lawrence pati na ang ate mo."
"Sige po."
Naupo ako sa pinakasulok at sinundan siya ng tingin. Bakla si lolo Pyerrot. Ang kwento ni lola, dati siyang may kasintahang lalaki, at nakatira sila sa iisang bubong. They really do love each other, kaya lang, maagang kinuha ng langit ang kasintahan niya. Ever since that day, nawalan na ng direksyon ang buhay ni lolo Pyerrot, palagi siyang lasing at umiiyak. Nawala na sa bokabularyo niya ang salitang saya. He rarely smiles and laughs. Kaya madalas siyang ilagan ng mga tao. The loneliness is evident on his face but, they don't seem to care. For them, lolo Pyerrot is scary and weird, maybe because of the way he talks? There is barely any emotions on his voice, as if he's a robot.
Nang mawala siya sa paningin ko, inilibot ko ang mga mata sa interior ng bahay. Napakasimple lang ng loob, gaya ng gusto ni ate. Puti ang pintura ng mga dingding at pader at ang mga dekorasyon, hindi iyong tipo na masisilaw ka sa karangyaan. Almost all of the furnitures are made of wood. Iyong hagdan, papunta sa second floor ng bahay eh pormang letter 'S' at kulay ginto, ang tanging bagay na out of place sa purong puti at brown na kulay ng halos buong bahay.
Ang kaninang tahimik na hapag ay nabalot ng ingay, usapang iba't iba, grupong kaniya-kaniya.
Katabi ko si ate Klaren, nasa unahan niya si ate, katabi ni ate si Mang Mindu, sa gitna naman si lolo Pyerrot, sa kanan niya si kuya Lawrence—kaharap ni Mang Mindu, katabi niya si ate Necie, katabi naman ni ate Necie ang ina niya—si Aling Editte at katabi naman niya ang kapatid ni ate Necieng bakla na si ate Biang na sa tingin ko kasing edad lang ni ate Klaren. Silang tatlo ang pamilya ng kapatid ni lolo Pyerrot na nahingan niya ng tulong para sa paglilinis ng bahay at paghahanda ng pagkain para sa amin, na pinasabay na rin ni ate sa pagkain.
Taga-dito sina Mang Mindu at kuya Lawrence, kaya kilala nila sina ate Necie at pamilya niya. Lahat naman ng kasama namin sa bahay taga-dito. No'ng naghanap kasi ng mga makakatulong sa bahay, si lola ang nag-asikaso at sinigurado niya talagang kilala niya at mapagkakatiwalaan.
Sa maingay na mesa, bukod tanging kami lamang ni lolo Pyerrot ang tahimik at may sariling mundo.
Napatingin ako sa direksyon ni ate at nakitang nakatingin din siya sa akin na may nakalolokong ngiti sa labi.
"Klaren, tawagin mo si Tan-Tan! Papuntahin mo dito dali!"
"Oo nga, Ren! Ang gwapo no'ng pinsan mong iyon. Papuntahin mo siya dito!" Dagdag ng baklang kapatid ni ate Necie na si Biang.
"May boyfriend na ba iyon? Kung wala ireto mo ako, Klaren," sabi ni ate Necie.
"Shut up ka nga sister. Nauna ako. Aagawan mo pa ako!"
Napatigil sa pagsubo si ate Klaren.
"Huh? Wala na si Tan-Tan, um—"
Nanlaki ang mga mata ni ate at umawang ang labi. Napasinghap siya at marahas na napatayo dahilan para matumba ang upuan at lumikha ng ingay na nagpatahimik sa buong paligid. Napatingin kaming lahat kay ate. Dahan-dahan niyang itinakip sa kaniyang bibig ang kaniyang dalawang kamay.
"No way! Patay na si Tan-Tan? Kailan pa?"
Napatampal ako sa noo ko at napailing.
"Gaga! Pinagsasabi mo ate Bridgette? Maupo ka nga!"
Itinayo ni ate Klaren ang natumbang upuan at dahan-dahang umupo si ate.
"Sa-Sabi mo, wala na siya."
Napatawa si ate Klaren at umupo sa kaniyang pwesto.
"Oo nga! Wala na siya! Nakaalis na! Hindi nakabaon 6 feet under the ground! Kaka-alis lang niya kanina pauwi ng Manila."
"Manila?"
"Oo. Isang taon siguro at kalahati pagkatapos niyong umalis, sinundo naman siya ng mother niya at dinala abroad. Ang tsismis e', ito daw si Tito Erick e' may babae at nahuli ni Tita Mitch, ayon, tinapos lang ni Tita Mitch ang isa niyang movie project kung saan kasama niya ang babae at ang taksil niyang mister at umuwi dito, kinuha si Tan-Tan at umalis ng bansa. No'ng mga ilang linggo, nagte-text pa at tumatawag si Tan-Tan, pero natigil din kalaunan hanggang wala na kaming narinig mula sa kanilang dalawa. Last year siguro iyon, tumawag siya at bigla na lang sumulpot dito. Hindi siya nagkwento kahit anong pilit at tanong namin. Ang sabi lang niya, nagkaayos ang parents niya at ngayon nakatira na sila somewhere in Manila. Madalas siyang dumalaw dito, at tinatanong kung kamusta ka na daw ba, Tin-Tin? Paulit-ulit kong sinasabi na kontakin ka sa Facebook kung curious talaga siya, pero ayaw, parang alam mo iyon, natatakot na iwan? Umiiwas? Ganoon?"
Lola said the same thing earlier, habang nag-aagahan kami. Matapos niya daw akong kamustahin, lola try to give him my contact number, but he refuse to accept it, like he's afraid. Honestly, I think I kind of understand what he feels back then. When ate Klaren said that he would give Tan-Tan's number to me earlier, yinakap ako ng matinding takot. I want to decline and said, it's not necessary, but I really want to talk to him again, even if that would be the last.
"He ask me kung anong Fb name mo, akala ko ime-message ka na niya, ii-stalk ka lang pala? And he save a lot of your pictures at winallpaper niya ang isa."
I don't know why but I can't stop myself from smiling. I'm sure it's not because of kilig, it's more like that feeling of being stuck in a long dark tunnel and you finally see a light ahead. Hope. Pag-asang madudugtungan pa ng panibagong kabanata ang pagkakaibigan namin.
"Ay! 'No ba 'yan! Wala na finish na! Ba't pa tayo nag-aaway sis, may nanalo na pala!"
"Beh, baka may gwapo siyang kaibigan na afam. Alam mo na ha? Sino pa ba ang magtutulungan kun'di tayo-tayo lang din. Beh ha?"
"Ayieeeeeee! Tin-Tin, kinikilig! Namumula o'. Landi!" biro ni ate. Agad kong binura ang ngiti sa labi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Charot lang. Wala namang nakakakilig do'n! Normal lang naman na i-save ng kababata mo iyong pictures mo at gawing wallpaper iyong isa lalo na kung hindi kayo nagkita ng matagal. Normal lang talaga iyon!"
Agad akong tumayo at naglakad palapit kay ate at isinubo sa bunganga niya ang isang buong hita ng inihaw na manok.
"Tapos—"
"Ate, huwag na huwag mong kakalimutang ibinilin ka sa akin ni lola, kung ayaw mong—alam mo na, makabubuting tumahimik ka na lang," nakangiti kong sabi at puno ng pagbabanta na alam kong naramdaman niya.
Tumango-tango siya nang marahan.
"Good. Since, I'm done, maglilibot-libot muna ako ate, lolo Pyerrot," tinitigan ko isa-isa ang ibang mga kasama namin sa mesa humihingi ng permiso at paumanhin. Nang tumango silang lahat, nagsimulang akong maglakad palabas ng kusina.
"Lalabas siya kasi ilalabas niya iyong kilig niya. Magsasasayaw iyan sa labas na parang kiti-kiti tapos impit na magtititili na parang sirang ulo," rinig kong bulong ni ate, paniguradong kay ate Klaren. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya tagos hanggang kaluluwa. Napaigtad siya nang makita iyon at umayos ng upo.
Napapikit ako nang mariin at napabuntong-hininga saka nagmartsa palabas ng bahay, paulit-ulit na pinapaalala sa sariling ate ko siya, mas matanda siya sa akin at nagpapasalamat ako na naging kapatid ko siya.
"Huwag kang lalayo, Tin-Tin! Huwag mong kakalimutang wala kang sense of direction! Balik ka agad! Mag-iingat ka!" sigaw ni ate na nagpangiti sa akin. Malakas lang talaga siyang mang-inis.
As soon as I step outside the door, I take a deep breath. Sumisikat na ang araw na kanina'y hinaharangan ng makapal at maitim na ulap. Lumiliwanag na ang kalangitan. It's 3:47 p. m. Iminulat ko ang aking mata at napangiti nang malapad nang tila ang buong paligid ay bumalik sa dati gaya ng nasa ala-ala ko.
Nang ihakbang ko ang mga paa ko, nilampasan ako ng kung sinong batang tumatakbo na may pamilyar na amoy. Baby cologne, iyong blue. Nang tingnan ko siya, I smiled. It was me. My younger me. Chubby and full of energy.
Nang maisara niya ang gate ng bahay na gawa sa kahoy, agad siyang tumingin sa direksyon ng bahay nina ate Klaren.
"Tan-Tan!" sigaw niya habang kumakaway at kumekembot. Dali-dali akong naglakad palabas at naabutan ang ngiting pinangungulilaan ko ng sobra. Younger Tan-Tan's smile.
"Tin-Tin!" he shouted back at dahan-dahang naglakad palapit sa batang ako. They meet halfway and started walking towards the direction of the Elementary School.
Tumakbo ako palapit sa kanila at sumabay sa malilit nilang hakbang at sinubukang makinig sa pinag-uusapan nila but I can't hear anything. They're smiling widely and laughing hard, I'm sure they're talking about something funny, something that I can't remember.
I do all the talking habang tahimik naman siyang nakikinig ng may ngiti sa labi. Hanggang sa makarating kami sa paaralan.
Inihatid niya ang batang ako sa room ng first section bago siya nagtungo sa room niya, sa room ng last section.
Naka-upo akong nakasandal sa pader, sa tabi ng pinto ng classroom ng batang ako, hinihintay ang pag-alingangaw ng bell hudyat na oras na ng recess and it finally did. Dahan-dahan akong tumayo at inunat-unat ang likod ko kasabay ng pagragasa palabas ng mga kaklase kong hindi ko na maalala ang mga mukha kaya blurred.
"Tan-Tan!"
Agad akong napatigil at napatingin sa direksyong kinakawayan ng batang ako, and there, I saw that smiling face of him again, waving back at me while walking like he's on a fashion show.
"Tin-Tin!"
Again, they met halfway at sabay na naglakad papunta ng canteen. They're talking again but just like earlier I can't hear what they're talking about.
Ibinigay ng batang ako ang pera ko sa kaniya at sinabi kung ano ang gusto ko. Matapos no'n, sumuong siya sa hindi mahulugang karayom na siksikan ng mga estudyante. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas siyang hapo, pawis na pawis, at gusot ang uniporme.
They talk for a while, laughing in between, saka inabot sa batang ako ang pinabili ko. Sinundan ko sila hanggang sa makarating silang dalawa sa mini playground sa loob ng campus. Umupo sila sa isa sa mga benches na nakaharap sa playground at kinain ang pinamili nila habang nag-uusap. Umupo ako sa tabi nila, and as soon as my bum hit the wooden bench, they disappeared and appear on the swing—nagpapataasan ng lipad, they disappeared again at lumitaw sa mini slide, tapos, sa baba, naghahabulan kasama ng mga batang ka-edad nila na hindi ko makita ang itsura. And then, nag-badminton, nag-volleyball, nag-soccer, at nag-basketball. He thought me a lot of sports, pero, 'ni isa, hindi ko nilaro.
Noong ibaling ko ang mga mata sa sementong mesa at upuan sa ilalim ng puno ng acacia, nakita ko sila doon. Tinuturuan ng batang ako ang batang si Tan-Tan na hindi naalis ang pagkakakunot ng noo hanggang sa sila'y matapos.
Tumayo ako at inilibot ang mga mata. Kahit saan ako lumingon, nakikita ko ang sarili ko at si Tan-Tan. This whole place, this whole campus is like a memory box, lugar kung saan naka-imbak ang malaking porsyento ng mga ala-ala naming dalawa.
"Kristine?"
Napalingon ako sa tabi ko at agad na napangiti nang makilala ang may-ari ng boses. Mas dumami lang ang bilang ng puting buhok niya pero ganoon pa rin ang hairstyle niya, maikli, abot hanggang leeg lang at may bangs. Pink pa rin ang kulay ng salamin na suot niya.
"Ma'am Emillia?" gulat kong sabi.
Nakangiti siyang tumango-tango.
"Can I hug you?" naiiyak niyang turan.
"Ma'am naman, of course! Ba't pa kayo nagtatanong?" naluluha ko na ding sabi.
We hug for a couple of minutes at halos humagulhol na nang humiwalay.
"Kayo kasi, Ma'am e'! Ba't ba kasi kayo umiiyak? Gaya-gaya tuloy itong mata ko."
Tumawa siya at pinunasan ang mga luha niya.
"Masaya lang ako. Maupo tayo."
Umupo kami sa bench na inupuan ko kanina.
"Ang ganda-ganda mo na."
"Hindi naman po. Kayo naman. Kaunti lang. Mas maganda kayo."
"Aysus! Nambola ka pa. Talaga ba?" wika niya at iniligay sa ilalim ng baba ang dalawa niyang palad kasabay ng matuling paggalaw ng mga mata niya. Sabay kaming tumawa. "Tama na nga ang biro. Kamusta ka na iha?"
"Mabuti naman po. Kayo po?"
"Gaya pa rin ng dati. Adviser pa rin ako ng Grade 3. Kailan ka bumalik? Dito na ba ulit kayo nakatira?"
"Hindi po. Dumaan lang po kami ni ate dito para bisitahin iyong bahay nilang mag-asawa. Kanina lang po kami dumating."
"May asawa na si Bridgette?"
"Opo."
"Kanila pala iyong bahay na itinayo doon sa nasunog iyong bahay?"
"Opo."
"Ibig sabihin, dito sila titira? Kayo, iyong mga magulang mo, wala na ba silang balak na bumalik dito at tumira dito?"
"Wala na po. Si lola, baka? Ako siguro, dadalaw-dalaw na lang po. Siguro kapag nagka-pamilya ako, baka dito din ako mag-settle down."
"Uhm. Ah! Nga pala, sa katapusan, bisperas ng piyesta ng barangay, idadaos iyong annual Alumni Homecoming, aasahan kita. Nasabihan ko na din si Tan-Tan nang dumalaw siya dito kahapon, nangako siyang darating siya. Kaya dapat ikaw din, Tin-Tin."
"Kung ganoon po, sige po! Nangangako po akong darating ako. Makaasa po kayo."
"Oo, aasahan talaga kita. Ngayong thirty-one ha. Huwag mong kakalimutan."
"Opo!"
Sandali pa kaming nag-usap ng kung ano-ano tungkol sa mga buhay namin hanggang sa magpa-alam na si Ma'am Emillia, dahil sa haba ng pag-uusap namin, hindi namin namalayang alas-singko na pala ng hapon.
Nang mawala si Ma'am sa paningin ko, sumandal ako sa bench at tumingala. Napangiti ako dahil sa tanawing sumalubong sa mga mata ko.
Matingkad na kulay kahel na kalangitan, na pinalalamutian ng makapal at maputlang kulay lilang mga ulap. Maya-maya rin ang pagdaan ng grupo ng mga ibon dito.
I close my eyes and took a deep breath and exhale slowly. Minulat ko ang mga mata at agad na tumayo. Tinungo ko ang room ko dati noong Grade 4 ako. Nang makarating ako doon, agad akong napangiti nang malapad.
...