CHAPTER 14:The superhero

Muling dinala ni Nicolo sa kanyang bibig ang hawak nitong wine glasss at marahang nilagok ang lahat ng laman 'nun.

Alas otso na ng gabi at kasalukuyan siyang nasa terrace ng hotel sa kanyang suite mismo habang tanaw na tanaw niya ang baybaying dagat ng Batangas at mag-isang umiinom ng wine.

He admitted to himself that the view was breathtakingly beautiful.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may magkasunod-sunod na kumatok sa kanyang pintuan.

Tinungo niya iyon at tinignan sa peephole kung sino iyon.

It was Rachelle.

Binuksan niya iyon.

"Hi, Nicolo!" nakangiting bati nito sa kanya.

She only wears a silk robe with her slippers on.

"Yes?" sabi niya na hindi pa niluluwagan ng maigi ang pintuan niya.

"May I come in?" sabi nito at akmang magsasalita na sana siya nang inunahan na siya nitong pumasok.

"Wow, you're drinking wine?" sabi nito nang makita ang nakalapag na wine sa lamesa.

"Care for a toss?" alok niya kay Rachelle.

"Oh, I loved that!" mapang-akit na boses na sabi nito at kaagad itong umupo sa mesa at kinuha nito ang wine glass at nagsalin ng alak.

"What is it now?"

Lumagok muna ito ng inumin bago nagsalita. "Gusto ko lang sanang makipag kwentuhan sa'yo."

"Okay, how's your feet?" he asked curiously.

"Oh, they seem to feel a little better now. And thanks sa paghilot mo." sabi nito.

"No, problem." he gently said.

"And in return would you mind na hilutin din kita?"

Alam ni Nicolo na lantaran siyang inaakit ni Rachelle.

Umiling siya. "Thanks, but no."

"Salamat at pinayagan mo akong pumasok sa unit mo," sabi nito.

If he remembers he didn't let Rachelle come in. Instead she let herself get inside.

"Hindi ka ba nag-aalala na baka malaman ng media na nandito ka sa unit ko?"

Alam niyang nagsisimula pa lang ang karera nito. He thinks that her age was 24.

"Oh, don't worry I love publicity!" natawang sabi nito.

"Yeah, no wonder you came inside without worrying too much about your career," malamya niyang sabi.

Hindi niya alam kung bakit nawawalan siya ng ganang kausap ang babae. He might want to be alone rather than talking to her. But too late she was already inside. He might wants to drag her outside pero ayaw naman niyang maging bastos.

Unlike Aula na kahit walang humpay ang bibig nito sa kakasalita at kahit walang saysay ang mga sinasabi nito he admit himself that he loves hearing every words that came from her mouth.

"Okay, do you want something else?" he asked in a bored tone.

"Actually, I want someone to talk to and being alone inside my unit is so damn boring. So I decided to got out and talk to someone na malapit lang sa akin since neighbour kita kaya dito na ako nagtungo,"

He had seen a lot of pretty faces but Aula' s face was different.

What the heck. Did he blabbering Aula's name? Nasaan na nga ba ito? Hindi na niya ito nakita pa kaninang hapon hanggang sa gumabi.

"Really?"

"Ahm, Nicolo can I ask you something?"

"Sure, why not."

"Mahilig ka ba talaga sa mga babaeng marunong mangabayo?" tanong nito nang naka-upo na ito.

Nangunot noo siya sa sinabi nito.

"Who told you that?"

"Yang P. A mo. Tinanong ko kasi kung ano ang mga gusto mo sa isang babae."

So Rachelle was interested in him?

No doubt.

He has meet a lot of celebrities na marami ang nagkakandarapa sa kanya. But Lorraine is exceptional. She only wants a no strings attached.

Iyon din ang nagustuhan niya dito at iyon na rin ang huling pagkikita nila.

Madali na lang niyang madala si Rachelle sa kama dahil nagpapakita na ito ng interes sa kanya but he wasn't really in the mood.

Darn, matagal na siyang walang sex since Aula's appearance. Ewan ba niya umuurong na ang pagkalalaki niya.

"To begin with, Rachelle, I am not interested in a woman who loves horse riding."

"What!?" gulat na sabi nito. "Sinasabi ko na nga ba inuto lang ako ng P. A mo. I really hate her pero mabuti na lang at nakaganti ako sa kanya!"

Ang akmang pag-inom muli ni Nicolo ay natigil sa sinabi nito. "Anong nakaganti in what way?"

"Ah, never mind,"

"May dapat ba akong malaman about my P. A?"

Pakiramdam ni Nicolo may hindi magandang ginawa ito kay Aula. "Ah, w-wala naman,"

Lumapit siya kay Rachelle at itinayo niya ito. Hinapit sa baywang. "Tell me, Rachelle, what did you do to Aula? I am really having a terrible time with her. I really wanted to fired her now." bulong niya at hinawakan ang mukha nito.

Ngumiti ito sa kanya. "Oh, well. Don't hate me if I tell you this."

Nginitian niya ito. "You are really beautiful Rachelle, don't stress yourself too much for nothing."

"Thanks for the compliment, Nicolo. Actually I just did the right thing for the sake of me. Hinampas ko lang naman si Aula kanina sa banyo ng mansion."

Dahil sa sinabi nito nagningkit ang ang mga mata niya. "You really did that!?" bulyaw niya dito na ikinalaki ng mga mata nito.

"N-Nicolo you're hurting me!" sabi nito nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.

"Bakit mo ginawa 'yon!"

"H-hindi ko sinasadya! She made me do that! I thought galit ka din sa kanya."

"To tell you frankly Rachelle you are not really beautiful. Binabawi ko na ang sinabi ko. At lalong-lalo ng hindi ako galit sa P. A ko. Hindi ako nanakit ng babae but this time I will!" pagkasabi niyang iyon ay hinagis niya ito sa ibabaw ng kama.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at lumabas ng suite.

He just hopes that Aula is fine.

**************

Nang magising si Aula mula sa karimlan ay nagulat nang makita ang dilim sa loob na kinaroroonan niya.

Ano ba ang nangyari?

Nang maalala niya ang lahat ng nangyari sa kanya ay kaagad niyang maramdaman ang hapdi sa kanyang ulo.

At nang hinawakan niya iyon ay parang may malapot na likido iyon.

Dugo?

Dugo nga marahil iyon.

Dahan-dahan siyang tumayo ngunit kagyat siyang nawalan ng balanse nang makaramdam siya ng hilo.

Walanghiya ka Rachelle! Makalabas lang ako dito pupugutan ko 'yang ulo mo! hiyaw ng utak niya.

At nang pakiramdam niya ay wala na siyang naramdaman hilo sa kanyang ulo ay bumangon siya ulit at dahan-dahang binuksan ang doorknob. Nabuksan naman iyon pero nadismaya siya nang parang may nakaharang sa pintuan at malamang nakakandado.

Ano ba 'yan! Wala talagang patawad ang babaeng iyon. Pinukpok na nga ang ulo ko di pa nakuntento kinandado pa niya ang pinto! Humanda ka talagang babae ka nakakarami ka na sakin!

Nagdesisyon siyang humingi ng tulong mula sa labas, syempre kailangan niyang sumigaw!

Sumigaw siya nang sumigaw hanggsang sa mapaos ang tinig niya.

Pero wala ni isang tumulong sa kanya. Hindi niya alam kung maririnig pa siya sa labas dahil malayo ang gwardya ng mansion sa kinaroroonan niya.

Nauupos na kandila siyang napa-upong muli sa tiles ng banyo.

Alam niyang hindi pa ngayon ang oras ng kanyang kamatayan!

Natawa siya sa isiping iyon.

Grabe iba talaga ang mga tao sa Manila mga malulupit!

Ang buong akala niya si Budang na ang pinakamalupet niyang kaaway.

Pero iba itong si Rachelle nanghahampas ng ulo.

Paano kung nabasag na ang bungo niya!?

Naku, naku hindi naman siya makakapayag na hindi makakaganti 'dun!

Pero teka nga sa tingin naman niya mas grabe pa ang ginawa sa kanya ni Nicolo noon na halos sagasaan siya.

Pero hindi naman nito sinasadya iyon na hindi kagaya ni Rachelle.

So kung hindi sinasadya ni Nicolo meaning exempted siya sa ginawa nito?

"Aula! Are you there!?"

Nawala ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang boses ni Nicolo.

"N-Nicolo!? Ano ang ginagawa mo dito?"

"Huwag ka ng magtanong! You need to get out of there!"

"Sige ikaw ang bahala kung mailalabas mo nga ako dito—aray!" sabi niya sabay hampas sa kanyang braso dahil kinagat siya ng lamok.

"Why, what's wrong!?" sigaw nito habang kinakalikot nito ang kadena.

"Wala nakagat lang ako ng lamok! Ei, kung buksan mo kaya ang ilaw jan sa labas nang magkailaw naman dito sa loob! Kung bakit kasi nasa labas ang switch ng ilaw!" inis na wika niya dito.

Nang sinabi niya iyon ay kaagad namang binuksan ni Nicolo iyon at nagkaliwanag naman ang banyo.

Naginhawaan siya nang magka-ilaw.

Tumigin siya sa salamin bukod sa maayos naman ang mukha niya ngunit may dugo nga lang sa kanyang kanang balikat.

Dugo? Dugo nga!

"Grabe talaga ang ginawa ng babaeng 'yon! Sa dami-dami ba naman ng hahampasin ulo ko pa!" inis niyang wika.

"Are you alright!?" bulyaw ni Nicolo sa labas.

"Hindi ako ayos dito, okay! Pwede ba pakibilisan mo naman ang pagbubukas. Sirain mo na 'yang pinto kung ayaw magbukas! Kanina pa akong pinuputakte ng mga lamok dito. Pa'no naman kasi punong-punong ng dugo ang ulo ko. Pinagpiyestahan tuloy nila! Samantalang ako dito gutom na gutom na!" inis niyang wika.

Siguro malaki ang butas ng ilong ng mga lamok na 'yan. Kita nga sa salamin na ang daming lumilipad sa kanyang ulo kaya amoy na amoy ng mga ito ang dugo sa kanyang ulo.

"Umatras ka, sisirain ko na 'tong pinto!" bulyaw ni Nicolo sa kanya.

"Dapat kanina pa!" inis na sabi niya at umatras naman siya.

Narinig niyang pinaghahampas nito ang kadena sa kung anong bagay ang ginamit nitong pang-pukpok sa kadenang iyon.

Napahikab siya dahil ang tagal nitong mabuksan iyon.

"Ano ba 'yan ang tagal naman. Ang buong akala ko tatlong beses lang ang hampas, bubukas na ang pinto. Kaya hindi na talaga ako maniniwala sa mga pelikula!"

"How could you say that, you don't know what I'm trying to do here just to get you out there!"

"Hus! Ang sabihin mo malamya talaga ang kamay mo!"

At nang sa huling paghampas nito ay nabuksan na nito.

Tumambad sa kanya ang nag-iilaw na katawan ni Nicolo. Basta ang liwanag ng pumapalibot sa katawan nito.

Napanganga siya sa kanyang nakita. Para talaga itong anghel na kanyang tagapagligtas.

"Aula! Are you alright?" sabi ni Nicolo at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

Hindi niya namalayan nakalapit na pala ito.

"Ano pa ang ginawa niya sayo maliban sa paghampas sa ulo mo? Tell me!"

So alam ni Nicolo ang ginawa sa kanya ni Rachelle?

"Pwede ba Nicolo saka ka na magtanong. Paalisin mo muna ako dito sa CR! Grabe buong buhay ko ngayon lang ako natulog sa CR. Mas malayong mas disente pa ang bahay namin kahit yaring kawayan lang iyon kaysa naman matulog dito—" nagulat siya nang bigla na lang siya nitong niyakap.

"God, I have never been scared like this in my whole life!"

Napanganga siya sa ginawa nito.

Dudugdugdugdug!

Iyon ang naririnig niya sa kanyang dibdib!

"P-Pinagsasabi mo?" nautal niyang wika habang nakatulala sa karimlan.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya pero ang mga kamay nito sa kanyang balikat.

"Aula, please stop acting like you're okay! Look at you... look there's a stain of blood in your shirt! Alam kong hindi ka, okay!"

Natawa siya sa sinabi nito. "FYI, Nicolo! Hampas lang ba ni Rachelle ang ikamamatay ko? Ei 'nung sagasaan mo nga ako nabuhay naman ako mas grabe pa nga iyong ginawa mo sakin 'nun!" sabi niya na kaagad nakasimangot ang mukha nito.

"Makikita mo makakaganti din ako sa Rachelle na 'yan kaya lumabas na tayo. Ang baho dito kahit mukhang mayaman tong CR. Eww, kadiri pa rin! I think tumae kanina si Rachelle dito!" sabi niya na nagsitaasan pa ang mga balahibo niya.

Lumabas na nga sila ng CR pero hawak-hawak siya ni Nicolo.

"You stay here, I will call someone to take the chopper."

Maya't-maya may kinuha si Nicolo sa kanyang cellphone at may tinawagan ito.

Alam niyang malapit lang ang kinapapalagan ng helicopter sa mansion. For incase of emergency lang iyon nila ginagamit. So may emergency nga kaya gagamitin ni Nicolo iyon.

Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig na nila ang helicopter.

"Let's go there," sabi ni Nicolo at muli siyang inilalayan.

"Nicolo, where do you think you are going!?" sabi ni Lou-Lou na bigla-bigla na lang nagpakita nang malapit na sila sa helicopter.

"I'm taking the chopper! We're heading back to Manila, right away."

"What!? Gabi na baka kung ano pang mangyari sa'yo sa daan."

"Daan? Hindi nga kami dadaan sa kalsada kundi sa himpapawid! Diba doon ang linya ng mga lumilipad na sasakyan?"

"Shut up! You!" duro sa kanya ni baklita. "Look at her I think she's fine!" sabi nito kay Nicolo.

"She needs to be examined very well!"

"Nicolo, she's just your P. A you don't need to accompany her! I can send someone to accompany her!"

"Really? Is that how you treat your employees? Aula isn't just my PA. Kailangan ko din siyang pangalagaan just like what she does to me!"

"Ah, Nicolo, okay na ako! May bandage na ang ulo ko. Ang hindi lang okay hindi pa ako nakakaganti sa lintik na Rachelle na 'yan."

"You! Subukan mong gantihan si Rachelle makakatikim ka sakin!" banta sa kanya nito.

Natawa siya ng pagak. "Sige nga kung nangyari din sayo 'to sa tingin mo hindi ka gaganti!? Wag kang magpaka-hipokrito!"

"Sige na nga Nicolo dalhin mo na ang babaeng yan huwag sa ospital sa vet mo dalhin mukhang animal ang gaga! Urrgh nakakapanggigil!" inis na inis na wika nito at tinalikuran na suya nito.

"Aba't nagsalita ang mukhang hito!" habol na sabi niya dito.

"Aula, let's go!"

"Ikaw naman ang OA mo! Sa amin nga nakailang untog nako sa ulo hindi naman ako nagpapa-ospital!"

"Stop arguing with me Aula, mas mabuti ng makasigutado tayo." pigil ni Nicolo at hinila na siya pasakay ng chopper.

Sige na nga subukan din niyang sumakay ng chopper. Mukhang exciting!

Sumakay na nga sila at lumipad na ang chopper.

Napahawak siya nang mahigpit sa damit ni Nicolo.

"Is this your first time?" tanong nito sa kanya.

"Aba oo naman wala naman kaming helicopter. Sa ferris wheel oo pwede pa."

"You can hug me if you want to," Suhestyon ni Nicolo.

Napaangat ang mukha niya at nagkatitigan sila.

Ang mga kilay ni Nicolo ay kasing steady ng lipad ng helicopter. Hindi na iyon baliko o naka-angat na hindi gaya noong nakikita niya sa tuwing naha-highblood ito sa kanya.

"I'm sorry, hindi kita na protektahan mula kay Rachelle." bigkas nito.

Dinig na dinig niya iyon kahit malakas ang ugong ng helicopter.

"Ano ka ba okay, na 'yon! Away babae lang iyon. Pero gaganti pa rin ako sa babaeng 'yan."

Nagdikit ang mga kilay ni Nicolo kasabay 'nun ay ang pagtagilid naman ng helicopter dahilan para mas mapalapit pa siya kay Nicolo.

"Ano ba 'yan ganyan ba talaga ang lipad akala ko steady lang." inis na sabi niya.

"Kaya nga yakapin mo ako I'll guide you all the way!" pagsabi nito ay kinuha nito ang dalawa niyang kamay at iniyakap nito ang sarili sa kanya.

"Mr. Dee, make it fast!" utos ni Nicolo at mabili namang tumalima ang nagpapatakbo ng helicopter.

Mahigpit na napayakap na lang siya kay Nicolo habang walang humpay siyang tumitili dahil sa pagbilis ng lipad ng helicopter.