Chapter 14: The villain
Kinaumagahan nang makabalik na sila sa set sa mansyon ay nakita ni Aula si Rachelle na nakasakay ng kabayo habang may humahawak sa tali ng kabayo.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Aula kay Denice, ang P. A ni Rachelle.
Napabuntong-hininga ito at mukhang problemado. "Ang alaga ko nag-eensayo'ng mangabayo. Baka kung ano pang hindi magandang mangyari sa kanya." sabi nito.
"Paanong nagkaroon ng kabayo dito sa bakuran ng mansyon?" tanong niya dito."
"Inarkila lang nila 'yang kabayo diyaj lang sa malapit."
"Hayaan mo siya ginusto niya 'yan. Atsaka ba't ka ba nag-aalala sa babaeng 'yan sarili nga niya hindi nag-aalala."
"Paano kung malaglag siya—ay jusko!" napasigaw na wika nito nang kamuntik nang malaglag si Rachelle mula sa kabayo.
"Oh, see? Hindi naman siya nalaglag."
"Rachelle tama na 'yan! Baka malaglag—ay!" sigaw ni Denice kay Rachelle nang kamuntikan na naman itong malaglag.
Napatawa siya. "Mukhang nagdidilang anghel 'yang dila mo. Ikaw naman ang KJ mo hayaan mo lang kasi siya. Maikli lang ang buhay para ipagdamot ang happiness niya!"
"Naku any minute mag-uumpisa na ang shooting nila." sabi pa nito. "Ikaw nasaan ang alaga mo?' tanong nito sa kanya.
"Nandito pa sa tiyan ko," bored na sabi niya.
"Aula I am not asking your bulate, si sir Nicolo ang tinatanong ko."
"Nandoon pa yata sa hotel,"
"Bakit hindi mo sinabayan?"
"Sa pagkakaalam ko ang trabaho ko ay ayusin ang mga gamit niya."
"Huh? Hindi ka ba na-inform ni Nicolo na bukod sa pag-aayos ng mga gamit nito ay dapat nasa tabi ka lang din niya at dapat sabay kayo na nasa set kasi anytime kailangan ka 'nun."
Napaisip siya wala naman kasing sinabi ni Nicolo ng ganun sa kanya.
"Wala naman siyang sinabi sakin na ganun,"
"Buti ka pa hindi ka nai-stress sa alaga mo, sakin ayun oh! Nakakatakot ang ginagawa niya. Atsaka bakit mo nga pala inaway si Rachelle kahapon?"
"Ano? Ako inaway ko siya? Seryoso ka ba sa binebentang mo? FYI, si Rachelle ang lumapit sakin malamang siya ang nanugod,"
Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko nga alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo."
"Haler, hindi ko kailangang mag-explain!" sabi niya sabay baling sa van na kadarating lang at inuluwa niyon si Nicolo kasama si Direct Lou-Lou at iba pang mga director.
Nauna na kasi siyang dumating sa set at sumabay na kasi siya sa nagbuhat ng container van gamit ang truck ni Manong driver Rey.
Nakita niyang palinga-linga si Nicolo na parang may hinahanap at nang magawi ang paningin nito sa direksyon niya ay napatitig ito sa kanya.
Hanggang sa lumalapit ito sa kanya.
May kailangan na naman siguro ito sa kanya.
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam na nandito ka na pala?" tanong nito nang tuluyang makalapit.
"Bakit pa ako magpapaalam ei, nasa baba nako ng hotel. Nakakatamad umakyat ulit kaya sumabay na ko kay manong Rey."
"Ginamit mo man lang sana ang cellphone mo at tinawagan ako." nakabusangot na sabi nito."
"Teka nga, ano bang problema mo kung nauna ako dito?"
"Dahil ang buong akala ko nandun ka pa sa hotel at—"
"Ahay, nandito na pala ang babaetang 'to nagsayang pa kami ng oras kakahintay kanina sa baba ng hotel!" salungat ng baklitang si Lou-Lou.
"Sinabi ko ba kasi na sasabay ako sa inyo,"
"Argh! Ngali-ngali na kitang ipakain sa buwetre babae ka! Ang sarap mo pang kalbuhin." inis na naman na sabi ni Lou-Lou at mukhang gigil na gigil sa kanya.
"Mas nagmukha ka pa nganh buwetre sa harapan ko dahil sa galit mo sa akin,"
"Aba't!" akmang susugurin siya ni Lou-Lou nang pumagitna si Nicolo.
"Enough you two. Aula you should at least apologize," sabi ni Nicolo.
Nanlaki ang mata niya. "B-bakit ako magso-sorry? Wala akong ginawang masama noh!" inis na sabi niya.
Dikit na dikit ang mga kilay ni Nicolo nang tingnan siya. "You don't? Okay." sabi ni nito at umalis. Sumunod naman si Lou-Lou.
"Mukhang mainit ang dugo ni direk Lou-Lou sa'yo." Tumatawang sabi ni Denice.
"Ewan ko ba dun, mukhang hindi pa naaalisan ng itlog kaya masungit."
Tumawa ng malakas si Deniece. "I think nakahanap na siya ng katapat,"
"Hindi naman ako nakikipag-away 'dun." sabi niya.
Pero si Nicolo ang nasa isip niya. Kakaiba kasi ang timplada ng mukha nito nang pilitin siya nitong mag-sorry. Sa tingin naman kasi niya wala siyang kasalanan.
"Rachelle!" malakas na sigaw ni Deniece nang makita ang alaga nito na nakabulagta na sa lupa.
Mabilis itong nanakbo palapit kay Rachelle at siya naman curious siya sa kung anong nangyari kay Rachelle kaya naman marami ang lumapit dito.
Maging siya ay naki-usosyo na din.
Sisilip pa lang sana siya nang may bumuhat na kay Rachelle.
Likod pa lang nang nagbuhat ay kabisado na niya kung sino ito.
Hindi nga siya nagkakamali walang iba kung hindi si Nicolo.
Buhat nito ang nasaktang si Rachelle at kapit na kapit naman ang mga kamay ni Rachelle sa batok ni Nicolo.
Tinungo ng mga ito ang container van nila Rachelle.
Nilapitan niya ang mga ito.
"Call the medic now!' sigaw ng isa sa mga staffs.
"Rachelle naman sinabi ko na sayo na huwag ka ng sumakay ng kabayo."
"Rachelle, okay ka lang ba?" tanong naman ni Elio, ang second male lead.
"Ano ba kayo, okay lang ako. Mabuti nga at inilalayan ako ni Nicolo." nakangiting sabi ni Rachelle. "Salamat nga pala Nicolo sa pag-aalala sakin at pagbuhat kanina,"
"No problem, anyone in your situation will help."
Nawala ang pagkakangiti ni Rachelle nang marinig ang sinabi ni Nicolo.
Iniisip siguro ni Rachelle na napaka special nito.
Iwan ba niya pero parang pekeng ngiti iyon sa kanya.
"I don't think I can do shooting ngayon," nakalabing sabi pa ni Rachelle.
Napakaarte talaga!
"May masakit ba sayo?" tanong ni Nicolo
"Oo masakit ang paa ko," aaray-aray pa na wika nito.
"Let me check,"
"Sure, Nicolo." nakangiting wika ulit nito.
Marami ngayon ang nakasaksi sa eksina nilang iyon. At hindi lang iyon ang iba kinuhaan pa sila ng picture.
Malamangpagpi-pyestahan na naman ng mga media ang dalawa.
Aywan ni Aula kung bakit nakakaramdam siya ng inis kay Nicolo sa mga sandaling iyon.
Hinawakan ni Nicolo ang kanang paa ni Rachelle at hilot-hilot iyon.
"Did this make you feel good?"
"O-oo, Nicolo, dahan-dahanin mo lang " sabi ulit ng maarteng si Rachelle.
"Alright, done. Let's wait for the medic, so they can examine you better than I."
"Pano na 'yan baka hindi na tayo makakagawa ng shoot ngayon,"
"Then let's just call it a day,"
"You mean magre-rest tayo?" nakangiting sabi pa ni Rachelle.
"Yhup, I knew how hard it is kung may dinaramdam ka," maikling tugon ni Nicolo.
Tumango-tango naman si Rachelle.
"You're right ngayon lang ako nakaramdam ng ganito."
Kung magpalitan ng salita ang dalawa parang walang tao sa paligid ng mga ito.
"Rachelle, naman bakit ka sumakay ng kabayo!" humahangos na sabi ni Lou-Lou nang lumapit na ito at kasama na ang naturang medic.
Kasabay 'nun ay umalis na si Nicolo.
Parang hangin lang ito na dumaan sa harapan niya at hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin o kinausap.
Naiinis na talaga siya. Ano na naman ba kasi ang kasalanan niya?
Nagdesisyon siyang umalis na lang at tinungo ang container van nila ni Nicolo. Pero wala si Nicolo doon. Mukhang umalis na rin. Pero ang buong team nasa mansyon pa rin at nag-aayos na lang sa kung ano pa ang mga ganap nila ni Rachelle at Nicolo na gagawin.
Humiga na muna siya sa folding bed. Hindi naman mainit ang container van kahit sa umaga dahil may mga insulation sa bobeda 'nun at may aircon din sa loob. Itutulog na lang muna niya dahil kulang siya sa tulog.
Nang magising siya ay tanghali na. Lunch break na pero hindi pa rin nagtatawag si Nicolo ng hapunan.
Binuksan niya ang nagsisilbing pintuan ng container van. Kasi nasa malapit sa pintuan mismo ang pwesto ng higaan niya.
Nang tumanaw siya sa labas ay nakita niya sa kanyang mga mata si Rachalle na may hawak na saklay at hindi niya alam kung saan ito tutungo.
Hindi niya alam kung maaawa siya sa babae o dapat ba niyang sabihin na deserved niya iyon. Pero kasi mas naawa siya sa ibang team at mga kasamahan sa set dahil sa araw na sinayang ng mga ito o mas tamang sabihin na sinayang ni Rachelle.
Tumayo na siya at inayos ang kanyang hinigaan pagkatapos 'nun ay uminom siya sa kanyang dispenser.
Nang matapos siyang uminom ay minabuti niyang magtungo muna sa CR kasi naiihi siya.
Tinungo niya ang CR sa likod ng mansyon malapit sa swimming pool.
Bago tuluyang makapasok si Aula sa CR ng mansyon ay nakarinig siya ng humihimig 'yong tipong lullaby ganun.
Ano iyon?
Hindi naman kaya may multo sa CR?
Dahan-dahan siyang lumalapit sa pintuhan at pinakinggan ng maigi iyon.
Talagang meron pa rin!
Bakit ba siya natatakot sa multo!? Multo lang iyon hindi naman nanakit.
At akmang tuluyan na siyang makapasok ng may mabangga siya kung kaya't napatili siya at gayon din ang nabangga niya.
"Rachelle!" gulat niyang sabi.
"Well, ano ang ginagawa ng walang breeding dito?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Noy, malamang makikigamit din ako ng CR," sabi niya pero may napansin siya kay Rachelle hindi nito hawak ang saklay nito na kanina lang ay gamit nito.
"Teka bakit hindi mo gamit ang saklay mo?" nagtatakang tanong niya na ikinabigla nito.
"Malamang gagamitin ko pa lang!" inis na sabi nito.
Nang tingnan niya ang mga paa nito ay nakakatayo naman ang mga iyon ng maayos.
"Manloloko ka!' bulyaw niya dito.
"What!? How dare you!?"
"Huwag ka ng nagsinungaling hindi ka totoong injured kanina!"
Kanina lang magkadikit ang mga kilay nito pero kaagad ding napalitan at nakangiti na ito.
"Well, you're right, hindi nga ako injured." sarkastikong sabi nito.
Nagningkit ang mga mata niya. "Artista ka ngang talaga! Hindi mo ba alam na ang daming taong dinamay mo dahil sa kagagahan mo? Sinayang mo ang mga oras nila. Sasabihin ko sa kanila na hindi ka totoong injured!"
"So what!? Sino ang maniniwala sa isang kagaya mo? And do you think that you had the audacity to say that it was all my fault!?"
Tila napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga sino nga kaya ang maniniwala sa kanya?
"Si Nicolo maniniwala iyon sakin!" taas noong sabi niya.
Tumawa ito sa sinabi niya.
"You mean you're boss? At sino naman ang maniniwala sa kanyang empleyado lang? Or should I say assistant?" pang-iinsulto pa nito.
Ngali-ngali na talaga niyang kalbuhin si Rachelle!
Mas matangkad din siya ng ilang pulgada dito.
"Ano natameme ka na diyan hindi ba't tama ako?" nang-uuyam na sabi nito.
"Kahit ano pa ang sabihin mo magsasabi ako ng totoo!" sabi niya at tinalikuran ito pero bago pa siya tuluyang makalabas ng banyo ay isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo, pagkatapos 'nun ay nawalan siya ng malay.