Chapter 16: His enemy appearance
Pagmulat ng mga mata ni Aula ay nagtaka siya nang mukha ng tatay niya ang nabungaran niya.
"I-Itay?" hindi makapaniwalang sabi niya at kaagad siyang napabalikwas mula sa kanyang pagkakahiga sa isnag hospital bed.
"Gising na ang anak natin!" malakas na sigaw nito.
At nang tignan njya ang sinigawan nito ay walang iba kung hindi ang inay at kapatid niya.
Humahangos na nilapitan siya ng kanyang inay. "Paulita, ano ba kasi ang ginawa nila sayo! Totoo ba na may nang pokpok sa ulo mo!?" galit na tanong nito.
"Ano ang ginagawa ninyo dito?" hindi pa rin makapaniwala na tanong niya.
"Sagutin mo muna ang tanong ko!" galit na sabi ng inay niya.
Hinawi niya ang kanyang noo dahil makirot iyon. Mukhang napahaba ang tulog niya. Nang tignan niya ang orasan ay alas dyes na ng umaga.
Hindi niya kasi nakayanan ang antok niya kagabi kaya nakatulog siya sa sinakyan nila ni Nicolo na panghimpapawid.
"K-kwan 'Nay nauntog lang ako,"
"Nauntog, sigurado ka? Ei, ba't ang sabi ni Nicolo na kagagawan iyan ng artista! Ikaw na bata ka magsabi ka sakin ng totoo!" sabi nito at akmang hahampasin siya nang pigilan ito ng Itay niya.
"Nay naman kagigising ko lang pinapagalitan niyo agad ako!" maktol niya at nahimasmasan naman ang inay niya.
"Sige, sige mag-uusap tayo mamaya!"
"Nagugutom ako 'nay." napalabing sabi niya.
"Tamang, tama may baon kami dito ng talbos ng kamote. Ginulay ko kanina bago kami magpunta dito. Pamparami ng dugo 'yan." sabi ng kanyang itay.
Kuminang agad ang mga mata niya sa sinabi ng itay niya.
Paborito kasi niya iyon sa Tarlac.
Mabilis niyang kinuha iyon at pinapak.
"Magdahan-dahan ka naman ate," paalala sa kanya ni Angelo.
"Nami—miss ko kasi ito sa'tin tagal ko nang di nakakain nito." sabi niya na may laman pa ang bibig.
"Heto ang tubig baka mabilaukan ka niyan," sabi ng itay niya.
"Naku tamang-tama ito 'tay kanina pa ako uhaw na uhaw." sabi niya at nilagok ng buo ang tubig na binigay sa kanya ng ama.
Grabe nabusog agad siya kahit talbos ng kamote at kanin ang kinain niya.
Hawak-hawak ang tiyan niya sa sobrang pagkabusog.
Napansin din niya ang kanyang suot na naka-hospital gown siya.
"Bakit mo hinihimas-himas ang tiyan mo?" kapagkuwan tanong ng kanyang ina.
"Aba 'nay malamang busog ako!"
"Baka naman hindi kabusugan 'yang laman ng tiyan mo," may pagdududang sabi ng kanyang ina.
"Nay, naman ayan na naman mga tingin mo." inis na wika niya .
"Ikaw ba ay may nobyo na dito sa Manila?"
Nanlaki ang nga mata niya sa sinabi nito."Nay, trabaho po ang pinunta ko dito hindi pagno-nobyo!" nakasimangot niyang sabi.
Narinig nilang may tumikhim mula sa pintuan.
At si Nicolo iyon. Nakasandal sa hamba ng pinto at nakahalukipkip ang mga braso nito.
Kanina pa ba kaya ito doon?
"Pasensya na po sa istorbo. Any minute darating na po ang doktor ni Aula."
"Naku, iho, okay lang. Kami nga itong naka-istorbo na sa'yo. Pagpasensyahan mo na sana ang anak namin mukhang nadamay pa ang trabaho mo dahil sa kagagawan ng anak ko." sabi ng inay niya na ikinalaki ng mga mata niya.
"Nay, wala po akong kasalanan sa nangyari sakin," nakasimangot niyang muli na sabi.
"Kahit na kasalanan mo pa rin hindi ka nag-iingat sa mga taong nakapaligid sa'yo,"
Napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi nito. At nang mapadako ang tingin niya kay Nicolo ay nakatingin naman ito sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay. Mukha kasi itong may sasabihin. Pero dahil nasa loob ang mga magulang niya mukhang hindi ito makabwelo.
Bakit naman kasi sinugo-sugod pa siya nito sa ospital.
Maya't-maya nga dumating na ang doktor na uncle ni Nicolo.
Binati ng mga magulang niya ang doctor.
"Hmn, Aula mabuti naman at nagising ka na,"
Mukhang nagulat ang mga magulang niya nang magsalita si doc Rei.
Nginitian niya ito. "Oo nga po ei, ang sarap talagang matulog sa ospital."
"Sa lahat ng naging pasyente ko ikaw lang ang nagsabi niyan!" natatawang sabi nito.
"Ganun po ba? Hihi! Ei, Ano po ang maipapayo niyo doc Rei?"
"Base sa findings mo, may bumubukol akong nakita,"
"B-bumubukol!? May bukol ako?" gulat na tanong niya.
"Exactly!" matinis na wika ng doktor.
"A-anong klaseng bukol po?" kinakabahang tanong niya.
"Sad to say iha, 'yang tiyan mo ang bumubukol!" sabi ng doktor.
Napanganga siya sa sinabi nito.
"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Buntis ka 'neng!" napalatak na sabi nito.
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Doc, naman binibiro niyo na naman ako!"
"Ikaw na bata ka sinasabi ko na nga ba na buntis ka!" bulyaw ng kanyang ina at akmang susugurin siya nang pumagitna agad ang inay niya.
"Nay, nagbibiro lang po si doc!"
Narinig nilang tumawa ang doktor.
"Uncle, Rei stop saying that again baka mapaniwala mo pa ang mga parents ni Aula!"
"Sabi ko naman sa'yo Iho, asawain mo na itong si Aula mukha naman kayong bagay!" napapalatak pa na wika nito.
Kamuntik na siyang mahimatay sa sinabi ni Uncle Rei.
"Enough, uncle Rei!"
Muling natawa ang doktor.
"Okay, okay. It's a prank! I'm sorry I didn't know na mabilis mapaniwala itong mga magulang ni Aula. Ganyan ang mga gusto ko!"
"Sabihin mo na lang kay Aula kung ano ang resulta niya sa CT scan niya." sabi ulit ni Nicolo.
Hindi na siya nakapagsalita at natameme na lang sa tabi dahil nawiwindang pa rin ang utak niya sa sinabi ng doktor na asawain na lang siya ni Nicolo.
"And based on Aula's CT's scan that she's totally out of danger!"
"Ano ang ibig mong sabihin doktor?" tanong ng kanyang ina.
"Okay na si Aula! Walang nakitang damage sa ulo ng anak niyo! Pwede na siyang ma-discharged."
Naginhawaan siya sa sinabi ng doktor.
"Alright, let's call it for a day! See you around!" paalam ng doktor.
Kahit kailan talaga napaka-kulit ni doc Rei.
Narinig ulit niya ang pagtikhim ni Nicolo.
"Aula, dadalhin ko muna ang pamilya mo sa condo and they will staying at the next unit until you've totally recovered."
"Ikaw ang bahala," bored na sabi niya. Ewan ba niya parang wala pa siyang lakas makipag-argumento sa mga sandaling iyon kay Nicolo.
Pagsasabihan sana niya ito sa pagdala pa ng mga magulang niya sa Manila pero ewan ba niya.
Nasa loob din kasi ang mga magulang niya.
*************
"Thomas, I want you to do a favor for me."
"Hmn, what is it Nicolo?"
"I want to fired someone,"
"Sure who would that be?"
"Rachelle,"
"Rachelle who?"
"Buenavista,"
"Oh, the actress whose career is just getting started? What about her?
"She did something terrible to my P. A. I can't tolerate what she did." He said and explained everything to Thomas about what Rachelle did on Aula."
"Is that it?"
"That is supposedly a crime for christ sake!"
Bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Kailan siya dapat paalisin?"
"I want you to get her out to this agency. Effective today."
"What about the ongoing drama you had with her since she is the female lead?"
"I don't care we can still find another actress who really suitable with that character and
Rachelle doesn't suit her character well."
"Oh common Nicolo alam natin na iba ang realidad sa ginagawa natin sa industriyang ito."
"Just do as I say, I don't have to explain it to you."
"Okay, okay." sabi nito at pinatay na ang tawag.
Napabuntong hininga siya. He really wanted to protect Aula for some reason.
And what would it be? Basta may rason kung bakit gusto niyang protektahan si Aula.
"Let's go, Angelo." yaya niya sa kapatid ni Aula mula sa labas ng pinto ng room ni Aula.
"Sige kuya sunod na ako," sabi nito mula sa loob at siya naman ay nauna nang lumabas.
"Okay, I'll wait for you in the car."
They were heading at his condo para ilagay doon ang mga gamit ng magulang ni Aula.
Alas otso na kasi ng umaga nakarating ang mga magulang nito sa ospital.
"Kuya, Nicolo!" napalingon siya sa tumawag sa kanya nang nasa hallway na siya.
It was Janice. Janice is her second cousin from mother 's side.
"Oh, hi, Janice! Long time no see," he said casually.
"Yeah, kuya hindi ka na kasi bumibisita satin."
"I thought you're in L. A? Hindi ba doon ka na nag-aaral?"
"Hindi mo ba alam na dito ko na balak mag-aral?" sabi nito.
" I haven't heard anything from you since the last time we saw each other."
Limang taon kasi niya itong hindi nakita. And now she is totally grown up now.
"Kaya nga kuya ei, ang daya mo!"
Napatawa siya sa sinabi nito. "Anyway, what's gotten you here?"
"My mom was admitted,"
"Si tita Cassandra?"
"Yes!"
"What happened to her?"
"Ayun tumaas na naman ang BP dahil kay kuya Tyron."
Nangunot noo siya sa sinabi nito sa binanggit nitong pangalan.
"Tara kuya," singit ni Angelo na bitbit ang mga gamit nito mula sa kanyang likuran.
At nang mapagawi ang mga mata nito kay Janice ay nakatitig na lamang ito sa dalaga.
He knows that Angelo was the same age as Janice.
"Who is he kuya Nicolo? Artista din ba siya?" nakangiting sabi ni Janice.
"Ah, no he is not. By the way Janice, he is Angelo, my P. A's brother." pagpapakilala niya dito.
"Hi, Angelo nice to meet you!" nakangiting sabi ni Janice at nang tingnan niyang muli si Angelo ay ganun pa rin ang mga mata nito nakatitig lang.
Mukhang nai-startuck yata ang binata kay Janice.
"Janice, mom is looking for you." salungat ni Tyron.
Tyron Labrusca...
Sino ba naman ang hindi nakakakilala dito. Siya ang sikat na artista sa kabilang istasyon na kanilang ka-kompetensya.
"Oh, hi, my dear couz!" bati nito sa kanya. And when he looked at him and he saw the fake smile on him.
Tinanguan na lang niya ito.
"See you around, Janice. Ipakamusta mo na lang ako kay tita Cassandra. Let's go, Angelo!" paalam na niya sa dalaga.
Kung maaari ayaw na ayaw niyang makita si Tyron at ni makasalubong man lang. May bahid sa kanyang nakaraan na kasama ito at kung bakit ayaw na ayaw njyang makita ito. They were cousins but not that they're close. Malaki ang naging kasalanan nito sa kanya na hanggang ngayon dala-dala niya.
Mabibilis ang mga hakbang niya na lumabas na ng ospital at tinungo ang kanyang sasakyan.
"Kula Nicolo mukha ba akong artista?" nakangiting sabi pa ni Angelo.
"Oo, bakit gusto mo din bang mag-artista?"
Tumawa ito. "Tong mukhang to kuya!? Sigurado ka na kakasa akong artista?" hindi pa rin makapaniwala na sabi nito.
Magandang lalaki naman si Angelo pero hindi lahat ng may magandang pisikal na anyo ay nababagay maging artista. Dapat ina-apply ang passion sa pag-arte ng mga ito sa larangang pinasok nila. "Oo naman, basta ba kaya mong umarte."
Ngingiti-ngiti naman ito sa sinabi niya. "Atsaka kuya, pinsan mo ba talaga iyon?"
"Oo, bakit?"
"Ang ganda-ganda niya kuya!" ngingiti-ngiti pang sabi nito.
"Type mo siya noh?" tudyo niya.
Biglang nanlaki ang mga mata nito.
"Nakakahiya kuya para akong hihimatayin kanina 'nung kaharap ko siya!"
Natawa siya sa sinabi nito. The young boy seems to be in love with Janice for the first time he laid his eyes on her.
He really likes Aula's family for their honesty.
"Oh, well that's normal." he said.
"Sayang hindi ko man lang nakuha ang number niya," umit nito.
"Are you really interested to her?" tinignan siya nito na may ningning sa mga mata.
"Naniniwala ka din ba kuya sa unang tingin mo pa lang sa isang babae ay magkakagusto ka kaagad?" tanong nito.
Napaisip siya sa sinabi nito. When was the last time he got interested with a woman? That was when he was with Cherub.
Arrgh, he doesn't want to remember that woman again.
"I don't know," he simply said.
"Palagay ko kuya hindi ko rin alam,"
Napanganga siya sa sinabi nito.
Para kasi itong si Aula kung sumagot. Hindi niya alam kung natural lang ba sa mga ito ang magsabi ng totoo o pawang mga biro lang ang sagot ng mga ito.
Pinasakay na niya si Angelo sa kanyang kotse at pinasibad na iyon mula sa kanyang condo.