Chapter 7
PAGKABAYAD ni Karen sa taxi dali-dali na siyang bumaba para habulin ang nasagip ng kanyang mata. Kahit minsan lang niya nakaharap ito kilala niya ang nakita. Well first kiss kaya niya ito ng ganon karubrob kung baga intensity 10 ang impact nito sa kanya. Nagka boyfriend na siya pero hindi ganon ang halik na pinagsasaluhan nila kunting kiskis sa labi tapos. Malaki ang respeto ni Karen sa sarili.
Lakad dito lakad doon ang ginawa ni Karen pero hindi na niya nakita pa ang hinahanap.
"Ang bilis naman nong maglakad, baka hindi siya iyon, namalikmata lamang ako." Pumasok na siya sa loob ng hospital.
"Hi, Daddy, Mommy," bati ni Karen sa magulang tulog naman ang kapatid."Kamusta naman po si Lyka?"
"Okay naman na siya, Karen, paano, ikaw muna ang magbantay sa kapatid mo, uuwi mo na kami ng Mommy mo, mamaya babalik kami para ilabas na nating si Lyka."
"Sige po Daddy, Mommy, ako na pong bahala kay, Lyka."
Kaagad naman ng umalis sina Jay at Veron.
PANAY naman ang lakad ni Val, nang hindi makita ang hinahanap na tinutuluyan ng kaibigan. Nagtanong-tanong na siya sa bawat madaan niyang tindahan kong saan ang address na nasa papel. Ang huling napagtanungan itinuro nito ang daan patungo inuupahan ng hinahanap.
Hinihintay na pala siya ng kaibigan pagtapat niya sa bahay."Pareng Val, mabuti naman at nahanap mo itong tinutuluyan ko?"
"Ang hirap ngang hanapin pare, mabuti na lang at kilala ka ng huling napagtanungan ko."
"Pasok-pasok pare, pasensiya kana dito sa tinutuluyan ko masikip ito lang ang kaya ko."
"Okay lang pare, parang hindi mo naman ako kilala, sanay ako sa hirap, mabuti nga narito ka, at ng may matuluyan ako rito sa Manila."
"Sakto ang pagpunta mo rito pareng Val, at dumating ka pa ng maaga kasi nagpalitan kami ng oras sa trabaho ko, pang hapon na ako hanggang madaling araw, ikaw na ang bahala rito ah, ako ay papasok na sa trabaho ko. "
"Sige pareng Lucas, walang problema."
"Kung nagugutom ka pareng Val, may tinira akong pagkain diyan sa lamesa para sa iyo. Ipainit mo na lang, kung ayaw mo naman puwede kang magluto kung gusto mo."
"Sige pare, sige na pumasok kana baka mahuli ka pa, salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito, pareng Lucas."
" Pareng Val, basta ikaw walang problema, sanggang dikit kaya tayo sa ating," may ngiting anito.
Kinuha na nito ang bag pero bago lumabas nang bahay si Lucas."Pareng Val, ipagtanong ko sa opisina kung may bakante para maipasok kita."
"Huwag na pareng Lucas, meron na akong mapapasukan."
"Talaga? Saan pare? Teka ang bilis, ah."
"Bukas na tayo mag kuwentuhan pare, sige na lumarga kana."
Tumango ito sa kanya.
Nang wala ang kaibigan tinignan niya ang pagkain sinabi nito sa totoo lang gutom siya at pagod rin.
Pagkatapos niyang kumain at nilinis ang ginamit. Nahiga siya sa sopa sampong minuto lang ang lumipas nakatulog na si Val.
PAGDATING ng lunes maagang magising si Val nagluto siya ng almusal nilang mag kaibigan ng makaluto na siya nauna na siyang kumain pagkatapos siya'y naligo na nagbilis ng maayos.
"Wow pare, ang porma nating ah, guwapo pa, saan ang punta nating?"
"Pare, mag tra-trabaho na ako ngayon ang umpisa ko."
"Talaga pare papanong nangyari iyon hindi naman kita na kitang lumabas ng bahay, ah?" nagtatakang tanong ng kaibigan niya.
"Oh, pasensiya kana pare hindi ko na kuwento sa iyo, naging busy ka kasi nitong nakaraan araw tuloy hindi tayo nakapagkuwentuhan man lang."
"Kaya nga pare, paano kasi na bigyan ng suspension ang isa kung kasama tuloy ako pumupuno sa oras niya."
"Paano papasok muna ako sa trabaho ko pag-uwi ko kuwentuhan tayo, pare."
"Sinabi mo iyan ha, pareng Val. "
"Oo, sige na aalis na first day sa trabaho dapat maaga di ba, pare?"
"Oo, pare, ganyan din ako nong unang araw ko sa trabaho ko, good luck, pareng Val."
"Salamat, pare." Papalabas na siya."May pagkain diyan sa lamesa pare, huwag ka ng magluto puwede mo pang baunin iyan madami akong niluto," habol niya.
"Salamat pareng Val, good luck ulit, sana mabait silang lahat sa iyo."
"Dalangin ko nga, pare."
"Ikaw pa pareng Val, kaya mo iyan magaling kang makisama sa tao. Pero kung hindi mo makuha, daanin sa karisma mo."
Napangiti si Val sa sinabi nito karisma ba sa gandang lalaki niya ang ibig nitong sabihin? Hmm malay mo nga.
"KAREN, may favor sana akong hihilinging sa iyo ngayon?" ani Jay sa anak habang nag-aalmusal sila.
"Sure Daddy, ano po iyan?"
"Nasa talyer ang kotse kaya puwede bang ihatid mo ako ngayon sa opisina anak, hindi ba ako makaabala sa iyo?"
"Kinabahan naman ako sa iyo Daddy, akala ko kung ano na, sige po ihatid po kita sa opisina mo."
"Thank you, anak."
"Si Lyka nga pala, Daddy, Mommy?"
"Naku maagang pumasok sa opisina, naging workaholic na ang kapatid mo mula ng wala na sila ni Mico. "
"Well, gusto lamang siguro niyang makalimot Daddy, nasa kalagitnaan pa kasi siya ng recovery niya sa nangyari."
"Kaya nga hinahayaan lang namin siya ng Mommy mo, paano anak tara na, meron kasi akong haharapin na tao ngayon sa opisina. "
"Yes Daddy, let's go, bye Mommy."
"Mag ingat kayo sa daan lalo kana Karen, be careful sa pagmamabeho mo."
"I will, Mommy."
"RAMIREZ, CORPORATION ito na kaya?" nasa tapat siya ng isang building. Bago pumasok sa loob nagtanong muna si Val sa guwardiya."Sir, ito ba ang opisina ni Mr. Jay Ramirez?"
"Oo, dito nga may kailangan ka sa kanya?" tugon naman ng guwardiya.
"Oo, sir, pinapupunta kasi niya ako ngayon dito."
"Ganon ba, pero wala pa si sir, mamaya pa ang dating eh, pero nasa loob ang anak nito."
"Si ma'am, Lyka, ba?"
Nagtaka naman ng guwardiya dahil kilala niya ang dalaga.
"Kilala mo si ma'am, Lyka?"
"Oo, sir," maikling tugon niya.
"Sige pumasok kana, magtanong ka na lang sa mga employee rito na makita mo sa loob."
"Salamat sir, ako nga pala si Val." Pakilala niya rito sabay abot sa kamay.
"Antonio, pare, pero Anton, for short na lang mas magandang pakingan, pareng Val, puwede bang ganyan na lamang ang tawagan natin?" nagkamay silang dalawa.
"Oo naman, pareng Anton!" May ngiting tugon ni Val unang araw niya may kaibigan na siya kaagad.
"Sige, pasok na ako sa loob, pareng Anton."
"Sige, pareng Val."
Papasok na sana si Val sa loob ng pigilan siya ni Anton.
"Sandali lang, pareng Val."
Nilingon agad ni Val si Anton."Bakit, pare?"
"Hayan na pala, si sir, Jay."
Napatingin naman si Val sa kotseng pumarada sa harapan nila nagulat siya ng makita niya kung sino ang bumaba sa may driver side.
"Oh, no?" aniya.
"Huh? Bakit, pareng Val?" tanong naman ni Anton.
"Sino iyan kasama ni sir, Jay, pareng Anton?"
"Ah si ma'am, Karen, anak ni sir, Jay. "
"ANO?" nataranta si Val sino ba naman ang hindi may kasalanan siya rito tila ba gusto niyang magtago sa sandaling iyon nagpalinga-linga pa siya sa paligid kung mayroong mapagtataguan meron nga kaso tatakbuhin pa niya di mapapansin na siya.
Nagtaka naman si Anton sa naging reaction ni Val ng makita ang dalaga.
"Patay ako nito, mapurnada pa yata ang trabaho ko, ah!" Napahawak na lang sa batok niya si Val. At ininhanda ang sarili sa paghaharap nila ng dalagang hinalikan ng walang pa sabi.