Chapter 6
NANG matapos maani ang mga palay nila Val kaagad siyang nagpaalam sa magulang. At isa pa bakasyon narin ng iskuwela kaya may kasama ang ina sa bahay nila.
"Anak, hindi kana ba talaga magpapapigil sa pasya mong iyan?"
"Tatay, disidido na po ako na luluwas nang Maynila."
"Kuya, di ba ang sabi mo noon wala kang balak na umapak sa Maynila man lang?" sabat ni Mimi.
"Oo, Mimi. Pero nagbago ang pasya ko eh, may dahilan kaya ako luluwas ngayon."
"Kuya, pag-uwi mo pasalubong ko, ha!"
"Oo naman ikaw pa, anong gusto mong pasalubong ba?"
"Kayu, iyon pong lumilipad na helicopter, kasi meron ganon ang kaklase ko, eh. "
"Oh, sige ba iyon lang pala, ikaw naman bunso anong gusto mong bilhin ni kuya para sa iyo?"
Dahil apat taon gulang palang ang bunso medyo bulol pa ito.
"Tuya, balbi ha," wika nito.
"Naman bunso, pang babae lang ang balbi," sagot naman niya.
"Kuya naman eh, bulol na nga si bunso ginagaya mo pa siya," wika naman ni Mimi.
"Batta, balbi daw ang dusto ni bunso, di balbi," aniyang muli.
"Yeheyyyy bibili ato ni Tuya ng balbi, Bleeeee, talo kaw ate." Pinag-belatan nito ng husto ang ateng dalaga.
Nagtawanan ang mag-anak dahil sa sinabi nito.
"Bunso siguro bulol din ang guro mo?" wika muling ni Mimi.
"Ba-bakit?" nahihirapan itama ang salita nito.
"Oy, tumama si bunso."
"Taw lang, eh," sagot nito kaya naman nagtawanan silang muli.
"Oh, paano aalis na ako, Mimi, alagaan mo sila ha, dahil ikaw ang matanda," biling nito sa kapatid.
"Opo kuya, basta meron din ako, ha?"
"Oo, pag-uwi ko, pero sempre magtrabaho muna ako sa Manila para may pangbili ako sa mga gusto ninyo."
''Anak, kanino ka naman tutuloy sa Maynila may kilala ka ba roon?"
"Meron Tatay, kaibigan ko huwag kayong mag-alala sa akin, pag hindi ako nakahanap ng trabaho babalik kaagad ako rito."
"Sige anak, kong iyan ang gusto mo, ihatid ka namin sa terminal ng bus."
Tumanggi si Val malulungkot lamang sita."Huwag na Tay, ayoko po baka may iiyak pa doon," sabay tingin sa kanyang ina.
"Ikaw ang bahala na, anak."
"Nay, alis na po ako." Niyakap niya ang ina ng mahigpit.
"Mag ingat ka sa Maynila anak, maraming tukso roon."
"Zeny, kong tukso sa babae abay Val, huwag ka ng mag ingat pa, girahin mo kaagad ng magka apo na kami, ha!"
"Ikaw, Artemio ha, pagdating sa babae ang bilis mo talaga."
"Salita ko lamang ito Zeny, pero kahit na kailan wala akong naging babae nag-iisa ka lang sa dito sa puso ko, at sa buhay ko mahal na mahal kita!" sabay kindat pa nito sa asawa.
"Tatay, kahit na matanda kana napapakilig mo pa rin si Nanay, hayan oh kilig na kilig siya," sabi ni Mimi.
"Yes, ato lin Nanay, mahal kita," sabi naman ng bunso nila.
Nakikita naman ni Val na malaglag ang luha ng ina, kaya kaagad na siyang umalis.
"Kuya byeeeee!" Sigaw ng mga kapatid niya habang papalayo ang jeep na sinasakyan pa puntang bayan. Kumaway siya sa mga kapatid.
"Matagpuan mo sana ang tunay mong ama anak, at sana matanggap ka niya sa buhay nila," sabi ni Zeny sa sarili habang tanaw ang anak na papalayo.
Habang nakasakay na sa bus si Val titig na titig siya sa larawan ng kanyang ama.
"Okay, lang sa akin kung hindi mo ako kilalanin na anak oras na magkita tayo, ang mahalaga sa akin ay ang makita ka, iyon lamang wala ng iba," ani Val sa sarili.
Dahil walang traffic at mabilis ang takbo ng bus na sinakyan kaagad nakarating sa Manila si Val.
"Oh, Farmers Cubao na. Baba na kayo, sinong bababa rito?" sigaw ng kunductor.
Kaagad naman bumaba si Val ng makababa nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Actually expected naman niya kung ano ang Manila maingay, maraming tao. Nakakailang din ito para sa kanya. Nag palinga-linga sa kaniyang paligid si Val maraming tao nakakahilo. Sumakay siya ng keep patungong Madaluyong. Sa may Boni Avenue ang bahay ng kaibigan.
Naglalakad na si Val para hanapin ang bahay ng kanyang kaibigan nagulat siya ng may babaeng nagmamadaling dumaan sa kanyang harapan.
"Huh, anong nangyayari sa babaeng iyon?" Bago siya naglakad nilingon muna ang babaeng dumaan sa haraan siya'y nagulat dahil medyo nasa gitna na ito ng daan at may paparating na sasakyan.
"Masasagasaan siya!" mabilis niyang tinakbo ito.
Malakas na sigaw ang narinig niya bago sila nagmagulong-gulong sa kalsada ng babae.
"Lyka!" sigaw ng isang lalaki at patakbong lumapit sa kanila.
"Tumawag ka ng taxi bilisan mo!" utos ng lalaking yumakap sa babaeng niligtas niya.
Kaagad naman tumayo si Val tama naman na may dumaan na taxi at pinara niya ito.
Kaagad binuhat ng lalaki ang babae ng huminto sa tapat nila ang taxi.
Hindi sana siya sasama sa pagdala sa hospital sa babae ng tawagin siya ng lalaki.
"Sumama ka sa amin sakay na dalian mo!" sabi nito.
Dali-dali naman sumakay sa taxi si Val.
"Manong sa pinakamalapit tayong hospital please pakibilisan," nag-aalalang sabi ng lalaki.
"Okay, sir diyan tayo sa Mandaluyong general hospital," sagot ng taxi driver.
Pagkaraan lamang ng ilang sandali kaagad na nilang narating ang hospital. Kaagad na bumaba si Val para humingi ng tulong sa mga nurse.
Inasikaso ng mga nurse at doctor ang babaeng dinala nila sa hospital.
Habang nasa emergency room ang babae."Pare salamat sa pagligtas mo sa kanya, I'm Mico Santillan, pala?"
"Val Merdrano, sir," tugon niya.
"Salamat ulit, Val. Sa pagligtas mo sa kanya, I'm glad that you are there, thank you!"
"Wala iyon sir, kahit naman sinong makakita sa nangyari gagawin ang kagaya ng ginawa ko."
"Hindi lahat, Val, meron iba. They don't care what they saw."
"Sir, umuwi ka muna kasi iyan suot mo naka roba ka lamang at may dugo pa. "
"No, I won't leave hanggang hindi pa siya okay!"
Hindi na umimik pa si Val sa tingin naman niya may ugnayan ang dalawa.
Nang dumating ang magulang ng babae kitang-kita ni Val ang galit sa mukha ng ama nito.
Lumabas na ang doctor sinabi na mild lamang ang natamong sugat ng babae sa ulo nito bukas puwede nang umuwi.
Nilipat ang babae sa isang private room ng nasa loob na sila.
"Umalis ka na, Mico," sabi ng ama ng babae.
Kitang-kita naman ni Val ang pagsusumamo ng lalaki na makausap ang babae pero ayaw nito.
Umalis si Mico na nagsabing babalik muli.
Si Val naman ang binalingan nito."Ikaw di ba kasama ka ni Mico? Ano pa ang ginagawa mo dito umalis ka na rin!"
"Daddy, huwag. Siya ang nagligtas sa akin," awat ng babae.
"Ganon ba, pasensiya na ano nga pala ang pangalan mo?"
"Val Medrano po, sir."
"Ako pala si Jay Ramirez, ang asawa ko si Veron at ang anak ko si Lyka," pakilala nito sa pamilya.
"Maganda araw po ma'am. "magalang niyang turan.
"Ganin din sa iyo, Val, salamat sa pagsagip mo sa anak ko, utang niya kaniyang buhay sa iyo!"
Maraming tinanong ang ama ng babae na sinagot naman ni Val lahat. Hanggang sa yayain siya na mag trabaho sa company nito kanya naman tinanggap agad ito. Nakikita naman niya namapagkajatiwalaan ang lalaki.
"Veron, hindi ba pupunta rito si Karen?"
"Pupunta siya pero ang sabi niya mamaya pa kasi hindi pa tapos ang klase niya."
"Ah, sir, magpapalam na po ako, hahanapin ko pa kasi ang bahay ng kaibigan ko."
"Alam mo ba kung saan ito? Teka ang mabuti pa samahan na kita, baka mahirapan kang hanapin."
"Naku huwag na po sir, nasa malapit na lamang ito," tanggi niya sa alok nito.
"Sige, magkita na lang tayo sa lunes, Val. "
"Opo sir, salamat po," dagli na siyang lumabas sa silid na iyon.
Samantala si Karen naman nasa taxi na ito dahil maaga niyang pinauwi ang mga istudiyante niya. Dahil nga pupuntahan ang kapatid na si Lyka.
Habang papalabas ng hospital si Val."Yes, may trabaho na ako, blessing pala ang pagtulong ko kay Lyka!" anakangiting ani Val sa sarili kung puwede lang sumigaw ginawa na niya.
Nang nasa labas na siya. Siya rin paghinto ng taxi na sinasakyan ni Karen.
"Manong, magkano po?"
"Nubenta ma'am."
Kumuha ng pera si Karen sa bag pagbigay niya sa driver. May mahagip ang kaniyang mata na. Nagpakunot sa makinis niyang noo.