Chapter 8

"KAREN, salamat sa paghatid mo sa akin, ha."

"Walang ano man Daddy, gusto mo ba na sunduin kita mamaya?"

"Huwag na anak, matatapos na ngayon araw ang kotse ko, ipapakuha ko na lamang kay Luis ito mamaya."

"Okay Daddy, aalis na po ako." Humalik muna siya sa pisngi ng ama bago umikot sa driver seat.

Napatingin na si Jay kay Val.

"Si Val pala iyon, mabuti naman at dumating na." turan ni Jay nag makita niya ang binata.

"Sinong Val, Daddy?" Tanong naman ni Karen habang binubuksan niya ang pinto ng kotse.

"Ah, siya ang taong kakausapin ko anak, hayun siya iyan katabi ng guwardiya." Tinuro pa ni Jay ang lalaki.

Napatingin naman si Karen dito dahil naka side view ang lalaki hindi muna niya nakilala ito. Nagkabit balikat lamang siya hindi kasi niya nakita ang mukha nito.

"Pareng Val, salubungin mo si sir para makita ka niya."

Aligaga si Val hindi alam ang gagawin."Ha? Eh, hintayin ko na lamang siya sa loob pare, sige maiwan na kita," kumwaring hindi niya nakita ito kaagad na siyang tumalikod na.

Napakunot noo naman si Jay sa nakitang pagtalikod ng lalaki."Val," tawag niya rito.

Nakadama ng kaba si Val hindi naman niya puwedeng ignoring ito. Wala yata siyang lusot.

Humarap siya."Sir, magandang umaga!"kahit na kinakabahan siya kalmado naman ang kaniyang boses bahagyang yumuko si Val para hindi siya mamukhaan ng babae.

Hindi pa rin nakilala ni Karen si Val dahil nakayuko ito.

"Val, mabuti at narito kana, halika rito?"

"Patay na!" bulong ni Val.

"Huh? Pareng Val, sinong patay na?" tanong ni Anton narinig pala nito.

"Ha? Wala pare, sige lapitan ko muna si sir Jay."

Nang makalapit na si Val kay Jay nanlaki ang mata ni Karen nang mapagsino niya ang tinawag ng ama.

"SIYA?" Malakas niyang sabi.

Napakunot ng noo si Jay"Do you know him, anak?"

"Ha? No, Daddy!" tanggi niya bigla.

"Anak, bakit sinabi mong siya? It's mean kilala mo nga siya?"

"Ha? Eh, hindi naman Dad, baka ka mukha lamang niya ang dating kakilala ko," palusot ni Karen sa ama pero ang mata niya nakatuon sa lalaki.

"Simpleng porma, pero ang lakas ng appeal ng lalaking ito," muni ng isip ni Karen.

"Anak, baka naman matunaw si Val, sa titig mo sa kanya?" puna ni Jay sa dalaga niya.

Nagkulay kamatis ang pisngi ni Karen sa sinabi ng ama.

"Dad, I need to go ha, baka malate pa ako sa school," nasabi tuloy niya sa ama para siya ay makaiwas.

"Wait lang anak, ipakilala muna kita kay, Val."

"Dad, another day na lang I need to go na talaga, eh," pag-iiwas niya sa ama.

"Kailan pa ang another day na iyan anak? Now na gusto kong makilala mo ang nagligtas sa kapatid mo kung hindi dahil sa kanya maybe your sister is already gone. Kaya huwag ka munang umalis hayan," pigil niya sa anak.

"Siya ba ang sinabi ninyo ni Mommy, Daddy?"

"Oo, anak, handsome right?" May ngiting tugon ni Jay sa anak.

"Daddy, para sa akin he's not handsome," kaila niya pero ang sabi niya sa sarili.

Oh God, huwag sana akong tamaan ng kidlat sa oras na ito. Palihim pa siyang tumingala sa langit dahil alam niya sa sarili na nagsisinungaling siya.

Hindi naman malaman ni Val kung ano ang sasabihin niya sa sandaling iyon. Tila ba may nagkakarerahan kalabaw sa dibdib.

'Huwag kang kabahan at mahiya Val, alam mo sa sarili mo na gusto rin niya ang halik mo, be a handsome man, and gave her a seductive smile' pakiramdam ni Val may bumulong sa kanya nito.

Huminga muna siya ng malamim bago tuluyan nakalapit sa magiging boss."Maganda umaga po sir."

"Magandang umaga rin sa iyo, Val, Karen anak, halika ka rito, at para makilala mo si Val, your sister hero."

Nataranta naman si Karen sa pag-anyaya ng ama sa kanya na lumapit.

"Oh, anak, halika kana para mabilis, akala ko ba nagmamadali ka, dahil malate kana sa school," tinitignan naman ni Jay ang reaction ng anak at gusto niyang ngumiti dahil kakaiba ang nakikita niya rito there is something to her daughter na ayaw niyang malaman.

Hinanda naman ni Val ang sarili baka bigla siyang bigyan ng mag-asawang sampal ng babae. Sa ginawa niyang paghalik dito.

Nagtimpi naman si Karen sa sarili sa totoo lang gusto sa niyang sampalin ang lalali dahil sa paghalik nito sa kanya ng walang pasabi noon. Pero hindi niya ginawa dahil nagsinungaling na siya sa ama na hindi niya kilala ito kaya maniningdigan na lamang.

"Karen, anak, si Val Medrano, siya ang tumulong sa kapatid mo, Val, ang anak ko si Karen," pakilala ni Jay sa dalawa.

"Maganda umaga po ma'am," ngumiti siya sa babaw ngiting nakakaakit nga.

Naman ang lalaking ito tila nang aakit ah, but imfairness guwapo pero bastos o manyak pala.

"Anak, binati ka ni Val."

Untag ng ama sa kanya. Pinapormal ni Karen ang mukha."Bakit may po? What do you think of me old na ba?" mataray niyang sabi ewan ba niya bakit bigla yatang naging ganon siya.

"Anak, huwag mo naman tarayan si Val, unang patatagpo pa lamang ninyo sinusungitan mo na siya," awat ni Jay.

"Daddy, matanda na ba ako para po in niya?"

"Anak, hindi ka ganyan I know you."

'Karen, umayos ka kasi' Sita niya sa sarili.

"Sorry miss Karen, if na po kita, ang ibig ko lang naman bilang respeto ko sa iyo ang pag po ko, pasensiya na. To be honest. Hindi ka naman matanda miss Karen ang ganda mo nga," totoo ang kaniyang sinabi.

Kanina nagkulay kamatis ang pisngi ni Karen na ulit muli ito dahil sa sinabi ng Val na maganda siya. Bigla niyang naramdaman na tila may nagkakarerahan sa kanyang puso dahil sa bilis ng kabog nito.

"Da... da... Daddy," nautal na niyang tawag sa ama.

Dahil sa pag kautal niya pinagalitan tuloy niya ang sarili."Stupid me! Sinabi lang na maganda nautal ka na, nakakahiya!"

"Yes, anak," may ngiting sagot ni Jay sa dalaga.

"I'm going now, sige po Daddy, maiwan ko na kayo." Dali-dali na siyang umalis sa harapan ng dalawa at kaagad na siyang sumakay sa sasakyan.

Napailing ba napangiti si Jay sa naging asta ng anak.

"Pasensiya kana sa anak ko Val, tila nagdadalaga yata eh, halika kana sa loob para mag-usap tayo tunggol sa trabaho mo rito. "

Bago siya sumunod sa boss. Nilingon pa rin niya ang tinahak ng kotse nang dalaga. Kahit wala na ito siya'y napangiti. Nagtaka siya bakit kaya hindi nito sinabi sa ama ang ginawa niyang paghalik natakot ba? Dahil walang ginawa ang anak ng magiging boss sa kanya. Naging kalmado ang pakiramdam niya na kanina ay talagang kinabahan siya.