Chapter 5

BUONG magdamag na hindi nakatulog si Val. Sa kakaisip niya kung ano ba ang dapat niyang gawin sa nalaman sa tunggol sa pagkatao. Dahil hindi na talaga siya makatulog tutal naman mag-uumaga na bumangon na siya para gumawa ng almusal nilang magkakapatid.

Pagkatapos niyang magluto magbubukang liwayway na, kaya ginising na niya ang mga kapatid para makapaghanda sa pagpasok sa iskuwelahan.

"Kuya, papasok na kami sa school baon namin," ani ng bunso niyang kapatid.

Kaagad naman siyang dumukot sa kanyang bulsa ng pera.

"Oh, heto paghatian ninyong tatlo ha. "

"Salamat, kuya," panabay na tugon ng mga ito.

"Mimi, deretso ang uwi ha, baka kung saan-saan ka naman mapapadapo?"

"Opo, kuya," sagot nito na unang lumabas ng bahay susunod na sana ang dalawa niyang kapatid ng sitsitan ni Val ito.

"Pssst." Napalingon naman kaagad ang dalawa niyang kapatid.

"Bakit, kuya?"

Itinuro nang kanyang mata ang kapatid na si Mimi. Na unawaan naman kaagad ng dalawa ang ibig sabihin ng kuya Val nila. Tumango sila sumunod na sa ate Mimi nila. Spy ba ang gagawin nila.

Nang mapag-isa na lamang siya."Ahhh, ano bang gagawin ko?" Kung wala naman siyang gagawin habang hinihintay ang magulang maboboring siya ng sobra. At kung ano-ano ang maisip tunggol sa nalaman niya.

Kaya gaya ng nakagawian niya naglinis muna siya ng bahay nila. Nang matapos naupo sandali sa balkunahe siya ay napapaisip na naman.

"Hahanapin ko ba siya?" ang amang totoo ang tinutukoy.

Nasa ganon siyang pag-iisip ng dumating ang kanyang ina galing sa bukid.

"Val, ang mga kapatid mo pumasok na ba sa iskuwela nila?"

"Oo, Nay. Si Tatay?"

"Mabuti naman kung ganon. Ang Tatay mo nagpaiwan pa siya."

"Mamaya na lang ako pupunta sa bukid Nay, para palitan si Tatay."

"Sige, para makapahinga naman ng tama ang ang Tatay mo. "

"Nay, igawa kita ng kape mo," presinta ni Val.

"Huwag na anak, halika nga rito."

Kaagad naman lumapit si Val sa ina. Umupo siya sa tabi nito.

"Bakit, Nay?"

"Anak, anong plano mo ngayon?" Ang nalaman ang tunggol sa totoong ama ang tinitukoy ni Aling Zeny.

"Hindi ko pa alam, Nay."

"Anak, nakikiusap ako sa iyo, hayaan natin ito, nakabaon na sa akin ang nakaraan ko."

"Alam ba ito ni Tatay, na hindi niya ako tunay na anak, Nay?"

"Oo, alam niya anak, dahil isang buwan buntis na ako sa iyo ng pakasalan niya ako."

Napangiti si Val."Sobrang, mahal ka Tatay, Nay, dahil tanggap niya ang pagkatao mo."

"Oo, anak, mahal na mahal ako ng Tatay mo, kahit na hindi ako sanay sa ganitong buhay, nagtiyaga ako. Alam ko kasing minsan lamang dumating ang lalaking katulad ng Tatay mo sa buhay ko."

"Nay, anong ibig mong sabihin?"

"Lumaki ako sa maranyang buhay anak. Lahat ng gusto ko noon ibinibigay ng Lolo at Lola mo sa akin, pero nagbago ang lahat ng mabuntis ako sa iyo. Dahil sa pag-ibig ko sa isang Vincent Delara."

"Ano ba ang katayuan sa buhay ni Vincent Delara, Nay?"

"Isa siyang..." huminto muna si Zeny sa pagsalita upang sumagap ng hangin nakatitig naman si Val sa ina.

Tinignan ni Aling Zeny ang anak. Masasabi niyang magkahawig silang mag ama."Minahal ko si Vincent, kahit hindi niya ako mahal, alam kung isa lamang ako sa mga babaeng magdadaan sa buhay niya. Sabi nga nila pagmahal mo ang isang tao maging bulag ka at maging tanga ka narin. Ganyan ako noon sa ama mo anak, panandalian lamang ang naging ugnayan namin dalawa. "

"Hindi ka nagawang mahalin ni Vincent Delara, Nay?"

Umiling ng mapait si Zeny sa anak.

"Bakit Nay, kung ibinigay mo naman lahat sa kanya?"

"Si Vincent Delara. Ay isang mayaman businessman kaliwat kanan, ang mga babaeng may gusto sa kanya higit pa sa katayuan ko. After na may nangyari sa amin siyempre nagbunyi ako kasi nakuha ko na siya. And I thought he will be mine forever, but I was wrong that day nabalitaan ko na lang na nasa America na siya. A month past I found out na buntis ako wala naman na akong magawa. Ang tangin pumasok sa isipan ko ng wala na siya dito sa Pilipinas ay hindi siya nakalaan para sa akin. Them tama nga ako, dahil nariyan pala ang Tatay mo. "

"Nay, bakit ka naghihirap ngayon kung mayaman ang pinagmula mo?"

"Itinakwil nila ako ng malaman nilang buntis ako sa iyo, anak."

"Hindi na ba kayo nagkita ni Vincent Delara, Nay? Nalaman ba niya na nabuntis ka niya?"

"Hindi na anak, nong umalis siya wala na kaming naging kumunikasyon. At lumayo narin ako at dito ako napadpad. Unang naging kakilala ko rito ay ang Tatay mo, hindi nagtagal niligawan niya ako sinabi ko sa kanya ang akin kondisyon buong puso ka niyang tinanggap!"

"Ang bait talaga ni Tatay. Teka po hanggang ngayon ba Nay, wala kang balak na magpakita sa magulang mo?"

"Bakit pa anak? Kung hindi naman nila ako hinanap. Masaya na ako sa piling ng Tatay mo, kaya bakit pa ako babalik sa kanila?"

Niyakap ni Val ang ina." Nay, salamat po!"

"Para saan naman iyan papasalamat mo anak?"

"Salamat kasi hindi mo iniisip na mawala ako sa mundong ito. And you are the best mother for me, Nay."

Ngumiti si Aling Zeny."Iyan ang hindi pumasok sa isip ko anak, masaya pa nga ako ng nalaman kong buntis ako, dahil may iniwan sa akin ang isang Vincent Delara na minsan minahal ko."

Mahigpit na niyakap pa ni Val ang ina. At hinalikan niya ito sa noo."Thank you, thank you, mahal na mahal kita, Nay."

Napaluha naman si Aling Zeny sa sinabi ng anak nagpapasalamat siya sa Dios dahil kay bait nito. Hindi gaya ng ibang binata sa kanilang lugar nasa barkada. Inuman, kasama ang pa nga ang mga nobya. Kung minsan kahit kay bata pa nila nakakabuntis na."Mahal na mahal din kita anak, tandaan mo iyan palagi, " naahikbi na ito.

"Oo, Nay, tatandaan ko iyan palagi!" Kumawala siya sa pagkayakap sa ina pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi nito.

"Anong plano mo ngayon anak? Hahanapin mo ba siya?"

"Kung gagawin ko ito, Nay, magagalit ka ba?"

"Hindi anak, malaki kana, alam mo na ang tama at mali. Isa lamang ang hiling ko sa iyo, anak. "

"Ano po iyan, Nay?"

"Sana bigyan mo na kami ng Tatay mo ng apo, ha!"

Napahaplos sa batok niya si Val."Nay naman, wala nga akong nobya apo pa kaya!"

"Aba anak, ang dami diyan, kung hahanapin mo ang ama mo, isabay mo na rin maghanap ng babaeng pagtataniman mo ng punla mo anak. Sana pati magkababaero ng ama mo ang pinana mo, Hindi lang iyan gandang lalaki niya. "

Napailing si Val sa narinig."Si Nanay talaga oh, iginaya pa ako sa palay, eh!"

"Aba anak, parang ganyan din ang gumawa ng bata magpunla ka muna at ng may tumubo," may ngiting ani ni Zeny sa anak.

"Nay, pagkatapos ng anihan, saka ako luluwas ng Maynila, tutulungan ko muna si Tatay sa bukid. "

"Ikaw ang bahala anak, kong iyan ang pasya mo. Masaya ako para sa iyo, tandaan mo anak narito lamang kami na pamilya mo, ha."

"Opo, Nay, alam ko naman po iyan, gusto ko lamang siyang makita iyon lang." muli niyang niyakap ng mahigpit ang ina.