Chapter 4
HINDI naman makatulog sa gabing iyon si Val. sa kakaiisip sa babaeng nahalikan.
"Bakit hindi ko natanong ang pangalan niya? Sayang naman. Pero masungit siya, ah! Sabagay nasa itsura niya dahil mayaman."
Dahil hindi siya makatulog pabaling-baling siya sa kanyang higaan tuwing gagalaw siya tumutunog ang kawayan kama.
''Kuya ano ba? Ang likot mo ah, ano bang nangyayari sa iyo ngayon ha, bakit ganyan ka?" puna ng kapatid na katabi.
"Wala matulog ka lang, huwag mo akong pansin hindi ako makatulog, eh?"
''Papaano ako makakatulog kuya, galaw ka ng galaw kanina pa."
Dahil sa sinabi ng kapatid napabangon tuloy siya.
''Oh, kuya, saan ka pupunta?"
''Sa labas para makatulog kana, magpapahangin para pagbalik ko mahimbing kana nang hindi ka magreklamo okay ba boss?"
"Hay salamat naman po antok na nga ako kanina pa. Okay na okay,'' namaluktot na ito ng higa.
Umupo naman si Val sa kawayan upuan sa labas ng bahay nila napatingala siya sa langit. Ang daming bituin kay gandang pagmasdan parang ang babaeng hinalikan niya kanina. Tagasaan kaya siya? Makikita pa kaya niya ito? Napabuntong-hininga aminin niya na lovestruck siya sa babae.
Dahil mag-uumaga narin nagisnan siya ng ina.
''Val, anong ginagawa mo rito sa labas maaga pa, ah?"
Napatingin si Val sa ina."Hindi po kasi ako makatulog, Nay.''
"Bakit naman anak, may problema ka ba?"
''Wala naman po Nay, nag-iisip lamang po ako."
''Mukhang iba ang iniisip mo anak, babae ba?"
''Halata ba, Nay?"
"Hindi naman masyado anak, pero iba kasi ang nakikita ko sa mata mo."
''Anong iba, Nay?"
''Nakikita mo ba ang mga pailang-ilang na lang na bituin. Di ba may pinakamakislap pa, ganyang ang mata mo anak. Shining like a star in the darkness."
Napangiti naman si Val sa sinabi ina.
''Nay, meron kasi akong nakitang babae, pagtingin ko sa kanya, kahit medyo lasing ako, ang puso ko ang lakas kabog, Nay," pag-amin niya sa ina.
Hindi naglilihim si Val sa ina kahit ano pa ito sinasabi niya.
''Iyan ang tinatawag nilang, pag-ibig sa unang pagkikita, anak.''
''Nanay, ganon karin ba kay Tatay nong una mo siyang makita?"
Napatitig naman si Zeny sa anak bago sumagot."Hindi, anak."
Napakunot ng noo si Val sa tugon ng ina."Huh, bakit hindi, Nay?" may pagtatakang tanong niya.
''Pero naniniwala ako sa kasabihan iyan anak, dahil naranasan ko rin ito.''
''Kung ganon Nay, may nauna kang pag-ibig bago si Tatay. Sino siya kung hindi si Tatay?"
''Hindi mo siya kilala anak, kaya hindi ko na sasabihin sa iyo, pero siya nga unang pag-ibig ko.''
"Nay, naman ang daya mo naman eh, kahit sa pangalan lang, puwede bang malaman kung sino siya?"
"Eh, ikaw anak, anong pangalan ng babaeng nagpakislap sa iyong mata?"
"Iyan nga ang iniisip ko Nay, nakalimutan kong itanong, pero hindi rin niya siguro sasabihin ang pangalan niya sa akin, Nay. "
"At bakit naman aber?"
"Sinampal niya ako, Nay!"
"Ha? Bakit naman niya ginawa iyon sa iyo, may dahilan ba para sampalin ka niya, anak?"
"Eh, kasi Nay, hinalikan ko siya," may ngiting aniya sa ina.
Napatitig muli si aling Zeny sa anak. At may pumasok sa isip niya."Loko kang bata ka ah, hindi mo pa siya kilala pero nahalikan mo na kaagad, pero iyan ang gusto ko sa iyo mabilis pagdating sa babae, kagaya ni..." hindi na naituloy pa ni aling Zeny ang huling sinabi.
"Nay, nino po?"
Naging mailap ang mata ng ginang."Si... siyempre sa Tatay mo, kanino pa ba, anak. "
Napatitig naman si Val sa ina. Nararamdaman niya tila may tinatago ang ina. Dapat niya itong alamin.
Napansin naman ni Aling Zeny na nakatitig sa kanya ang anak kaya kaagad ng nagpaalam na ito."Anak, maiwan na kita ako'y magluluto nang agahan ninyo at makakakain muna kayo ng Tatay mo, bago sasabak sa bukid ha."
"Sige po Nay, maliligo na rin ako."
Nagmamadali na si Aling Zeny na iniwan ang anak. Mahirap na baka magtanong-tanong pa ito sa kanya.
Pagkatapos maligo ni Val kukuha na sana siya ng damit ng may nahulog pag bukas niya ng kanyang cabinet.
Pinulot niya ito at muli siyang napaisip. Sino ba ang taong ito? Mamaya tatanungin niya ang ina kung sino ba ito at bakit narito sa bahay nila ang larawan nito. Nang sumagi sa isip ang usapan nila ng ina kanina baka naman ito ang sinabing unang pag-ibig niya. Dali-dali na siyang nagbihis kaagad na nagtungo sa kusina kung saan naroroon ang kaniyang ina.
"Nay!" tawag niya.
"Val, maupo kana tamang-tama tapos na akong nagluto."
Kaagad naman umupo si Val, kumain muna siya pagkatapos kumain. Tumabi siya sa inang nagtitimpla ng kape para sa ama. Dinukot niya sa bulsa ang larawan."Nay, sino siya?" sabay harap sa ina ang hawak.
Pagkakita ni Zeny sa larawan na hawak ng anak. Nabitawan ang hawak na tasa na
may laman kape para sa asawa. Kahit na mahapdi ang paa na natapunan ng kape. Hindi niya ininda ito ang attention ay nasa larawan.
Kitang-kita naman ni Val ang pagkataranta ng ina ng makita nito ang larawan hawak niya takang-taka siya sa naging kilos nito. Pinulot niya ang tasa."Nay, okay ka lang ba?" Inalalayan niyang umupo ang ina kaagad siyang kumuha ng kamatis piniga niya ito pinunas sa paa ng ina na nabuhusan ng mainit na kape
"Oh, anong nangyari sa iyo, Zeny?" tanong ng Mang Artemio.
"Ah, Tatay, nabuhusan ng kape ang paa ni Nanay." tugon ni Val sa ama.
"Ano kaba naman, Zeny! Bakit hindi ka nag-iingat, patingin nga iyan paa mo?" may pag alalang turan nito.
"Okay na Tatay, hindi ito na lolobo o malabnos nilagyan ko kaagad ng kamatis."
"Mabuti naman, anak, ano ba ang nangyari?"
Nagkatingin naman ang mag-ina. Dahil sa tanong ni Mang Artemio.
"Wa... wala Artemio, may daga kasing dumaan sa paa ko kaya nabitawan ko ang hawak kong tasa na may lamang kape mo sana."
Nagtaka naman si Mang Artemio sa sinabi ng asawa. Dahil ang pagkakaalam niya hindi takot namn sa daga ito.
"Ganon ba, oh sige ako na lang ang magtimpla ng kape ko. Val, sabay na tayong magtungo sa bukid, kumain kana ba?"
"Tapos na po Tatay, sige po sabay na tayo," sagot niya sa ama.
Bago naman nagtimpla ng kape niya si Mang Artemio. Tinignan muna niya ang asawa. Hindi naman makatingin ng deretso ito sa kanya.
"Ah, Zeny, mamaya pag nagdala ka ng pagkain namin sa bukid mag pasama ka sa isang anak nating. Magdala kana rin ng kumot at unan," anito habang nagtitimpla ng kape niya.
"Ha? Bakit, kailangan mo ng mga iyon, Artemio?"
"Magbabantay ako ngayon sa bukid alam mo naman Zeny. Malapit na ang anihan baka pagtripan ng mga taong inggit ang atin pananin."
"Sige, Artemio, sasamahan kita mamayang gabi sa bukid."
"Mabuti pa nga, Zeny, tama malamig paggabi sa bukid, eh," pilyong anito.
"Hoy, Artemio! Ang tanda mo na para diyan!"
"Aba Zeny, may sinabi ba ako, malamig siyempre para may kayakap ako iyon lang ang ibig kong sabihin. Eh, kung mangalabit ka di ba maganda!" May ngiting anito.
"Ikaw talaga, Artemio, hindi kana na hiya, naririnig ng anak mo iyan sinabi mo, hmp!" inirap nito ang asawa.
"Zeny, naman matanda na si Val, alam na niya ang ganon bagay. Anak, ilang na bang babae ang naikama mo, ha?"
"Artemio?" gulat na sigaw ng asawa.
"Asus, naman oh, sige anak. Ayaw mong marinig ng Nanay mo ang sagot mo sa tanong ko, sa bukid mo na lang sasabihin sa akin, ha."
Napailing naman si Val sa sinabi ng ama. Kailan nga ba ang huling nakaranas siya patungong glorya? Taon na rin ang lumipas ng magka nobya siya.
"Ang matandang ito oh, kong ano-ano ang naisip, eh."
"Nay, hindi kana nasanay kay Tatay eh palabiro siya. "
"Hala kayo'y, magtungo na nga sa bukid," pagtataboy nito sa dalawa.
"Oh sige, tara anak," anyaya naman ni Mang Artemio kay Val.
Bago nakalabas ang dalawa."Siya nga pala, anong gusto ninyong ulam mamaya?"
"Kahit ano na Nanay, basta huwag mong kalimutan magdala ng kamatis at bagoong na may kalamansi at sili."
"Alam ko iyan anak, makakalimutan ko ba eh paburito mo ito," sagot naman ng ina.
Buong araw subsob ang mag-ama sa gawain bukid dahil malapit ng anihan.
Pagsapit ng hapon nagpaalam si Val sa ama para umuwi na.
"Tatay, mauna na ako."
"Sige anak para makapagpahinga kana."
Tumango si Val sa ama iniwan na niya ito.
Nadatnan ni Val ang kanyang ina na naghahanda papuntang bukid.
"Magandang hapon, Nay," bati niya.
"Ganon din sa iyo anak. Oh, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo Val, akoy pupunta na sa bukid para samahan ang Tatay mo."
"Sige Nay, pero sandali lamang po may itatanong ulit ako sa iyo,"pigil niya sa ina.
Kinabahan naman si Aling Zeny sa pagpigil ng anak sa kanya."May sasabihin ka ba, anak?"
"Oo, Nay, mula kaninang umaga hanggang ngayon. Hindi mawaglit sa isipan ko kong sino ang lalaking nasa larawan. Sino ba siya sabihin mo naman sa akin, Nay?"
"Bakit pa anak? Di ba ang sabi ko sa iyo, hindi mo rin siya kilala."
"Hindi nga Nay, pero... may hawig ako sa kanya, iba ang tumatakbo sa isipan ko?"
Lalong Kinabahan si Zeny sa sinabi ng anak."Maiwan na kita anak, gumagabi na walang kasama ang Tatay mo sa bukid," pag-iiwas nito.
"Nanay, matanda na ako, at noon bata pa ako may naririnig akong sabi-sabi ng mga kapitbahay nating na baka hindi ako anak ni Tatay. Kasi ang layo ng mukha ko sa kanya. Pero hindi ko inintindi iyon habang lumalaki ako nakikita ko ang kaibahan ko nga sa kanya at sa mga kapatid ko. Nag-isip din ako na baka hindi ninyo ako anak. Ang tanong ko ngayon Nay, sino siya?" muling pinakita sa ina ang larawan.
"Anak, mahabang kuwento."
"Gawin nating maiksi, Nay,"
"Anong ibig mong sabihin anak?"
"Isang tanong isang sagot, Nay."
Napatitig naman si Zeny sa anak."Ano tanong iyan anak?"
"Anong ugnayan ng lalaking iyan sa buhay ko? At sino siya?"
Napatitig si Aling Zeny sa anak. Hindi na niya matatakasan pa na sabihin ang totoo."Siguro nga anak, panahon na para malaman mo ang totoo. "
"Makikinig ako, Nay. "
Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Aling Zeny bago sumagot sa anak.
"Si... siya ang ama mo anak," medyo pumiyok pang sabi niya.
Hindi na nagulat pa si Val sa pag amin ng ina."Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito Nay, kung ganon ampon ninyo ako?" may lungkot na aniya.
"Hindi, anak kita sa kanya, Val. "
"Siya ba ang lalaking sinabi mo na unang minahal mo Nay?"
Tumango naman si Aling Zeny sa sinabi ng anak.
"Sino ba siya Nay, puwede ko bang malaman?"
"Anak, hahanapin mo ba siya?"
"Buhay pa ba siya?"
"Buhay na buhay siya, anak. "
"Nasaan siya ngayon?"
"Taga may Maynila siya anak," pilit naman itinatago ni Aling Zeny ang imosyon sa anak. Pinipigil ang sarili na h'wag umiyak sa harapan nito.
"Sino siya Nay, sabihin mo sa akin!"
"Anak, galit ka ba sa akin?" naluluha na ito.
Niyakap ni Val ang ina."Hindi, Nay. Kahit na hindi ko alam ang dahilan pero sinabi mo na siya ang una mong pag-ibig. Kung ganon bunga ako ng pagmammahal mo!"
"Oo, minahal ko siya pero hindi kami para sa isat-isa dahil langit at lupa ang pagitan ni VINCENT DELARA, ang ama mo!" Napapikit si Aling Zeny ng mabanggit ang pangalan ng lalaking minsan minahal niya.
Hindi naman nakaimik si Val sa nalaman lalo niyang niyakap ng mahigpit ang ina.