Chapter 13

”OH, saan kayo pupunta na tatlo?" tanong ni Jay.

"Daddy. " Lumapit si Vanessa sa ama humalik sa pisngi nito. Ganon din kay Jay.

"Doon sa swimming pool, hon, may gustong makita si Bella."

Jay know kung sino ang nais na makita nito.

"Sino naman ito?" tanong ni Vincent.

"Let's go together, " sabi ni Jay.

"Wait, mag cr muna ako, " sabi ni Vincent.

"Oh, ako rin, mauna na kayo, hon, " sabi naman ni Jay.

Tumango ang tatlong babae sa kanila.

"HI, tita Maribella." Bati nina Lyka at Vhenz lumapit ang dalawa humalik sa pisngi nito.

"Kamusta naman kayong dalawa?"

"Okay lang po, Tita Bella," sabay nilang sagot.

"Mabuti naman, who's this handsome man beside you, Lyka?" titig na titig si Maribella sa binata.

"Tita, siya nga pala, si Val Medrano, Val, si tita Maribella, Mommy ni ate Vanessa," pakilala ni Lyka sa dalawa.

"Nice meeting you, Val, narinig ko na iyan pangalan mo before dahil sa pagsagip mo kay Lyka, sa aksidenteng nangyari sa kanya," hindi niya maalis ang tingin dito.

Tama nga, he look like Vincent noon kabataan niya anak kaya niya ito? muni ng isip ni Bella.

"Nice meeting you too ma'am, " sagot naman ni Val dito.

"Mommy, what do you think he's my brother?" bulong ni Vanessa sa ina.

"Maybe, hija, pag saunang tingin mo sa kanya, parang ang Daddy mo noon kabataan niya," bulong din Bella sa anak.

"Well, si Daddy, lamang ang makakasagot nito, Mommy."

"Tama ka hija, hintayin na lang natin ang, Daddy mo."

"Daddy's, will be surprise pagnakita niya si Val."

"Oo, ang iyong ama, ay talagang magugulat pagnakita niya ito," sabi niya sa anak.

"Paano let's swimming na. I am ready, maligo muna tayo habang hinihintay nating sina, Daddy, " turan ni Lyka.

Isinuot muli ni Val ang damit nahiya siya bigla sa pagdating nila Maribelle."Lyka, past muna ako next time na lang ha."

"Aba hindi puwede, ihulog ka namin sa pool sige ka, maghubad ka ulit, naka ready ka na nga, eh."

"Kulit mo talaga, sabi ko naman sa iyo huwag mo akong paglihian eh, andiyan na ang asawa mo."

Napatingin naman ang lahat sa kanilang dalawa.

"Ayoko nga, ang panget niya, eh," nakasimangot na sagot ni Lyka.

Napatawa naman ang lahat dahil sa sinabi ni Lyka.

"Ako panget?" Napahawak pa sa mukha niya si Mico." Okay lang, minahal mo naman ang panget na ito," medyo my tampong ani naman ni Mico.

"Oy, Lyka, amuin mo iyan asawa mo, nagtampo na. Kasi naman sinabihan mong hindi guwapo."

"Ayoko ko nga, huwag mo akong galitan, Val, kundi maging panget ka rin."

Napatawa naman ng malakas si Val sa sinabi niya."Sir, Mico, ang lakas maglihi nitong asawa mo grabe!"

Napatitig muli si Karen sa binata dahil sa pagtawa nito.

"My goodness lalong gumawapo dahil kay aliwalas ng mukha niya," piping aniya.

"Karen, hindi kaba aahon diyan sa pool kanina kapa yata nakababad diyan, ah?" puna ni Veron sa dalaga.

"Hindi pa naman masyado Mommy, mamaya aahon na ako," sagot niya pero ang totoo ayaw niyang umahon dahil ayaw niyang makita ng binata ang kanyang katawan kahit na nakita na nito kanina lamang.

Sa sala naririnig nila Jay at Vincent ang tawanan mula sa swimming pool.

Napahinto sa paglalakad si Jay.

"Bro wait lang dito muna tayo," pigil ni Jay.

"Bakit bro?" may pagtatakang sabi ni Vincent sa kaibigan.

"May itatanong lamang ako sa iyo."

"Ano ba'yan parang seryoso, ah?"

"Well, maybe!"

"Ano nga iyan?"

Tinitigan muna ni Jay ang kaibigan bago nag salita.

"Nakakakaba naman iyan tingin mo sa akin, there is something wrong right?"

"Bro, papaano kong malaman mong may anak ka pala sa labas anong gagawin mo?"

Napatawa naman si Vincent sa tanong ng kaibigan.

"Jay, I know, maraming babae ang nagdaan sa buhay ko noon pero wala naman nagpakilala na anak ko until now, na matanda na ako."

"Bro, ang tanong ko ang sagutin mo, papaano nga kung meron?"

"Tell me bro, my alam ka bang anak ko sa labas? kasi sa pananalita mo palang parang meron. "

"Bro naman, nagtatanong ako sa iyo tapos tatanungin mo rin ako, answer me first."

Nagpakawala muna ng isang malalim na buntong-hininga si Vincent bago sumagot sa kaibigan.

"Well, kong meron man of course tatangapin ko ito ng buong puso ko Jay, ikaw nga natanggap mo na may anak ka sa labas ako pa kaya, na iisa lamang ang anak namin ni Bella, I will accept him or her, bro."

"Well, I am satisfied to your answer bro, I'm sure na masaya ka, let's go na sa kanila."

"Wait bro, iyon tanong ko di mo pa sinagot."

"Well, malalaman mo bro, ang sagot ko pag andoon na tayo kaya tara na, look and feel, bro."

Tinitigan naman ni Vincent ng makahulungan ang kaibigan. Bigla siyang kinabahan sa tinakbo ng usapan nila. Para bang may mangyayari sa oras na ito.

Tinungo na nila ang swimming pool area.

"SANA andito sila ate Janine, para complete tayong lahat, at mas masaya," turan ni Lyka.

"Tinawagan ko na ang ate mo Lyka, ang sabi niya pagkatapos ng anihan saka sila magbabakasyon dito sa Manila, mabuti nga iyon matagal na silang hindi dumalaw rito sa atin."

"Wow, nice Mommy, para naman kahit minsan. Eh, maging buo tayong pamilya matagal na rin iyon bonding natin sa bukid nila."

"Oo nga eh, na mi-miss ko na rin ang mga apo ko sa kanila. "

"Mommy, iyan pagka miss mo sa mga apo mo kina ate Janine at kuya Carlos, hayan muna ang kambal na makukulit at cute na anak nila, kuya Jake," may ngiting ani Luis sa ina.

"Kanina ko pa nga sila pinagkukurot, they are really so cute," biro naman ni Veron.

Nasa ganon silang pag-uusap ng dumating sina Jay at Vincent.

"Lolo!" sigaw ng kambal nila Jake at Vanessa sa dalawa.

Niyakap naman ng mag kaibigan ang kanilang mga apo. Pinaghalik-halikan nila ang dalawa.

Sobrang kaba naman ang nararamdaman ni Val sa sandaling iyon tila ayaw niyang lingunin ang dalawang bagong dating.

Umahon naman si Karen sa swimming pool. Tila kidlat ang kilos niya dali-daling kinuha ang tuwalya na nakalagay sa may upuan dahil sa kanya nakatingin si Val.

"Oh, Val, mabuti naman at narito ka, halika ka dito ipakilala kita sa kaibigan ko na balae ko pa," wika ni Jay sa binata.

Dahan-dahan ang pagharap ni Val sa mga ito tila ba walang humihinga sa kanila, biglang natahimik ang lahat at nagtitinginan sa isat isa. Walang gustong magsalita sa sandaling iyon.

Kahit si Vincent napipi pagkakita kay Val. Hindi kasi maitatangi na replikang-replika niya ito kahit saan anggulo mo tignan.

Si Jay ang pumukaw sa katahimikan nila."Oh, bro Vincent, siya si Val Medrano, nagtra-trabaho siya sa opisina ko, Val siya si Vincent Delara," pakilala niya sa dalawa.

Tila naman na istatwa si Val sa pagkarinig niya sa pangalan ng lalaking nasa kanyang harapan mismo, tila ba may nagbara sa kaniyang lalamunan.

Ganon din si Vincent, walang mahagilap na sasabihin nakatitig lamang siya binatang kaharap sobrang kabog ng kaniyang dibdib na ngayon lang niya naramdaman ito.

Kapwa sila napatingin sa isat isa. At this moment, like their heartbeat, was the same.

Naghihintay naman ang lahat kung ano ang sasabihin o reaction ng dalawa sa isat isa.

Three minutes silent. Hindi nakatiis si Lyka.

"Woah, my angel na dumaan ah, tumahimik bigla, totoo pala ang kasabihan," pukaw ni Lyka.

Napatingin ang lahat sa kanya. May na isip si Lyka tutal totoo naman ang nararamdaman niya. At para na rin may mapag usapan muna silang iba dahil alam niyang na tetense si Val. Pagkakita kay Vincent."Yes, I am pregnant," nakangiting sabi niya.