Chapter 14
KAHIT ALAM ni Mico na biro lang asawa ang sinabi nito laking tuwa pa rin niya siyempre. Pero malay ba niya totoo ito."Oh talaga, sweetheart ko, magkakababy na tayo?" sinakyan niya ang tinuran ng asawa.
"Hindi, joke ko lang iyon, masyado kasi kayong seryoso, eh," may ngiting sagot ni Lyka sa asawa napakamot lang sa ulo niya si Mico."Pilya ka talaga," kanyang bulong.
"Ikaw talaga anak, pasaway ka pa rin hanggang sa ngayon." Iiling-iling na turan ni Jay.
Niyakap ni Lyka ang asawa kahit sumpungin siya ang haba ng pasensiya nito sa kanya kaya nga sobrang mahal na mahal niya ito.
"Oh ano na, Val? Bakit hindi mo I hug ang, Daddy Vincent mo?" wika ni Lyka.
"Lyka, anak ano bang pinagsasabi mo," saway ni Veron.
"Mommy, look para silang pinagbiyak na bunga ng bayabas coping-copy ni Val si tito Vincent, they both handsome!"
Hindi naman mapalagay si Val sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ni Lyka na totoo naman.
"So, Val. Ang kaibigan ko ba ang hinahanap mo?" tanong ni Jay sa binata.
"Jay, anong ibig mong sabihin?" ani Vincent.
"Si Val, lamang ang makakasagot sa sinabi ko bro. "
"Excuse me po, uuwi na ako!" Nasabi niya dahil hindi niya kaya ang imosyon na nararamdaman.
Nagkatingin naman ang lahat dahil sa ginawa nito.
"Daddy," wika ni Vanessa. dahil nakatayo lamang ito.
"Vincent, habulin mo siya?" wika ni Jay dito.
Pakiramdam ni Vincent bigla siyang nanghina. Dahan-dahan siyang naupo.
" Vincent, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Bella sa asawa tumango naman ito.
Nang walang ano-anong tumakbo si Vanessa para habulin si Val
"Baby, saan ka pupunta?" sigaw ni Jake sa asawa.
Hindi naman pinansin ni Vanessa ang tanong ng asawa tuloy-tuloy lamang siya sa pagtakbo.
"Dad, sundan ko ang asawa ko."
"No, hayaan mo muna sila," awat ni Jay sa anak.
"VAL, sandali lang!" sigaw ni Vanessa ng maabutan niya ito sa labas ng gate.
Nilingon ni Val ito. Ayaw sana niyang huminto sa paglalakad pero muli siyang tinawag ni Vanessa.
"Val, mag-usap tayo, gusto kong malaman ang totoo." Napahinto sa paglalakad si Val nakalapit sa kanya si Vanessa.
"Anong totoo?" kunwaring aniya.
"Sabihin mo sa akin, Val, mag kapatid ba tayo? Alam ko ikaw lamang ang nakakaalam nito, kaya please sabihin mo sa akin!"
Tinitigan ni Val si Vanessa tinatanya niya kung mabait ba ito. Sa tingin naman niya maunawain ito. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Then he looked at her deeply.
"Kaya ba ninyo akong tanggapin kung sasabihin kong mag kapatid nga tayo."
"Bakit hindi mo subukan sabihin ang totoo sa akin, Val? Makikinig ako sa iyo. Ako ang tao na hindi marunong maghusga sa kapwa ko. Please, sabihin mo sa akin?"
"Oo, ama ko nga siya, bago ko lamang nalaman kay, Nanay ito, dahil hindi ko sinasadyang nakita ang larawan ng Daddy mo."
"Kung magkapatid nga tayo welcome my brother," may luhang ani Vanessa, kanyang niyakap ito.
Napayakap naman si Val dito."Ganon, lang bang kadaling tanggapin mo ako, Vanessa?"
"Oo, dahil nararamdaman kong magkapatid tayo. At isa pa noon bata pa ako pinangarap ko na sana magkaroon ako ng kapatid na lalake, ngayon nagkatotoo na ito I'm so happy!"
"Ang Mommy at Daddy mo, matanggap kaya nila ako?"
"Oo naman si Daddy pa, kahit si Mommy, Val, don't worry, mabait si Mommy, halika bumalik na tayo sa loob."
"Huwag na muna, Vanessa, nahihiya ako sa kanila."
"Ano ka ba, we are family now halika kana," pilit ni Vanessa sa binata.
"Puwede ba next time na lang." Pakiramdam kasi niya hindi pa siya handa na makaharap lalo na ang ama sa ngayon.
"No, ngayon na, ang next time at ngayon pareho lamang, Val, kasi iisa lang naman ang mangyayari, kaya let's go inside." Hinawakan niya ito sa kamay.
Nagpatiunod si Val sa nais ng kapatid.
"Jay, papaano mo nalaman na anak ko siya?"
"Bro, naman, nasa harapan na nating ang ebidensiya di ba, he look like you noon kabataan nating, mas guwapo lamang siya ng kunti sa iyo," may ngiting ani Jay sa kaibigan.
"Kung ganon sino ang mother niya?"
"Iyan kasi sa dami ng babae mo noon hindi mo alam kung sino."
"Look who's talking, mas marami sa iyo."
"Fine, panalo ka bro. So, what you gonna do now?"
"Answer me first, kung sino ang mother niya, bro."
"Ang sabi niya si Zeny, nakalimutan ko ang apilyedo niya basta, Zeny ang sabi niya. Kung may nakarelasyon kang Zeny noon, well anak mo nga talaga si Val. "
"Zeny?" bigkas ni Vincent sa pangalan nito.
Nakatingin lang naman si Maribella sa asawa. Nakikinig lang din ang mga anak ni Jay hinihintay kong ano ang sasabihin ni Vincent.
Pumikit si Vincent para alalahanin kung may Zeny siyang kakilala noon. After a minutes to think."Oh, Yes, I remember her," bulalas niya.
"So, nagkaroon nga kayo ng relasyon ni Zeny, bro?"
"I don't think she's a bro; she's a brat woman. What she wants, she will get it. Ganon siya nang makilala ko, akala ko noon sa kanya maraming nagdaan na lalake sa buhay niya pero wala pala, ako ang nakauna sa kanya."
"Ibig mong sabihin galing din siya sa mayaman family, bro?"
"Oo!"
"Pero bakit ganon bro? Parang naghihirap ang pamilya nila, base na rin sa kuwento ni Val sa akin. "
"Iyan ang hindi ko alam bro, kasi umalis na ako ng bansa, sa America na nanirahan noon alam mo iyan. "
"Pero hindi ko alam ang tunggol sa inyo ni Zeny, malihim ka pala, bro."
"Dahil nga panandalian lamang ang naging relasyon namin, kung matatawag bang relasyon ito."
"Kung ganon nabuntis mo siya ng iniwan mo. At hindi niya sinabi sa iyo ito?"
"Maybe, bro!"
"So, what now bro, anong masasabi mo kay Val, he's your son?"
"Yeah, I know. Nararamdaman ko naman iyan ng makita ko siya kanina, andoon ang lukso ng dugo na sinasabi nila." Hinawakan ni Vincent ang kamay ng asawa."Maribella, patawarin mo ako hindi ko alam na buntis pala noon si Zeny.
"Sorry for what, Vincent, lahat tayo may nakaraan, sabi ko nga sa sarili noon sana may magpakilala rin na anak mo ng magpakilala si Karen na anak siya ni Jay sa ibang babae. "
"You mean, welcome sa iyo si Val, Bella?"
"All my heart, Vincent, he's welcome," sagot ni Maribella sa asawa.
Napatayo si Vincent niyakap ng mahigpit ang asawa."Thank you so much, honey!"
"Sana nakumbinsi ni Vanessa si Val?" ani Jay.
"Oh, hayan na sila," wika ni Lyka ng makita niya ang dalawa na papalapit sa kanina.
Tila naman hindi maihakbang ni Val ang paa papalapit sa mga ito.
Nararamdaman naman ito ni Vanessa."Gusto mo bang buhatin kita, my brother?" biro niya rito.
"Kinakabahan kasi ako, Vanessa."
"Puwede ba sis, or ate ang tawag mo sa akin, pero sa tingin ko mas matanda ka lamang ng ilang taon sa akin kaya sis, puwede para naman ma feel ko na may kuya ako," may ngiting ani Vanessa.
"Nahihiya yatang pumunta rito ang anak mo Vincent, bakit hindi mo siya lapitan and gave him a warm welcome hug," ani Bella sa asawa.
Kaagad naman tumayo si Vincent."Thank you, sweetheart, I love you."
"Sweet!" singit ni Lyka.
Niyakap ni Mico ang asawa."Sweet naman ako, ah."
"Hmmm, slight lang, eh," pero para kay Lyka much sweet ang asawa ewan ba niya gustong-gusto niyang inaasar ito dahil ba sa buntis talaga siya?
"Go, Vincent. Hug him," aning muli ni Maribelle.
Nilapitan na ni Vincent ang dalawang anak.
"Oh, Val, hayan si Daddy, " bulong ni Vanessa dito.
Nang makalapit na si Vincent sa dalawa. He looked at his son. Yeah his friend Jay was right mas magandang lalaki ito sa kanya. Ngumiti siya para gumaan ang pakiramdam ng anak. He knows what he feel right now pareho sila. "Welcome, sa buhay ng mga Delara my son."
Kahit lalaki si Val, hindi niya napigilan ang mapaluha lalo ng yakapin siya ng kanyang ama.
Yumakap na rin si Vanessa sa kanila.
Napangiti naman ang lahat dahil sa magandang nangyari.
"Halika, Val, para mayakap ka rin ni Maribella," anyaya ni Vincent sa anak.
Nang makalapit nga ni Val kay Maribella. Sinalubong siya nito ng yakap.
"Welcome to the family, Val."
"Thank you po!"
Nagyakapan silang apat pumalakpak si Lyka."Yes, mangyayari ba ulit?"
Napatingin sila sa kanya."Anong ulit, Lyka?" ang ama.
"You know na Dad, sasabihin ko pa ba."
"Tell us, Lyka," buyo ni Jay.
"Okay, like kuya Jake at Vanessa, Val and Karen, di ba bongga double?"
Nanlaki ang mata ni Karen sa sinabi ni Lyka.
"Pasawat talaga ang buntis na ito," sa isip niya.
"Lyka, tama ka I like your idea!" ngiting-ngiti si Vhenz.
"My goodness isa pa ang kapatid kung ito."
Nagkatingin sina Jay at Vincent, ganon din sina Maribelle at Veron. Well gusto rin nila ito.
Naging maayos ang lahat sa gabing iyon punong-puno ng kaligayahan ang puso ni Val dahil hindi na siya mahihirapan pa na pakisamahan ang pamilya ng kanyang ama.