Chapter 12
BIGLANG may pumasok na kalukuhan sa isip ni Val habang magkahinang ang kanilang mata ni Karen. Tutal naman niyaya siya nina Lyka at Vhenz.
Walang pakundangan hinubad niya ang saplot tanging pang loob lang niya ang tinira.
Nanlaki naman ang mata ni Karen sa biglaan paghubad si Val at tanging brief lamang nitong bench ang tatak ang natira. Napatitig tuloy siya sa katawan nito.
"Oh, shit, mala-adonis pala siya at ang abs niya ang sarap sigurong haplusin," muni ng isipan niya. Habang ang mata nakatutok sa binata. Napahaplos tuloy siya sa kanyang leeg. Pakiramdam niya pinagpawisan siya ng malapot at ang tubig ng swimming pool tila umiinit.
Napakunot naman ng noo si Val sa ginawa ni Karen. Parang inaakit siya nito.
Ngiting-ngiti naman si Vhenz sa nakita niyang connection ng dalawa. Nagulat nga siya sa nakita na wala ng suot na damit si Val.
"Oh, hindi mo na pala kailangan itong swimming trunk ng asawa ko kuya Val, well ang katawan na ganyan dapat lang na ipagyabang, fabulous body eh, di ba ate Karen?"
Napadilat naman ng mata si Karen sa narinig niya. Lalo pa at nanunukso ang kapatid.
"Naku, Vhenz ka. Masakal kita," piping aniya.
"Ate, nanuno ka yata diyan? Hmmm, well sino ba naman ang hindi look at kuya Val, he's yummy right?" Kaylapad ang ngiti ni Vhenz.
Dahil sa panunukso ng kapatid."Ahhh, Vhenz, lagot ka sa akin mamaya!" Pabulong niyang sabi at ang paa parang bata na nagpapadyak sa ilalim ng tubig.
Narinig ni Vhenz ito na lumusob sa tubig.
"Ate, anong nangyayari, may kumagat ba sa iyo diyan sa tubig?"
"Ha? Wa... wa... wala," nauutal niyang sagot sa kapatid.
"I know why, epektado ka kasi sa nakikita mo di ba?"
Inirapan ni Karen ng todo ang kapatid.
Tawang-tawa naman si Vhenz.
"I'm ready," wika ni Lyka ng makabalik na ito sa swimming pool.
Napatingin naman si Val dito.
"Hoy, Val, iyan mata mo tusukin ko! Kung makatingin ka sa akin parang gusto mo na akong kainin ah, ang sexy ko kasi di ba?" pagbibiro ni Lyka sa binata.
"Ah, Oo, kayong tatlo ang sexy ninyo, ang daya naman tatlo kayo tapos mag-isa lamang ako unfair."
"No hindi, ka mag-iisa, I'm here," turan ni Luis na kadarating lamang.
"Mabuti naman at maaga kang umuwi mahal ko?"
"Oo naman, tinawagan kasi ako ni Mommy, kaya I'm here na, how are you mahal ko?" Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang asawa hinalikan na ito sa labi.
Iniwas naman ni Val ang tingin sa dalawa ganon din si Karen kaya nagtama ang kanilang mga mata.
"Ehemmm, tama na iyan, Vhenz, Luis, may maiingit sa inyo. Oh, ako pala ang maiingit kasi wala si my love ko dito, "awat ni Lyka sa dalawa.
"Siya nga pala, Luis, si Val. " pakilala ni Lyka sa binata.
"Val, sa wakas nagkita rin tayo, thank you for saving my twin life, Luis Ramirez, pare." Inabot niya ang kamay.
"Val Medrano." Nagkamay silang dalawa.
"Nice meeting you Val, salamat ulit."
"Wala iyon, Luis, ganon din sa iyo. "
"Sana andito rin si kuya Jake, para maraming hunk," my ngiting ani Vhenz.
"Well speaking of kuya Jake, hayan na sila oh, with her beautiful wife and cutie kids," ani Lyka ng mamataan niya ang kanyang kuyang papalapit sa kanila.
"Hello, everybody. How are you guys?" bati ni Jake ng makalapit na ito sa mga kapatid.
"We are perfectly fine. Kuya Jake," panabay na anila.
"Oh, my bisita pala tayo," puna ni Jake kay Val.
"Kuya hindi siya bisita para sa atin siya si Val, remember him?"
"Ah, siya ang sinasabi ninyo sa amin? Oh, nice to meet you, matagal na kitang gusto makita kaya lang palagi akong busy sa akin trabaho, but now I want to say thank you sa pag ligtas mo sa kapatid ko," turan ni Jake sa binata.
"Naku wala iyon, sir, lahat na kayo nagpasalamat sa akin maliban sa isa dito," aniya at sabay tingin niya kay Karen na kunwaring inaabala ang sarili sa paglalangoy.
"Huh? sino, kuya Val?" tanong ni Vhenz.
"Vhenz, nagtanong kapa, look Val eyes, saan ba nakatingin?" ani Lyka.
"Oh, sa my dear sister ko pala."
"By the way Val, asawa ko, si Vanessa Delara Ramirez, and my twin kids, Nick and Maui, say hello to tito Val," ani Jake sa kambal na anak.
"Hello, Tito Val," sabay na ani ng kambal.
"Hello, ang cute naman ninyo," aniya sa kambal pero ang isip niya nasa asawa ni Jake. Tinignan niya ito."Delara?"
"Yes, I am Val, kamusta ka," ani Vanessa.
"Ma... mabuti naman," kumabog bigla ang dibdib niya.
Kakaiba kasi ang pakiramdam niya rito para bang may connection silang dalawa.
"You know what ate Vanessa, may hawig kayo ni Val, parang mag kapatid kayo, ah," pansin ni Vhenz.
Napatitig naman sina Lyka, Luis at Jake sa binata, pagkatapos nilang tignan ito kay Vanessa naman sila tumingin.
"Yeah, meron nga," sigunda naman ni Jake.
"Wish ko lang na sana may kapatid akong lalaki, para naman may magdala sa apilyedo namin na Delara no," may ngiting ani Vanessa. Nakunan ang ina sa huling pagbubuntis nito. Then hindi na nasundan pa. Napatitig siya kay Val. Yeah tama sila meron nga silang hawig.
Lalong kinabahan si Val sa sandaling iyon."Mag kapatid kaya kami?" pasulyap-sulyap siya kay Vanessa.
Dahil alam nilang malayo na magkaroon ng ugnayan ang dalawa binalewa nila ang kanilang nakita.
"Oh, paano magkakakilala na kayo so let's go swimming," masayang ani Vhenz.
"Okay, magpapalit lamang ako ng panpaligo," ani Luis.
"Kuya Jake, ikaw din maligo at ate Vanessa," ani Lyka.
"No, kayo na lang," tanggi ni Jake sa kapatid.
"Kuya, huwag mo akong tangihan, magtatampo ako sa iyo pati na rin ang baby ko."
"You mean, Lyka, you are pregnant?"
Sasagot sana si Lyka sa tanong ng kuya Jake ng may nag salita.
"Who's pregnant?" ani ng bagong dating na si Mico at kaagad na lumapit sa asawa at hinalikan ito sa labi.
"Ang sexy naman ng asawa ko nakakagigil," bulong nito.
"Iyan asawa mo raw pregnant, Mico," ani Jake.
"Really? sweetheart, tell me."
"Hindi pa ako sigurado no, mamaya magpapa-check-up pa ako. "
"Sana nakabuo na tayo," my ngiting ani Mico.
"Guys maiwan ko muna kayo, kamustahin ko lamang si Mommy sa loob, " paalam ni Vanessa sa mga ito.
"Ate Vanessa, kasama ba ninyo si Tita Bella?" tanong ni Lyka.
"Oo nasa loob siya, maiwan ko muna kayo."
Tumango naman ang mga ito sa kanya.
"Ate Vanessa, balik ka kaagad ha, para mag swimming tayo," sigaw ni Lyka.
Ngumiti si Vanessa sa hipag.
Sa sandali naman iyon nasa may gate nang bahay ang mag kaibigan Jay at Vincent.
"Hi, Mommy, Veron." Nilapitan niya dito at hinagkang sa pisngi.
"Vanessa, mabuti naman at sumama ka, akala ko hindi ka sasama sa asawa mo?"
"Mommy, alam mo naman si Jake, makulit hindi ako tinantanan hanggang hindi ako napa oo, maiba nga po pala ako."
"Ano iyon, anak?"
"Sino si Val?"
"Sinong Val, anak?" ani naman ni Maribella.
"Iyon kasama nila Lyka. Mommy, my hawig kami lalo na kay Daddy, parang anak nga niya ito."
"Napansin mo pala, Vanessa, ako nong una ko siyang makita, iyan din ang nasa isip ko, pareho kami ng Daddy Jay mo ng iniisip. "
Biglang na curious si Bella."Nasaan ba siya, anak?" gusto niya itong makita.
"Nasa pool sila, Mommy. "
"I want to see him."
"Sige tara sa swimming pool," ani naman ni Veron.
Sabay silang tatlo na tinungo ang swimming. Tama naman na nakasalubong nila si Jay, Vincent sa may sala.