Chapter 11

NANG mabuksan na ang gate kaagad na ipinasok ni Val ang kotse ni Lyka sa loob ng garahe.

Hindi naman na hinintay pa ni Lyka na pagbuksan siya ni Val ng pinto. Kaagad na siyang bumaba para batiin ang ate Karen niya.

"Hi, ate Karen, wow you are so sexy!" puri ni Lyka kanyang hinalikan ito sa pisngi.

Hindi alam ni Val kung ano ang gagawin dahil nagdadalawang isip siya kung bababa ba siya o hindi.

"Huh? nasaan na siya?" Kunot noo na napalingon siya sa likod niya.

"Sinong siya, Lyka?"

"Si... sandali lang ate, ah." Bumalik sa kotse niya si Lyka.

Nagtaka naman si Karen kung sino ang tinutukoy ng kapatid.

Kinatok ni Lyka ang salamin ng bintana ng kotse ibinaba ito ni Val.

"Anong ginawa mo diyan, halika ka muna sa loob para makapag miryenda ka muna?"

"Huwag na Lyka, nakakahiya eh, at isa pa may tatapusin pa pala ako sa opisina, " alibi niya.

"Anong nakakahiya, hindi no halika na, okay kung ayaw mong mag miryenda, just say hello muna kay Mommy, nasa loob siya."

"Pero..." kahit na lalaki siya sobrang kinakabahan siya.

"Walang pero-pero, Val, magtatampo ako sa iyo sige ka, pati baby ko magtampo rin."

"Heto na naman kami, nanakot naman itong si misis Santillan eh, sige na nga." Grabeng kabog sa dibdib niya kasi naman naka two piece lamang ang babaeng ni minsan hindi mawala sa isipan niya.

"Lyka, sino ba iyan kasama mo, ah?"

"Ate Karen, si Val," sagot ni Lyka bumaba na rin ni Val sa kotse.

Napaharap naman si Val sa dalaga pero kaagad siyang tumalikod dahil sa nakikita niya. Sa totoo lang gentleman naman siya eh.

"Ehemmm, Val. Anong masasabi mo kay ate Karen, sexy niya di ba ?" tudyo ni Lyka sa binata.

"Lyka," turan naman ni Karen sa kapatid.

"Ate Karen, I'm just asking him, kasi lalake siya Val, ano sagot na," may ngiting ani Lyka.

"Ang mabuti pa pumasok na kayo sa loob, sige doon na ako kay, Vhenz. " Naglakad na patungo sa swimming pool.

Nakahinga nang maluwang si Val ng marinig ang yabag na papalayo sa kanila.

"Halika na, Val, pumasok na tayo sa loob, kamustahin mo naman si Mommy, tara na." Nagpatiuna siyang naglakad papasok sa loob.

Sumunod si Val kay Lyka.

"Hello, Mommy," bati ni Lyka sa ina na tama naman na kalalabas nito mula sa kusina.

"Anak, kanina pa kita hinihintay, ah."

"Mommy, kasama ko Val, kaso nahihiya siya."

"Val, hijo, huwag kang mahiya, doon tayo sa may swimming pool, tamang-tama ang dating ninyo, nagpagawa ako ng miryenda kay Manang."

Nauna na ang mag-ina patungong swimming poll.

Hindi naman malaman ni Val kung susunod siya sa mag ina dahil alam niyang naliligo si Karen doon.

Akala naman ni Lyka na sumunod na sa kanila ang binata nilingon niya ito nakatayo pa rin.

"Lyka anak, nasaan si Val?"

"Naku Mommy, nahihiya siya, wait lang po at ng hila siya." Alam niya kung bakit hindi pa sumunod ito sa kanila.

"Ako na anak, maupo kana diyan," sinunod ni Lyka ang utos ng ina.

"Ate Lyka, join us," sigaw ni Vhenz.

"Mamaya na lang, pahinga muna ako sandali," tugon niya.

"Val, hijo, akala namin sumunod ka di ba ang sabi ko huwag kang mahiya, halika na samahan mo kami doon," ani Veron sa binata.

"Eh, ma'am, nakakahiya po talaga. "

"Alisin mo iyan hiya mo Val, tara na." Hinawakan niya sa kamay nito.

Wala naman nagawa si Val kundi sumama rito.

"Ate, Karen, sino siya?" tanong ni Vhenz sabay nguso sa kasama ng mommy nila.

"Si Val, siya yon nagligtas sa ate Lyka mo. "

"Oh, siya ba, ang gwuapo niya ate, bagay kayo," may pilyang anito.

Nanlaki naman ang mata ni Karen sa sinabi ng kapatid.

"Vhenz, anong bagay ang pinagsasabi mo diyan, lunurin kita makita mo!" biro niya.

"Oy, si ate, crush niya si kuya Val." Umahon siya sa tubig.

"Naku kung maka kuya Val ka naman wagas, saan ka pupunta?"

"Wait lang ate, mag hello lamang ako kay kuya Val." Kinuha muna ni Vhenz ang tuwalya at ibinalot sa katawan bago lumapit sa kinaroroonan ng binata.

"Naku naman ang babaeng ito." Napailing pa si Karen.

Paglapit ni Vhenz."Hello, Kuya Val, ako nga pala si Vhenz, kapatid ni ate Karen, asawa ko si Luis na kambal ni Lyka. "

"Hello," ani lamang ni Val dito dahil nakadama pa rin siya ng hiya.

"Kuya Val, marunong kabang lumangoy?"

"Oo naman, Vhenz, bakit?"

"Yes, Kuya Val, wanna join us to swing at puwede bang magpaturo sa iyo hindi kasi ako marunong, eh?"

Napangiti si Lyka. Aba may balak yata ito. Sa pagkakaalam niya marunong itong lumangoy.

"Naku, pasensiya na Vhenz, hindi puwede at isa pa wala akong damit."

"Damit ba no problem, mayroon si Luis na bago. I can gave you one, kuya Val. "

"Say yes, Val, ako rin maliligo at turuan mo rin akong maglangoy." Makikiayon siya kay Vhenz.

"Lyka, naman, pinagkaisahan naman ninyo ako."

"Ayaw mo sige ka, hindi kita kukunin ninong sa baby ko, " kunwaring nagtatampo siya.

"Wait lang kuya Val, kukunin ko laman ang damit na pangpaligo ha," paalam ni Vhenz

"Sandali, Vhenz," pigil ni Val dito.

"Go, Vhenz," wika naman ni Lyka.

Nakatingin lang naman si Karen sa dalawa. At hindi niya maiwasan na huwag mapatingin sa labi ng binatang minsang nangahas na humalik sa kanya. Tuloy naalala naman niya ang halik nito na hindi nagpatulog sa kanya gabi-gabi.

Habang hinihintay nila Val si Vhenz na bumalik ng mag ring ang mobile ni Lyka.

Kaagad kinuha ni Lyka ang mobile."Helllo, Daddy."

"Lyka, anak nasa opisina ka ba?"

"No, Daddy, nasa bahay ninyo kasama ko po si Val. "

"Bakit kasama mo siya, anak?"

"Siya kasi ang pinagdrive ko Daddy, medyo masama ang pakiramdam ko kanina. Sorry kung hindi na ako nagpaalam sa iyo!"

"Okay lang anak, tell your Mommy, mamaya diyan kami maghahapunan ni Vincent, and I think papunta na diyan ang kuya Jake mo."

"Anong meron, Daddy?"

"Wala naman anak, bonding ng pamily natin. At huwag mo munang pauwiin si Val, okay."

"Okay Daddy, tamang-tama, mag swimming kami ngayon. "

"Okay, that good, huwag mong kalimutan na sabihin sa Mommy mo ang sinabi ko Lyka. "

"Yes Daddy, bye."

"Anong sabi ni sir, Lyka? "

"Ang sabi ni Daddy, huwag ka munang umalis."

"Ha? Bakit daw?"

"May salo-salo rito mamaya, kaya don't go, mag enjoy ka okay, maiwan muna kita kasi may pinapasabi si Daddy kay Mommy," iniwan na niya ito.

Naging uneasy tuloy ang pakiramdam ni Val sa sandaling iyon. Napatingin siya sa gawi ni Karen na tama naman napatingin din sa kanya ang dalaga kung kayat sila ay nagkatitingan.

Hindi malaman ni Val kung ngingitian ba niya ito hindi?