Chapter 10
KINUHA ni Jay ang cellphone."Excuse me muna, Val, sasagutin ko lamang ito."
"Sure, sir!"
Tumayo si Jay at naglakad patungo sa bintana."Hello bro, napatawag ka?"
"Oo bro, may importante kasi tayong meeting ngayon sa share natin sa isang company."
"Ganon ba bro? Nasaan ka ba ngayon?"
"On the way na ako sa meeting area bro, sumunod ka na lamang dito sa Marriott hotel. "
"Okay bro, papunta na ako diyan."
"Sige bro, bye," wika ni Vincent.
"Bye, bro. "Humarap siya kausap."Ah, Val, mag usap na lang tayo sa ang balik ko, may importanteng meeting kasi ako ngayon."
"Sige, sir, tawagin mo na lang po ako pagbalik mo."
"Okay, I have to go. My buddy is already there waiting for me." Lumabas na sila.
Nang nakabalik si Val sa kanyang lamesa kaagad naman siyang nilapitan ni Lyka. Humila ng upuan tumabi sa binata.
"Anong sinabi ni daddy sa iyo, Val?"
"Nagtanong lamang siya, Lyka. "
"About what?"
"About my life."
"Woah, si Daddy, naging intersado sa buhay mo Val, bakit kaya, hmmm maybe there's something na nakita si Dad, sa iyo?"
"Kaya, Lyka?"
"Oo. Tell me naman kung ano ang pinagusapan ninyo ni Daddy, Val, please."
"Huwag ngayon, Lyka, kasi hindi pa kami nag-usap ni sir."
"Bakit hindi di ba nag-usap na kayo sa opisina niya kanina lamang, ah?"
"My biglaan urgent meeting siya, eh. "
"Ganon ba, Okay change topic tayo, Val."
"Anong topic naman, aber?"
"Ito naman, iyon kanina ba."
"Ano nga?" kumwari nakalimutan niya ito.
"Iyon sinabi ko kanina sa iyo. Say yes please?"
"Misis Santillan, kung naglilihi ka puwede huwag ako ang paglihain mo,'' may ngiting ani Val.
"Tseee, lihi ka diyan, wish ko nga eh. Sana nga maglihi na ako, talagang pag ako ang naglihi ikaw talaga paglilihian ko,'' may ngiting ani Lyka.
"Hep-Hep, Lyka. Puwede ba bumalik kana sa opisina mo baka nag-uumpisa ka ng maglihi niyan, sandali nga bakit ako?"
"Guwapo ka kasi eh, at cute pa," sabay pisil pa niya sa pisngi ng binata.
"Aray ko! Hala naglilihi ka nga, go away with me Misis Santillan, madadamay ako sa katamaran mo niyang, eh. "
"Tseee, okay fine kung hindi ka agree sa sinabi ko sa iyo, pero may isa pa akong hiling, Val?"
"Ano naman iyan, Lyka?"
"Gusto ko ng umuwi puwede bang ipag drive mo ako, tinatamad kasi akong mag drive eh, please. "
"Bakit ako, tawagan mo kaya ang asawa mo?"
"Wala siya, mamayang gabi pa ang uwi niya from Cebu."
"Ganon ba, sige na nga lang baka makunan kapa ng wala oras ako pa may kasalanan."
"Siyempre lagot ka kay Mico," nakangiting ani Lyka.
"Okay let's go."
Habang nasa daan na sila.
"Saan ba ang bahay ninyo ni sir Mico, Lyka?"
"Hindi sa bahay namin ni Mico ako uuwi, Val, di ba wala nga siya rito ngayon."
"So, saan nga kita ihahatid, misis Santillan?"
"Sa bahay nila Daddy, magpapasama kasi ako kay Mommy na mag pa check-up ngayon. "
Bigla naman kinabahan si Val sa sinabi nito at napa isip tuloy siya. Kung naroon ang ate nito. Aminin niya gusto niyang makita ito.
Napansin ni Lyka ang pananahimik ng binata."Oh, Val, bakit natahimik ka, ayaw mo ba akong ihatid sa bahay nila, Daddy?"
"May sinabi ba akong ayaw ko, Misis Santillan?"
"Wala nga pero tila napipilitan ka lamang na ipagdrive ako!" May tampong ani lyka dito.
"Hindi ikaw pa, malakas ka yata sa akin, ituro mo na nga lang kung saan ang bahay ng magulang mo."
Napangiti naman ng lihim si Lyka sa sinabi nito."Okay deretso lamang po, tapos kanan tayo and them kanan ulit doon na copy."
"Copy, ma'am," may ngiting sagot ni Val dito.
Sa loob ng bahay ng mga Ramirez.
"Ate Karen, halika na samahan mo akong maligo sa swimming pool?" anyaya ni Vhenz dito.
"Oo nariyan ako sandali lamang," tugon naman niya sa kapatid.
Pagbaba ni Karen naka two piece lamang ito na may nakasampay na tuwalya sa balikat. Sa totoo lang hindi siya sanay na naka two piece. Dahil nasa bahay lang naman sila. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
"Wow na wow! Ate, sexy mo pala bakit mo ba itinatago ang pang miss bikini na kaseksihan mo, ha?"
"Nang bola ka pa, Vhenz. Halika na nga maligo na tayo. Tamang-tama maalisangang ang panahon."
Habang naglalakad sila patungo sa swimming pool may nagbusina.
Dahil walang nagbubukas ng gate pa ulit-ulit na nagbubusina ang kotseng nasa labas ng gate.
"Ate, wala yata si Manong Ben, ikaw na lang kaya magbukas sa gate, baka si Daddy o Mommy iyan?" w
"Vhenz, kung si Daddy iyan hindi na magbubusina pa kasi may remote control naman siya sa gate, ah. "
"Tignan mo na lang ate, mauna na ako sa iyo sa pool ha."
"Sige hintayin mo na lang ako doon," tugon ni Karen sa kapatid naglakad na siya papuntang gate tila naman nakalimutan niyang naka two piece lamang siya.
"Lyka, wala yatang tao, ah?"
"Meron baka kumakain si Manong Ben, kaya walang nagbubukas ng gate. Hintayin na lang natin sandali, Val. Okay lang ba sa iyo?"
"Oo naman andito na nga tayo sa bahay ninyo, eh," sagot niya habang ang mata nakatutok sa gate.
Pagtapat ni Karen sa gate nanlaki ang mata ni Val sa kanyang nakita.
Sino ba ang hindi para siyang nakakita ng contestants sa miss bikini Philippines.
Napansin naman ito ni Lyka kaya napangiti siya. Taming pala ang pagpunta nila sa bahay ng magulang. Dahil may magandang view silang nadatnan ni Val.