KABANATA 49

Ilang beses na pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Aling Flor. Ginugol ko pa ang magdamag ko ka-se-search sa internet kung ano ang PCOS at mga sintomas niyon.

Inisa-isa ko pa ngunit wala naman akong nararanasan sa ang mga iyon. Regular ang menstration ko at wala namang acne. Masakit lang talaga sa puson. Kaya lang ay ayokong mapanatag lalo pa't nabasa kong nahihirapan ngang magkaroon ng anak ang mga babaeng may PCOS. How I wish this syndrome didn't exist anymore.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob na magpatingin. Inihatid ko lang sa klase si Mareng bago dumiretso sa ospital. Pumila at hinihintay na lang na matawag ang pangalan ko.

But then, I felt cold-hearted. Nanlamig ang buong katawan ko sa takot. Namawis ang palad at noo ko nang makitang pumasok na ang katabi ko sa upuan. Napalunok at gusto na lamang maiyak. Sobra-sobra naman yata kung pati ito ay mararanasan ko.

Ilang minuto lang ay tinawag na ang pangalan ko. Halos manginig pa ang tuhod ko nang humakbang. Nginitian pa ako ng nurse at nilahad ang pinto upang makapasok ako. Ngunit walang humpay ang pagkabog ng dibdib ko.

"Ma'am, pasok na po," ulit pa ng nurse.

Nakagat ko ang ibabang labi at bumuntong hininga. Yumuko at humingi ng pasensya sa nurse bago agad na tumalikod doon.

"Ma'am!" Dinig ko pang tawag nito ngunit tuloy-tuloy na ako sa labas.

Hindi ko kaya! Guguho lamang ang mundo ko kapag nalaman ko. Ayaw kong tanggapin, hindi pa ngayon.

I tried to relax by spending the day at the mall. Pero wala naman akong binili. Ayaw kong maging malungkot o sumimangot. Kaya naman pilit akong ngumiti nang sunduin ko na si Mareng.

Naghintay pa ako sa waiting shed kasama nila Aling Beth. Ang kaso ay nakaalis na lahat at lumabas na ang mga estudyante ay wala pa rin si Mareng. Nangunot ang noo ko at tumayo. Dineretso ko pa nang lakad ang classroom.

Imposible namang wala ang anak ko gayong maayos ko itong hinatid kaninang umaga. Napanatag lang ako nang marinig ang tinig nito ngunit kausap niya si Miss Kim.

"Mareng, what if your mother is not your Mimi Veron?"

"What, Miss Kim? That is not possible. I'm Mimi Veron's daughter. Can't you see it? We look the same!"

"Hindi naman kayo magkamukha." Dinig ko pang sagot ng guro.

Napataas ang kilay ko sa daloy ng usapan. Ano'ng balak mo Miss Kim?

"That is because I got my Didi's eyes! They are blue!" Nasilip ko pa ang pag-aayos ng bag ni Mareng at pag-abot ng test paper sa guro.

"Yes, but you don't have any resemblance to Veron-"

Kumatok ako nang malakas sa pinto dahilan upang matigil ang guro. Nanlaki ang mga mata nito at muntikan ng mabitiwan ang test paper ni Mareng.

Tinasaan ko ito ng kilay bago tuluyang pumasok sa classroom.

"Mimi!"

Binalingan ko si Mareng at binigyan ng ngiti. Agad nitong sinuot ang backpack at tumakbo pa palapit sa akin. Agad ko ring hinawakan ang kamay niya at binigyan ng halik sa pisngi bago binalingan muli si Miss Kim.

Bumuntong hininga ako at nilibot pa ang tingin sa classroom. Kid's friendly naman at makulay ang classroom. Maaliwas tingnan bukod sa guro. Tumigil ang tingin ko sa guro.

"Miss Kim, I hope this kind of conversation with my daughter will never happen again. I respect that you are her teacher, but that should remain that way. Do not meddle in our personal lives."

Binigyan ko siya ng seryosong tingin ngunit napangisi lamang ito.

"I'm sorry, I was just curious. Hindi kasi kayo magkamukha ng anak mo." Pinigil pa nito ang matawa nang mahina.

Naningkit ang mga mata ko at kahit gusto na siyang awayin ay pinigilan ko ang sarili. Hindi ko iyon gagawin sa harap ng anak ko.

"Bakit? Ano'ng mali sa itsura ng anak ko?"

"Anak mo?" Tinaas nito ang kilay at pinagkrus pa ang mga braso sa harap ng dibdib.

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Mareng at hindi pinakitang apektado ako. Whatever she says, Mareng will remain as my daughter.

"Oo, anak ko." Ngumisi ako at pinasadahan siya ng tingin, "Akala ko ba ay hindi ka na maghahabol kay Draco? Hindi ka ba naka-score sa attorney na gusto mo?"

Mas lumawak ang ngisi ko nang mawala ang ngisi nito sa labi at mapaatras. Binalak pang magsalita ngunit tinaas ko ang palad ko, senyales na ayaw ko ng marinig pa ang sasabihin niya.

"Please, Miss Kim. Bear in mind that Mareng is my daughter, and mine alone. And don't forget that Draco is also... mine." Ngumiti ako pagkatapos ay yumuko nang bahagya bago binuhat si Mareng at umalis na roon.

"Mimi, bad girl po ba si Miss Kim?"

Natigil ako sa tanong nito. Nakagat ang labi at nagsisi na kinausap ko ng ganoon si Miss Kim. Mas maganda yata kung hindi naririnig ni Mareng.

"Hindi, Baby. Forget about what you heard. Misunderstanding lang iyon ah?" Hinalikan ko pa ang pisngi niya bago pumara ng tricycle.

"Alright, Mimi. Can we buy ice cream? I already miss Mango ice cream." Ngumuso pa ito na kinatawa ko nang mahina.

"Sure, no problem. Let's buy ice cream, then let's call your Didi when we get back home."

Kahit paano ay pansamantalang nawala ang lungkot ko. Dalawang flavor pa ng ice cream ang binili ko. Gusto ko ring magpalamig kahit paano. Kaya naman ngiti agad ang bungad ko kay Draco nang matapos silang mag-usap ni Mareng. Sinubukan kong maging masaya kahit pa gusto ko na namang maiyak na baka hindi nga ako magka-baby.

"Hey, Baby," he huskily greeted.

Nakagat ko ang labi lalo pa't namumungay ang mga mata nito. Umangat sa kanyang upuan at sinuklay pa ang buhok.

"How's your day?" he asked again before he stood and was ready to leave the room.

Imbis na sumagot ay ginambala ako nang kaisipang hindi ako magkakaanak. Sinabi na niya noon na kahit walang anak ay ayos lang, ngunit tila mas lalo lamang sumidhi ang kagustuhan kong magka-anak.

"What's bothering you, Verona? Tell me."

Tumigil siya sa paglalakad at pinaningkitan ako ng tingin. Kinagat ko ang labi at pinigilan kong magsalita. Nananakit ang lalamunan ko kapipigil ang maiyak. Umiwas ako ng tingin sa kanyang mukha at tingin ko ay mas lalong dinurog ang puso ko nang mahagip ng tingin ko ang portrait nila ni Mara. Tila piniga ang puso ko sa kaalamang nasa kwarto siya kung saan ang abo ni Mara.

Imbis tuloy na magdrama ako sa maaaring pagkakaroon ng PCOS ay binaling ko ang atensyon sa hindi pa niya nakalilimutang pagmamahal kay Mara.

I sharply looked at him, and that made him knot his brows.

"Sinasabi ko na nga ba na hindi ka pa nakamo-move on kay Mara," mahinang bigkas ko.

"What? I'm asking about your sentiments, not about Mara." Umiling ito at tuluyan nang lumabas sa kwarto.

Umiwas ako ng tingin, takot na mabasa niya ang totoong saloobin ko.

"Mara is my sentiments, Draco. Ang hirap kasing makipagkompetensya sa taong wala na."

Binagsak ko ang tingin at nakagat ang dila. Hindi ko alam kung bakit dinala ko sa ganito ang usapan kahit pa alam ko naman sa sarili ko na kailanman ay hindi niya mabubura si Mara sa puso niya. Tanggap ko rin na second option ako lalo pa't alam kong wala ng magiging pangatlo. Sana.

"Are you still jealous of her?" he asked calmly.

"Bakit hindi? Nag-effort ka pa ngang magpagawa ng family portrait ninyo," kunwaring bitter kong sagot.

Kahit paano ay nawala ang iniisip ko patungkol sa baby. Tama lang sigurong tanungin ko ang damdamin niya kay Mara para naman alam ko kung hanggang saan pa iyon.

Before he opened his room door, I heard him grumble. Pabagsak pa siyang humilata sa kama.

"There's nothing to be jealous of about that-"

"Bakit mo ba pinagawa?" Tinaasan ko siya ng kilay na kanya namang kinaungol ng protesta.

"Fine. I asked someone to make it, but not for myself."

Kusang bumaba ang kilay ko at natahimik. Nahuli rin nito ang mga tingin ko.

"It's for Mareng. I'm sure she'll discover someday when she's older that you're not her biological mother. She will seek the truth and, without a doubt, will find her biological mother." He sighed then blinked, "And I don't want her to hold grudges towards me, or to you, or even to Mara, because of that. I don't want her to feel incomplete. At least she can say that she was once complete through that portrait."

Mas lalo lang yata akong maiiyak sa sinabi niya. Ayaw ko rin namang magtanong si Mareng sa pagkatao niya at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ko ring sabihin sa kanyang hindi ako ang tunay niyang Mama.

Tumikhim ako at hindi na makatingin kay Draco. Hindi ako makapagsalita. Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya muli.

"Yes, Mara is already a part of me and maybe owns a single percent of my heart and my system. But that doesn't mean I'm still into her. I am thankful she helped me to get out of the cruel world and brought Mareng into my life, but I need to move forward, Verona. And that she no longer owns my whole heart because there is someone here whom I love, and surely Mara will agree to that."

Mariin akong napapikit sa sinabi nito. Assumera na pero ramdam kong ako ang tinutukoy nito. Ayaw ko rin namang burahin si Mara sa buhay nilang mag-ama. I am not that cruel. Tanggap ko kahit pa masakit.

"f that cannot give you peace of mind, Verona, I'm willing to empty that room-"

"No, don't." Pigil ko, "No, please. I want it to remain that way. I know someday Mareng will appreciate that room because her Mom's memory lies there."

Ngumiti ako at balak ibahin na ang usapan. Sapat na iyon para sa akin. To know that he loves me now is enough. I believe that if you want to be happy, you shouldn't question everything. Be content, but never forget your worth.

"I'm bothered now," he admitted, "When I get back home there, we'll take many pictorials. I want our family picture to be real and not just a portrait."

Nakagat ko ang labi sa suhestiyon nito at doon na napokus ang isipan ko.

"Basta ba uuwi ka sa graduation ko."

He chuckled a little before he lied again on the bed, "Surely, I will. Like I told you, I will never miss it. I've waited for that-"

"Yeah, since you sponsored my studies." I rolled my eyes at him, but then smiled, "Thank you, Sugardaddy?" asar ko pa.

"What the hell? Am I that old?" Naningkit ang mga mata niya na kinatawa ko.

"Not really, but who would sponsor a young lady's studies except their sugardaddy? It's only you." Kumindat pa ako bago inangat ang kumot sa balikat ko.

"Fuck, Verona! How I want to go home now and throw that comforter away from your body."

Mas lalo akong natawa sa gigil niyang expression, "Go home on my graduation day and you'll have me. That would be next week."

I smirked as he closed his eyes tightly. Ngunit pagmulat niya ay hindi na pagnanasa ang nakikita ko roon kun'di pagmamahal at pangungulila.

"I promise. I will," he said that made my heart lift in joy.