KABANATA 50
Hindi mapuknat ang aking ngiti habang nag-aayos ng make-up. This has been delayed, but still, I am happy. Finally, I am now able to hold my diploma and practice my degree.
Nakagat ko ang labi bago nangingiting pahiran iyon ng lipstick. Hinihintay ko pa ang tawag ni Draco. Sabi niya ay diretso na lang siya sa school pagkatapos ay kakain na lang sa labas. Masaya na ako sa ganoon, wala rin naman akong pakakainin dito bukod kila Aling Flor. Pag-take out ko na lang sila.
"Mimi! Aren't you done yet? We might miss your march!"
Napailing ako sa inip at medyo galit nitong tono. Isang beses ko pang tiningnan ang kulot kong buhok at simpleng make-up bago tumayo. Pinalandas ko rin ang palad ko sa aking itim na toga at ngumiti nang malawak sa salamin.
Another step towards your future, Veron!
"Mimi! Let's go na!"
Sumilip ito sa pinto at halos manghaba na ang nguso sa inip. Binigyan ko siya ng isang kindat bago hinablot ang shoulder bag at ang black cap ng toga.
May higpit ang hawak ko sa palapulsuhan ni Mareng nang makarating sa school. Ngayong kasama ko siya ay maraming mga mata ang nakatingin sa amin. May singhapan mula sa mga ibang estudyante at magulang. But I don't care, I will never be ashamed of having Mareng in my life.
"Do you think he will go home, Mimi?"
Liningon ko si Mareng na nakatingala na sa akin, "Who, Baby?"
"Didi. He should be here now. It's almost time, Mimi." Nagsalubong ang mga kilay nito.
I chuckled, then pinched her cute cheeks, "Let him take his time. He promised, so he will."
"Fine, Mimi."
Mas lalo akong tumawa nang makitang pumirmi ang mga labi niya at ni walang kislap ng ngiti ang asul niyang mga mata.
"Don't be upset, Baby. Your Didi will go home. If not now, then soon."
Pero siyempre hindi pwedeng hindi iyon umuwi ngayon. He had waited for this for so long, and finally he would no longer need to fund my studies. I smirked, thinking I should have provoked him about this.
"Verona."
Napakurap ako ngunit agad ding bumaling ang tingin ko sa likod. At halos matigilan ako nang makita si Mama at Papa. Maayos na nakapostura si Mama at kahit may edad na ay hindi ito nagmukhang matanda sa suot na red one shoulder fitted dress. Nag-match pa iyon sa puting longsleeve ni Papa.
"Lola, I didn't know you were invited!" Mareng exclaimed.
Namilog ang mga mata ko sa sigaw niya lalo na sa pagsasalubong ng kilay ni Mama. Naningkit ang tingin nito at akmang lalapit ngunit napigilan ni Papa ang kamay niya.
"Didi, won't be happy to see you here, Lola!" muling sigaw nito.
Mas lalong namilog ang mga mata ko at agad na tinakpan ang bibig ni Mareng. Alanganin pa akong ngumiti kay Mama na masama na ang tingin kay Mareng.
"Pasensya na po. Hindi lang po sanay ang bata." Yumuko ako nang kaunti ngunit pilit inaalis ni Mareng ang kamay ko sa bibig niya.
"But, Mimi, I'm aware of it-"
"Shut up, Mareng!" mahinang angil ko nang makitang hindi na maipinta ang mukha ni Mama.
"In what way did you raise your daughter, Verona? O talagang namana lang niya sa ama niya ang ganyang ugali?"
Naibaba ko na nang tuluyan ang kamay kong nasa bibig ni Mareng at hindi makuha ang sinasabi ni Mama.
"Emel, huwag mong tanungin ng ganyan ang anak mo. Tara na," si Papa na pilit hinila ang kamay ni Mama upang matangay ito kasabay niya.
"Sandali. Nasaan nga ba ang ka-live in mo?" Bahagyang tumaas ang kilay nito at umikot pa ang tingin sa paligid
Nakagat ko ang labi at hindi makasagot. Nauna pang sumagot sa akin si Mareng.
"Didi is on his way na po. Don't worry, he will come," anito bago humawak sa kamay ko.
And when did Draco call her? Wala ngang cellphone ang bata. Nangunot ang noo ko ngunit binalewala ko na lamang. Akmang bubuhatin ko na si Mareng nang pigilan ni Tatay ang kamay ko.
"Ako na, Anak. Gusto ko rin namang mabuhat ang apo ko." Kinuha nito si Mareng at nauna pang naglakad habang si Mama ay kumapit sa braso ko.
"Let's go, Verona. Sana ay noon pa ito kung marunong ka lang sumunod sa amin ng Papa mo." Maliit itong umiling at tila dismayado pa.
Ngunit imbis na magdamdam ay napangiti pa ako nang maliit. Halos magbara ang lalamunan ko sa naka-ambang pag-iyak lalo na nang makitang masayang nag-uusap si Mareng at Papa. At kahit may kasungitan si Mama ay ramdam ko ang masuyo nitong hawak sa tuwing nahuhuli ako sa lakad.
Hindi ko naman inasahan na pupunta sila rito ngayon. I didn't inform them because I'm shy enough that I finished schooling at this age. Kung nasa poder nila ako ay baka noon pa ito at may trabaho na ngayon.
Mahina kong pinaypay ang kamay sa mga mata ko nang mag-init ang mga iyon. Tila gustong kumawala ang mainit na likido mula roon. Mahina akong suminghap at kinalma ang sarili. Ayaw kong umiyak at masira ang aking kolorete.
Walang edad ang edukasyon, Veron!
"Nasaan ang Tatay ni Mareng, Verona?"
Saglit akong natigilan sa tanong nito. Nagawa ko pang silipin ang mukha ni Mama ngunit hindi naman ito mukhang galit. Diretso lang ang tingin nito sa daan.
"Po?" paninigurado ko.
"Nasaan ang ka-live in mo? Totoo bang parating na? Kasalanan niya kung bakit ngayon ka lang magtatapos kaya't dapat ay nandito siya. Para naman makita niya na dapat ay noon ka pa naka-graduate," sa matigas nitong boses.
Napatikhim ako at hindi agad nakasagot. Parang mas gusto ko na lang yatang huwag na lang dumating si Draco. Sa tingin ko ay sasalo lamang siya ng galit sa mga magulang ko.
"Nasa Guimaras po, but he funded my studies, Ma," mahinang bigkas ko.
"Is that enough, Verona? Is that only your worth?"
Natahimik at tila sinakal ang puso ko dahil doon.
"Ni hindi ka nga malagyan ng singsing sa daliri mo! Lumaki na ng ganyang edad ang anak mo ay hindi pa rin kayo kasal. Hindi naman mukhang kawawa ang ka-live in mo, kung gusto ka lang niyang pakasalan ay bakit hindi pa niya ginagawa? Sa tingin ko ay hindi ko 'yan matatanggap kung ganyang napapabayaan ka."
Napalunok ako at mas pinirmi ang mga labi. Ni hindi magawang maipagtanggol ang sarili o kahit si Draco. I want to tell them the story, but I don't want them to get more angry towards Draco and Mareng. I still need to protect them. Alam ko namang agrabyado ako ngunit hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nananatili pa rin ako.
Nagawa naming makarating sa venue ay nanatili akong tahimik. At kahit nang maghiwalay na kami ni Mama ay hindi ako makatingin sa kanya. Pinilit ko ang sariling magpokus sa programa. Nandoon lang ako at nakaupo, hinihintay na matawag ang pangalan ko para sa diploma.
Ilang beses akong luminga sa paligid at tiningnan ang pwesto nila Mama ngunit wala pa ring Draco na nakatabi roon. Baka mamaya ay hindi no'n alam kung saan nakapwesto sila Mama. Isang lingon pa ay si Mareng na may binubulong kay Papa ang nasulyapan ko.
Napanguso ako at natuon sa entablado ang tingin nang tawagin na ang mga may Latin Honors. Minsan ko ring pinangarap na makakuha ng award ngunit masaya pa rin naman ako kahit na diploma lang ang hinihintay ko.
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri nang mag-umpisa ang tawag para sa diploma. Imbis na roon ang pokus ko ay sa daliri kong walang singsing tinuon ang aking atensyon. Kahit pa sabihin kong ayos lang na wala pa iyong singsing ay hindi ko maiwasang malungkot na hanggang ngayon walang ginagawang hakbang si Draco. Paano pa kapag nalaman niyang negative na naman ang resultang nakuha ko sa pregnancy test kit? Baka mamaya ay takbuhan na naman ako no'n!
I sighed and cast my eyes around the people. Kahit sa malayong pwesto ay pinasingkit ko ang aking tingin upang makita lang si Draco ngunit wala akong makitang asul ang mga mata. Matatawag na lamang yata ang pangalan ko ay hindi pa siya darating.
"Verona Hernandez-"
Halos mapatalon ako nang tawagin na ang pangalan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko na tumayo ngunit nahagip na ng tingin ko ang pagtayo nila Mama at Papa na buhat si Mareng. Imbis tuloy na malungkot ako na wala pa si Draco ay kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung papayagan na marami kami sa entablado ngunit gusto ko na kumpleto kami roon, iyon nga lang ay wala si Draco.
"Congrats, Anak," si Mama na pinisil ang kamay ko habang naluluha pa.
I wore my big smile and mouthed "thank you". Sa katulad naming hindi sobrang yaman ay alam kong malaking bagay sa kanila na nakapagtapos ako.
Mas lumawak ang ngiti ko nang bigyan ako nang matunog na halik sa pisngi ni Mareng.
"I love you, Mimi," bulong nito.
Lumuwag ang pakiramdam ko at hindi mapigilan ang malaking ngiti sa labi ko nang mag-flash ang camera.
Tapos na, Veron!
Iyon ang paalala ko sa sarili. Tapos na at totoong trabaho na ang kailangan ko. Hindi na basta lang raket. Mas maganda kung negosyo pa. Nawala na ang isip ko kay Draco at ngiting-ngiti na ako noong ipalipat na ang tussle sa kabila.
"I now pronounce you graduates!"
Masigabong palakpakan at itim na toga cap ang halos makikita sa ere. Maingat ko pang hinagis ang sa akin ngunit agad din iyong sinalo. School is finally over. School is finally over. No more projects, no more internships. The real world is waiting for me.
Hinintay lang namin na matapos ang buong programa bago dumiretso sa isang restaurant. Doon lang din pumasok sa isip ko muli si Draco lalo na noong makitang bagsak na ang balikat ni Mareng kakatingin sa pinto ng resto. Wala na ang ngiti sa labi nito kahit pa pilit siyang kinakausap ni Papa.
Hindi ko rin maiwasang mainis na wala rin ito. Sinubukan kong tawagan ang numero niya ngunit tumutunog lang iyon at hindi naman sumasagot.
"Alam ba ng ka-live in mo na nandito tayo? Ni hindi iyon nagpakita sa eskwela mo," si Mama na pinaghihiwa ng steak si Mareng.
"I-te-text ko po," mahinang bigkas ko.
Bumuo ako nang mensahe kay Draco ngunit binura ko rin iyon. Kung gusto niya lang pumunta ay sana kanina pa. Hindi ko maiwasang mag-hinanakit sa hindi niya pagdating.
Nagawa na lang naming matapos kumain at maihatid nila Mama ay walang Draco na lumitaw.
"Sa susunod ay susunduin ko kayo rito. Dalhin mo sa bahay si Mareng, Veron. Gusto pa siyang makalaro ng Papa mo." Hinalikan pa ni Mama sa pisngi si Mareng bago kumaway at tumalikod.
"Thank you, Lola! We'll visit you soon with my baby sister!" sigaw nito na nakapagpalaki sa mga mata ko.
"Mareng," suway ko sa kanya na nauwi lamang sa hagikhik.
"Mimi, I'm sleepy, but please wake me up if Didi is already home," She whispered before she laid her head on my shoulder.
Maingat ko siyang binuhat at nilapag sa kama nang makapasok na sa loob. Nagawa ko pang maligo ngunit wala pa rin si Draco. Dismayadong umupo ako sa cleopatra at tinitigan na lamang ang cellphone kong wala ni isang missed call mula sa kanya.
Napalunok ako at hindi maiwasang magtampo. Sa tingin ko ay hindi nito maiwan si Mara. Ngunit kahit ganoon ay hindi ko mapigilan ang hindi maghintay. Part of me is already worried. Baka mamaya ay naaksidente na ito kaya't wala pa rin. Binugso ng kaba ang dibdib ko sa naisip.
Kinakabahan pa akong humiga sa cleopatra, pumikit at nagdasal. Ngunit halos tangayin na ako nang antok at hindi ko alam kung sa paniginip ko lang na bumukas ang pintuan kasabay nang paghalimuyak ng pabango sa loob ng bahay. Gusto kong magmulat ngunit mabigat ang mga mata ko.
I felt a touch on my forehead and cheeks that made me utter a groan. Gusto kong sumigaw at magprotesta nang maramdaman ang pagbuhat sa akin.
"I'm sorry, I'm late."
The way he whispered it made me shiver. And yet, I forget how dismayed I am at his lack of. Kusang nag-init ang puso ko na umuwi pa rin ito kahit na disoras na ng gabi.
"I'm sorry if I broke my promise. I swear, I tried to go home on time. I'm sorry-"
And being this crazy over him, I abruptly grabbed his nape and claimed his lips to stop him talking. I don't need an explanation; his presence is enough for me to feel complete before this day ends.