KABANATA 48

Bagsak ang balikat at dismayado kong tiningnan ang puting stick. Kagaya noong una ay negative na naman iyon kahit pa ilang beses naman na may nangyari sa amin ni Draco. Maraming beses pa nga! Hindi ko lang maintindihan kung bakit negative pa rin iyon!

Kagat ko na ang ibabang labi at gusto na lamang maiyak. Pinipilit kong sinasabi sa sarili na baka hindi ko pa oras para magka-anak. Pero bakit iyong iba? Kahit wala sa plano ay nakabubuo pa rin samantalang ako na gustong-gusto na magka-baby ay lagi namang negative.

Sumakit ang lalamunan ko sa naisip. Baka rin ito na ang sensyales na hindi ako para kay Draco at Mareng. Na baka kaya walang baby ay dahil hindi naman ako nilaan para sa kanila. But I want them! I want to be part of them! I want to be Mareng's mother... forever.

"Mimi? Are you done? We're almost late for school." Kumatok pa ito sa loob ng banyo.

Napakurap ako at mabilis na pinunasan ang naglandas na isang butil ng luha. Taranta ko pang tinapon sa basurahan ang dalawang pregnancy test kit. Nag-ayos ng buhok at pinaskil ang pilit na ngiti.

"Yes, Baby. Let's go?"

Ngumiti ito nang malawak at humawak sa kamay ko. Hindi naman ito masyadong nalungkot na wala si Draco. Araw-araw naman niyang nakakausap sa video call. Sa tingin ko ay nasanay na ito.

Inuna kong hinatid si Mareng sa paaralan bago ako dumiretso sa Nearest Bank upang kuhanin ang remarks kay Miss Yumi. Nagsusungit pa ito nang bigyan ko ng munting regalo para sa tulong niya at pag-asikaso sa akin sa bangko.

"Bumisita ka rito ah!" angil niya pagkabigay sa brown envelope.

Ngumisi ako at mabilis siyang niyakap. Gusto pa niya akong itulak ngunit mabilis akong nakawala. Umirap pa ito ngunit ngumiti rin kalaunan bago ako makaalis.

Gumuhit ang ngiti sa labi ko matapos matingnan ang dokumento sa loob ng brown envelope. It's a certificate that proves my internship with their bank. May pirma iyon ni Miss Yumi, ng manager, at ng may-ari na si Gueco Montanier.

Sa wakas, martsa na lang sa entablado ang kulang at tapos na ako. Kailangan ko na lang ma-confirm sa school registrar lahat ng subjects and grades ko para naman malinaw na wala akong na-i-drop o hindi napasukan.

"Veron."

Agad na nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang boses ni Christian mula sa aking gilid. Paglingon ko ay maamo ang mukha nito ngunit hindi ako natinag.

"Ano na naman, Christian? Hindi ka pa ba tapos?" Tinaas ko ang kilay ko bago bahagyang lumayo.

Mas maganda ang nag-iingat kaysa bigla na lamang mapahamak.

Umawang ang mga labi nito at maamong napakamot sa batok niya. Hindi ko naman itatanggi na gwapo si Christian. Sumobra nga lang ang ugali nito na kayang magsuplong ng inosenteng tao.

"Gusto ko lang humingi ng pasensya sa'yo, Veron. Nagbabakasakali ako na may chance pa ako sa'yo. Handa naman akong maghintay kung kailan kayo magbe-break ni Draco. Wala namang forever kaya baka bitiwan ka rin niya." Nangisi pa ito, sanhi upang lumabas ang kanyang biloy sa pisngi.

Napamaang ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin ito na magugustuhan ko siya. Sa kabila ng ginawa niya ay hindi ba niya naisip na malabo na siyang magkaroon pa ng pagkakataon?

I tried to suppress my laugh, "Sorry, Christian. Uhm. Kaya ko namang tanggapin ang paghingi mo ng pasensya pero hindi pa ngayon. At isa pa, ayaw ko na maghintay ka sa wala. Kahit kasi hindi maging kami ni Draco ay malabong tumakbo ako sa'yo. Pasensya na." Yumuko ako at tumalikod na rito.

Bumigat din ang damdamin ko nang nasa tricycle na. Nakakakonsensyang saktan ito kaya lang ay ayaw ko naman na manatili itong umaasa. Totoo naman na kahit hindi maging kami ni Draco ay hindi naman ako tatakbo kay Christian.

Pero paano nga kung hindi maging kami ni Draco? Paano kung mas gustuhin nitong manatili si Mara bilang Mama ni Mareng kahit pa wala na ito? Alam ko namang hindi pa siya tuluyang naka-move on kahit na maayos na ang tungo niya sa akin.

Nakagat ko ang labi sa pananakit ng lalamunan ko. Mara is the woman he will never erase from his heart and from his whole system, especially since Mareng is a living proof of her. Kung si Miss Kim ay puwede pa, pero si Mara? Imposible.

Baon ko ang bigat ng damdamin pagkarating sa eskwela. Hindi pa ako makangiti sa registrar at kahit nang makumpirmang kumpleto lahat ng grades ko. Nag-request pa akong pumasok sa opisina upang may makausap patungkol sa scholarship ko.

Kung hindi dahil sa scholarship ko ay hindi ako matatapos. Ni hindi ako nagkaproblema sa lahat ng bayarin at kailangan sa pag-aaral ko.

"Yes, Miss Hernandez?" tanong ng registrar employee na nasa harap ko.

"Uhm. Ma'am, may I request to know the name of the person who is liable for my scholarship?"

Nangunot ang noo nito at sandaling napaisip. Umiling bago nagsalita.

"I'm sorry, but the person wants it to be confidential. Kung gusto mong magpasalamat ay idaan mo na lang sa dasal, Hija. He surely knows that you are thankful and that you want to send gratitude to him."

"He, Ma'am?"

Sa lahat ng sinabi niya ay iyon lang ang tumatak sa isipan ko. He? Ibig sabihin ay lalaki at hindi ako tanga upang hindi maisip ang lalaking pwedeng gumawa niyon. If he already knew me since I held his daughter in my arms, then there's no doubt that he's my sponsor.

Dala ko ang isipin na iyon sa bahay. Kaya't kinagabihan nang tapos na silang mag-usap ni Mareng ay mariin ko siyang tiningnan.

"What, Baby? You have problem?" Sumandal ito sa headboard ng kama niya at tinaas pa ang kaliwang braso, pinang-unan sa ulo niya.

Gusto kong umiwas ng tingin sa nakikitang hubad niyang pang-itaas. Maging ang buhok sa kilikili niya ay malinaw sa paningin ko.

Tumikhim ako at naalala ang sadya, "Ikaw ang sponsor ko sa scholarship?" walang ligoy kong tanong.

Napakurap ito at nakagat ang labi bago tumango. Ni hindi nag-abalang magsalita upang tumanggi. Sabagay, bakit pa siya tatanggi?

Bumagsak ang tingin ko at gusto kong umiyak. Hindi para magpasalamat, gusto kong maghinanakit.

"Why, Draco? You had plenty of time to approach me since then, but you didn't! Why did you allow me to raise your daughter when you could have hired someone far more capable and mature than me? And now that I already have an attachment to her, you aren't even willing to take me!"

Napatakip ako ng bibig sa munting paghagulhol, takot na marinig pa ni Mareng. Kung sanang noon pa lamang ay kinuha na niya si Mareng ay hindi ko na sana minahal nang sobra ang bata.

Hinintay ko siyang sumagot ngunit napaangat lamang ito at umiwas ng tingin. Naibaba ang kamay at naihilamos ang mukha gamit iyon.

"Out of words? I have seen the picture of me and Mareng in your secret room. That was since I had her with me. You all have the documents, Draco. You've known me since the beginning, but why did it take you five years to finally claim her as yours?!"

"I was unstable," bulong niya na nakapagpatigil sa akin.

"And I was still in jail at that time. Yes, I have paid someone to look over Mareng and you, but I trust Mara's preference. I put my trust in you when Mara put her trust in you by leaving my daughter in your arms," dagdag niya.

Naikuyom ko lamang ang palad ko matapos marinig ang pangalan ni Mara.

Mara na naman!

Bakit ba pakiramdam ko ginamit at pinagkaitan ako? Bakit tila pinagkaisahan lamang nila akong dalawa?

They took away the life I should have had if I hadn't had Mareng. But then, it turned out differently, and now I can't seem to move forward without them. Tila ako tinali sa kanila at mahirap humakbang palayo.

"You could have sent me a message saying that you are her father and that you'll get her soon," mahinang bigkas ko.

"I'm sorry, but I never did. I was happy to see her happier with you. And the fact that she treated you as her mother is hard to surpass-"

"Pero ngayom gusto mo na siyang kuhanin sa akin?" Matalim ko siyang tiningnan.

He sighed, then messed with his hair out of frustration, "Yes, but with you, of course. I cannot just get her without the mother-"

"Her mother is Mara, Draco. Her urn is just right there, peacefully sheltered in your mansion." Tumaas ang gilid ng labi ko nang umawang ang mga labi niya.

Akala ba niya ay nakalimutan kong nasa bahay niya lang si Mara? Na-huh.

"That is a memory of her-"

"And that you can't move on from her," muling putol ko.

"What the hell, Verona?! Hindi pa ba sapat ang lahat ng nangyari sa atin para lang sabihing ikaw na?"

Umiling ako at nasaktan lamang sa sinabi niya. Hindi naman iyon ganoon kadali!

"Katawan mo lang ang hawak ko, Draco. Hindi ang... puso mo."

"But-"

"At kapag talaga hindi ka umuwi sa graduation ko, ako mismo ang gigiba diyan sa bahay mo! Pati diyan sa mahal mo!" huling hirit ko bago pinindol ang end call.

Alam ko naman na hindi mapapalitan si Mara pero baka pwede namang lamangan kahit kaunti lang? Hindi pa ba sapat na ako na ang nagpalaki kay Mareng? Ang hirap namang labanan ng taong wala na. Baby na lang talaga.

Kahit tanggap kong mahal pa rin niya at parte na ng buhay nila ay hindi ko maiwasang magselos.

I slept that night with a heaviness in my heart, and that became heavier when I tried another pregnancy test kit in the morning. Baka kasi pangit lang iyong nakaraang brand kaya negative. Sinubukan ko naman ng mas mahal ngayon. Ngunit bumagsak din ang mga balikat ko matapos makitang negative pa rin iyon.

Halos maiyak ako sa resulta. Ang bigat sa puso at nakakawalang gana. Nang hindi ko makayanan ay lumipat ako kay Aling Flor.

"Baka naman hindi ka lang fertile no'n, Hija?" Naglapag siya ng baso ng tubig sa harap ko.

Nakagat ko ang labi at sininop na ang nilapag na mga Pregnancy test kit.

"Fertile po. Hindi ko nga po maintindihan kung bakit wala pa ring laman."

"Bakit ka ba nagmamadali? Baka hindi pa naman panahon para mabuntis ka. Hindi ka naman siguro iiwan ni Drake kung hindi ka agad mabuntis."

Umiling ako at uminom muna sa tubig bago sumagot, "Iyon nga po. Ayaw kong iwanan niya ako kaya't gusto ko na pong mabuntis."

That sounds crazy and desperate, but I think that's the only way.

Napabuntong hininga si Aling Flor, "Magsayaw ka kaya sa obando?"

"Po? Hindi naman po siguro kailangan. Pangatlong beses ko na pong pagsusubok ng Pregnancy test kit iyon, pero negative pa rin po."

Naningkit ang tingin nito at napaisip pa, "Nagpatingin ka na ba sa doktor, Veron?"

Marahan akong umiling, "Hindi pa po. Magpapatingin pa lang po sana ako kung sakaling positive na."

"Hindi, Hija. Tingin ko ay kailangan mo ring patingnan kung bakit hindi ka nabubuntis. Baka mamaya ay may Pcos ka."

Nangunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan, "Pcos po?"

"Oo. Polycystic ovary syndrome, Hija. Baka may ganoon ka. Alam ko ay nahihirapang magbuntis ang may ganoon."

Parang nahulog ang puso ko sa narinig at ni hindi magawang magsalita.