CHAPTER 61 only you
Cole's POV
"Bakit ba ang kupad mong lalaki ka ah? Tangnamers mo ah! Namimitig na 'tong binti ko kakaintay sa'yo muntik na 'kong pumasok dun sa loob at sumampa na sa eroplano!!" sigaw ko agad nang bumungad sa 'kin si Thurstin na kakababa sa taxi.
Sumimangot siya nang marinig ako. Hila ang bagahe niya, lumapit siya sa 'kin.
"Sino kayang may kasalanan?! Matapos mo akong utusan na ihanap ka ng manggang kalabaw kahit hindi season sa buong kamaynilaan, tapos sisigawan mo lang ako na late ako?!" simangot niyang sabi sabay abot sa supot na may manggang hilaw.
Oh crap! Automatic na naglaway ako.
Kinuha ko ang supot at umupo agad sa isang malapit na bench. Tapos ay nilantakan ko yung mangga.
Nandito kami ngayon sa NAIA Terminal 1. An hour from now is our flight to London. Sabay kami ni JM pero sa stop over sa Dubai bababa siya, doon kasi yung opisina ng boss niya. Yes, Thurstin and I must be working on the same company but we have different bosses.
"Buntis ka ba?"
Natigilan ako sa tanong ni Thurstin. Nanlaki din ang mata ko nang lumingon sa kanya.
"What made you say that?!" sikmat ko.
"Kung anu-anong pagkain ang kinakain mo, sobrang matakaw ka. I mean, oo alam kong mala-T-Rex ang appetite mo kahit noon pa pero iba ngayon eh. Tapos para ka ring si Sleeping Beauty matulog, tanghali na tulog pa. At di lang 'yun, moody ka rin at napaka-nagger. Woman, you're pregnant---"
"Shut up!" sagot ko. Sumama bigla pakiramdam ko. Pero sumikdo nang malakas ang dibdib ko.
Whatever Thurstin said, they were all true. Matakaw talaga ako ngayong mga panahon na 'to. At antukin. Hindi pumasok sa utak ko na buntis oo, ang nasa isip ko lang depressed ako dahil sa pag-alis sa poder ni Bennet.
Ilang araw na ba?
Hindi pa ako dinadatnan. Anak ng buntis na butiki!!
Nanlalaki ang mata ko nang tumitig ako kay Thurstin. Umiling-iling si Thurstin bago Napakamot sa batok niya.
Parang gusto kong masuka bigla.
"Namumutla ka, Cole. We need to see a doctor."
Umiling ako. "No. I'm going back to London Thurstin."
"Hindi ko naman sinabing hindi ka pupunta sa London, ang sinasabi ko lang kailangan mong magpacheck up sa Doktor. What if you're pregnant? Stubborn git!"
"No Thurstin. Kung... kung sakaling buntis ako I'll.. I'll..."
What? Cole? Anong gagawin mo? Magma-migrate sa Pluto?
Ah pusa, hindi ko alam. Hindi ko alam.
Hinawakan ko ang tiyan ko. Possible kaya? Na may baby-T-Rex sa loob ko? Nagbunga ba ang gabing 'yun? Paano na? Bennet and Nicky, they seem to be happy now.
A pang of pain hit my chest upon remembering what I saw. Yung nakita ko si Bennet at Nicky, probably the worst thing I've ever seen. Pero kung ganun na masaya na sila, at kung sakali mang buntis ako mas lalo nang dapat na hindi nila 'yun malaman.
Tama lang ang gagawin kong paglayo.
"Anong nararamdaman mo? Namutla ka lalo," ani Thurstin na hinawakan ako sa balikat.
"Nasusuka ako, wtf!" sabi ko. Kumapit ako sa maleta ako dahil nahilo ako bigla.
"I'll call a doctor, dito ka lang!" sabi ni Thurstin na agad nagtatakbo papunta sa loob ng NAIA.
Geez. Napaka-wrong timing naman ng sikmura ko.
Yumupyop ako sa maleta ko at pumikit. Ah gusto kong matulog na lang ulit. Can I just go back to hotel? Matutulog ako doon ng libong taon, okay lang ba?
Pero nang naalala ko si Henriette na sumisigaw sigaw, napailing ako. Kailangan ko na talagang bumalik sa London. Pregnant or not, tuloy lang ang buhay ko.
Suddenly my phone rang.
Tumuwid ako nang upo at tiningnan kung nasa paligid si Thurstin, wala pa siya. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang tumatawag.
Nagulat ako, si Nicky!
Hindi ko sana sasagutin ang tawag pero inisip kong okay na rin siguro, para makapagpaalam.
"Hello? Nicky?" sagot ko.
"Cole..." pabulong na sabi ni Nicky sa kabilang-linya.
Napa kunot ang noo ko, parang humihingal si Nicky at may bakas ng takot at panic sa tinig niya. "Nicky, what's wrong?!"
"Cole, h-help me!"
Nakarinig ako ng commotion sa background parang may mga gamit na nagbabagsakan at tila tumatakbo rin si Nicky.
"Nicky anong nangyayari?!"
"Cole! Aaaggh! Oh my god! Oh my god! He got a gun! Papatayin niya ako!!"
"Sino 'yun, Nicky?!" sigaw KO. Biglang napuno ng pag-aalala ang dibdib ko para sa kakambal ko.
"Si... Martin! Si Martin! Nandito siya sa bahay!! Papatayin niya ako!!"
Martin?! 'Yung lalaki sa sulat?! What?! Bakit...?
Biglang pumasok sa alaala ko yung lalaki sa sementeryo. Siya din yung lalaki na tanda kong sunod nang sunod sa'kin last week! Siya si Martin? Pero bakit...?
Ah for fuck's sake!
"Nasa Verona ka, Nicky?!"
"Nandito ako sa Mansion sa Parañaque, Cole! Sinundan niya ako dito!! Sinamantala niyang lumabas ako ng Verona. Tulungan mo ako, Cole!"
"Pumunta ka sa Attic, Nicky magtago ka doon! Huwag kang lalabas. Papunta na ako!"
Malapit lang ang Mansion dito sa Airport. Sumakay agad ako sa taxi at iniwan ang mga maleta namin ni Thurstin. Tumawag na rin ako sa hotline ng pulisya.
Abot-dalangin kong sana maging okay lang si Nicky.
Nicky POV
Nabitiwan ko ang hawak kong cellphone nang makitang pilit binabayo ni Martin ang pintuan ng kuwarto ko.
Oh my god!
Napahawak ako sa bibig ko sa takot. Pero dinampot ko muli ang cellphone ko at dinial ang numero ni Bennet. Kailangan ko ng mga taong tutulong sa 'kin. Ayoko pang mamatay!
Hindi ko alam kung paano ako nasundan ni Martin dahil matagal din naman akong hindi nagpakita sa kanya. Akala ko umalis siya ng bansa pero mukhang bumalik din siya. At bumalik siya para patayin ako!
Nung makita ko siya kanina sa harap ng Mansion ay nagulat ako at natakot, may dala siyang baril at parang lango sa ipinagbabawal na gamot.
Mukhang nalulong siya doon mula nang mamatay si Kelly.
Walang tao sa Mansion maliban sakin kaya wala akong inaasahang tao na magliligtas sa akin ngayon.
"Hello? Nicky?" boses ni Fuji. Bakit si Fuji ang sumagot? Nasaan si Bennet?
Matapos niya akong sabihan na mag-empake ng gamit ko, wala na siyang pakialam sa akin?
Oh my goodness, Nicky! Mamaya ka na magmarakulyo dyan!
"Fuji! Please help me--- Aaarrgggh!!!"
Napasigaw ako nang unti-unti, nawasak ang pintuan ng kuwarto. Hinahampas yun ni Martin ng palakol mula sa fire extinguisher box.
"Nicky, what---"
Naihagis ko ang cellphone ko.
"Wala kang tatakasan, Liza!" sigaw ni Martin mula sa kabilang pinto. Nanginig ako sa takot. "Binalaan kitang magpakalayo pero anong ginawa mo? Bumalik ka at nagpakasal sa tarantadong Bennet na yun! Nagsasaya ka dahil Akala mo nautakan mo ako! Kaya papatayin na lang kita!"
Malapit nang mawasak ni Martin yung pinto.
Oh my god! Oh my god!
Luminga ako sa paligid. Tinitingnan kung may malalabasan. Nasa second floor ang kuwarto ko kaya mahirap lumabas sa bintana. God, hindi ko rin wish mamatay na bali-bali ang katawan.
Paano?
Diyos ko, tulungan niyo po ako!
Bigla, naalala ko yung maliit na passage sa loob ng cabinet ko. Naka-konekta yun sa cabinet ni Cole sa kabilang kuwarto! Dati kasi pinaglagyan yun ni Papa para daw connected pa rin ni Cole kahit magkaiba kami ng kuwarto.
Dali-dali kong binuksan ang malaking cabinet. As expected, sa likod nun ay may maliit na pinto. Binuksan ko yun agad at sumuot ako. Narinig kong nawasak na ni Martin ang pinto.
Nagmadali ako.
Lumusot ako sa kuwarto ni Cole. Nagtatakbo agad ako palabas nun. Narinig ko si Martin na sumisigaw ng 'Nasaan ka?!'
Gusto ko samang tumakbo pababa ng bahay pero malapit sa kuwarto ko ang hagdanan pababa kaya wala akong choice, umakyat ako pataas sa third floor at pinuntahan ang attic na sinabi ni Cole kanina sa cellphone.
Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko nang i-lock ang pintuan ng attic. Tumakbo ako sa sulok at umupo doon. Naghintay.
Sana dumating na si Cole. Sana may kasama siyang mga pulis. Alam kong mahahanap pa rin ako ni Martin, pero konting oras lang ang kailangan ko. I need to buy more time. Help will come. Siguro naman tutulungan din ako ni Fujima kahit di kami close. I hope so.
Diyos ko po. Maligtas lang ako sa oras na 'to, pangako po... bibitawan ko na si Bennet. I'll give him up. Ititigil ko na ang katangahan ko. So please... please.
Iligtas niyo po ako.
Matagal-tagal ding minuto ang lumipas bago ako muling makarinig ng mga yabag mula sa labas. Oh my God! Nakarating na yata si Martin sa attic!?
"Nicky! Yuhooo! I know you're there! Come out, come out wherever you hide!"
*blaaag!*
Napapitlag ako. Nagbabasag ng gamit si Martin sa labas! Napatayo ako mula sa sulok. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Singlakas ng kulog sa langit.
"Nicky! I know you're there!"
*jaaaaag!*
Muling hinampas ni Martin ang pintuan ng attic. This time napaiyak na ako. Wala na akong ibang mapupuntahan. Kaya umupo na lang sa sulok at hinintay na mawasak ni Martin ang pinto.
"I know you're here. I'm right!" bungad ni Martin nang mabuksan niya ang pintuan ng attic. Nakangiti siyang parang demonyo. Sa kaliwang kamay ay may hawak na baril.
Hindi ako makapagsalita. Umiyak na lang ako nang itutok niya sa akin ang baril.
"Come here, bitch!" he said.
Then he walked towards me and gripped my hair. "Aww!"
Next thing I knew, kinaladkad niya ako pababa ng Mansion. Pinilit kong magwala pero mahigpit ang kapit niya. Nawalan ako ng pag-asa.
Cole's POV
Martin. That Martin guy. 'Yung lalaki na karelasyon ni Kelly, hindi ko akalain na siya ang dahilan kaya nagtago ang kakambal ko noon. Pinagbantaan niya si Nicky. Hindi 'yun inamin ni Nicky, pero hindi mahirap intindihin na ganun nga ang nangyari.
At ngayon, gumawa na siya ng hakbang para idispatsa ang kakambal ko. Hindi ko papayagang mangyari 'yun.
Nang tumapat ang taxi sa harap ng Mansion namin ay bumaba agad ako. Dalangin ko'y sana okay lang si Nicky at sana dumating na agad ang mga pulis.
Tumakbo ako papasok ng malaking bahay.
Walang tao sa harap, hindi ko alam kung nasaan ang mga tagalinis at ang katiwala pero wala sila sa paligid.
Kumakabog ang dibdib ko nang pihitin ang seradura ng pintuan. Naka-lock iyon.
Pinakinggan ko kung may ingay sa loob sa pamamagitan ng pagdikit ng pisngi ko sa pinto. May naririnig akong umiiyak at sumisigaw. Mas kumabog ang dibdib ko. Si Nicky 'yun.
Tumakbo ako sa likod at tiningnan kung hindi naka-lock ang backdoor. Awa ng Diyos bukas 'yun.
Pumasok agad ako, sa kusina ang lusot ko. Dumeretso ako sa main hall ng Mansion.
Tumingin-tingin ako sa paligid, walang tao pero sa may taas nanggagaling ang ingay.
Tumago ako sa likod ng isang malaking banga. Narinig ko ang mga yabag sa second floor at patungo 'yun sa hagdan.
My heart is pounding like crazy. Natatakot ako pero tinatagan ko ang loob ko.
"Please, please! Maawa ka, please! Pakawalan mo ako!" Boses ni Nicky 'yun.
There's thudding footsteps at the stair. Kinakaladkad ba ng lalaking 'yun ang kakambal ko?
"Do you think papakawalan kita matapos nang ginawa mong pagpapakasal sa Bennet na 'yun!!? I warned you, pero sobrang tigas ng kukote mo!!" boses ng lalaki. Si Martin.
Sumiksik ako sa likod ng banga nang tuluyang makababa sa hagdan ang lalaki at si Nicky.
"Aggh!"
Napasinghap ako nang marinig ang pagkalabog nang katawan ni Nicky sa sahig. Mukhang tinulak siya ni Martin!
"I'm gonna kill you!"
"Please! No, please! Huwag mong gawin 'to! Maawa ka!"
"Maawa? Bakit kita kakaawaan? Dahil sa'yo kaya nawala si Kelly! Kung... kung hindi ko siya pinigilan na patayin ka, sana siya 'yung buhay!!"
Oh my god. Hala! Anong ibig sabihin nun? Si Kelly, papatayin dapat si Nicky pero hindi nangyari kasi pinigilan siya ni Martin at... at... what? Ang gulo yata!
"Nabaril ko siya dahil sayo!"
Ragamuffin! So si Martin talaga ang... Holy sheet!
Naririnig kong umiiyak si Nicky. Siguro takot na takot na ang kakambal ko.
Dahan-dahan akong umalis sa pagkakakubli sa malaking banga. Hanggang sa makita si Nicky nasa may sahig nakalugmok, at 'yung lalaking si Martin sa may puno ng hagdan. May hawak siya baril at nakatutok 'yun sa kakambal ko.
"Kelly is gone because of you, I'm miserable because of you. Kaya bago ka pa magpakasaya sa piling ni Bennet, papatayin na kita at pagkatapos mo, isusunod ko ang lalaking 'yun!"
Hindi tinanggap ng tenga ko ang sinabi ng lalaki. Tumutol rin ang puso ko.
Nung makita kong ikasa ni Martin ang baril na hawak niya ay tumakbo ako.
"No!!" sigaw ko sabay sugod sa lalaki.
Hindi ko gustong maging hero pero, blangko ang utak ko kaya huwag mo akong sisihin.
Nang marinig ng lalaki ang sigaw ko ay nagulat siyang napalingon. "What the---"
Sumalpok sa panga niya ang suntok ko. Nabitawan ni Martin ang baril at tumapon ito sa sahig.
"Who are you?!" galit na sabi ni Martin, sapo ang panga niya.
"I'm Nicky!" sigaw ko. "Ako ang tunay na Nicky!"
Bumakas ang gulat at pagkalito sa mukha ng lalaki. Sinamantala ko 'yun.
"Run!" sigaw ko kay Nicky.
Mabilis akong yumuko at kinuha ang baril sa sahig. Nakita ko si Nicky na natutulala kaya sinigawan ko ulit siya. "TUMAKBO KA NA!!" At saka lang tumayo si Nicky at tumakbo.
"Bitch!"
Hinikit ni Martin ang buhok ko bago ko maitutok ang baril sa kanya. "Aaaahh!" sigaw ko sa sakit.
Malakas si Martin palibhasa malaking lalaki siya. Pero ginawa ko ang lahat para hindi niya maabot ang baril sa kamay kasedohang halos masakal na niya ako.
Humulagpos ang baril sa kamay ko at muling nahulog sa sahig.
Hinikit ako ni Martin sa balikat at iniharap sa kanya. Man, he resembles a demon.
"Wala akong pakialam kung sino sa inyo si Nicky. Parehas ko kayong papatayin," sabi niya sa nagtatagis na ngipin. Hinila niya muli ang buhok ko at inipit ako sa gilid niya.
Hindi na ako gaanong makapanlaban dahil naubos ang lakas ko sa pagsakal niya.
Pinulot ni Martin ang baril. Nakita ko si Nicky na pilit binubuksan ang main door. Sana tumakbo na lang siya sa likod. Engot din ang kakambal ko.
Nang itutok ni Martin ang baril kay Nicky ay parang bumalik ang lakas ko. Hinaklit ko ang braso niya at nakipag-agawan.
Hindi ko hahayaang masaktan niya ang kakambal ko. Hindi ako papayag!
Martin was so strong, but I kept my grip on his hand and the gun, para hindi niya 'yun maitutok kay Nicky.
"Stupid woman!" Martin said, then bigla siyang ngumisi.
Next thing I heard... is a gunshot.
*bang!*
Napapitlag ako.
Umaalingawngaw ang ingay sa tenga ko. I looked around to see if Nickya's okay. She is. Nakatingin siya sa akin na awang ang labi at parang di makapaniwala.
She's crying too.
Nawalan ng lakas ang tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig. Sobrang bilis. Everything became blurry. Pinilit kong tingnan ang katawan ko... there's blood.
There's wound. Pero hindi ko alam kung nasaan.
Napahiga ako sa sahig. May mainit sa balikat ko, at sobrang sakit din noon. Sa sobrang sakit namanhid agad ang pakiramdam ko.
Nabaril ako.
"Coleeee!" sigaw ni Nicky.
Pumikit ako.
"Coleeeeee!"
Gusto kong magmulat ng mata. Parang si Bennet kasi yung narinig ko. O baka nabingi lang ako.
Imposibleng si Bennet 'yun.
Aaah. Is this the ending already? Huwag naman sana. Huwag. Huwag muna.
Hindi ko na gaanong alam kung anong mga kasunod na nangyari.
I heard sirens, then a series of shouting. I can hear Nicky crying. I can hear people and footsteps. Just before everything went black, naramdaman kong may humawak sa kamay ko. A warm, big hand holds me, enveloping me, giving me hope. That somehow... everything's gonna be alright.
Or so I thought.
Nicky POV
*bang!*
It was a load gunshot.
Mabilis akong lumingon sa likod ko. There's Cole, still holding the gun with Martin. But... but...
Napaawang ang labi ko nang tumingin si Cole sa 'kin. There's blood... flowing of her right shoulder! Oh my god!!
No! No! No!
Para akong napako sa pwesto ko nang makitang napaluhod sa Cole sa sahig bago bumagsak.
Ganitong-ganito ang eksenang nasaksihan ko noon! Noong mag-agawan ng baril si Martin at Lesana at nabaril din ang babae. Kelly died because of that.
Pero si Cole! Ang kakambal ko! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pwede! Siya na lang ang natitirang pamilya ko.
"Cole!!" sigaw ko. Hindi na gumagalaw si Cole mula sa pagkakahiga sa sahig.
Itinutok ni Martin ang baril niya sa akin kaya natigilan ako sa tangkang pagtakbo papunta kay Cole.
"You're next, Nicky!" sabi niya. Inihanda ko ang sarili ko sa pagbaon ng bala sa katawan ko. Pero hindi nangyari 'yun.
A new figure suddenly immerged and wrestled Martin.
Nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaki... si Bennet! Oh my goodness! Dumating siya! Tinawagan ba siya ni Fuji? Paano niya nalaman... ah hindi na mahalaga yun.
Naagaw ni Bennet ang baril kay Martin at sinipa niya ang lalaki kaya napalugmok ito sa sahig.
"You son of a bitch!" sigaw ni Martin.
Nahagip ng paningin ni Bennet si Cole na walang malay sa pagkakahiga. Habang patuloy na umaagos ang dugo sa balikat.
"Cole!" he shouted.
Madilim na madilim ang mukha ni Bennet. Bumalatay doon ang matinding galit. Bigla niyang sinugod si Martin at inundayan ito ng maraming suntok sa mukha.
Nakarinig ako ng sirena ng police mobile. Dumating ang mga pulis, thank God!
Tumakbo ako palapit kay Cole. She had gone pale. Oh my god!
"Cole!" tawag ko pero unresponsive na siya. Diyos ko! Huwag po. Huwag ang kambal ko.
Hindi ko na napigilang mapaluha. Bakit lagi na lang ganito ang nangyayari?
Tumingin ako kay Bennet. Duguan na ang kamao niya kakasuntok kay Martin. Kung hindi pa pumasok ang mga pulis at inawat ang lalaki ay di ito titigil. Kinuha ng mga pulis si Martin at agad pinosasan.
"Bennet! Bennet!" tawag ko sa lalaki.
Bennet looked at me, then to my twin sister. He approached quickly and held Cole hand. 'Yung mukha niyang namumula kanina ay biglang namutla nang makita ang kambal ko.
"Cole? Cole!" tawag ni Bennet. Dinig ko sa boses niya ang matinding pagkabahala at pag-aalala.
At doon narealized ko na kahit kelan hindi talaga ako mamahalin ni Bennet kahit ako pa si Nicky. Dahil ang tanging nasa puso niya ay si Cole lamang.
Hinawakan ni Bennet ang pisngi ng kakambal ko. "Cole, please open your eyes. You need to see me! You need to hear my voice calling your name!"
Next thing I knew, umiiyak na rin si Bennet.
"We need to take her to the hospital!" sabi ko. "AMBULANCE! AMBULANCE!" sigaw ko.
"Fuck that!" Bennet shouted.
Pinangko niya si Cole at itinakbo palabas ng Mansion. Agad akong sumunod. Nakita ko si Fuji na nakikipag-usap s pulis pero hindi ko na yun pinansin. Sumunod ako kay Bennet nang isakay niya si Cole sa kotse. "Sasama ako sa hospital!"
"Hold her!" utos ni Bennet. Umupo Siya sa harap ng manibela at agad nagmaneho.
Bennets POV
We arrived at St. John's Medical Institute. Sinugod agad si Cole sa Emergency Room. Ayoko pa sanang iwan siya pero tinulak na ako ng mga Doktor palayo.
I was in a state of panic and shock. Parang nakalutang ang pakiramdam ko. I don't want to believe na si Cole nga ang babaeng nanganganib ang buhay ngayon. I can't accept that.
Hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon ko siya makikita. Ang babaeng 'yun.
She's that woman. The woman that I married. The woman who tricked me into believing that she was Nicky. Dapat ay magalit ako sa kanya. Pero wala akong makapang galit sa puso ko.
Mas takot ang namahay sa dibdib ko nung makita siyang nakalugmok sa sahig at duguan. Para akong inalihan ng masamang espiritu. Suddenly I want to kill that Martin guy!
Alam agad ng puso ko na si Cole ang nasa sahig at hindi ang babaeng nasa may pinto. They must bore the same face but my heart is telling me who's Nicky and who Cole.
My heart was ripping out knowing that Cole was in danger. And now, parang binabayo ang dibdib ko habang nasa harap ng Emergency Room. Gusto kong lumuhod at manalangin na sanay okay lang siya.
Lumingon ako kay Nicky. She was sitting at one of the tools, silently crying. Nag-aalala siya para sa kambal niya. Martin was so bold to pursue the real Nicky, nakakapagtaka lang bakit nandoon din si Nicky? Tinawagan ba siya ni Nicky? Hiningan ng tulong?
Gusto kong magalit sa sarili ko. Kung hindi sana ako na-late ng konting minuto, hindi na sana umabot sa ganito. If I only was a few seconds earlier, hindi mababaril si Cole. But no use blaming my self, it's done already.
God. Why is the doctor taking so long?
Ilang minuto akong palakad-lakad sa harap ng E. R. bago ko narinig ang pagtunog BG cellphone ko. It was Fuji, he was calling so I answered it.
"Zehel, Bennetako nang nag-settle sa mga pulis. Martin will be thrown in jail, don't worry," sabi niya.
"Siguraduhin mo na hindi siya makakapagpiyansa, Firenze! I want that scumbag to rot in jail!"
"Of course. I'll do anything on my power. Hindi siya makakalabas o magkakaroon ng pagkakataon para lumabas ng bansa, so be rest assured. Kmusta si Cole?" tanong niya.
Biglang bumakas ang pinto ng E. R. at lumabas ang isang Doktor. "I'll call you later, Fuji..." paalam ko agad sa lalaki.
"Okay."
Lumapit agad ako sa Doctor, ganundin si Nicky. "Doc, how's my wife?" tanong ko agad.
Tinapunan ako ng tingin ni Nicky pero hindi ko siya pinansin.
"She lost lots of blood, Sir..." sagot ng Doctor. For some reason, balisa ang expression ng mukha niya. "She needs blood transfusion a. s. a. p."
"Then do it!!" sigaw ko.
"'Yun ang problema, Sir. RH negative O ang bloodtype ni Misis at walang ganung type sa stock namin o sa kahit saang blood bank sa mundo! Sir, that's the rarest blood type in the world."
"What?! Rarest?! Gaano ba ka-rare 'yun at---"
"Only half of one percent in the world, Sir!" tumingin ang Doktor kay, Nicky. "But your wife is lucky, may kakambal siya."
Right! Tumingin ako kay Nicky. She suddenly turned pale. Pero tumango siya. "Y-Yeah. RH negative O din ako. Actually, noong bata pa ako, si Cole ang madalas na nagdodonate ng dugo sa akin kaya nakaligtas ako noon kahit sakitin ako."
"Nicky..." anas ko.
Lukas looked at me. Tumango siya. "I'll do it. I'll save my twin!"
Nakahinga ako nang maluwag. Nayakap ko si Nicky nang wala sa oras. "Thank you, Nicky! Thank you!"
"Kailangan nating magmadali," sabi ng Doktor. "Your wife is pregnant and---"
"WHAAT?!" sigaw ko. "PREGNANT WHAT?!"
Parang lumukso ang puso ko sa sinabi ng Doktor.
"Hindi mo alam? Oh! Nasa early stage pa kasi. She's twenty one days pregnant, Sir. Kaya mas crucial ang mga oras na 'to!"
Napaatras ako. I felt the shock sinking to my core. Twenty one days? Twenty one days na rin simula nung umalis siya! Simula noong gabi ng Drinking Party! Akala ko panaginip lang 'yun! Akala ko...
"Oh my God! I'm so stupid!"
The doctor looked at Nicky. "Please, come with me," sabi niya.
Nicky was still staring at me so I looked at her, pleading. "N--Nicky..."
Halata sa mukha ni Liza na nasasaktan siya pero ngumiti siya sa 'kin. "I'll do what I can. To save Cole... and your child."
"Thank you," anas ko.
Sumama si Nicky sa Doktor at pumasok sila sa Emergency Room. After a minute, pumailanglang sa ere ang pag-page sa isang Obstetrician sa Operating Room.
Nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba. Nanginginig ang mga kalamnan ko at hindi ko 'yun mapigilan. Every passing minute was a torture.
Cole is pregnant. And I am sure that it's mine. Those memories of her in my bed aren't dreams anymore. Totoong naangkin ko siya.
Gusto kong magsaya, pero hindi mapanatag ang puso ko. Paano kung may mangyaring hindi maganda? Diyos ko, huwag naman po sana. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Ayokong mawala ulit siya. Hindi ko siya pwedeng pakawalan! Lalo na ang magiging anak ko. Ayokong mawala kahit isa sa kanila.
Gusto kong pumasok sa loob ng operating room. Pero hindi ko pwedeng gawin yun. Ang tangi ko lang magagawa, ay maghintay. At maghintay.
"Fuck!" sigaw ko.
Bennet's POV
Hours passed, pero hindi pa rin lumalabas ng Operating Room ang mga Doktor maging si Nicky.
Hindi ko alam kung okay pa ba si Cole at ang baby ko. I'm getting more paranoid. Kung anu-anong masasamang scenario ang pumapasok sa utak ko. I told myself to calm down pero patuloy sa panginginig ang mga kalamnan ko.
God, let this end already. Hanggang anong oras pa po ako maghihintay? I'm close to banging the door of Operating Room already.
"Bennet!" a voice suddenly called me. Nung lumingon ako, nakita ko si Fuji na palapit sa 'kin.
For some unknown reason, bahagya siyang nakangiti. At gusto ko siyang suntukin dahil dun. Walang masaya sa sitwasyon kaya bakit ganun ang expression ng mukha niya?
But I can't complain. Siya si Fuji, at kung may naglalarong ano sa utak niya, siya nang bahala dun dahil siya lang ang makakakuha nun.
On second thought, baka imagination ko lang din na nakangiti siya. Ah. I must be getting crazy. I wanna hear good news already.
"Good news, Bennet..." bungad ni Fuji.
Kinunotan ko siya ng noo. "What? If its about Martin, nevermind."
Hindi nagsalita si Fuji. Luminga siya paligid at tumingin-tingin sa mga nurse na dumadaan.
"Anong good news?"
"Hmm?" tumaas ang kilay ni Fuji bago balewalang dinedma ang tanong ko. Umupo siya sa kalapit na couch at nagpipindot sa cellphone niya.
Humugot ako ng hininga. "Sige, okay lang kahit tungkol kay Martin!"
Umangat ng tingin si Fuji. "Well, he's in jail now at malakas ang ebidensya natin laban sa kanya so hindi siya makakalabas doon. Homicide and attempted murder ang magiging kaso niya. Quiet a heavy one," parang robot na sabi niya.
Tumango ako. It's a consolation nakakulong na si Martin, pero habang hindi pa siguradong okay si Cole hindi ako mapapanatag.
"Bennet, son!"
A familiar voice echoed from the long hallway. When I turned to look, I saw my mother, Vanessa, strutting toward me.
Napatayo ako.
----
Fuji POV
"Mom!" Bennet replied as he ran to his mother.
Parang maiiyak na ang kaibigan ko at medyo skeptical ako dahil doon. I mean, hindi naman sekreto na hindi malapit si Bennet sa magulang niya. He grew up independently.
Noong nag-aaral pa kami sa Harvard during our freshman year, akala ko orphaned Bennet at lumaking sinusuportahan ang sarili niya. Kaya nung marinig kong Leofwin ang apelyido niya. I felt shock. Hindi kasi halata. He's from a prominent family yet I never heard him talk about them. Naisip kong may animosity sa pagitan nila at napatunayan ko naman na ganun nga.
But what is this?
Yumakap si Bennet kay Mistress Vanessa, at ganoon din naman ang ginawa ng ginang sa lalaki.
"What happened? I heard from Fuji..."
Yep. Ako nga ang nagbalita sa babae tungkol sa nangyari. Wala lang, naisip ko lang.
"How's your wife? I mean... what's her name again?"
Mistress Vanessa was an epitome of coldness. Kilala siyang tyrant, doña, atribida etc. Pero sa nakikita ko ngayon, mukha siyang normal na nanay na nag-aalala sa pinagdadaanan ng anak.
I want to clap. But I can't do that. That would be stupid.
"Cole..." mahinang sabi ni Bennet. "Still in Operating Room. Medyo maselan ang ginagawang operasyon."
"Ano bang nangyari? I don't understand it, though I'm trying," anang ginang. "Nicky your suppose-wife was not Nicky but the other twin? She has a twin?"
Lumingon ang matanda sa 'kin at bumuntung-hininga ako. Naka-sampung paliwanag na ako kay Mistress Vanessa pero nagtatanong pa rin siya hanggang ngayon. Fifty-plus woman are annoying for that single reason.
But it's my job to answer so I answered again. "Yes, Madam. The name's Cole, I believed you met her before."
Medyo nakakunot ang noo ng matanda. Ngumiti lang ako. May pagmamanahan si Bennet sa pagiging slow.
"She was the one who met Danny," singit ni Bennet. At doon lang lumiwanag ang mukha ng matanda.
"Oh!" she exclaimed. "Right! I knew it!"
Pinigilan ko ang sarili ko na itirik ang mata ko pabalik sa utak.
Mayamaya pa, naguusap na ng mahina si Mistress Vanessa at si Bennet. Mukhang pinag-uusapan nila si Lord Emenrad. Ang alam ko nasa France ang daddy ni Bennet. As usual, business. Hindi na ako nakinig sa usapan, nagpipindot na lang ulit ako sa cellphone.
I know Cole will be alright. She's tough as fuck. Walang bala ng baril ang makakagupo sa babaeng 'yun. I have heard from Bennet that she's pregnant, another Leofwin to add on Ass-List.
Man, that kid will be a mega-monster.
Bennet for a father and Cole for a mother. A new messiah from hell. Magreresign na ako sa RedSphere after five years, remind me, please.
Tsk!
The thing is... walang nakakaalam sa kung anong mangyayari pagkatapos nito. Magiging sila ba? O negosasyon na lang ulit ang mangyayari?
I looked at my wristwatch, matagal-tagal din ang operation. Siguro extra-careful lang ang mga Doktor. Buntis si Cole kaya tripleng ingat sila. Plus, they can't use anaesthesia and any other medication dahil baka magkakomplikasyon yun sa sanggol. Tough. Whatever they're doing, it was tough.