CHAPTER 60 something weird

Fuji POV

I vowed gently when Attorney Ben Carlos bid goodbye and walked out the door. He's an efficient man, I only told him to dig something about the "signature" and he dug more than that. He also researched about Cole.

We he he.

Isinara ko ang pinto at lumingon sa lalaking nabato na yata sa pagkakaupo.

Bennet's expression are similar from those in horror movies. Namumutla siya at parang hinabol ng zombies.

"You okay, Bennet?" tanong ko nang Lumapit ako.

Tumingin sa akin si Bennet pero sa paraang tila hindi niya ako nakikita.

"My marriage was invalid. Null and void, Fuji," sabi niyang parang di makapaniwala.

Umupo ako sa katapat na silya ni Bennet at pinagmasdan siya. Nagkunwaring walang alam sa eksena. Lol. "Paano nangyari?"

"Well..." Kumunot ang noo ni Bennet. "I married a different woman. Not Nicky! But the name's Cole who took the name Nicky and..."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba sinabi ko na yan sayo noon?"

"Huh?" lalong nangunot ang noo ni Bennet.

"Sabi ko sayo na sabi noong babaeng nakausap ng Legal Adviser eh hindi siya si Nicky. Anong sinabi mo nun? Nagpapalusot lang siya. Sino ngayon ang mali?"

Natigilan si Bennet. "Sinabi niya yun?"

"Yes! Pero itinuloy mo pa rin ang kasal," sabi ko.

Bennet massaged his forehead looking so frustrated as ever. "Given na ganun nga, bakit di inamin ni... ni... C--Cole o kung sinuman siya na hindi siya si Nicky?!"

"Bakit siya aamin? Eh binala mo na sa kanya yung kompanya nila. Wala siyang choice, Bennet."

You might think na pinapanigan ko si Cole. Pero... parang ganun na nga. Maaaring may kasalanan ang babae pero di naman niya yun ginusto. Wala siyang pamimilian.

"Imagine, kakatapos lang ng kaso noon ni Kelly. The real Nicky could have gone somewhere, at si Cole lang ang natira. Bennet, the woman was hopeless."

Nanatiling nakatitig si Bennet sa surface ng lamesa niya habang nakahawak sa ulo niya. "So, ang babaeng kasa-kasama ko noon pa mula nang ikasal kami ay ang kakambal pala ni Nicky. Kaya ganoon na lang ang pagkakaiba nila. The way she moved and talked and dressed weren't so alike, I am so stupid not to notice that! Goddammnit!"

Napala mo. Haha!

Parang maiiyak ang hitsura ni Bennet.

"Gaya nang sinabi ko noon, nabulagan ka masyado sa paghihiganti mo Bennet. Kaya di mo agad napansin yung mga pagkakaiba. Or maybe napansin mo, hindi mo in-acknowlege kasi ma-pride ka," nakangiti kong sabi.

Bennet throw me a dagger-look. "Kaibigan kita, diba?"

"Oo naman. Kaya ko nga sinasabi sayo ang totoo eh. Hindi ka naman siguro galit sa magkakambal diba? Bennet?"

Kita kong humugot nang malalim na hinga ang lalaki bago sumagot. "I'm not angry. I'm just pissed. Niloko pa rin niya ako, ng Cole na yun," mahinang sabi ni Bennet.

Pft. Kulang sa conviction .

"Well good for you, kasi mukhang hindi naman na siya magpapakita sayo," sabi ko sabay tayo at dampot sa National Geographic Magazine sa rack.

Umangat ng tingin si Bennet. Nanlaki ang mata niya. "Anong ibig mong sabihin?!"

"Si Nicky na ang kasama mo ngayon diba? Naramdaman mo naman yun. Si Bennet, Matagal na siyang wala sa tabi mo? Kelan mo siya huling nakasama sige nga alalahanin mo?"

"Noong... noong... Anniversary ng GTE?" alinlangan na sagot ni Bennet. "I guess. I mean, Baliw ang babaeng yun. Nahimatay sa gutom!"

Pft. Kilala niya talaga si Cole, by heart.

"At wala na siya nang sumunod na araw. Probably, wala na rin sa bansa. Hindi siya naglalagi sa Pilipinas..."

"Paano mo nasabi?"

"Naalala mo noong una mong nakilala si Nicky? I asked her if she has sister and she said yes. Pero hindi umuuwi sa Pilipinas ang kapatid niya. Bihira. Tanda mo?" sagot ko kay Bennet.

Umiling ang lalaki.

"She also said na photographer ang kapatid niya," binuklat ko ang pages ng National Geographic Magazine at ipinakita kay Bennet ang center page. The image of Swahili Volcano in Alaska. "Photographer ng NetGeo Mag." Tinuro ko ang pangalan ni Cole in bold letters sa bandang ibaba ng page.

"Cole Alphonsedrid," basa ni Bennet.

"Yung pangalan ng pinakasalanan mo," sabi ko bago naglakad palabas ng room. Pero tumigil ako at lumingon sa lalaki. "But Bennet... unahin mo muna ang kaso ni Kelly bago mo ayusin ang kay Nicky at Cole. Kailangan mo ng closure, Buddy."

Bennet stared at me with deep knowing look. Dinampot niya ang magazine at hinawakan ito nang mahigpit tapos ay tumango siya.

"I will don't worry. I think... may plano na ako."

Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglabas ng silid.

Nicky POV

Damn freakin' adobo! Paano ko ba mapapasarap ito?! Kahit anong gawin ko, it's either sobrang maalat o matabang ang timpla ko.

Craap! I wanna stop this bullshit!

But I can't give up. Ito ang way ko para makuha si Bennet. There's a saying diba? A way to a man's heart is through stomach! Kailangan kong ma-perfect ito!

Kung bakit kasi sinunod ko na ang recipe ni Cole pero wala pa rin. Seems like, I'm hopeless.

Pinatay ko ang stove at itinigil ang pagluluto. Feeling ko overcook na yung adobo. Hu hu! Baka di 'to magustuhan ni Bennet. Sobrang aloof niya pa naman sa akin ngayon.

Lalo na't sinabunutan ko ang malanding babaeng yun! That Caroline Gunford! Porke malapit si Bennet sa family nila ganun na siya umasta! Bitch! Parehas sila ni Kelly! Mga nasa loob ang kulo!

Naalala ko pa nung araw na mamatay siya. I won't say that she deserved it, but she really did. Deserved niya mamatay.

I hated Kelly!

Nag-iinit ang ulo ko pag naaalala ko siya. Nagtago ako dahil sa kanya. I suffered because of what she had done. Hindi lang ako, nadamay pati kakambal ko.

Nakakagigil! Arrgh!

Napaiktad ako mula sa pagkakatayo nang mag-ring ang cordless phone sa sala. Pumunta ako doon at Sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello? Nicky, ikaw ba 'to?"

Huh? Boses matanda. Hindi pamilyar.

"Yes, sino ka?"

"Si Mana ito, natatandaan mo pa ako?"

"Nope. Sorry. Wala akong kilalang Mana," sagot ko.

"Pero! Ako ito, si Mana! Sa California!" pilit ng boses matanda.

"I'm sorry. Can't remember," binaba ko ang cordless phone. Wasting time to talk to stranger. Duh.

Umikot ako para bumalik sa kusina pero nahagip ng paningin ko si Bennet na nasa may pinto at nakatayo. Nakatitig siya sa akin. Kung gaano katagal hindi ko alam.

"Bennet!" tawag ko sabay ngiti nang matamis.

Tumakbo ako at yumakap sa kanya. "Kanina ka pa?"

Tumango ang lalaki bago ngumiti. "A bit," he said.

Tinitigan ako nang matagal ni Bennet. His eyes were roaming on my eyes, nose, lips na parang sinusuri bawat bahagi.

"Bennet..." medyo naiilang kong sabi. "Bakit? May mali ba sa mukha ko?"

Umiling si Bennet bago ako isinandal sa pinto. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko bago ako muling tinitigan.

"I'm just missing your face," sagot niya.

At pagkatapos ay bigla niya akong hinalikan sa labi nang walang babala. His kiss was so passionate and deep, my heart dance in triumph. At last, he must have fall in love with me.

----

Cole POV

Bibisita lang sana ako kay Nicky. Sisilip. Kakamustahin kung okay lang siya. Magpapaalam bago ako umalis.

Naglakbay ako mula Maynila hanggang Verona para makita siya.

Gusto ko siyang sorpresahin. Sana...

But what is this? What is this I'm seeing?

Nicky and Bennet... in a deep-lock kiss.

Nanginig ang kalamnan ko. Parang tinamaan ako ng kidlat. My head became dizzy yet I'm clearly seeing what they're doing.

Yung puso ko.

Nararamdaman kong nadudurog bigla. My whole world was shaking. Masakit. Masakit.

Yung kaisa-isang lalaking minahal ko... sa piling ng ibang babae. Sobrang sakit pagmasdan. Gusto kong sumigaw, gusto kong mag reklamo. Ang unfair ng mundo. Pero hindi ko magawa, wala akong boses.

Hindi ako kilala ni Bennet. Para sa kanya, hindi ako nag-e-exist. I'm just a nobody.

Tumakbo ako pabalik sa kotse. Pinigilan kong umatungal ng iyak. Nakakahiya kung maririnig ako ni Nicky at Bennet. Ayoko na silang gambalain. I think they're happy now.

Happy and contented.

I better off to somewhere. Doon sa kung saan ako nababagay.

Nag-drive ako palayo. At hindi na lumingon pa hanggang ang unang luha ay pumatak ka sabay ng pagbuhos ng ulan.

Nicky POV

My heart is dancing like crazy. With Bennet kissing me right now, I'm the happiest woman on the surface of the earth.

Really? Anong magic ang ginawa ng kakambal ko at napaamo niya ng ganito si Bennet? Did she used love potions? Because, hell... it's freakin' effective. Parang gusto ko siyang pasalamatan dahil sa ginawa niya!

Yumakap ako nang mahigpit kay Bennet habang tinutulak niya ko papasok sa loob ng bahay.

He's persistent. God. Ito yung Bennet na matagal ko nang pinapangarap. Finally!

Nagdiriwang pa rin ang kalooban ko kahit naramdaman kong bumitaw sa halik si Bennet. Hinabol ko ang labi niya but instead hinalikan niya ako sa pisngi. At gumapang ang labi niya patungo sa may puno ng tenga ko.

Bennet's hot breath lingers beneath my face I shivered.

"Nicky..." he whispered.

"Hmmmm?" ungol ko.

"Tell me... nasaan ang wedding ring na binigay ko sayo?" bulong pa rin niya.

Natigilan ako. Wedding ring? Ah. The one that didn't fit on my finger no matter how hard I tried.

"N-nasa kuwarto. Hinubad ko muna," sagot ko.

"Why?"

Tumigil sa paghalik sa Bennet sa akin at tinitigan ako sa mata. Hindi na tulad nung kanina ang expression ng mukha niya. His eyes somewhat grew cold.

Nabaghan ako.

"Bakit mo tinatanong?" tanong ko.

Ngumiti si Bennet subalit mas tumiim ang hilatsa ng mukha niya. Na para bang may nasabi ako na mali sa pandinig niya. Humigpit din ang hawak niya sa magkabilang braso ko. "B--Bennet?"

"Bakit ko tinatanong? Well, iniisip ko kasi na baka hindi yun kasya sayo dahil... hindi ikaw ang unang nagsuot nun," biglang gumuhit sa mukha ni Bennet ang ngiting mapangtuya subalit nakakatakot.

Nawala ang kilig na naramdaman ko. Pagkalito at takot ang humalili. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. That ring belongs to me."

"Really?" tuyang sabi ni Bennet. There's sudden fire erupted on his eyes.

Naguguluhan ako. A-akala ko ba mahal na ako ni Bennet. Bakit ganito? Hindi siya ganito kanina.

"Custom made ang singsing na 'yun. One of the kind, original. Isang tao lang ang pwedeng mag suot, yung unang taong nagsuot noon, doon lang siya magkakasya habangbuhay! So kung ikaw ang taong 'yun, dapat nasa daliri mo ang singsing!"

Nabalutan ng takot ang puso ko. Nalaman na ba ni Bennet ang sekreto namin ni Cole? Hindi. Hindi niya dapat yun malaman! Ako lang dapat ang kilala niyang Nicky!

"B--Bennet..."

Tuluyan nang bumitaw si Bennet sa 'kin. Pakiramdam ko ay bumigat ang paligid bigla dahil sa ginawa niya. Tumalikod si Bennet sa 'kin. Upon desperation, niyakap ko siya habang nakatalikod.

"Bennet ako ito, si Nicky!" sabi ko.

Totoo naman. Ako talaga si Nicky. At ako ang kasal kay Bennet dahil pangalan ko yun. Kaya asawa ko siya.

"Maaaring ikaw nga si Nicky... pero hindi ikaw ang pinakasalan ko."

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa buong mukha. The truth from Bennets mouth suddenly lashed the soul out of me. Hindi ako makapagsalita pero hindi ako bumitaw nang yakap kahit na pinilit ni Bennet na tanggalin ang braso ko sa bewang niya.

"You're not her, Nicky. She's different. She's a loudmouth, she's a monster," sabi ni Bennet. For some reason, lumambot ang expression at boses niya. "She's annoying and stubborn as hell. She'll say things, but do the other. She's buttheaded and a pain-in-the-ass... But... but she's caring. At hindi yun ang mga ugaling nakita ko sa'yo. The woman I married, was definitely not you."

Napabitaw ako nang yakap kay Bennet dahil sa sinabi niya. He said those things softly my heart can't bear it. At si Cole ang tinutukoy niya. Ang kakambal ko. Did he...

Lumingon si Bennet sa 'kin at ngumiti. "She's a good cook, you're not. She cooked my favorite meal perfectly, you didn't. She's simple, she loves animals, she smiles a lot too. And her kiss also tasted different..."

Nahigit ko ang hininga ko. So that's why he kissed me. To test my kiss.

Gusto kong magalit, pero dahil sa malambot na expression ng mukha ni Bennet, hindi ko magawa. It was like he's reliving the best memories of his life. And that's my twin? Wait. Ibig sabihin talagang... sa kakambal ko siya in love??!!

To be able to memorize all of Cole's good and bad characteristics, mukhang tinamaan nga siya sa kanya! No way!

"Bennet... ano bang sinasabi mo?"

Tumalim bigla ang tingin ni Bennet sa akin, napaatras ako.

"I'm saying that I married your TWIN, not you!! Huwag mo nang ikaila pa dahil alam ko na kung sino ka. Now, Nicky talks before I'll throw you in jail for the same crime that you'd been blamed for before... Where is she?! Where is Cole?!"

Nanlaki ang mata ko nang hawakan ako ni Bennet sa braso nang mahigpit at halos mapapikit ako sa higpit noon.

He's asking about COLE and I don't know where she was!!

"Hindi ko alam! Hindi ko alam!" sigaw ko.

"Liar!"

"I promised! Hindi ko talaga alam! Baka umalis na siya ng bansa! Bumalik na siya sa trabaho niya. Bennet, please let's stop this. Ako ang asawa mo. Hayaan mo na si COLE. Ginawa niya 'to para sa akin at para sa kompanya. Hindi niya gusto ang pakasalan ka!" sigaw ko pa rin kay Bennet.

There's no point denying it. Alam na ni Bennet ang tungkol kay Cole. Kapag itinanggi ko yun, magmumukha lalo akong tanga.

Hindi ko sigurado pero parang may bumalatay na sakit sa mukha ni Bennet. "Paano mo nasabi yan?"

"Sinabi sa akin ni cole . Gusto na niyang bumalik sa trabaho niya kaya nga nagpalit na kami eh. She wants her old life back. Please, Bennet hayaan mo na lang ang kakambal ko," lumuwag ang pagkakahawak ni Bennet kaya sinamantala ko yun. Yumakap ulit ako sa kanya.

"I can be your wife, Bennet. I'll do anything you want, I'll learn to cook for you if that's what you want! Please let me have a chance!"

Wala akong pakialam kung magtunog desperada na ako. Basta mapasakin si Bennet lahat gagawin ko. Kahit gayahin ko pa si cole.

Ramdam kong natigilan si Bennet. Hindi rin siya nagpumiglas. Napangiti ako sa sarili ko.

"Really? You'll do anything for me?" narinig kong Sabi ni Bennet.

Tumingala ako sa kanya at ngumiti. "Yes."

"Kung ganun, umpisahan mo sa pagsasabi kung ano talagang nangyari noong araw na namatay si kelly, nicky!"

Upon hearing it, nanigas ang kalamnan ko. Biglang nag-flashback sa utak ko ang nangyari noong araw yun. Ang araw na muntik na rin akong mamatay.

"Bennet.."

"Hindi mo kaya?" nakaismid na sabi ng lalaki.

Lalong nagbuhol-buhol ang takot na naramdaman ko. Ayokong mawala si Bennet... pero kapag naalala ko si Martin, pakiramdam ko'y mamamatay ako sa takot.

Pero paano si Bennet?

"You were the suspect right? Ikaw ang pumatay kay kelly."

"Napatunayan ng korte na hindi ko ginawa yun!"

"Kasi may nagbayad sa korte. Sino yun... si Martin ba?"

Nanginig ang buong katawan ko at nawalan bigla ng lakas ang mga tuhod ko, napalugmok ako sa sahig. "Hindi mo naintindihan, Bennet! He's a scary man! That Martin guy!"

Gusto kong umiyak pero naunahan na ako ng takot. Malinaw na nakikita ko ang mga nangyari noon. Noong araw na yun! Hindi... hindi ko kaya.

"Papatayin niya ako pag nagsalita ako, Bennet!" naiiyak na tugon ko. "Papatayin niya rin si cole! Lahat ng malapit sa akin!"

Sukat sa pagkarinig sa pangalan ni cole

"Hindi ko hahayaang mangyari yun, nicky kaya huwag kang maduwag na sabihin sa kin ang totoo! Tinakasan mo na ito dati!"

"Nagtago ako dahil pinagbantaan niya ako!" sigaw ko. "Sinabi niyang huwag ako lalapit sayo!"

"Bakit? Ano bang dahilan? Bakit mo siyang kailangang pagtakpan?! Sabihin mo, nicky!" Niyugyog ni Bennet ang buong katawan ko. "Siya ba ang pumatay kay nicky?!"

Umiyak na ako. Bumalik na ulit ang takot ko na yun. Hindi ko mapigilan. Yung takot na hindi ko mailabas noon. Kasama nung mga katotohanang matagal ko ring itinago. Wala akong mapagsabihan. Dahil nag-iisa lang ako noong panahon na yun. Wala akong kaibigan o pamilya na masasabihan.

"bennet..."

Bumuntung-hininga ang lalaki bago ako binitawan. Nang magsalita siya ay malumanay na ang boses niya.

"nicky.. kailangan mong magsalita para malinawan na tayong lahat kung ano bang nangyari noon?"

"Natatakot ako, Bennet. Si Martin..."

"Ako'ng bahala sa lalaking yun."

"You won't believe me If I told you," sabi ko. "Si kelly lang ang papaniwalaan mo."

Kumunot ang noo ng lalaki. "Why? May dapat ba akong malaman tungkol kay kelly?"

Humugot ako nang hinga. "Noong... noong araw na mamatay si kelly, totoong nandun ako. B-bumisita ako sa Mansion nila dahil gusto ko siyang kausapin tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal sa'yo. Pero hindi lang ako ang dumalaw sa kanya noon, pati si Martin. It was unexpected, noong dumating ako nandun na si Martin at nagulat ako dahil... dahil..."

Tumiim ang expression ni Bennet. "Dahil...?"

"Naghahalikan sila. Siya at si Martin."

Biglang naging blangko ang mukha ni Bennet kaya hindi ko sigurado kung paano niya tinanggap ang sinabi ko.

"Base sa narinig kong usapan nila, matagal na silang may relasyon, Bennet Niloloko ka lang ni Lesana. Nagalit ako noon kaya sinugod ko si kelly

"Wala akong baril noon, Bennet. It was the other way around. Si kelly ang umakyat sa kuwarto niya at kinuha ang baril niya doon. She intended to kill me dahil sinabi kong isusumbong ko siya sayo. Pero pinigilan siya ni Martin. kelly bwent lunatic, gusto niya talaga akong patayin. Nag-agawan sila sa baril ni Martin hanggang sa di sinasadyang pumutok yun at si kelly nga ang tinamaan."

Nanginginig ang buong katawan ko habang nagkukuwento. Parang khapon lang nangyari ang lahat.

"I tried to help kelly , I took the gun away and revived her but its too fatal. The wound was close to her heart. Halos nawala sa sarili niya si Martin, nagtatakbo siya noon palayo. Siguro hindi niya matanggap na napatay niya si kelly..."

"So... kaya sinabi ng mga katulong na ikaw ang nakita nilang duguan at may hawak na baril?"

Tumango ako.

"Sinampahan mo ako ng kaso noon, pero inabswelto ako dahil kay Martin. Hindi mo alam pero inaanak siya nung Judge na humawak sa kaso. Ayaw niyang malaman mo ang sekreto ni kelly at kung sino ang pumatay sa kanya kaya pinagbantaan niya akong papatayin. At alam kong hindi pa siya tapos Bennet. Babalikan niya ulit ako!"

Umiling si Bennet bago balewalang tumayo. Ano? Wala lang ba sa kanya ang sinabi ko? Hindi ba siya nababahala? Hindi nagulat sa nalaman niya tungkol kay kelly? O baka dahil hindi na siya interesado?

Dahil kay cole?

Humarap si Bennet sa 'kin at iniumang ang kamay niya. Inabot ko yun at tinulungan niya akong tumayo.

"Hindi na mangyayari yun, cole . Mahuhuli si Martin kaya wala ka nang dapat ikatakot."

"Paano? Wala kang ebidensya. All of it have been destroyed."

Ngumiti si Bennet at inilabas sa bulsa ang isang device. Isang Recording Device. Napasinghap ako.

Nirecord niya lahat ng sinabi ko nang hindi ko alam!

Tumalikod si Bennet at may tinawagan sa phone niya. Lumabas siya sa porch. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala at hindi alam ang gagawin.

Anong mangyayari pagkatapos nito? Hindi ko alam. Hahanapin ba ni Bennet si cole? Hindi ko rin alam. Pero kung gagawin niya yun, pipigilan ko ba? Kaya ko bang ipaubaya si Bennet, ang lalaking pangarap ko... para sa kakambal ko?

Hindi ko rin Alam.

Bennet's POV

Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang malaking brass door at nakangiting pumasok si Fuji.

His smile was good, but it was cold. Muntik na akong bumunghalit ng tawa napigilan ko lang. Sa tagal kong kaibigan si Fuji, alam kong ang ngiti na 'yan eh 'yung ngiti na nangangahulugang nanganganib ang buhay ko. Haha!

"Good morning, Fuji!" bati ko.

"What's so good in the morning when your boss called you in the middle of the night before, interrupting your beautiful sleep and bombarded you with commands you have no choice but to stay awake all night for a fuck-up man-hunt operation?" ngiti pa ring sagot niya.

Gustong-gusto ko nang tumawa pero pinigilan ko dahil alam kong kahit boss ako ni Fuji, oras na tumawa ako... tapos ang buhay ko.

Tumikhim ako. "I'm sorry, Fuji. Wala akong choice, ikaw lang ang kilala kong may connection para mapabilis ang paghahanap kay Martin," paliwanag ko.

"Makakapag-hintay ang umaga, Bennet..." nakangiti pa ring sagot niya.

Ngumiti rin ako. "He he."

"Anyway, you have nothing to worry. Kahit mala-palos ang persona ni Martin, he'll be found."

Hindi naman ako nagdududa sa kakayanan ni Fuji. Pero gusto ko lang talagang mapadali ang lahat para maayos na.

Nang umamin si Nicky, hindi ako nagaksaya ng oras. I called any possible persons to help me solve the case of Kelly.

Sa totoo lang, masakit pa rin sa'kin yung kaalaman na nagawa akong lokohin ni Kelly. She was once my everything. Her face and smile were the source of my happiness. I thought they were all true. I thought her love was true. It was just an illusion.

Si Martin talaga ang mahal niya. Pero magpapakasal siya sa 'kin. How stupid was that? Lolokohin niya ko kahit kasal na kami? Well, I don't want to say that she deserved whatever happened to her, but it must been karma. Destiny punished her.

"Iniisip mo si Kelly?" tanong bigla ni Fuji. Napaangat ako ng tingin.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

Fuji shrugged his shoulder and spun around to go to the door. Pero tumingin ulit siya sa 'kin. "What about Zila? Cole

Kumunot ang noo ko, sabay ng pagkabog ng dibdib ko. I don't know, but whenever someone said her name my heart will beat like crazy.

"Wala pa ring balita. Hindi ko alam pero mukhang sa buwan yata pumunta ang babaeng 'yun. Hindi talaga siya matagpuan. Even Nicky didn't know where her twin was," frustrated kong sagot.

Ang babaeng yun. That Cole. Dumating siya sa buhay ko na parang kabute lang na sumulpot tapos nawala rin siyang parang bula. Ganun ba talaga siya? Sabagay, yun ngang mga bodyguards niya noon sa California, kung takasan niya eh ganun-ganun na lang.

Aside from being a photographer, she must have been a spy. So slick.

Kinuha ko ang kopya ng National Geographic Magazine sa ibabaw ng mesa ko at binuklat yun. Doon sa parte na may pangalan niya.

Cole Alphonse

I kept on reading her name. On repeat. On loop. Again and again. Para lang mabawi noon yung panahong kasama ko siya at "Nicky" ang itinatawag ko sa kanya.

Gusto ko ring magalit sa kanya. Pero hindi ko magawa. I dunno, ayaw ng puso ko na magalit. Mas nami-miss na ang babae.

God, I'm really missing her.

That dinosaur.

Fuji was about to leave, pero biglang umilaw ang intercom kaya sinagot niya 'yun. "Yes? Kylie?"

Kylie ang pangalan ng isa sa mga associate secretaries ng OCEO.

"Sir, you have an overseas call. Apparently, from California."

Tumingin si Fuji sa'kin, "Sino daw siya?"

"Marina De Jesus po, Sir."

"Oh! Si Mana," sagot ko. "Direct mo yung tawag sa 'kin," sabi ko kay Fuji.

"You may forward the call, Kylie. Thanks!" ani Fuji. "Aalis na ako, Bennet." Minuwestra ni Fuji ang labas.

Tumango ako bago inangat ang receiver ng phone. "Hello, Mana?"

"Bennet!!" anang tinig sa kabilang linya. "Kamusta ka na? Kamusta na kayo ni Mam Nicky?! Hindi kayo napapatawag kaya medyo naga-alala ako."

Napakamot ako. Oo nga, nakalimutan ko si Mana. Sa sobrang dami nang nangyari di ko na siya nabalitaan.

"I'm so sorry, Mana. Naging busy lang din! Sorry!" Hingi ko ng pasensya.

"Ay ano pa nga ba ang magagawa ko? Tiyak kong natambakan ka din ng trabaho, hane? Kamusta naman si Mam Nicky?"

"Well... she's... okay. I guess," sagot ko.

"You guessed? Bakit? Hindi mo ba siya kasama?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mana was that one person na naging malapit kay Cole knowing na siya si Nicky. Hindi ko alam kung anong isipin niya kapag nalaman ang totoo.

"She's at home," sagot ko.

"Ah... Ang batang 'yun pinapaglaruan ako, hindi daw niya ako kilala. Tsk. Napakapilya!" ani Mana. "Oo nga pala, Sir. May gusto rin sana akong itanong sa'yo..."

May himig na parang nagalinlangan ang matanda.

"Tungkol po saan?"

"Well... Naglinis kasi ako sa kuwarto na ginamit ni Mam Nicky. At... Nakita ko 'yung isang aklat doon. Nasa ilalim ng unan. Pero hindi sa kanya ang aklat. Kay Mam Kelly 'yun... Bennet.."

Napatuwid ako nang upo. "And?"

"Bennet... may sulat kasi doon.. t-tungkol kay Miss Kelly. Ayoko sanang sabihin pero palagay ko, dapat niyong malaman."

Kinutuban ako bigla.

"'Yung sulat, galing siya sa isang lalaki na may pangalan na Martin. Bennet... I don't want to ruin your mood but I think, they'd have relationship before. Its a love letter, Bennet."

Napabuntung-hininga ako. Just as I thought. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

"Mana... I'll talk to you about it, soon.," sabi ko.

"Do you believe it?" tanong ng matanda.

"Yeah. Probably. Anyway, sinasabi niyo na nakay Col--- Nicky ang aklat?"

"Yes. Palagay ko alam ni Mam Liza ang tungkol kay Martin at Lesana."

At hindi niya sinabi sa'kin. Nasa California pa lang kami, alam na ni Cole ang tungkol kay Martin pero wala siyang sinabi sa 'kin. Bakit? Dahil natatakot siyang di ko siya papaniwalaan?

"That woman!" gigil na anas ko.

Ang hilig-hilig niyang maglihim. Wala siyang sinasabi sa'kin. Kahit ng nararamdaman niya! She'll just go with the flow. Idiot.

"I'll call you again, Mana!" paalam ko.

"Pero Bennet--"

"Very soon! I promised!"

"Sabi mo 'yan ha?"

Nang mawala sa linya ang matanda ay agad akong tumayo at lumabas ng office. Damn. Kailangan na talagang mahanap si Cole! I need her!

Especially, now that I've been dreaming of making love with her. Hindi ko alam, pero parang totoong nangyari.

The kiss, the passion, the heat, the trust. They were all felt real. Too real. That night. May nangyari sa'min at kinabukasan, wala na siya. Ibang Nicky na ang kasama ko.

Tell me, Cole... Hobby mo ba talaga ang madisappear na lang?