CHAPTER 62 be mine
Napaangat kami ng tingin nang bumukas ang sliding door at lumabas ang isang Doktor na nagtanggal ng facemask nang makita kami.
Bennet and Mistress Vanessa approached the Doctor while I remained on my seat. I could hear them.
"Doctor, how is she?" hindi humihingang tanong ni Bennet. "And the baby?"
Mabilis na lumingon si Mistress Vanessa kay Bennet, nanlalaki ang mata. Pero hindi siya pinansin ng anak.
The Doctor sighed and... smiled.
"She's safe now," sagot ng Doctor. "Kinaya ni Misis."
"And my baby?"
"Mas malakas 'yung baby niyo. Hindi iniwan ang ina niya. Sa kabila ng trauma at shock, the baby remained strong. Gusto niyang mabuhay. Congratulation, Sir."
Napatayo ako nang makitang matutumba si Bennet. I took his arm and hold him. Parang nabunutan ng tinik ang expression ng mukha ni Bennet. He keeps on uttering 'Thank God!'
"Ililipat na lang ang pasyente sa private room so doon na lang po tayo maghintay," anang Doktor.
"What about Nicky? The other twin?" tanong ko.
"I'm okay," biglang sabi ng bagong tinig.
Dumating si Nicky. The real Nicky. She looked paler than usual, and there's a bandage on her left arm. Doon sa bandang kinunan siya ng dugo.
Tumitig lang si Mistress Vanessa sa babae bago pasimpleng umismid. Pft! The truth was, sa lahat ng naging girlfriends ni Bennet... si Kelly lang ang pumasa sa panlasa ng Ginang. Si Nicky, kabilang na 'yung iba pa, tinataasan lang niya 'yun ng kilay.
Except Cole of course. Nakipaghead-to-head ang dinosaur sa halimaw kaya nakuha ni Cole ang pabor ng matanda. She's probably her favorite person now.
"How are you feeling?" tanong ni Bennet.
Tipid na ngumiti ang babae. "I'm okay. At ngayong safe na ang kakambal ko, mas mabuti na ang pakiramdam ko," sagot ni Cole.
"Cole!!"
A new man suddenly came. Probably around the same age as Bennet. Tall and well-built, he looked a bit worried. Lumapit siya kay Nicky at hindi kami pinansin.
"Thurstin!" ani Cole.
"Anong nangyari?!" tanong ng lalaki.
For some strange reason, naningkit ang mata ni Bennet nang makita ang lalaki.
"Hindi ka natuloy sa Dubai?" ganting tanong ni Nicky.
"Paano ako matutuloy kung umalis sa airport ang kakambal mo?! At ano itong nabalitaan ko?!" tila galit na sabi pa ng lalaki. Meron siyang angas na taglay.
"Cole okay now," singit ni Bennet. "You have nothing to worry about, Thurstin!"
Okay. They knew each other. At mukhang may something sa pagitan nila.
Inis na bumaling ang lalaki kay Bennet. "It's you again, huh? Leofwin?! Bakit ba lagi siyang napapahamak kapag malapit sa'yo?! And now you're calling her real name!?"
Bennet stared at the man crossly. "Hindi ko 'yun kagustuhan! At huwag mo akong sisisihin dahil may kasalanan ka rin 'sa'kin! You knew all along na hindi siya si Nicky pero nakisakay ka lang---"
"Not my fault! I don't meddle on people's affair! Ikaw 'yung tanga na hindi makita 'yung malaking pagkakaiba ng dalawang tao!"
Sang-ayon ako. He he.
Nagtagis ang bagang ni Bennet, pero hindi siya nakapagsalita. Alam niyang tama ang lalaki.
"Okay, let's settle this once and for all," singit ni Mistress Vanessa na nakitang nanggagalaiti si Bennet. "The girl's safe now but... but who are you?"
The man recoiled a bit pero sumagot siya. "Thurstin, Mam. I worked at National Geographic Company as a photographer and videographer. Cole is my Bestfriend, same as Nicky," sagot nito.
Oh. Okay. Siguro, kilala din ni George ang isang ito. Kung ganung nasa iisang nature lang ang trabaho nila.
"Thurstin! I know you!" biglang sabi ni Mistress Vanessa na namilog ang mata. "You covered that article about orangutans in El Salvador and I really really loved it! Doon ko nakuha si Danny at..." nagpatuloy sa monologue ang matanda na dumating sa puntong hinikit ni Mistress Vanessa ang lalaki at dinala sa malayo kung saan doon siya nagtanong nang nagtanong.
Confuse lang na tumingin si Bennet sa nanay niya bago lumingon sa kin.
"Aalis na ako, Bennet. Mukhang okay naman na ang lahat," paalam ko.
Tumango ang lalaki. "Alright. Thanks for the help."
Tumalikod ako para umalis pero tinawag ako ni Nicky. "Pwede bang sumabay ako sa'yo? I'll go back to the Mansion. Kukuha lang ako ng ilang gamit." Kay Bennet nakatingin si Nicky, imbes na sa'kin.
Nang tumingin si Bennet sa'kin ay tumango siya. Pinigilan kong taasan siya ng kilay. Ako 'yung maghahatid pero siya 'yung malakas ang loob na tumango-tango. Douche.
Sabay kaming lumabas ni Nicky ng hospital. At tahimik lang din kami. To think of it, Nicky must have been in a state of shock. She could be still. Ang awkward tuloy ng atmosphere.
Cole's POV
Pinilit kong magmulat ng mata. I saw the sorroundings in blinding white kaya napapikit ulit ako. There's a lingering feeling on my shoulder. A tingling sensation.
Ano bang nangyari? Nasaan ako?
Huli kong naalala na nabaril ako. Namatay ba ako? Sinundo na ni San Pedro? Nasa langit na ba ako?
Wow. Langit? Si Goddess-Cole, sa langit napunta? Isang himala. At bakit amoy alcohol at strong antiseptic sa langit? Heaven na ba talaga 'to?
Nagmulat ako ng mata, pinilit inadjust sa liwanag ang paningin. Hanggang sa maaninag ko na lahat. At nagulat ako nang makita ang isang babae na nakatayo sa may gilid ng hinihigan kong kama.
Nakatingin siya sa akin. Nakaputi siya! Anghel?!
Bakit mukhang nurse? At may nakasulat na St. John's Medical Institute sa damit niya.
"Oh! Nasa hospital ako!" wala sa loob na sabi ko.
Ngumiti ang babaeng nurse na inayos ang IV fluid na nakakabit sa braso ko. "Yes madam, hindi ka pa patay don't worry."
Nakahinga ako nang maluwag. Tiningnan ko ang balikat ko, there's tight bondage on it. At medyo masakit pa siyang igalaw.
"Hindi kami gumamit ng anesthesia sa'yo, Mam kaya paumanhin kung masakit 'yan. Hindi ka namin pwedeng gamitan ng pampamanhid dahil maselan ang kalagayan mo."
Kumabog ang dibdib ko. "M-maselan?"
"You didn't know you're pregnant, did you?" nakangiting sabi ng nurse. "Don't worry, your baby is safe."
Napasinghap ako at dahil dun sumakit ang balikat ko. "Aww!"
"Huwag ka munang gumalaw, Misis!" saway ng babae. "Sinabi na ng Doktor sa Mister mo ang kalagayan mo kaya hindi ka na dapat mag-ala---"
"MISTER?!!" sigaw ko. At sa ikalawang pagkakataon napapiksi ako sa sakit na gumapang sa balikat ko. "Araaay~"
"Tigas ng ulo mo, Misis!"
Napasimangot ako. Eh kasi naman, sinong Mister ko daw ang pinagsabihan ng Doktor ng kalagayan ko. Si Bennet ba o si Thurstin?! Nandito ba si Bennet? O si Thurstin?! Baka tulad na naman 'to ng dati?!
"Maiwan ko na kayo. Yung bilin, okay? Huwag muna kayong gagalaw!" Pagkasabi ng nurse noon ay umalis na din siya at sinara ang pinto ng silid.
Wew.
So buntis nga ako gaya ng hinala ni Thurstin. Napaka-careless ng ginawa kong pagsugod kay Martin. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa magiging baby ko.
Hinawakan ko nang dahan-dahan ang tiyan ko. Wala pang umbok doon o kahit anong palatandaan na may laman yung dinosaur (well maliban sa poops). Pero alam kong may buhay na sa sinapupunan ko.
Matinik din ang kumag na Bennet na 'yun. Nakaisa lang pero nakabuhay agad!
Haaay. Paano na ngayon 'to? Ano na bang nangyari? Si Nicky? Kamusta na siya? Okay na kaya siya? Si Martin?
Kumabog ulit ang dibdib ko nang maalala ang nangyari. Suddenly, gusto kong malaman kung ano bang kinahinatnan ng pagpapakabayani ko. Bago ako mawalan ng ulirat, alam kong may mga pulis na dumating. At si Bennet.
Teka, dumating ba talaga si Bennet o imagination ko lang 'yun?
There's unsettling feeling on my chest. Naparanoid ako bigla. Dahan-dahan akong bumangon mula sa higaan ko, at kahit masakit ang balikat ko ay pinilit kong tumayo.
When my feet touched the cold tiles, napasinghap ulit ako. Pero itinuloy ko ang paglalakad palabas ng silid. Wala pa akong gaanong lakas kaya paisa-isa lang ang hakbang ko.
Nang marating ko ang pinto ay pinihit ko ang seradura. Para lang bumungad sa akin ang isang matangkad na pigura na anyong papasok ng silid.
Parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo sa katawan ko nang makita si Bennet sa harap ko.
Halatang nagulat siya nung makita ko sa may pintuan. Pero kaagad na kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
Yay!
"And where do you think you're going?!" singhal niya.
Sa takot ko, napasagot ako nang mabilis at hindi nag-iisip. "Sa C. R. e-ebs! Sama ka?"
Bennet looked at me blankly for a straight one minute. Siguro iniisip niyang ibalibag na ako sa Mental. O baka tinatanong niya ang sarili niya kung legal bang saktan ang kaoopera lang na tulad ko. O siguro...
"Ikaw talaga 'yan! Sira ang utak!" sigaw ni Bennet pero nakangiti siya. Tapos bigla niya akong binuhat nang walang babala.
Uwaa!
Cole's PoV
Kung hindi lang masakit ang balikat ko, sasapakin ko talaga si Bennet sa ginawa niyang pagbuhat sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit hindi? Gahibla lang ang layo ng mukha ko sa kanya!! Juskopo!
Pumikit lang ako nang bitbitin ako ni Bennet at dahan-dahang ilapag sa kama. Ang awkward sa pakiramdam lalo na nung hikitin ni Bennet ang kumot at ibalot ako dun.
"Just where the hell are you going, woman!?" may gigil na tanong ni Bennet na tinitigan ako nang masama. "Tatakas ka na naman?"
"Whuuut?! Hindi ah!" tanggi ko. "I was just about to see if that's the comfort room or a door to another dimension. Akala ko nasa heaven na ako eh," sagot ko pa.
Bennet sneered as his eyes narrowed looking down at me.
"Heaven? Do you think you're going to heaven after what you've done?!" angil niya.
"Bakit? Ano bang ginawa ko?!" angal ko.
"You lied to me!" sigaw ni Bennet.
Aray ko po! Alam ko namang totoo yun pero... ano ngayon? As if I have a choice.
Napatigil ako nang may marealized. OMG! Alam na ni Bennet na ako ang PINAKASALAN niya? Hala!
"Hindi ako nagsinungaling ah! Ano bang sinasabi mo?"
Yeah right, Cole. Play dumb! Lol.
"Yeah right, Cole. Play dumb!" sagot ni Bennet.
Huh? Galing. Nabasa niya nasa utak ko.
"Play dumb na sinasabi mo dyan? I have no idea what you're talking about. I just came here to save my twin, no more no less!" sigaw ko.
Automatic na umigkas pataas ang kilay ni Bennet. Parang gusto niya 'kong itapon sa bintana sa klase ng expression ng mukha niya.
"I'm saying that you married me with the name of your twin Nicky. And you're Bennet!"
The moment Bennet said my name, my real name, lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Finally, he said it. He mouthed my real name. Coming from him, parang... parang tunog sosyal ang pangalan ko. Be-luuh. Kabog!
"E-excuse me? I did not!" tanggi ko pa rin.
Alam kong wala na akong lusot kay Bennet, pero malay mo. Minsan eh may pagka-noob din si Bennet. 'Yung commonsense niya minsan nasa outer space. Baka makalusot ako ngayon. Ayokong umamin, medyo natatakot ako na baka idemanda ako ni Bennet dahil sa ginawa ko. Ayokong makasama si Martin sa kulungan 'no!
"Nasa Pakistan ako this whole time! Ngayon lang ako umuwi."
"At bakit ka nasa Pakistan?"
"Because I'm a photo---"
"Photographer for National Geographic Magazine?" dugtong ni Bennet.
Bullseye! Tanggi pa, Cole!
"I... I..."
Hindi ko naituloy ang sinabi ko nang ilapit ni Bennet ang mukha niya sa mukha ko. Halos lumubog ako sa unan, lumayo lang.
God, those marvelous chocolate eyes again. I missed them. Na-miss ko yung feeling na muling matitigan ng mga matang yun. His face, Bennet face... I ached for them. His nose, his firm pink lips, his fair smooth skin... holy crap! Ilayo niyo siya sa akin, baka ma-rape ko siya at mabuntis ako. Ah wait... buntis na nga pala ako.
"Huwag ka nang tumanggi, sweetheart! I'm your bunny hubby, remember?" ngiti ni Bennet na nakakaloko.
Nagsayaw ng macarena ang puso ko. Natandaan ni Bennet ang tawag ko sa kanya noon. I can't believe it. He remembered non-trivial matters like that.
Hindi na ako nagsalita. Tumahimik na lang ako. Puro katangahan lang naman ang sasabihin oo eh.
Bennet stared at me for a long time at hinayaan ko siya. Kahit naiilang ako.
"Why did you do that?" tanong ni Bennet makalipas ang mahabang katahimikan.
Humugot ako nang hinga. "I have no choice. You didn't give me room for choices," sagot ko. Awa ng Diyos kalmado ang boses ko kahit nagwawala ang puso ko.
"'Yan din ang sinabi ni Fuji sa 'kin," ani Bennet.
Well, matalino talaga si Pareng Fuji.
"But still, sana inamin mo agad."
Tumingin ako kay Bennet at tinaasan siya ng kilay. "Paano ko gagawin 'yun? Sige nga! Kinaladkad mo ako papuntang California at inalila mo ako dun---"
"Sa pagkakaalala ko, ako yung binigyan mo ng malaking sakit ng ulo noon!" kontra ni Bennet.
Umismid ako. "Kahit na! Alam kong kapag sinabi ko kung sino ako, lalo lang akong magiging tagilid! Nasa'yo ang kumpanya, ang mansyon! Saan ako titira? Sa bahay ng pusporo!?"
Biglang tumawa si Bennet. It was a sudden outburst of laughter kaya na-offguard ako. Then narealized ko na na-miss ko pala ang pagtawa niya. He rarely laughs, and when he does... masarap sa pakiramdam.
Sandali lang naman ang tawa ni Bennet. Tumikhim agad siya at sumeryoso na parang walang nangyari. Iba din.
"Even so, what you did is punishable by law! Copying the identity of your twin sister! Illegally signed a marriage contract using a fake identity! I can sue you!"
"Whuut duh fuuucck!!?" sigaw ko. "Araayy!" Sumigid ang kirot sa balikat ko dahil sa bigla kong pag-angat.
"Tanga ka ba?!" sigaw ni Bennet. Hinawakan niya ako sa ulo at braso at pilit na inihiga. "Ayan, dumudugo!"
Tumingin ako sa balikat ko at positive, may bloodstain nga sa bandage. Geez.
"Tigas kasi ng ulo!" singhal ni Bennet sa mukha ko.
"Ako pa?! Matapos mong sabihing ipapakulong ako tapos magtataka ka sa reaksyon ko?!" sigaw ko din sa mukha niya. "At bakit ka mag-alala sa dugo, eh ipapatapon mo ako sa kulungan after nito?!"
"Sinong may sabing ipapakulong kita?!" sigaw ulit ni Bennet. Nanlalaki ang mata niya.
"Ikaw! You said you can sue me!!"
"Misis, Mister..." singit ng isang tinig mula sa pinto. When we turned to look, there's a doctor by the door. At mukhang shock siya sa sagutan namin ni Bennet base sa horror na nsa mukha niya.
"Doc," bati ni Bennet. Lumiit bigla ang boses niya. "Good timing you're here. Pakisuyo nga po sa sugat nitong babaeng 'to. It's bleeding, can you mend on it?"
Tumango ang doctor. "Of course."
Lumapit ang babaeng doctor sa akin at tiningnan ang bandage. Tumabi naman si Bennet at naupo na lang sa may paanan ng kama.
Mabilis na inayos ng doctor ang sugat ko. Pinalitan niya iyon ng bandage at gamot. "Huwag kang masyadong gumalaw, Misis. Prone to bleeding ang sugat mo dahil malalim ito. Don't use too much force. Dapat iwas ka sa stress para sa maagang paggaling."
Tumango ako. Gusto kong sabihin na si Bennet ang sisihin niya pero pinigilan ko lang ang dila ko.
"RH-negative O ang dugo mo at pag naubusan ka, wala na kaming makukunan bukod sa twin sister mo so please... ingat," bilin pa ng Doktor.
Ngumiti ako. Kung ganun si Nicky pala ang kinunan ng dugo ko. Parang tanda ko noong teenager pa kami, ako ang madalas donor ni Nicky sa dugo kasi walang ibang pwede. We've got the rarest blood in the world.
"Why's RH-negative O the rarest blood ever?" tanong ni Bennet sa babaeng Doktor.
Ngumiti ang babae. "Well, mahirap sagutin yan sa simpleng salita ng tao. Although I could recite what I've read on medical books, you know. All I know was that a person is RH-negative or positive because of his/her genes inherited from parents. Some even said na yung mga taong may blood type na RH-negative ay descendant ng mga... alien. Extra terrestrial."
Napatawa ako sa sinabi ng Doktor. Actually ilang beses ko nang narinig yan mula noong bata pa ako. Na alien nga daw ninuno namin.
"Yeah, I agree..." sagot ni Bennet. "Ugali nitong babaeng ito eh, pang-alien."
Napasimangot ako habang napatawa naman ang Doktor. Gusto kong tadyakan si Bennet pero baka pagalitan ako nung Doktor eh kaya pigil lang ako.
"Anyway Doktor, kung RH-negative siya... is it possible na RH-negative ang magiging anak namin?"
Napamulagat ako. Alam ni Bennet na buntis ako, watdapapak!
"Ano ba ang blood type mo? Do you belong in RHD factor?" tanong ng babae.
"Nope. ABO system ako. Blood type positive A," sagot ni Bennet.
"Then imposible ang RH-negative sa anak niyo. Although there's a big chance na maging RH-positive A o RH-positive O ang baby dahil sa Rhesus genes ni Misis."
Tumango-tango si Bennet. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Sumimangot lalo ako.
Why the heck are we talking about this?! Blood types and everything! As if may pakialam naman si Bennet sa anak ko.
Nagpaalam din agad ang Doktor matapos tingnan ang mga vitals ko. Naiwan lang si Bennet kaya awkward na naman tuloy ng atmosphere.
"Alien..." narinig kong bulong ng lalaki sa hangin.
"Hindi ako alien, narinig ko yun," sikmat ko. Dinosaur ako.
"Naniniguro lang. I want to make sure na tao magiging anak ko!"
Lalo akong sumimangot. Gusto kong itanong kung paano niya nalaman na buntis ako, pero nonsense na yun.
"Bakit hindi mo sinabi na buntis ka?" tanong niya.
"Hindi ko rin alam na buntis ako, okay? I was surprised, too!"
"Pero kahit malaman mo, hindi mo pa rin sasabihin sa akin diba?"
Natigilan ako. May punto kasi 'yung tanong ni Bennet. Kung hindi niya nalaman na buntis ako, malamang ililihim ko ang lahat. Titira ako sa Mars kung kinakailangan. Para lang hindi malaman ni Bennet.
"I'll do what I think is right," sagot KO lang.
"Right! And I'll do what I think was right too. So I'm gonna take full responsibility for my baby!" sabi ni Bennet, napalingon tuloy ako sa kanya.
Responsibility?
Anong ibig sabihin ni Bennet?
"Ipapahanda ko ang kontrata, this time pangalan mo ang baka nakalagay at ikaw ang pipirma! Once again, wala kang choice Cole! Pipirma ka lang at kakalimutan ko lahat ng kasalanan na ginawa mo!"
"Anong k-kontrata---"
"Nothing to tell. Basahin mo na lang kapag dumating na," pagkasabi noon naglakad si Bennet palabas ng silid pero bago lumabas, lumingon ulit siya sa 'kin. "Cole..." sabi niya.
"What?"
"Nothing. I like your name. Exotic." He winked.
Rawr!