CHAPTER 59 partenrship
Bennet POV
"Late ka daw sa meeting mo sa Delaware nung isang araw, Bennet?" tanong ni Fuji na sumalubong sa 'kin sa rooftop ng RedSphere. Kakagaling ko lang sa Maynila-- ah no. I actually just came from HongKong. Nung pagkatapos ng meeting sa Delaware, dumeretso ako ng Hongkong para sa isa pang deal.
I've been so busy I feel like dying from tiredness.
"Yeah. Nagkaroon ng aberya sa EDSA. Just minor," sagot ko.
Bumaba kami mula sa rooftop papunta sa Penthouse na siyang opisina ko.
"You should have called me," ani Fuji.
"Nah. OK lang. Nasolusyunan naman agad."
"How's Raul Frey by the way?" tanong ni Fuji.
"Ayun, babaero pa rin. Tinuhog yata lahat ng mga babae sa Hongkong."
Si Raul Frey ang naging kasama ko sa Hongkong these past days. Efficient naman sa trabaho ang lokong yun kahit kaliwa't kanan ang ka-fling na babae.
Nang makarating kami sa Office of the CEO, kulang na lang eh mag-dive ako sa sofa na nandun para makapahinga. Pakiramdam ko naubos ang lakas ko sa byahe at sa trabaho.
"I'm missing my bed, I need some sleep..." sabi ko habang nakadapa sa sofa.
"Sana umuwi ka na lang, tyak na hinihintay ka na ni Nicky," ani Fuji na ipinatong ang mga gamit ko sa mesa.
Pagkabanggit sa pangalan ng asawa ko ay napaangat ako.
Hindi ko mapigilang maalala ang babaeng tumatawid sa overpass nung isang araw. Kumabog na naman ng husto ang puso ko.
"Fuji..."
"Mmmm?"
"Kamusta yung pinapaimbestiga ko sayo?" tanong ko sa lalaki.
Fuji spun around and look at me. Then he smirked.
"May pupunta dito mamaya, they're from Legal Office and Civil Registration Office. Sa kanila mo na lang alamin yung tungkol sa babaeng pinakasalan mo. Ako? I know nothing," ani Firenze na ngumiti pa bago mabilis na lumabas ng silid.
Tsh! Eh halata namang may alam siya, bakit di pa niya sabihin?
Whatever. Malalaman ko din yun.
Civil Registration Office? Make sense, sila ang may hawak ng record ng kasal namin ni Nicky. Have they found something suspicious o ginogoyo lang ako ni Firenze?
Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa mesa. Binuksan ko ang laptop na nandun at nagcheck ng ilang emails.
Ang Ilan sa mga messages ko ay mula kay Atty. Ronald, yung humahawak sa kaso ni Kelly ngayon. Ang sabi niya, hawak niya ang ilang flight records ni Martin Dela Vega noong panahong bago mamatay si Kelly at pagkamatay. He found something pero may mga ebidensya pa siyang kailangan. Sinabi niyang tawagan ko siya agad pag nabasa ko ang e-mail. So I did.
Tinawagan ko si Atty. Chang.
"Hello? Sir, Mr Leofwin?" anang nasa kabilang linya.
"Attorney? Kamusta? I just read your email. Is there anything you need or something I need to know?" tanong ko.
Naglakad ako hanggang sa mapatapat sa glass panel kung saan tanaw ang panorama ng Verona City.
"Hindi pa sa ngayon, Mister Leofwin. But I do have a favor to ask you..."
"Ano yun?"
"May mga ibedensya tayong hawak pero hindi magiging sapat 'yun, Sir. Ang dapat nating gawin ay kunin ang mismong pahayag ng asawa mo, ni Miss Nicky Alphonse, Sir. You have to ask her!"
Natigilan ako. I'll have to ask Nicky about the crime?
"Paano kung hindi niya sabihin? She remained silent before. Pwede ulit niyang gawin yun ngayon," sabi ko.
"Hindi magsasalita ang asawa niyo dahil may tumatakot sa kanya, Sir. Kailangan niyong kuhain ang tiwala niya na sabihin sa inyo ang totoo. Mag-asawa kayo, she'll confide on you."
Napatigil ako.
Sa pagitan namin ni Nicky, taboo na topic si Kelly. Iniiwasan ko yun at iniwasan rin niya. Hindi ko sigurado kung anong iisipin ni Nicky once na itanong ko sa kanya kung anong nangyari noon. Baka umiwas siya.
Oh what the hell! Kesa naman walang resulta.
"I'll try my best, Attorney," sagot ko.
"Thank you, Mister Leofwin."
After noon ay nagpaalam na din ang abogado. Naiwan akong napapaisip sa mga bagay. I began to think again of Kelly and Martin, then Nicky... and that woman from the footbridge.
Why do I have this feeling na kilala ko talaga ang babaeng yun? Makikita ko kaya ulit siya? I hope I do.
Napabuntunghininga na lang ako.
"Bennet!!"
Napalingon ako nang marinig ang tinig ng isang babae, at nagulat ako nang makita si Caroline.
She's wearing a dress and looked so stunning with everything. "Caroline? What are you doing here?"
Lumapit ang babae sa akin at mabilis na humalik sa pisngi ko. I cringed, hindi ko lang pinahalata.
"I just passed by! I'm going to the inauguration of Son Seok's."
"Oh! Good for you!"
Ang Son Seok ay ang bagong Korean school sa District 4 sa pagkakaalam ko.
"I missed you, so I decided to pass by..."
Hindi ako nagsalita, ngumiti lang ako. I really hate it when Caroline was saying something like that. Can't she just accept the fact that I'm married already?
"Can I invite you to lunch?" biglang aya ni Caroline. Ngumiti pa siya nang matamis.
Napaunat ako at napakamot bago pasimpleng umiling.
"Ah no, Caroline. Sorry. I'm busy and... I have a lot of things to do... and... yeah..."
Kita kong nalungkot si Caroline. Ngumuso pa siya bago humawak sa braso ko. "You're being unfair. We're friends and---"
*blaaag!*
Biglang bumukas ang brass door ng opisina at nagulat ako nang makita si Nicky.
"What the heck?!" sigaw ng babae nang makita si Caroline na nakahawak sa braso ko. "That's my husband, you bitch!"
Papansinin ko pa sana ang eleganteng suot ni Nicky pero na-divert ang attention ko nang sumugod siya kay Caroline.
Para akong isinilid sa bloke ng yelo nang biglang hikitin ni Nicky ang buhok ni Caroline, hindi agad ako nakagalaw. "You bitch! Inaakit mo ba ang asawa ko? Malandi ka!!"
What the fudge!
"Nicky... no!" awat ko pero biglang gumanti si Caroline at hinikit din sa buhok si Nicky.
"Aww you freakin' bitch!! I don't know what you're talking about!"
Jesus!
Pinilit kong paghiwalayin ang dalawa pero talagang ayaw nilang magpaawat. Nadadamay pa ako sa mga kalmot nila.
Wala akong magawa kaya iniwan ko na lang sila parehas.
Wala naman silang balak makinig sa kin eh.
Lumabas ako at dumeretso sa Reception kung saan may ilang empleyado na nakatingin sa dako ng opisina ko. "Pigilan niyo nga yung dalawang babae dun sa loob kung kaya niyo, nagsasabunutan eh," sabi ko. "Rather, call the Security Office."
Dumeretso ako sa opisina ni Fuji na kalapit lang nung sa 'kin. Pagpasok ko, nakita ko siyang may kausap sa telepono. Umupo ako sa couch na nandun at dumampot ng National Geographic Magazine na nakakalat sa mesa. I flipped through the pages. Pansin kong tumingin si Fuji sa 'kin.
"Alright, Sir. Thank you! We'll be expecting you.."
I looked at the scenery displayed on the center page of the magazine. There's a crazy huge volcano. With lava overflowing and exploding everywhere. Baliw ba photographer na kumuha nito? Dream niya mamatay?
Tsk!
"Ah Bennet..." tawag ni Fuji. Paglingon ko, nakangiti siya. Yung ngiti na parang nagtagumpay siya sa kung anong bagay. Nabaghan tuloy ako.
"Yeah?"
"Yung taga-Civil Registration Office, papunta na siya dito..."
"Oh! Great!" sagot ko. "Palagay mo, may malalaman kaya ako tungkol kay Nicky?"
Umiling si Fuji. "I don't know."
"Speaking of Nicky, inadvice ako ni Attorney na tanungin mismo ang babae tungkol kay Kelly."
"Tama naman siya."
Naglakad si Fuji patungo sa may pinto ng opisina niya at sumilip. "Si Nicky at si Caroline ba yung nakikita kong hila-hila ng security papuntang elevator?"
Tumango ako. "Yeah."
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at tumawa lang si Fuji bilang tugon.
"But Firenze, I'm really serious," sabi ko. Binitawan ko ang magazine at tumingin sa lalaki. "I don't really feel anything about Nicky. That Nicky."
Sumeryoso si Fuji. Nawala ang ngiti sa labi. "How could you said that? Umamin ka na bang mahal mo ang asawa mo?"
Natahimik ako at tinimbang na maige ang isasagot. Alam ko sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko. I love Nicky, probably love her more than I loved Kelly. Pero ibang Nicky ang tinutukoy ko. Yung Nicky na nakasama ko noon sa California. Yun ang hinahanap ko.
"I do," sagot ko. "Pero..."
"Pero hindi siya yung babaeng kasama mo ngayon?" deretso ni Fuji.
Bumuntung-hininga ako bago tumango.
"Masasagot din ang tanong mo, kaibigan," aniya.
Tumunog bigla ang intercom at nagsalita ang operator. "Sir, you have a visitor. He's from the Office of the Civil Registrar and has a one o'clock meeting with President Leofwin. Can we send him in?"
Lumapit si Fuji sa intercom. "Yes, please. Thank you."
Nang Lumingon sa akin ang lalaki, nakangisi na siya. "There you go, your answers. Bilis diba?"
Cole POV
Nagmulat ako nang mata at agad din akong napapikit nang sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana.
Geezus! Tirik na pala ang araw pero ngayon lang ako nagising.
Tumingin ako sa orasan, alas-onse na nang tanghali. Pakiramdam ko ay gusto ko pang matulog. I need sleep, lots of sleep bago ako sumabak sa trabaho sa isang linggo.
Tutulog pa sana ako pero biglang umatungal ang sikmura ko. Gutom na ako. Great!
Bumangon ako at dumeretso sa C. R. para mag-ayos ng sarili.
Sa ibaba na lang ako kakain, ayokong magpa-room service. Dagdag na naman yun sa hotel bills ko.
Nagsisipilyo ako nang marinig na nag-ring ang phone ko. Inisip kong si Thurstin yun. Nagpaalam kasi ang lalaki na uuwi muna sa Probinsya nila para mabisita ang pamilya. Babalik siya next week bago ang flight namin.
Tatlong beses na nag-ring ang cellphone ko. Hindi kasi agad ako lumabas ng CR.
"Eto na. Eto na," sabi ko sa hangin bago dinampot ang cellphone na nakapatong sa nightstand.
Natigilan ako nang makita ang pangalan ni Nicky. Akala ko pa naman si Thurstin. Sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
"Cole, thank god!" bulalas ni Nicky.
"Bakit? Napatawag ka?"
"Cole, I need your help!" may urgency sa tinig na sabi ni Nicky.
"Why? What happened?!" nabahala agad ako at kinabahan.
"I need your recipe of Adobo! Yung tinuro ni Mommy sayo!"
Wuuut?
"Eh kasi kahit anong gawin ko, feeling ko hindi gusto ni Bennet yung niluluto ko. Like hell, I dunno how to cook! How am I supposed to know his type of food?!"
Napabuntung-hininga ako. Adobo lang pla ang pinoproblema niya.
"I can email that to you, Nicky. No need to worry," sabi ko.
"Complete recipe?"
"Yes."
"Thank you!" halatang excited si Nicky. Binabaan niya agad ako ng cellphone.
Psh! Ni hindi man lang niya ako kinumusta. Kung aalis na ba ako papuntang buwan o ano. Sabagay, noon pa naman. Basta involve si Bennet nakakalimutan ako ng kakambal ko. We just communicate through emails.
I'm salty about it, but I can't say anything.
Nagbihis ako at bumaba sa ground floor ng hotel. Gutom na talaga ako. Gusto kong kumain ng lugaw. Lugaw. Lugaw na maraming bawang at sibuyas. Crap I need that.
Nalalaway ako isipin lang yung mainit na lugaw sa bowl. May toppings na boiled egg at chicharon.
Mmmm.
Sana may lugaw sa menu ng hotel na 'to. Kung wala, magsara na lang sila!
----
Bennet POV
A middle-age man suddenly appeared at the door of my office. I never saw him before. He got this soft demeanor on his face that tells me he's a kind and goodhearted man.
"Good afternoon, Mister Leofwin," bati ng lalaki. "I'm Attorney Ben Carlos from Office of Civil Registration!"
Tumayo ako at nakipagkamay sa lalaki. "Pleasure to meet you, Attorney."
"The honor is mine, Sir."
I looked at Fuji, anyong palabas na siya ng opisina kaya tinawag ko siya. "Where are you going?"
"Outside," sagot niya. "Well, I don't meddle on my friends marital affair you know."
Umismid ako pero hindi ko na siya pinigilan nung lumabas siya ng opisina.
Tumingin na lang ako sa Attorney na may hinahalungkat sa attaché case na dala niya. Medyo nagtataka talaga ako kay Fuji. Sinabi ko siyang imbestigahan si Nicky pero heto ata isang officer mula sa Civil Registrar ang ipinadala niya. I dunno what he's thinking. That guy.
"Did Mister Fuji contacted you?" tanong ko sa lalaki.
Ngumiti ang attorney. "Ah yeah. But he really didn't need to do that, I was really about to call your office to get appointment. I need to ask you about things," aniya.
Inilatag ni Attorney Ben ang ilang papeles sa harap ko.
"Naalala ko nga na may concern daw kayo tungkol sa marriage certificate namin?" sabi ko.
Tumango ang lalaki, medyo kunot ang noo niya.
"Where's your copy of marriage certificate, Sir? May I ask?"
"Hmmmm. Sa pagkakatanda ko, ang Legal Adviser ng company ang nagtabi noon. After the marriage, I specifically ordered him to have it registered at Local Civil Registrar," sagot ko.
Tumango-tango muli ang lalaki. "Yeah. We got the copy," sabi niya. "And where's the original now?"
Natigilan ako. Nasaan na nga ba yung original copy ng MC namin ni Nicky.? "I think it was filed as RedSphere's Legal Paper," sagot ko.
Napakamot si Attorney Carlos. "Sir, hindi company property ang marriage certificate. Kayong mag-asawa ang may-ari nun. You can't treat it like that."
Er. Guilty. Well, para sa akin kasi business ang pagpapakasal ko kay Nicky. Pero siyempre hindi ko pwedeng sabihin yun sa lalaki.
"I'm sorry, I'll get it right away."
"Nevermind, Sir," anang lalaki bago inabot sa akin ang isang papel. "Kopya ito ng marriage certificate niyo ni Miss Nicky Alphonse," paliwanag niya.
Kinuha ko ang papel at tiningnan yun. Oh. Okay. Ganito nga pala itsura nito. Sorry. Noong pumirma ako noon sa simbahan, ni hindi ko ito binasa o tiningnan.
"There's a little issue about that piece of paper, Mister Leofwin," sabi ni Attorney Carlos at blangko ko siyang tiningnan.
"Like what, Attorney? I mean, kompleto naman ang pirma dito so anong pwedeng maging problema?" tanong ko.
"Yun ang problema, Sir. Yung pirma," sagot niya sabay turo sa signature ni Nicky.
Lalong Kumunot ang noo ko. "What could be the problem for Nicky's signature?" tanong ko.
Pinakita ulit ng lalaki ang dalawa pang papel. "This is the copy of marriage license you've acquired from before. Yung pirma dito ni Miss Nicky ay parehas sa Marriage Certificate pero ang problema ay nandito."
Tinuro niya yung isa pang papel, Identification from Social Security System, receipt copy ng PSA Certificate of Live Birth at Voter's ID.
"Magkaiba sila ng pirma!" diin ng Attorney.
Pinagmasdan kong maige ang mga papeles. Totoo, ibang pirma ni Nicky sa SSS at PSA ang ginamit, hindi katulad noong nasa Marriage Certificate at Marriage License.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko.
"Well its either nagbago ang pirma ni Miss Nicky, o... ibang tao siya."
Natigilan ako.
Nang matagal.
My heart suddenly pound like hell, my blood rush inside me I feel like I was about to burst. But I can't. So I remained shock.
"W-what?!"
I know... may hint na ako na iba siyang tao. Pero ang marinig yun sa katotohanan ay tunay na nakakagulat. I was expecting the knowledge, but when I heard the theory suddenly I'm terrified.
It could be real. Nicky must be truly a different woman.
"You mean, I probably married a fake Nicky or...?
Bahagyang ngumiti ang Attorney. "Probably.."
"Is my marriage consider null and void?"
Sumaltak ang lalaki. "Well, ayon sa batas, ang itinuturing na walang-bisang kasal ay yung walang pirma ang marriage certificate. In your case, may pirma yun... iba nga lang ang nakapirma."
"Valid pa rin ang kasal namin?"
"It is valid... pero iba ang usapan kung ibang tao ang pumirma doon sa pangalan na hindi kanya."
Ano? Ibig bang sabihin, hindi nga si Nicky yung pinakasalan ko?
"So I married a different woman," sabi ko. My head is a mess. Pakiramdam ko ay magkakamigraine ako bigla.
"It is beyond my power, Sir pero dahil na-curious ako sa kaso niyo, Medyo nakialam na ako," anang Attorney na muling naghalungkat sa attaché case na dala niya. "And here is what I found, sana hindi kayo magalit sa pakikialam ko."
Inilapag ni Attorney Carlos ang isang photocopy ng passport. May picture yun ni Nicky... medyo magulo lang buhok at mukhang haggard.
"Oh passport ni Nicky?" sabi ko.
"No Sir," iling ng lalaki. "Just look at the name."
And so I did. Tiningnan ko ang pangalan na nalasulat sa passport at doon... tumigil ang mundo ko.
"Cole Alphonse?" bulong ko. Nanunuyo ang lalamunan ko at parang lalabas ang puso ko sa bibig ko sa lakas ng kabog nito.
"That's Cole Alphonse, Nicky's identical twin," turan ng lalaki. "Look at the signature on her passport."
The signature?
Yeah. It's the same. Same nung nasa Marriage Certificate!
Cole Alphonse... was my wife?
-dug dug-