CHAPTER 56 be this close

Cole POV

Kapag nagbibyahe, ako yung tao na hindi agad napapagod. Kasi lagalag ako. Sanay na yung katawan ko sa kahit anong ride. Malapit man yan o ubod ng layo.

Pero sa pagkakataong ito, pakiramdam ko eh wala akong lakas.

Seven o'clock ng gabi nang makabalik ako sa Verona. Halos wala ako sa sarili. Tulala lang ako, buti nga at hindi ako naakasidente.

Hindi agad ako dumeretso sa bahay ni Bennet sa District 6 kasi alam kong late ang uwi ng lalaki galing trabaho. Dumeretso ako sa District 5 at tumambay muna sa Parke, dun sa may estatwa ni Verona Courlander. Umupo lang ako dun at nagmasid sa paligid.

I just want a breather. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makahinga. Mayat maya ang buntong-hininga ko. Pero may mabigat na nakadagan talaga sa dibdib ko. It's permanent, I guess. Hindi na siya natanggal.

Ah. Good lord.

I'm leaving.

Aalis na ako sa poder ni Bennet. Babalik na sa dati kong buhay. I should be happy. Dapat nagtatatalon ako sa tuwa. Dapat sobrang saya ko, because finally I'll be Cole once again!

Pero bakit? Bakit ambigat? Bakit ansakit?

God, I must be crazy.

Yeah. Crazy in love with Bennet.

This is rubbish! This needs to stop. Walang kahahantungan ang nararamdaman ko. Kasi para kay Bennet, my feelings are not real. Nonexistent. It was nothing.

Craap!

Gusto kong umiyak, pero kahit yun ay hindi ko magawa. Mas... natataranta yung damdamin ko. Hindi alam ang uunahing gawin. Ah. This is crazy. Ayoko nang ganito.

Tumingin ako sa paligid. The park was brightly lit with golden light. Malinis ang buong Parke at marami ring puno at halamang namumulaklak. Walang masyadong tao. Siguro kasi nasa District 2 lahat sila.

Tumanaw ako sa tapat ng Parke at nakita ko ang pagkalaki-laking Capitol Building. Ang sentro ng kapangyarihan ng Verona. Alam kong sa building na yan namumuno ang kapatid ni Bennet na si Lord Castor Leofwin. Ang father ni CiN.

Just look at the power the Leofwin exudes. They're gods. Sobrang taas nila na halos di na sila maabot ng mga ordinaryong tao.

Tulad ko.

Sa uri ng trabaho ko... alam ko, alam kong imposibleng imposible na makasalamuha ko si Bennet. Malabo yun. He's the north, I'm the south. Technically, we're opposite. Kaya yung pangyayari sa min ay isang napakalaking fluke sa history. At dahil kay Nicky kaya nangyari yun.

Dapat siguro ipagpasalamat ko na rin na dahil kay Nicky, nakilala ko si Bennet. I'm able to gained memories of him kahit walang kami.

Haaays.

Cole, move on. Yun na lang. Move forward just like what you always do. Punta ka na ulit gubat! Doon ka na lang magpa-party.

Hooray!

Umihip ang malamig na hangin at nanuot yun sa balat ko. I was shivering, pero hindi ko ininda ang lamig. Nanatili akong nakaupo sa bench. Nagpalipas ng oras sa pagmumuni-muni.

Hanggang biglang may tumigil na kotse sa tapat ko at mula doon ay umibis ang lalaking nagpapakabog ng dibdib ko.

"Nicky!"

Si Bennet. In all smile.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakaupo dyan?" tanong niya.

Tumingin ako sa kotseng binabaan niya, mukhang wala siyang kasamang bodyguard o assistant.

"Mag-isa ka lang? Where'er your secretaries?" tanong ko.

"Pinauwi ko na. I drove by myself. Sagutin mo tanong ko. Anong ginagawa mo dito na nag-iisa?" medyo kunot na ang noong tanong niya.

"Wala. Pumunta kasi akong District 2, gumala lang. Tapos napagod ako. Kaya ayun nung napadaan ako, naisipan kong tumambay dito," sagot ko. "Bad trip nga eh!"

"Bakit?"

"Eh kasi kanina pa ako naghihintay ng dadaang vendor ng kwekkwek at fish ball, wala naman kahit isang dumaan! Parada lang ng langgam ang nakita ko."

Tumawa si Bennet at parang hinaplos nun ang puso ko. Hindi ko na makikita at maririnig pa ang tawa niya. Sad.

"Baliw! Walang ganun dito sa Verona!"

"Wala? Wala?! Hay naku, walang kwenta pala tong siyudad niyo eh, weak! Weak!" ismid ko.

Bennet laughed heartily as he took my hand and cling it to his arms, napatayo tuloy ako. Inipit ni Bennet ang braso ko sa gilid niya at hinila ako.

"Tara wife, lakad-lakad tayo," ani Bennet.

Ngumiti ako. "Sige ba!"

Naglakad kami sa trail nung Parke. May sidewalk kasi talaga na designated para sa mga naglalakad. Tumingin-tingin ako sa paligid tapos minsan tumitingala ako kay Bennet at tinititigan ang sideway niya. He seems to be smiling. And felt contented.

"Kamusta meeting mo sa Manila?" tanong ko.

Nasa gilid kami ng maliit na lawa. May mga swans na lumalangoy sa gitna. Iba talaga ang Verona. Sosyalen.

"Okay lang. It went fine. Hindi naman ako nahirapang makipagdeal sa mga Aizawa, thanks to the Gunford. Ah! Nakalimutan ko, may tumawag pala mula sa Civil Registrar Office..."

"O?" Civil Registrar? Yung nangangasiwa ng lahat ng legal documents ng bawat individual.

"I think... isesend na nila yung original copy ng marriage license natin," sabi ni Bennet.

Medyo napakunot ang noo ko. "Marriage license? You mean... legal yung kasal natin?"

Natigilan din si Bennet tapos umiwas siya ng tingin pero hindi niya binitawan ang kamay ko. "Of course! I don't do illegal things. Kahit marriage pa natin to, legal 'to!" pasikmat na sagot niya.

Napakamot ako.

Anong problema niya? Bakit siya nagagalit? Nagtatanong lang eh.

Umismid ako at muling tumanaw sa lawa. Hmp! Si Nicky na ang bahala sa marriage certificate nila. Tutal kanila naman yun, proxy lang ako. Peyk.

"Bukas..." mayamaya'y sabi ni Bennet. Hinila niya ulit ako at naglakad naman kami papunta sa dako ng Parke na maraming puno.

"Ano bukas?"

"Bukas na ang anniversary party ng GTE. Remember yung suggestion mo? 'Yung zombie game chase? Bukas na mangyayari yun!" medyo passive na sabi ni Bennet.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. "Totoo?!"

Tumango si Bennet. "Yeah. Dito sa Verona, sa District 3. In-inform ako ni Fuji na invited daw tayong dalawa ni President Gunford. Aasahan niya daw na sasali tayo sa laro."

Tumawa ako. Akalain mong sinunod talaga ng matandang hukluban na yun ang suggestion ko. May saltik din sa utak si President Gunford.

"So sasali tayo?" tanong ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Bennet. "Ayoko sana eh. Kaso kung sasali ka sasali na din ako. I mean, I need a little spice in my life once in a while."

Hahahaha! Timang si Bennet!

"Pft! Tingnan natin ang tapang mo bukas, Devoncourt! Baka mahimatay ka pag nakikita ka ng Zombie na hahabol sayo!"

"Of course not!" indignant na sagot ni Bennet. Nanlalaki ang butas ng ilong niya sa pag-iling. Pinigilan kong tumawa dahil baka mapikon siya. Iba pa naman mapikon ang lalaki. Lifetime. Haha!

Nang magsawa kami ni Bennet kakalakad eh bumalik na kami sa tapat ng estatwa ni Verona Courlander. Binasa ko yung nakasulat dun sa marker ng estatwa.

"Verona Courlander, guide us there from heaven... as in the star your spirit wander."

"Let's go home," aya ni Bennet. "Dun ka na sumakay sa'kin."

Lumingon ako kay Bennet. "Paano yung Audi ko, I mean Audi mo, na ginamit ko?"

"Iwan mo lang dyan. Hindi yan mawawala."

Wuuutt?! For real?! Wala bang magnanakaw sa Verona?

Sinunod ko si Bennet at doon ako sumakay sa ginamit niya. He drove for us. At tahimik siya habang nagmamaneho. Siguro pagod din sa maghapon si Bennet. Hindi naman siya robot na walang kapaguran.

Pagdating sa bahay, nagluto agad ako ng pagkain na hapunan namin. Nilagang baka, recipe ni Mama noon. Hindi ako expert sa masabaw na pagkain kaya medyo nag-aalala ako na baka hindi magustuhan ni Bennet.

Pero nakahinga ako nang maluwag nung mag-thumbs up ang lalaki. He said it was good. Akalain mong natsambahan ko yung luto ni Mama. Hindi naman talaga ako ganun kagaling magluto. Ako ay taong nabubuhay sa de-lata at instant noodles.

Haha!

Kaso... babalik na ulit ako sa ganung buhay. Pag umalis na ako bukas... no more cooking for me. Hindi ko na maipapagluto si Bennet pa.

Nabalot na naman ng lungkot ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Just the thought of it pained me. Natitigilan ako sa kawalan.

Nahuli kong nakatingin si Bennet sa'kin. Matiim ang titig niya tipong binabasa niya ang laman ng utak ko. Tapos humugot siya nang malalim na hinga at nag-iwas ng tingin. Tatanungin ko sana siya kung anong problema pero pumasok siya agad sa loob ng kuwarto niya matapos sabihing "Let's just sleep."

Nakita kong sinara ni Bennet ang master bedroom. Mukhang gusto niyang mapag-isa. May problema nga kaya siya? O baka... ako yung problema niya.

Tsk.

Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at inihanda ang mga gamit ko. Inayos ko yung maleta ko at hinalukay yung mga travel documents na kailangan ko sa pag-alis.

Nagpa-book na rin ako ng flight papuntang London. Yung working visa ko, wala namang problema dun. Siguro dapat ko na ring tawagan si Mr. Anderson para sa susunod na project.

Great!

Nung gumising ako nang umaga, wala na si Bennet. Mukhang nakaalis na siya. It feels empty na hindi ko siya inabutan. At medyo masakit na hindi niya ko hinintay magising.

Is this how the feeling of being left out?

Forget it, Cole. You'll be gone anyway. Anong pinagmumukmok mo dyan?! Isa pa, bipolar yun si Bennet diba? Daig pa ang weather sa Jupiter sa bilis magbago.

Haaays.

By seven o'clock tumawag si Fuji, susunduin daw niya ako. Utos daw ni Bennet. Punta daw kami sa District 3 kung saan gagananapin ang Annual Anniversary Event ng GTE.

Umoo na lang ako. Nung mawala sa linya si Fuji ay naghanda na lang ako. I just wore a simple white polo shirt, blue jeans and rubber shoes. Yun kasi ang sabi ni Fuji. Wear something casual daw.

After a time nakarecieve ako ng text message, akala ko si Fuji pero hindi pala. Ang kakambal ko ang nag-text, si Nicky.

She's just checking on me. Tinatanong kung ready na ako na magpalit kami. I replied 'Yes, but let's do it at midnight. Yung tulog si Bennet.'

Pumayag naman si Nicky. So there you go, at midnight... mawawala na ako nang tuluyan. Just like a bubble about to burst. I'll be out in Bennet life.

Huminga ako nang malalim, saktong dumating na rin si Fuji so inayos ko ang expression ng mukha ko.

Binati ko si Fuji nang lumabas ako ng gate. "Ola Fujima! How's Georgie?"

Tumaas ang kilay ni Fuji. "Ako yung binati mo pero si George talaga yung kinumusta mo? How weird is that?"

Tumawa ako bago sumakay sa tabi ng driver's seat. "Well because I can see you fine. Kaya siya na lang ang kinumusta ko!"

Sumaltak si Fuji bago pinaandar ang sasakyan.

"Kakaiba ang logic niyong magkaibigan. Ganyan ba kapag pinapadala sa giyera, nagiging baluktot ang logic?"

Hahaha!

"I don't know. Si George ang madalas na war correspondent. Ako? Mas gusto ko sa gubat---"

"Yeah at doon sa mga bulkang sumasabog. Sabi ni George trip na trip mo daw yung mga extreme adventures. Mas mapanganib mas okay."

"Tama."

"Baliw kayo."

Tumawa ulit ako. Nakakatawa ang expression ng mukha ni Fuji. Gusot na gusot ang mukha niya.

"Actually, babalik na ulit ako sa trabaho ko," sabi ko sabay tingin deretso sa kalsada.

"Why?" tanong ni Fuji.

"We're going to switch. Me and Nicky."

Natahimik si Fuji. It seems like, inaabsorb niya yung balitang sinabi ko.

"Its for the better. Isa pa, si Nicky naman talaga ang dapat na nasa pwesto ko," dugtong ko.

"Pero ang tanong, gusto mo na din bang iwan si Bennet?" tanong ni Fuji.

Nakita kong paliko na kami sa intersection ng District 5. Yung tapat ng Capitol Building.

"Gusto ko nang bumalik sa gubat. Hindi sa ayaw ko dito pero... hindi dito ang buhay ko, Fuji. I don't belong here. No matter how I fit myself in, sa huli hindi pa rin ako nababagay sa tabi niya," sagot ko. In all honesty, galing sa puso ang sagot ko. "Bennet and I, we're not meant to be together."

"Sinong may sabi?" patuyang tanong ni Fuji. "Matapos mong lokohin si Bennet, aalis ka dahil lang ayaw mo na? That's a bit unfair, Cole. Ikaw at ang kakambal mo, you are both unfair."

My heart sting with what I hear. Tama si Fuji. Alam ko namang unfair para kay Bennet ang pangyayari.

"Alam ko, Fuji. Alam ko. Pero anong magagawa ko? This is how things should go. Anong gusto mong gawin ko? Aminin o kay Bennet ang totoo?"

"Yeah. Pwede. Try it."

Umiling ako. "That's rubbish. Magagalit siya, masasaktan."

"Naduduwag ka lang, Cole. Kahit saang anggulo mo tingnan in the end si Bennet ang biktima. Si Bennet yung magagalit, yung masasaktan. So why not do it now? Parehas na resulta pero at least sayo nanggaling at hindi sa iba."

Umiling-iling ako. "No. Nah. I can't. Hindi ko kaya."

Muling humugot ng hininga si Fuji nang tumingin sa akin. "Parehas na parehas kayo ni Georgessa ng ugali. Ang tatapang niyo sa maraming bagay. You can go to war, to edge of earth, to seven seas pero yung puso niyo ubod ng duwag. Lalayo para matakasan ang sakit. That is the true rubbish, Cole."

Bumabaon sa utak ko yung mga sinasabi ni Fuji. Gusto ko siyang palakpakan dahil saktong sakto yung sinabi niya. Swak sa balde. Totoo. Yun talaga ako.

"Pero hahayaan kita sa desisyon mo, not because you're George bestfriend but because I don't want Bennet to feel left out..."

Itinigil ni Fuji ang sasakyan saka ko lang napansin na dumating na pala kami sa District 3. Madaming tao sa paligid.

"But I want to warn you Cole," Fujima looked at me with fierce Japanese eyes. "Hindi ganun ka-dense si Bennet. He can tell the difference between X and Ys. He's a math genius!"

Pagkasabi ni Fuji nun ay bumaba siya ng kotse. Naiwan akong natitigilan.

Anong kinalaman ng math sa amin ni Nicky? Ang weird din pala ni Fuji eh.

Bumaba ako ng kotse matapos ang ilang minuto. Hindi ko na nakita si Fuji. Humalo na siya sa karamihan ng tao.

So, ito pala ang District 3. Naalala kong sinabi ni Bennet na ang District 3 ay ang dating business district ng Verona pero nung maitayo ang District 2, naging abandonadong lugar ang District 3. Forbidden din daw ito at may dub bilang "Black District".

Malaking distrito ang District 3. Maraming building na Mukhang abandonado na. May pier din na tila hindi naman ginagamit. Sa bandang dulo ay may gubatan. Maraming puno akong nakikita.

Well I can say na bagay nga dito yung Zombie Outbreak Game na naisip ko. Okay maghabulan sa lugar na to.

"Cole! Dear!" nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko kaya pumihit ako sa gilid ko. Para lang makipag-eye-to-eye sa isang diyablo.

"Benedict," walang ganang sabi ko.

"What a cold welcome!" reklamo ng lalaki.

Nakawhite polo shirt din si Benedict. At walking short. Sa ulo niya ay may nakapulupot na panyo. Siguro para di sumabog yung buhok niya. He's still handsome. Pero ayoko pa rin sa kanya.

May hawak na yellow flag si Benedict.

"Sasali ka sa game?" tanong ko.

Tumango si Benedict. "Yeah. Mukhang masaya magpahabol sa Zombie eh. Bihira mangyari to so sasamantalahin ko na."

Tipid akong ngumiti. Benedict, Bennet... pareparehas sila. Napapasaya ng maliit na bagay.

"You smiled," ani Benedict. "Papayag ka nang makipag-date sa 'kin?"

"You wish, Benedict! Kapag naging tsonggo ka na, baka magkapag-asa ka pa!" sagot ko.

Biglang tumawa nang malakas si Benedict. Naglingunan tuloy ang ilang dumadaan. Eskandaloso ang paraan ng pagtawa niya eh. Tawag-pansin.

To my horror, nakita ko si Benedict sa di kalayuan. Nakatayo malapit sa isang makeshift tent. At masama ang tingin niya sa amin ni Benedict.

Kumabog ang puso ko. He looked at me coldly but after time, umiwas siya ng tingin at naglakad palayo.

Galit ba siya sa 'kin? Kagabi ko pa naramdaman na biglang nagbago ang turing niya. He even closed the door of his room. Tapos umalis siya nang hindi nagsasabi sa kin.

Was he mad?

Ano namang dahilan?

"Oh man, you're husband's mad," saltak ni Benedict. Nakatingin din siya sa papalayong si Bennet. "May topak talaga yung lalaking yun."

Tiningnan ko lang si Benedict tapos iniwan ko siya. "Oi! Saan ka pupunta?" tawag ni Benedict.

"Sa lawa! Magpapakalunod! Sasama ka?"

Ngumiwi si Benedict at matapos kong marinig ang salitang 'baliw' mula sa kanya eh tumalikod na siya. Tsh!

Dumeretso ako dun sa may sign ng "STARTING LINE". May mga tao na doon na nakahanay para sa karera. They're bustling with excitement. Halatang mayayaman ang mga tao at excited sila sa mangyayaring zombie chase.

"This would be my first time to joined fun run like this!" sabi ng isa.

"Ang gagawin lang natin at tumakbo hanggang finish line na hindi naaabutan ng zombie o nakukuha yung flag natin diba?"

"Yeah. Yeah. That's correct."

"I'm excited!"

Napangiti lang ako. Then nawala ang ngiti ko nang makita si Bennet na kausap si Caroline. They were standing behind the line, close to each other while laughing lightly.

Kumulo agad ang dugo ko. At gustong magwala ang dinosaur sa loob ko. Pero... hindi na ako nag react. I just stared at them with aching heart. I have no right to feel broken. I'll be going, remember? I'll be gone at midnight.

Umiwas ako ng tingin at umupo sa isang gilid. Pero biglang may humiklas sa braso ko, when I turned to look nakita ko si President Gunford.

"Come with me, Mrs. Leofwin!" masiglang sabi ng matanda.

Iba ang aura ni President Gunford. Mukhang masaya siya. Simpleng polo shirt, black pants at rubber shoes lang din ang suot ng matanda. At may cute na bandana siya sa ulo gaya ni Benedict.

Hila-hila niya ako hanggang marating namin ang tent kung saan ko nakita si Bennet kanina.

"Here! Here!" anang matanda. "I want you to meet someone!"

eh?

"Ms. Pola!" bati ni President Gunford sa isang babaeng may hawak na board.

"President!"

"Here! Meet Mrs. Leofwin! She's the one I told you who suggested this event to happened!" nakangiting sabi ng matanda.

"Really?!" anang babaeng tinawag na Ms. Pola. "Nice to meet you! I'm Pola, head organizer of Manila Outbreak."

Napamulagat ako. Siya yung organizer nung Manila Outbreak?! Yung sikat na Zombie Running Game noon.

"Wow!" sabi ko. "Kayo pala yun!"

"Yeah. At nagulat din ako na tinawagan kami ng head ng Gunford Foundation para mag-organize ng ganito para sa kanila. Turn out, it was your suggestion. Thank you so much!"

Ngumiti ako. "It was nothing. Your event was fun!"

Nakangiti si President Gunford nung bumaling ako sa kanya. "Have you eaten your breakfast yet?" tanong ng matanda.

Tumango ako, kahit hindi. "I'm all set."

"Medyo malayong takbuhan ang gagawin," ani Ms. Pola. "So dapat may lakas ka. Yung mga zombies, nakakalat na sila sa buong District 3 so watch out for your brain!"

Inabot ni Ms Pola sa akin ang flag. "Ingatan mo yan hanggang finish line."

Inaya ako ni President Gunford sa starting line. Magsisimula na daw ang karera. Sobrang dami ng tao. Mukhang kahit yung mga mamamayan ng Verona eh sumali sa karera. I can see bunch of teenagers and kids chattering in excitement. Lahat may yellow flag.

Hinanap ng mata ko si Bennet, at nakita ko siya sa tabi pa rin ni Caroline. Bumuntung-hininga na lang ako. Maybe he had no intention of talking to me. Sad. I don't even know why.

Nakita kong umakyat sa stage si President Gunford kasama si Ms. Pola. Mukhang uumpisahan na ang laro.

"Good day, everyone!" bati ng matanda. "Are you all excited?!"

Nagsigawan ang mga tao.

"Are you ready to be eaten by zombies?!"

Tawanan ang lahat.

"Anyway, before the start of game you had to know the rules! I'm going to pass the stage for our Miss Organizer!" pinasa ni President Gunford ang microphone sa babaeng kalapit.

"Let me set a few things, guys," nakangiting sabi ni Ms. Pola. "Out there are zombies!" turo niya sa kalakhan ng District 3. "Each zombies has the intention of taking away your flag. Kapag nakuha ng zombie ang flag niyo, disqualified na kayo. But here's a thing, yung mga zombie may flag din sila. Red flag. Kapag nakuha niyo yung flag nila, it means hindi ka aatakehin o hahabulin ng zombie na yun. You are invisible with his eyes. Ang makarating sa finish line na may pinakamaraming red flag, yun ang winner!"

Naghiyawan ang mga tao. Mukhang nagustuhan nila ang mangyayari.

"You're all going to run in pair. So go get your partner!"

Huh?! Partner! Kailangan may partner!

Tumingin ako sa paligid. Kanya-kanyang hanap ng partner ang mga kalahok. I was looking for Bennet but it seems like he already found a partner. Si Caroline.

Sa di kalayuan ay pinagkakaguluhan ng mga babae si... Lukas? Sasali din pala ang isip-batang yun.

"Partner tayo, Mrs. Leofwin!" nakangising bulwag ni Benedict sa kin. Pero may humiklas sa tenga niya.

"I'm her partner!" agaw ni President Gunford. "Get lost, Benedict!"

Napatawa ako nang sumimangot si Benedict bago umalis.

"Is it okay? We'll run together? Don't worry, I maybe old but I'm a fast runner!" anang matanda.

"No problem, Sir!" sabi ko.

Muli akong lumingon kay Bennet. Nakahawak ang kamay niya sa braso ni Caroline. Mukhang naghahanda silang tumakbo.

Nag-iwas ako ng tingin. Hinihiling ko na sana totoong may Zombie sa District 3 at sana una nilang kainin si Caroline.

Tsh!

Cole POV

"On the count of three!" narinig kong sigaw ni Miss Pola mula sa stage.

"President!" tawag ko kay President Gunford na nakatalikod sa 'kin at tinatanaw ang kung sino. Nung sundan ko nang tingin, si Caroline pala ang minamasdan niya. "President!"

Lumingon ang matanda sa 'kin.

"We're about to start!" sabi ko.

"Ah yeah!" anang matanda bago hinawakan ang kamay ko.

Yeah, you read it right. Nakipag-holding hands talaga ang matanda sa 'kin.

"I was wondering, why is your husband there and being a partner to somebody? You two should be partner!" taas-kilay na sabi ng matanda.

So kaya pala nakatingin si President Gunford kina Caroline. Nagtataka pala siya kung bakit yung anak niya ang kasama nung "asawa" ko.

"For a change, Sir," sagot ko na lang. Ayokong masyadong magkomento.

"ONE!!!" sigaw muli mula sa stage.

Humanda kami ng matanda sa pagtakbo. Itinali ko sa bewang ko yung flag para hindi maging hadlang sa pagtakbo ko.

Muli akong lumingon sa gawi ni Bennet. At medyo nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Particularly, doon sa kamay ko na hawak ng matanda.

Kita kong kumunot ang noo ni Bennet. At nagtiim-bagang siya bigla bago umiwas nang tingin.

"It seems like your husband doesn't like me holding your hand," nakangiting komento ni President Gunford. "His eyes are fiercing straight through me."

Umikot lang ang mata ko.

"Well, he shouldn't let go of my hand if he doesn't like it. But he did, so its fine," sagot ko.

"TWOOOO!!"

Tumingin ako sa unahan. Walang sign ng zombies sa buong District 3. Siguro nagtatago sila. Gusto kong makarating sa finish line pero mukhang mahabang takbuhin ang gagawin ko.

Ayoko na munang intindihin si Bennet at ang kung ano mang pinag-iinarte niya. Kung ayaw niya akong pansinin, fine! Aalis na ako mamaya. Hindi ko na siya dapat pakialaman pa.

Tsh!

"THREE!"

Nagkaroon ng malakas na ugong mula sa sound system. It was an alarming sound, nagulat tuloy ako. Pero mabilis kong inihakbang ang mga paa ko bilang reaksyon.

"PRESIDENT!" sigaw ko dahil bahagyang naiwan pa ang matanda. Mabilis naman siyang nakabawi. Sumunod din agad siya sa akin.

Marami kaming kasabay sa pagtakbo. Nagsisigawan pa ang iba dahil sa excitement. Everyone run in pair. Isa kami ni President Gunford sa unang nakarating sa pinaka-starting point ng race. Ang malaking building malapit sa port.

May mga zombies na agad ang nag-aabang sa kabilang panig. Medyo kinilabutan pa ko nang matanaw ang isa sa kanila. Grabe parang totoong zombie ang nakikita ko. The makeup and prosthetics they used are first class. Yung mga lamang tila naaagnas at ang mga dugo. They looked very realistic.

GOODLUCK KAY BENNET! BWAHAHAHA!

Speaking of Bennet, hindi ko na siya nakita. Humalo na siya sa karamihan ng tumatakbo kasama si Caroline.

Tumigil kami sa pagtakbo ng matanda. Tumingin pa sa akin si President Gunford. "Why did we stop?" tanong niya.

Tinuro ko ang main road kung saan tumakbo ang maraming kalahok. "They'll be expecting us to run over there. Zombies are scattered all over that area. We better take a detour," sagot ko.

Nakita ko nga ang pagsulpot ng malaking grupo ng Zombies mula sa loob ng isang building. Marami sa mga runner ang nakunan agad ng flag.

"See?"

Tumango ang matanda. "Then where are we going to---"

"Over there," turo ko sa bahagi ng District 13 na pabundok at maraming puno.

"Are you sure?"

"Yeah."

Hinila ko ang matanda at tinakbo namin ang maliit na eskinita papunta sa paanan ng gubat.

Pansin kong malalaki ang puno doon. At masukal din ang lugar. Pataas ang terrain at marami ring malalaking bato.

Inalalayan ko ang matandang lalaki pag daan sa mabatong bahagi. Tapos nang medyo makarating kami sa patag ay saka lang kami muling tumakbo.

Humahalo sa hangin ang malakas na sigawan ng mga kalahok. Mukhang marami-rami na agad ang natanggal sa karera. Expected ko nang libong zombies ang pinakalat sa District 3 kaya magiging mabilis ang laro.

Deretso lang kami ng matanda sa pagtakbo sa gubat.

Nang mapansin kong hinihingal ang matanda ay tumigil kami sa pagtakbo at inaya siyang magpahinga.

"Water," inabot ko sa matanda ang bottled water na dala ko. "Let us rest a bit."

"Woman! You seemed to be familiar with terrains of mountains like this!" anang matanda. "I mean you know how to navigate on places as forest!"

"I used to work as wildlife photographer, Sir. So its my job to adapt to nature," sagot ko sabay ngiti.

"Wildlife photographer? But I heard you're a supermodel?" kunot-noong tanong ni President Gunford.

Umiling ako. "I'm not. Never been. Haha! They mistook me for my twin," sagot ko.

Pusa! Huwag niyo na akong pigilan na sabihin ang totoo. Ilang oras na lang naman ang nalalabi sa 'kin.

"So you have a twin."

Tumango ako bago tumayo. "Ah. We should go now, there's still a chance to win--- WATCH OUT!!" sigaw ko.

Bigla ang pagsulpot ng dalawang zombie sa likod ng isang puno. Aktong dadakmain nila si President Gunford, pero mabilis kong nahila ang matanda.

Tumakbo kami pero humabol sa amin ang dalawang Zombies.