CHAPTER 55

Bennet's POV

Sumilip ako sa bintana ng kotse, umaambon na naman pala. Hindi ko napansin dahil alas-siyete na ng gabi. Ayon sa forecast wala namang parating na bagyo sa darating na mga araw. Kaya nakampante ako na hindi sasama ang panahon.

I looked at my phone and saw that Nicky got a missed call. Tinawagan ko siya agad para sana itanong kung nasa bahay na siya pero hindi siya sumagot.

Ano kayang nangyari sa babaeng yun? At bakit siya tumawag?

Napatingin ulit ako sa labas ng bintana ng kotse nang tumigil ito. Saka ko lang narealized na nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Sir, we arrived at your house already," anang driver.

"Yes. Thank you. What's my schedule for tomorrow?"

"Sir, you've got an early meeting with the Sanazuki tomorrow, eight o'clock at Sta. Rita Valley Golf Club. We'll be here at seven. After that, the President of Indonesia will expect you at Manila Hotel by afterlunch."

Tsk! Loaded na naman pala ako bukas. I wonder when can I get my well-deserve vacation?

"All right," tugon ko lang bago lumabas ng kotse. May nakahanda agad na payong ang isa sa mga assistant ko, pero kinuha ko yun. "You guys should go home, too!" taboy ko sa mga tauhan ng RedSphere. "Baka abutan pa kayo ng ulan!"

Hinayaan ko munang makaalis ang mga tao ko bago ako pumasok sa maliit na gate.

At muntik pa akong magulat nang makita si Nicky na may hawak na hose ng tubig at... nagdidilig ng mga halaman sa garden.

Hindi ko mapigilang mapakamot sa ulo.

Anong nasa isip ni Nicky at bigla siyang nagdilig... sa gabi... habang umaambon? Nabaliw na ba siya nang tuluyan?

Nakatitig lang si Nicky sa halaman kaya hindi niya ako napansin.

Umiiling akong lumapit sa babae.

"Napasukan ba ng lamig yang ulo mo?" untag ko kay Nicky.

Balewala siyang lumingon sa 'kin bago ngumiti. Kumabog agad ang puso ko dahil sa ngiting yun. "Hello husband! Welcome home!"

Welcome home.

Aaah. Ang sarap sa pandinig.

"At huwag mong pakialaman ang pagdidilig ko sa gabi habang umuulan!"

Tumawa ako bago hinila si Nicky paalis sa garden papunta sa porch. "Ang weird lang kasi, wife."

"Hindi weird yun. Turo yun sa 'kin ni Lola Alberta nung bata pa ako. Mabisang pampabulaklak lalo na sa orchids," sagot ni Nicky sabay kuha sa payong na dala ko at itiniklop yun.

"Imbes na intrigahin mo ako, halika na sa loob at kumain, nakaluto na ako. Adobo, paborito mo!"

Napaunat ako ng likod sa narinig.

Lumingon si Nicky sa 'kin at ngumiti nang nakakaloko. "Oi si husband, pumapalakpak ang tenga sa Adobo---"

"Ano?!"

"Bwahahahahaha!"

Tumatawang pumasok si Nicky sa loob ng bahay. Napatawa na lang din ako bago sumunod sa loob. Grabe. Baliw talaga siya.

"Anong oras ka nakauwi?!" tanong ko sa babae. Natanaw ko siya sa kitchen at naghahain, dumeretso ako sa kuwarto.

"Alas- sais impunto!!" sigaw ni Nicky. "Thank god hindi traffic!"

Hinubad ko ang suot kong suit pati na rin ang polo. At nasa aktong maghuhubo ako ng pantalon nang sumulpot si Nicky sa pinto. "Oi husband, nagbibihis ka?" nanlalaki ang matang sabi ng asawa ko.

"Oo. Gusto mo manood?" ngisi ko.

"Pwede? Libre ba yan? Haha!" tawa ni Nicky

"Walang bayad, basta ikaw," sagot ko.

Pumasok si Nicky sa kuwarto ko at balewalang naghalungkat sa drawer. Tinitigan ko lang siya.

"Maulan sa Maynila, husband. Gusto ko pa sana gumala eh kaso natakot din ako sa traffic," kuwento ni Nicky. "O!" inabot niya sa 'kin ang isang puting sando at gray na cotton pants. "Magpalit ka kaagad. Kakain na tayo."

Inabot ko ang mga damit. "Opo, wife!"

Naglakad naman si Nicky palabas ng kuwarto. "Makalabas na nga ng kuwarto mo, tinutukso ako nung abs mo eh! Di pa naman ako ready. Kanin ang gusto kong kainin sa hapunan at hindi pandesal!"

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Nicky. Hindi ko mapigilan eh. Nakakatawa yung expression ng mukha niya.

"Baliw ka, asawa ko!" sigaw ko dahil nasa kusina na si Nicky.

"Tagal na!" ganti iniyang sigaw.

Haha!

Nagbihis na lang ako at habang ginagawa ko yun eh narealized ko na, okay din naman pala kapag may asawang nag-aalaga sayo. Yung babaeng may handa nang pagkain pagdating mo galing sa trabaho at maging ang damit na isusuot mo eh siya pa ang maglalabas.

It was a warm feeling. So heart-fluttering.

Kapag may babaeng nangangalaga sa bahay mo... hindi na bahay yun. Kundi isang TAHANAN.

"Bennet! Anak ng bakulaw, pumunta ka na dito at gutom na akooooo!!"

Mali.

Isang MAINGAY na tahanan pala.

Cole's POV

The sound of the alarm blustered my ears, nagising ako bigla.

Pupungas-pungas akong bumangon bago inabot yung cellphone sa tabi ng lampshade at pinatay ang alarm.

Five o'clock in the morning. Ang aga pa. Gusto ko pa matulog. Huhu!

Akto akong hihiga nang matamaan ng kamay ko ang isang pigura sa tabi ko. When I open my eyes to look, muntik na akong mapasigaw ng monster.

Si Bennet! Nakahiga siya sa tabi ko. At mukhang mahimbing ang tulog niya. Ni hindi man lang natinag nung alarm nung cellphone ko.

Hala! Teka! Bakit siya nasa ko natutulog?

Nagkamot ako ng ulo at mabilis na inalala ang nangyari kagabi.

Aah. Oo nga.

Sabay kaming kumain ng hapunan kagabi. Tapos tinulungan niya ako magligpit ng pinagkainan. Oo tama. Ang mahal na hari eh naghugas ng plato.

Katuwiran niya ako nagluto so siya ang maghuhugas. Niloko ko pa siya na baka mapasma ang kamay pero hindi niya ako naintindihan. Hindi pala alam ni Bennet yung term na 'pasma'.

Hinayaan ko na lang siyang maghugas. Tinamad ako magpaliwanag eh.

Pagkatapos niya maghugas, naglaro kami ng chess. Huwag niyo na itanong kung sino nanalo... pero sige sasabihin ko rin. Siyempre si Bennet!

Genius siya dun eh. Siya yung hari sa larong chess. Samantalang ako yung pawn. Twenty times niya ata ako natalo. Sa huli, niyaya ko siya sa larong dama para sana makabawi ako, kaso di niya alam kung ano yung dama. Kaya ayun, di ako nakabawi, talunan talaga ako.

After naming maglaro, nagkuwentuhan lang kami.

Kinuwento ni Bennet yung buhay niya nung solo-flight siya during college time. Nag-aaral siya sa Harvard bilang first year tapos nagtatrabaho din siya sa Starbucks. Tawa nga ako nang tawa kasi di ko maimagine na barista siya sa Starbucks eh.

Turn out, hindi lang isa kundi lima ang part-time job niya noon. Muntik ko na tuloy siyang kaawaan.

"I got part-time job not because I don't have money. I decided to work to gained experience," ani Bennet kagabi. "Yung experience kasi, yun yung hindi kayang bilhin ng pera. Through experience we gained knowledge. And knowledge is the most important weapon of all. So I can succeed."

O di ba? Ang astig ni Bennet?

Hangang-hanga ako sa kanya kagabi nung nagkukuwento siya kung paano nagsimula ang RedSphere.

"I transfered from Harvard to Stanford during my junior years. I want to study advance computer and robotics. Yung mga unang taon ko dun, nasimulan ko ang Red Sphere. May tumulong sa akin para simulan ang kompanya. Isang pilantropo na nagkakapital sa mga tulad kong may pangarap," kuwento ng asawa ko.

"Sumugal siya?" Tanda kong tanong.

"He trusted me. Nakita niya yung proposals ko, I guessed he was impressed!"

Yabang di ba?

"O tapos?"

"Sinimulan ko ang RedSphere. At first as a foundation, with only twenty five staff including workers. Kalaunan, lumago. Technology innovator ang RedSphere so in demand sa panahon na yun, tinangkilik ng ibang company so we boomed. Eventually, nabili ko yung isang place sa Silicon Valley at yun ang nakita mong RedSphere sa California."

Dun sa buong panahon na nagkukuwento si Bennet, napatunayan ko kung gaano siya kasipag at katiyaga na tao. Very diligent. Kapag may nasimulan, tatapusin niya yun. He's also selfless... and very kind.

Si Joyce? Yung dalagita na kasambahay sa Mansion sa Aiden? Biktima pala yun ng human trafficking. Tinulungan lang ni Bennet na makuha sa mga sindikato.

"Dinala yan sa Mexico City si Joyce. Pinangakuan ng trabaho sa Singapore pero sa Acapulco siya ibinagsak. Turned out, sindikato nga yung nasamahan niya."

Awang-awa ako kay Joyce dahil sa kwento ni Bennet.

"Buti nakuha mo ang batang yun."

Tumango si Bennet. "Yeah. Hindi ko maimagine kung anong pwedeng nangyari sa kanya kung hindi ko siya nailigtas. She could have been killed."

Totoo. Buti talaga mabait si husband kahit na halimaw ang pagkakakilala ko sa kanya.

Ang sabi pa ni Bennet, binigyan na lang niya ng trabaho si Joyce kasi daw ayaw pang umuwi dito sa Pilipinas.

Buong gabi yata kaming nagkuwetuhan ni Bennet, to the point na kahit pumunta na siya sa kuwarto niya eh nakasunod pa rin ako dahil sa pakikinig sa talambuhay niya.

At nung humiga siya sa kama niya eh humiga ako sa tabi niya para makinig.

Hanggang makatulog ako.

Aaah. Kaya kami magkatabi sa kama. Kasi gawa dun!

Jusme, Cole! Feeling mo naman ginapang ka nung tao. Eh ikaw pa nga ang intruder sa kuwarto niya eh.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Oo nga. Nasa kuwarto nga ako ni Bennet. Tsk!

Lumingon ako kay Bennet. Tulog na tulog pa rin siya.

Nakasanday pa ang isang paa niya sa unan habang natatakluban ang kalahati ng mukha niya ng buhok.

Napangiti ako nang walang dahilan.

Niyugyog ko na lang si Bennet. "Oi!" untag ko.

Umungol sa umpisa si Bennet.

"Oi Bennet! May meeting kang maaga ngayon!"

Hinawakan ko ang balikat niya at ginalaw yun. "Husband, gising na."

Nagmulat nang isang mata si Bennet. Nung makita niya ako, pumikit ulit siya.

"Bruha," narinig kong bulong niya.

"Huwag mong laitin ang buhok ko sa umaga, bakulaw ka. Bumangon ka na dyan!" singhal ko.

Hindi natinag si Bennet. Deretso lang siya sa pagtulog.

Sumaltak na lang ako bago bumangon pababa sa kama.

"Bahala ka nga dyan," bulong ko. Hinayaan ko na lang matulog si Bennet. Tutal 7 a. m. pa naman ang call time niya. I could wake him up at six o'clock.

Naghilamos ako at nagtoothbrush tapos ay naghanda ng almusal ng mahal na hari.

Bilang na ang araw na pagsisilbihan ko si Bennet kaya sinasamantala ko na. I cooked fried rice, tapos yung tinapa na galing pang Maynila tsaka nilabas yung fruit salad na ginawa ko kagabi.

Not a grand breakfast. Hindi naman siguro magrereklamo si Bennet.

By six o'clock, binalikan ko ang lalaki sa kuwarto niya. Tulog pa si Bennet kaya no choice ako kundi gisingin siya nang bongga.

"Bennet!! ANDYAN NA SUNDO MOOOO! BANGON NA!!" sigaw ko.

Epektib naman. Bangon agad si Bennet. "What time is it?"

"Six na po, Kamahalan!"

Umungol nang reklamo si Bennet at matapos niyang kumunot ng noo. Tumayo siya at dumeretso sa banyo.

Habang naghahanda si Bennet sa pagpasok, hinanda ko yung pagkain niya. Nilagay ko sa sealed Tupperware. Sa daan na daw siya mag-aalmusal. Kasi sa Sta. Rita pala yung meeting nila at hindi dito sa Verona kaya medyo namamadali ang loko.

Patulog-tulog pa kasi. Lol.

"Nicky?" tawag ni Bennet mula sa kuwarto.

Hindi pa sana ako sasagot kaya lang naalala kong ako nga pala si 'Nicky'. Nkalimutan ko lang.

"Yes?"

"I'm going to Manila this afternoon so I might be late going home."

Ganun?

"Alright. Ingat ka dun," sagot ko. "Wag mo akong mami-miss, okay?"

Narinig kong tumawa lang si Bennet.

After a time, lumabas na rin siya sa kuwarto. In all suit and tie and messy black hair.

Wafu! Hayup!

"I'm going wife," aniyang nakangiti.

"Okie! Don't worry, behave lang ako dito. Kakausapin ko na lang yung mga halaman para di ako mainip. He he!"

Tumawa ulit si Bennet. "Huwag mong gawin yun please, baka may makakita sayo. Pwede kang mamasyal sa town proper! Binibigyan kita ng permission! Yun na lang gawin mo!"

Tumango na lang ako bilang tugon. Dumating na kasi yung sundo ni Bennet. He bade goodbye and I waved as he go.

Iniisip ko kung magpapaalam ba ako kay Bennet na babalik sa dati kong buhay, gaya kaya nito? Nakangiti habang kumakaway?

Nah. That's impossible.

Baka ibala ako ni Bennet sa kanyon kapag sinabi ko ang totoo.

Tsk!

Nang makaalis si Bennet nagligpit ako ng kusina. Tapos ay naglinis sa garden. Wala naman kasing masyadong gagawin. Liit ng bahay ni Bennet eh.

Nagplano akong pumunta sa District 2 ng Verona pagkalinis kaya naligo ako. Pero nung nagbibihis na ako biglang nag-ring yung phone ko.

Nagulat ako dahil si Thurstin ang rumehistro doon. Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello Thurstin?"

"Cole!" tila gulat na tinig ni Thurstin.

"Yeah? Anong problema?"

"Cole, si Nicky!"

Kumabog agad ang dibdib ko.

Narinig ko ang tila malalim na paghinga ni Thurstin sa kabilang linya. Lalo akong kinabahan. "Anong nangyari?"

"Cole! Alam na ni Nicky..."

"Huh?"

"Alam na ni Nicky na ikaw ang pinakasalan ni Bennet gamit ang pangalan niya!"

Parang biglang naging black and white ang paligid ko dahil sa narinig. Si Nicky...

"Nabasa niya sa society page ng isang magazine nung pumunta kami sa Laoag kahapon."

"A-anong sabi niya? How did she take it?"

"She's mad! Very angry, Cole! Pinaliwanagan ko siya pero sarado ang isip niya."

"Oh my god!" napahawak ako sa bibig ko. Pinigilan kong umiyak, natatakot ako. For the first time in my life. Naramdaman kong natakot ako.

"She thought you betrayed her!"

"I could never betray her!"

"Hindi niya alam ang tunay na sitwasyon, Cole! Umalis siya, pumunta sa Maynila. Sinusundan ko siya ngayon I think doon siya sa Mansion niyo sa Las Piñas!"

"Pupuntahan ko siya!" sagot ko.

"Sige! Doon na rin ako papunta," tugon ni Thurstin.

Nang mawala sa linya si Thurstin ay agad akong nagkumahog pagkuha sa gamit ko tapos ay tumakbo ako papuntang garahe at inilabas ang sasakyan ni Bennet.

Kailangan kong bumalik sa Maynila. Jusko! Kailangan kong kausapin si Nicky bago siya gumawa ng hakbang na pagsisisihan namin parehas.

Cole POV

Sa sobrang bilis kong magmaneho halos maaksidente ako. Lumilipad yata yung sasakyan pero wala na akong pakialam. Straight lang ang tingin ko sa kalsada at umabot ng 100 ang bilis ng takbo ko.

I don't care about any accidents for now. What more important is what could happened if I meet Nicky now.

Jusko! Kinakabahan ako.

Pakiramdam ko'y meron akong nagawang malaking kasalanan kahit na sa totoo'y wala naman talaga.

Lying. That's what I did, I know. And its a bad case of lying. But I did it for the greater good and I have no choice. Kung nagagalit si Nicky, partly may pagkukulang siya. May kasalanan siya.

But...

But...

Natatakot ako. Palagay ko dumating na ako dun sa punto na nasa dulo na ako ng bangin, at walang ibang choices kundi ang tumalon. Aaah.

It's the ending already.

Gusto kong pukpokin ang manibela at iuntog doon ang ulo ko. Pero hindi naman nun malulutas ang problema ko so I just drove 'til I reach our Mansion.

Yung Mansion na pag-aari ng magulang namin. Yung Mansion na nawala dahil sa kapabayaan, hindi lang dahil sa kagagawan ni Nicky kundi dahil na rin sa kawalang-pakialam ko. Yung Mansion na ibinalik ni Bennet sa pangalan namin.

Ni hindi na ako nag-abalang iparada nang maayos yung sasakyan. Pagkarating sa gate ay bumaba agad ako ng sasakyan at nagtatakbo papasok ng Mansion.

"Nicky! Nicky ARE YOU HERE?!" sigaw ko.

Walang tao sa paligid ng bulwagan. Yung mga katulong dati na nagsisilbi sa amin ay umalis noong masangla ang bahay. Ang natira ay si Mang Esteban na siyang caretaker ng Mansion.

"MANG ESTEBAN?!" sigaw ko ulit.

Walang sumagot.

Tumakbo ako sa hagdan at umakyat pataas sa second floor, sa kuwarto ni Nicky. Pero kahit doon ay wala ang kakambal ko.

God, where are you Nicky?! Saan ka ba pumunta?

Dinukot ko ang cellphone ko para sana tawagan si Thurstin pero natigilan ako nang marinig ang malakas na pagbagsak ng kung anong babasagin at nabasag iyon.

*craaaaasshh*

Naulit pa yun.

Galing sa ibaba!

Tumakbo ulit ako pababa ng hagdan, papuntang dining area.

At doon ko siya nakita, ang kakambal ko. Si Nicky.

Nakaupo siya at sa harap ay may bote ng alak. Sa sahig ay nandun ang nagkalat na basag na baso.

Napatigil ako.

"N--Nicky..." tawag ko.

It felt like looking into the mirror when Nicky looked at me. Pero blangko ang expression ng mukha niya. Ah no. Hindi blangko. Tama si Thurstin, galit si Nicky. Ganyan ang expression ng mukha niya kapag galit siya.

"Nicky..." tawag ko ulit.

Ni hindi ko alam ang sasabihin ko, ni ang gagawin ko. My mind is in state of panic. It felt like I can't breathe.

Ni hindi ako naka-react nang biglang lumapit sa akin si Nicky at bigyan ako ng malakas na sampal sa pisngi.

*paaaakk!*

Halos bumaling ang mukha ko sa lakas nun. Hindi agad ako nakahuma. Namanhid ang mukha ko at the same time eh kumirot. My mind went black. Pakiramdam ko'y may sumipa sa 'kin papunta sa kawalan. Umuugong din ang tenga ko.

I was shook beyond compare. Never in my entire life na napagbuhatan ako ng kamay ng kahit sino, lalo na si Nicky. Not my twin. No.

"HOW DARE YOU, COLE?! HOW DARE YOU USED MY NAME TO PULL OFF THAT MARRIAGE WITH BENNET?!!" galit na sigaw ni Nicky.

Namumula ang mukha niya. Kung sa galit o sa alak, hindi ako sigurado. Dinuro-duro niya ako.

"YOU KNOW! OF ALL PEOPLE, ALAM MONG MAHAL NA MAHAL KO SI BENNET SO HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! HOW COULD YOU?!"

I was dumbstruck. I can't process anything. Wait, what?!

"BAKIT MO SIYA PINAKASALAN SA PANGALAN KO?! AKO DAPAT YUN, COLE! AKO! HINDI IKAW!! PERO BAKIT MO SINAMANTALANG WALA AKO?! ANO... NAGSAWA KA NA BA DUN SA BUNDOK AT SA MGA UNGGOY NA KAULAYAW MO KAYA NUNG MAKITA MO SI BENNET EH SIYA NAMAN ANG NILANDI MO?!"

What? Sundali... Anong sinasabi ni Nicky?

"ANO?! NAHULOG KA RIN BA SA KANYA NUNG UNA MO SIYANG MAKITA?! AKALA KO BA MGA HAYOP LANGX ANG MAHALAGA SAYO, EH BAKIT PATI SI Bennet SINILO MO?! WAS HE SOME KIND OF LION TO YOU, AN ADVENTURE YOU NEVER KNEW? SO YOU SUDDENLY LASH JUST LIKE EVERY WHORE OUT THERE WHOSE TRYING TO GET TO HIS PANTS---"

*paaaaaaaakkkk!*

Sinampal ko si Nicky. Nang malakas. Mas double kesa dun sa sampal na ginawa niya sa akin. Hey. I'm Cole, you just can't expect me to shut up, do you? Sinasabi ko sa inyo, ilalaban ko ang sarili ko kapag inaapi ako. Kahit pa ng kakambal ko.

"How dare you?!" sigaw ni Nicky sapo ang pisngi niya.

Ngumisi ako.

"How dare me? No, Nicky... HOW DARE YOU?! HOW DARE YOU?!" sigaw ko. Suddenly all my feelings were like volcano about to blow. So I just let it go and let it flow. "HOW DARE YOU KA RIN?!"

Kung dinuro niya ako kanina, dinuro ko rin siya.

"ANONG KARAPATAN MONG PARATANGAN AKO NG MASASAKIT NA SALITA?! ME, OF ALL PEOPLE?! AKALA KO KILALA MO AKO DAHIL KAMBAL TAYO PERO MUKHANG NAGKAMALI AKO! YOU EVEN CALLED ME WHORE! WELL FUCK OFF, NICKY! I'M NOT LIKE YOU!!" galit na sigaw ko.

Suddenly, lahat ng kinikimkim ko noon. Noon mula pa noong dumating ako at malamang wala na ang kompanya sa amin. Lahat ng sama ng loob ko, ibinuhos ko.

"DO YOU HAVE ANY IDEA WHAT I'VE BEEN THROUGH PARA MASABI MO YAN?! MAY KONTI KA BANG IDEYA DYAN SA MALIIT MONG UTAK KUNG ANONG NARAMDAMAN KO NOONG UMUWI AKO NOON AT MALAMANG LAHAT NG NAIPUNDAR NINA PAPA AT MAMA AY NAWALA DAHIL SAYO?! DAHIL SA KAPABAYAAN MO?! TAPOS ANO, WALA KANG PARANG BULA NI HINDI KITA MAHAGILAP!!?"

"WELL THAT'S BECAUSE---"

"HINDI PA AKO TAPOS MAGSALITA! HUWAG KANG SASABAT HANGGANG HINDI KO PA SINASABI!"

Naumid si Nicky.

"TAPOS SUSPEK KA PA SA ISANG KRIMEN! ANO SA PALAGAY MO ANG NARAMDAMAN KO?! I WAS DUMBFOUNDED! THEN COMES BENNET, AKALA NIYA AKO IKAW SO HE PROPOSED TO ME WITH THE MEANS OF GETTING OUR COMPANY BACK! DO YOU THINK I GOT A CHOICE?! DO YOU? AH NO, INIISIP MO NGA PALANG PATAY NA PATAY AKO SA KANYA. HAH! ALAM MO BANG PINAKASALAN LANG AKO NG LALAKING YUN PARA MAKAGANTI SAYO?! DAHIL KAY KELLY?!"

Kita ko sa mukha ni Nicky ang pagkagulat. Nanlaki ang mata niya at umawang ang mga labi. "W-what?"

"That's right, Nicky. Sa palagay mo ba papakasalan ka ni Bennet dahil mahal ka niya? Bugger off! Ginawa niya yun para maghiganti! At sino ang tumanggap ng lahat ng parusa niya, ako Nicky, ako! Tapos sisigaw-sigawan mo lang ako? At sasampalin?! Me who have sacrificed a lot! Iniwan ko ang trabaho ko! Iniwan ko lahat para sayo! Me as you, hinusgahan ako ng tao calling me whore and criminal and Bennet shouting at me everyday and every night, sa palagay mo masarap gawin yung ginawa ko?! HA?! Do you think it was fun? Alam mo ba ang tingin ng lahat ng taong nakapalibot kay Bennet? Na gold-digger ako! Na mamamatay-tao! Hindi ko alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ko! Nasasaktan ako hindi dahil sa sarili ko kundi para sayo! Alam kong mali ang paratang nila sayo! I was even worried about you! Iniisip kita gabi at araw kung ayos ka lang! Okay lang sakin na saluhin lahat ng sinasabi nila."

Huminga ako dahil kinakapos ako ng hinga.

"It was fine. Kaya ko. Kasi alam kong okay ka lang. Hindi mo naririnig yung sinasabi nila kaya okay lang. Hindi baleng ako yung maghirap basta okay ka lang. But ... what's this, Nicky?! How could you slap me on my face in return? Ibabalik ko sayo ang tanonf mo, Nicky... HOW DARE YOU? Just HOW DARE YOU?!"

I didn't even realized that I was crying. My chest was in intense pain. Masakit ang lalamunan ko. Masakit ang mukha ko. Kahit yung puso ko, masakit.

"I... I didn't know..." sabi ni Nicky.

"Paano mo malalaman eh wala ka?! Nasaan ka?! Paano mo nagawang iwan sa kin lahat ng problema?! "

"I'm sorry!"

"Easy as that."

Napasaltak ako. Nag-sorry si Nicky. At mahina ako sa sorry niya. Ako yung ate eh. Whenever she said sorry, I'm done.

Naglakad ako palapit kay Nicky. She was crying too. Mukhang nahulasan din siya sa lakas ng sampal ko.

"I never knew! I never knew! I'm sorry!"

"Sorry din," sabi ko na lang. I was just too tired. Tigilan na to.

Next thing I knew, yakap na ako ni Nicky at umiiyak siya sa balikat ko.

Cole POV

Nilapag ko sa harap ni Nicky ang isang basong tubig. "Stop crying, drink this," sabi ko.

Nagpahid ng luha si Nicky bago tinungga ang tubig sa baso.

Nicky's face is all red because of crying. Siguro na-shock siya dun sa kaalaman na pinakasalan lang ni Bennet ako (siya) dahil sa paghihingante.

"I... I... I have no idea that Bennet could do that! Well I know that he loved Kelly for all his life..."

Ouch.

"... but did that just for revenge? And here I thought na minahal niya ako noong naging kami!" himutok ni Bennet.

Alam kong hindi ganun katagal ang naging relasyon ni Nicky at Bennet. In fact, months lang ata ang itinagal noon. Base sa e-mail ng kakambal ko dati sa kin, Bennet ended it up because he said its not working, their relationship are as cold as ice. Ganun ba kamanhid si Nicky para lokohin ang sarili niya at sabihing minahal siya ni Bennet? Rubbish.

Or maybe it was Bennet's fault. Bennet made my twin feel loved then dumped her. A cruel man he was.

Tsk! Pero parang... hindi naman ganoon ang Bennet na nakilala ko. In fact, he's warm and caring. Oo, palasigaw siya at palautos, pero dahil yun sa pagiging dominante niya. He's an alpha male. Yun na ang karakter niya.

"Bennet was hurt when Kelly died," sabi ko kay Nicky. "It was quiet understandable that he did that."

Nag-angat ng tingin si Nicky sa akin. "You think so?"

Tumango ako. "Sa totoo lang, hindi naman ganun naging kasama ang trato ni Bennet sa 'kin. He's neutral at lot of things. He even gave us the company and this house back."

"Really?" medyo gulat na tanong ni Nicky.

"Yeah. I think... nakita ko naman kung bakit mo ba siya minahal. Despite being cold sometimes, he's actually caring hindi lang halata."

Ngumiti si Nicky. First time na nakita kong ngumiti ang kakambal ko mula nang magkita kami. It was sight to behold... na-miss ko talaga ang kakambal ko.

"O ngayon alam mo na kung bakit ko siya gusto! At kung bakit siya ang ideal man KO!"

Tumawa ako. "Yeah. Yeah. But he's still a massive jerk!"

Bumunghalit ng tawa si Nicky. "I know right!"

Nagtawanan lang kami ni Nicky na parang timang. After magsampalan at magsigawan eh hero at nagtatawanan. Parang tanga lang.

After a time, sumeryoso muli kami. Kinuha ko ang basong may tubig at ininom ang natitira noon bago muling bumaling sa kakambal ko.

"But Nicky... I want to know what really happened back then. Kung bakit nandoon ka nung mamatay si Kelly at bakit ikaw ang naging suspek? What happened?" tanong ko. Kailangan kong malaman ang totoo. Para mapanatag din ako.

Biglang tumiim ang expression ng mukha ni Nicky. Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

"Cole!" sabi niya. "Noong... noong mga panahong kasama mo si Bennet wala ka bang nakitang tao na umaaligid sayo?"

"Huh?" kumunot ang noo ko. "Umaaligid?"

Mmmm. Wala naman akong kilalang tao na astang stalker ko noon. Well, si Benedict siguro.

"Si Sagara? Your ex?" sagot ko.

Umiling si Nicky. "No. Not Benedict. I know he's a scumbag pero hindi siya mag-aaksaya ng oras para umaligid sayo at kay Bennet."

"Yeah. Coz he's too damn proud," bulong ko.

"Anyone else?"

Nag-isip ako. Pero kahit anong isip ko, wala akong mahalukay sa mga nerves ko sa utak. "Wala eh. Wala talaga."

Kumunot ang noo ni Nicky bago hinawakan ang sentido niya at anyong nag-iisip. "Weird. Wala ba siyang ideya na pinakasalan ng kakambal ko si Bennet? I mean, its my name, he should worried. Did it mean na nagtago din siya?"

"Nicky!" tawag ko sa babae. "Ako ang kausapin mo huwag ang sarili mo!"

Nicky looked at me with worried eyes. "Wala ka bang nakilalang tao na nagbanta sayo na papatayin ka or umalis ka at magtago?"

Huh? Papatayin ako?

Biglang pumitik sa utak ko yung eksenang nangyari sa sementeryo noong dumalaw ako kay Kelly.

"Ah! There's one guy! Pero akala ko baliw lang siya. Sinabi niyang binalaan niya ako pero nagpakita pa rin ako. I didn't understand a bit of what he said. He's delusional o nagpa-powertrip siguro," sabi ko pero bumakas sa mukha ni Nicky ang takot. "Bakit?" tanong ko.

"Cole... we need to switch up!!" biglang sabi ni Nicky. "Kukunin ko ang pwesto ko as Bennet's wife. Its okay, pwede ka na ulit bumalik sa London at mag trabaho. Let me handle things here!"

Feeling ko sinampal ulit ako ni Nicky sa sinabi niya. Hindi agad ako naka-react.

SWITCH UP. There we go. Dumating na rin ako sa dulo.

"Aahhmm... " parang may bumara sa lalamunan ko. Yung dibdib ko parang may nakadagan.

Switching up means of LEAVING. Ah. Heto na nga kami. Is this it? Is this really it?

Crap.

"Okay," sabi ko na lang. Hindi ako nagpahalata kay Nicky na nasasaktan ako. Ngumiti lang ako. "Actually, yan naman talaga ang plano ko noon pa. We could switch up. I mean, ikaw naman si Nicky at hindi ako. So its your responsibility not mine."

Nicky nodded.

Mukhang desidido na siya na kunin ang pwesto niya.

"Kapag nagpalit na tayo, tatawagan kita," dugtong ni Nicky. "Then sasabihin ko sayo ang buong kwento. Hindi pa ngayon, Cole. Soon. May mga inihahanda pa akong dokumento para malinis nang tuluyan ang pangalan ko."

"Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang sa 'kin, ngayon?" tanong ko.

"Hindi pwede. Ayokong manganib ang buhay mo," tila nag-aalalang sambit ni Nicky bago siya tumayo at niyakap ako. "Thank you, Cole for your sacrifices. Pero nandito na ako. Bennet married my name, so let me be his real wife, okay?"

Kahit masakit at tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi ni Nicky, tinanggap ko yun. After all, hinanda ko na naman ang sarili ko para dito eh. I'm tough.

But fuck! Bakit ang sakit sakit pa rin?!

Pinigilan kong umiyak. Masaya si Nicky na gaganap na siya sa papel kung saan asawa siya ni Bennet. Its her dream. Susuportahan ko na lang siya.

"Bigyan mo ako ng isang araw pa, Nicky. Isang araw lang," sabi ko nang bumitaw ng yakap si Nicky. "Let me pack up my things. Let me sort things out."

Tumango si Nicky at ngumiti. "Okay. I'll wait."

Para akong zombie sa mga sumunod na oras. Blangko ang pakiramdam ko. Mayat maya ang tingin ko sa orasan. Binibilang kung ilan na lang ang oras ang natitira bago ko iwan si Bennet.

Kahit gusto ko pang kausapin si Nicky, nagpaalam na ako. "Nicky, I should go. May curfew si Bennet eh. Isa pa, hindi niya alam na pupunta akong Manila. Baka magalit siya."

Nicky looked at me with awe. "May curfew siya sayo? That's odd. Haha! Okay. Maghahanda na rin ako ng mga damit ko para pagpapalit natin."

Mukhang ang saya ni Nicky. Gusto na niya talagang makasama si Bennet.

Gusto kong maging masaya para sa kanya pero... nagdudusa ang puso ko. Hindi ko magawa. Umalis akong mabigat ang pakiramdam.

Lumabas ako ng Mansion na wala sa sarili. Ni hindi na rin ako nagulat nung makita si Thurstin na nakatayo sa gate at nakatingin sa kin. Mukhang kakadating lang niya.

"Cole! What happened?!" tanong ng lalaki. "Si Nicky?"

"She's fine, nasa loob siya," sagot ko. "Nagkausap na kami and hey... we'll switch up!"

Ngumiti ako.

"Eh bakit parang iiyak ka na?" kunot noong sabi ni Thurstin.

"Tears of joy yan, hah! Makakabalik na ako sa work ko! Sa mga hayop! Sa gubat! Makakapagtravel sa Africa at sa South Pole! Baka next project ko sa buwan na ako ipadala! Ang saya nun, grabe! Excited na ako!"

"Umiyak ka kung gusto mo, Cole... huwag mong pigilin, mukha kang ewan dyan eh."

Natigilan ako sa pagkakatingin kay Thurstin. Kilala niya talaga ako. Kilalang kilala. Kaya hindi na ako nagpigil... yumakap ako sa kanya at umiyak sa balikat niya.

"Thurstin... aalis na ako. Iiwan ko na si Bennet. Hindi ko na siya makikita pa..."