CHAPTER 54 thurstin

Cole's POV

"What's wrong, Cole?" naga-alalang tanong ni Thurstin.

"Hindi ko na kayang magpanggap pa," pinigilan kong humikbi. Humiga ako sa kama at namaluktot. "Ma---mabigat na sa dibdib ko, Thurstin. Ayoko nang lokohin yung tao."

Narinig ko ang mahinang buntung-hininga ng kaibigan ko.

"Bakit, Cole? Akala ko ba kaya mo? Na mani-mani lang sa'yo ang sitwasyon na yan? Teka... huhulaan ko..."

Humikbi lalo ako. To be able to heard it from another person's mouth might be painful.

"Mahal mo na si Bennet, ano?"

Kinagat ko ang comforter sa ibabaw ng kama para pigilan ang pag-iyak ko. Ayokong umatungal habang kausap si Thurstin at ayoko ring marinig ako ni Bennet sa kabilang kuwarto. Baka pasukin niya ako bigla.

Matagal akong nanahimik bilang sagot sa tanong ni Thurstin na sumaltak-saltak lang. Alam kong alam na niya ang sagot sa tanong.

"Haaay, Cole. Sabi mo, babaeng may crack sa ulo lang ang magkakagusto sa lalaking yun. Sinasabi ko na nga ba at malaking-malaki ang crack dyan sa ulo mo! Kambal talaga kayo ni Nicky!" tila inis na turan ni Thurstin sa kabilang linya.

"S-Si Cole? Kamusta na siya?"

"She's fine. Marunong nang kumain ng kangkong at tuyo. She suits the life in province, I guess. Pero alam kong kating-kati na siyang pumunta sa Manila. Nasa Pilipinas ka na ba?"

"Yeah. That's why I called. Thurstin..."

"Was it really hard?"

"Mahirap ang feeling ng nagi-guilty ka oras-oras."

"Alright..." narinig kong humugot nang malalim na hinga si Thurstin. Parang naiimagine ko na hinihilot niya ang sentido niya. "I'll call you after three to four days, luluwas kami ni Nicky so wait still."

Kumabog ang dibdib ko, kung sa excitement or despair, hindi ko na alam.

"S-saglit, naikuwento na ba sayo ni Nicky yung tungkol sa pagkamatay ni Kelly?"

"No. Not yet. Ang sabi niya, sa'yo niya yun unang sasabihin so I guessed its really time for you to meet up so the truth will unveil."

Tumango tango ako. "Mmmm. Okay"

"Ahm. Cole?"

"Hmmm?"

"Talaga bang gusto mo nang umalis dyan? Gusto mo nang iwanan si Bennet?"

Napalunok ako. Hindi agad nakasagot. Kinapa ko sa puso ko ang lahat nang posibleng sagot sa katanungan ni Thurstin. Tapos humugot ako nang hinga.

"In all honesty, you know me Thurstin Alam mong kahit kelan, hindi pa ako nagmahal ng lalaki. Exception for you of course, and Papa. I love you as my best friend. Pero yung sasabihin mong guy like a prince charming, you know better that I never ever fall. Ngayon lang, Thurstin. Ngayon lang. Bennet... he's different. Akala ko he's just a proud king, manipulative, arrogant beast. Pero nung nakasama ko siya, I saw him... the real him. And I fall."

"Ang dinosaur ay tinamaan ng lintik na pag-ibig," komento ni Thurstin.

"Exactly!" dugtong ko."So my honest answer would be no. Ayoko siyang iwan, Thurstin. I can't. Pero hindi naman pwede yun diba?"

"Because you're lying to him."

"Yes. Niloloko ko siya... kaya ayoko na. As a woman, I want to be with him. But as a woman who love him, its better to leave than hurt him."

Katahimikan.

Matagal na natahimik kaming dalawa ni Thurstin. Hindi siya nagsalita, habang isinasapuso ko ang mga salitang binitawan ko.

After more than a minute, Thurstin just sighed. "Alright then. Set your timer, dinosaur. Ikaw ay aalis na makalipas ang ilang araw, Tapos babalik ka na sa dati mong buhay. Huwag ka sanang magsisi sa desisyon mo."

"Sana nga, Thurstin. Sana nga."

"What troublesome twins you and Nicky are!" saltak ni Thurstin.

"Sorry for all the trouble, buddy."

"Nah. Kung di ko lang kayo parehas mahal eh---"

"Pero mas mahal mo si Nicky kesa sa 'kin, di ba?"

"Shut up!"

Kahit di ko nakikita si Thurstin alam kong namumula ang buong mukha niya. "Bakit di mo pa kasi ligawan? Baka may pag-asa ka pa?"

"Nah. Ubos-oras lang yun. Walang pakialam si Nicky sa 'kin. At tsaka kung gagawin ko yun, wala nang tutulong sayo na makaalis dyan sa kinasusuongan mong problema."

Haays! Oo nga pala.

"Sige na, sige na. May pupuntahan pa ako," ani Thurstin sa kabilang linya.

"Okay, buddy. Bye!"

"Bye!"

Nang mawala sa linya si Thurstin ay sumubsob na lang ako sa unan at humugot nang malalim na hinga.

A week. I only have a week. Bennet, isang linggo na lang siguro kitang makakasama. Maging masaya ka, at sana maging ayos na ang lahat.

At exactly five o'clock in the morning, nagising ako. Bumangon agad ako at nag-ayos nang sarili.

Nang lumabas ako ng guestroom natanaw ko ang master bedroom, bukas ang pintuan noon.

Tumingin ako sa labas ng bintana, medyo madilim pa. The sun isn't up yet.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kuwarto ni Bennet tapos ay naglakad ako dahan-dahan papasok. Bukas ang lampshade sa tabi ng kama at nakita ko si Bennet na natutulog pa. He was probably tired. Ganitong oras dapat gising na siya pero hayan siya at nakapamaluktot pa.

Tsk! Bennet. Bennet. Bennet.

Gusto kong haplusin ang buhok niya pero pinili kong humakbang palayo. Baka magising ko pa siya eh mukhang pagod pa ang halimaw. Baka sigawan niya ako pag nakita niyang ginising oo siya.

Dumeretso ako sa maliit na kusina.

It was really small, no joke. But complete with amenities and all appliances. Tapos yung refrigerator may laman. May gulay, prutas, karne, fresh milk, egg etc.

Nagdesisyon akong magluto... nang walang kamatayang omelette. Wala eh, wala akong maisip na ibang recipe.

Patapos na akong magluto nang sumulpot si Bennet sa kusina, in his glorious pyjama and messy hair.

"Good morning, husband!" bati ko.

Bennet didn't talk. In fact hindi niya ako pinansin. He just walked to the refrigerator, get water bottle then walked away without a word to the front porch.

Napatda ako.

Anong problema nun? Hindi ako pinansin, ni binati man lang. Bulag? Bingi?

Sumunod ako kay Bennet papunta sa porch. "Hoy husband?!" tawag ko.

Nakatayo si Bennet sa may sliding door nung porch tapos nakatingin siya sa 'kin. Matiim. For some reason, nararamdaman kong galit siya dahil biglang nagtagis ang bagang niya bago umiwas nang tingin.

"Bennet... may problema ba?"

"Nothing," sagot niya sabay inom ng tubig.

"Eh bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? Iniirap-irapan mo na naman ako?!"

"Tsh!"

"Galit ka sa 'kin no?"

Humakbang ako palapit kay Bennet at humarap sa kanya.

"Galit ka?"

"I'm not!" asik na sagot niya.

"I'm not! I'm not eh hayan nga at sumisimangot ka na naman sa 'kin? Ano, nag-time travel ba ako dun sa panahon na kakakasal tayo tapos gusto mo akong tirisin lagi?! Galit ka sakin eh. Saglit, titingnan ko lang yung kalendaryo---"

"Hindi nga ako galit, okay?!" putol ni Bennet. In a span of millisecond parang tatawa siya pero napailing na lang si Bennet bago hinilot ang batok niya. "I'm not angry at you. I'm just... annoyed!"

"Sa'kin?"

"Medyo," sagot ni Bennet.

Sabi na eh.

"O bakit? Anong ginawa ko?" tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere.

"You... last night..."

"O?"

"I wanted to be with you but you ditched me!"

Hindi ako nakaugok.

Oo nga naman. Yung kagabi. Bennet wanted us to sleep together but I refused. Eh kasi naman... sisihin niyo yung puso kong gulong-gulo na!

Humugot ako nang hininga tapos niyakap ko si Bennet. Oo! Niyakap ko siya.

Hello, aalis na nga ako magpapabebe pa ba? Huwag na. Lalandiin ko na si Bennet habang may oras pa. Hahahaha! De joke lang. Di ako ganun.

"Patawarin mo ako, husband. Alam mong pagod ang maganda mong asawa kagabi at kapag pagod siya eh medyo nawawala ang commonsense pati utak ko so wag mong damdamin," sabi ko.

"Sira!" narinig kong sagot ni Bennet bago siya gumanti nang yakap. "I know that wife. But I can't help it you know. I don't like the feeling of being rejected or being left out alone. I don't like that."

Ouch.

Alam ko Bennet. Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita iiwanang mag-isa, iiwan kita sa kamay ng tunay na Nicky.

Kahit masakit.

Kakayanin ni Goddess-Cole.

"Halika na at kumain," aya ko kay Bennet papuntang kusina.

"You cooked?"

"Oo at wag kang masyadong ma-flatter kasi pritong itlog lang yun," sabi ko.

"Aww," tila dismayadong sagot ni Bennet.

"Huwag kang maarte! Protein din yun! Dati nga tubig ang almusal mo diba? Ngayon ka pa aangal?!" asik ko sabay hila sa upuan. "Maupo ka na kamahalan!"

Pero ngumuso lang si Bennet.

"Huwag kang ngumuso dyan hahalikan kita!" banta ko.

Biglang ngumiti si Bennet sabay taas ng kilay. "Sige nga, wife. Kiss me!"

Tinaasan ko din siya ng kilay sabay sandok ko ng omellete at lagay sa plato ng lalaki.

"Kumain ka ng malaki, Bennet. Kailangan mo ng protein para sa trabaho mo."

"Mali!"

"Anong mali?" tanong ko.

"Kailangan ko ng protein kasi..."

Pause.

"Kasi?" dugtong kong kunot ang noo. Pabitin pa to si Bennet eh.

Biglang ngumiti nang mala-demonyo ang lalaki kaya napaatras ako.

"Kasi wife... Kailangan na nating magka-baby."

Panic-attack everywhere guys!

"Ano?" tanong ko dahil sa sinabi ni Bennet tungkol sa baby. Parang gusto ko yatang mabingi bigla. "Baby?"

"Yes, Nicky! Baby!"

"Pero... Pero sabi mo makakapag-hintay naman ang baby!" sigaw ko. Gosh! Wala sa plano ko ang mabuntis. Kay Nicky ko sana yun ipapasa.

Wait. Si Nicky ang mabubuntis ng magiging anak nila ni Bennet? Bakit parang lalong ayaw ko na mangyari yun?

"Oo! Sinabi ko yun," ani Bennet na umupo sa silya at sumandok ng omelette na niluto ko. "Mmmm! Masarap ah. Did you put cream in here?"

"Omelette yan husband, natural lang na may cream yan. Pero huwag mong ibahin ang usapan. Gusto mo na talagang magka-baby?"

Umupo ako sa katabing silya ni Bennet at tumingin sa kanya. Tumingin din ang lalaki sa 'kin.

"Yes. Desidido na ako. I want a baby with YOU!"

Napalunok ako. Bennet emphasized the word YOU which means ME. Hindi ko alam kung me as Nicky o me as Cole myself.

"But why?"

"Anong why?" kunot noong tanong ni Bennet.

"Why me? Why now?"

"Eh gusto ko eh. Bakit mas marunong ka sa 'kin?" inabot ni Bennet ang french bread na hinanda ko kasama ng omelette.

Tumayo naman ako para kunin yung kape sa counter. "Black or with cream?"

"Just black," sagot ni Bennet. "Bakit? Ayaw mo ba?"

Sinalinan ko ng kape yung mug. Medyo nanginginig pa yung kamay ko pero di ko pinahalata kay Bennet.

"Gusto ko! Kaso..."

"Kaso ano?"

Kaso aalis na ako.

"Kaso... hindi ba untimely yung baby I mean you're a busy person and now na binalik mo sa kin ang Vixen Industries malamang maging busy din ako so...." palusot ko na lang.

Tila nag-iisip si Bennet nung lumapit ako sa kanya para ibigay yung kape. "Here. Black coffee."

"Thanks. But wife..." tumingin si Bennet sa kin at medyo napamaang ako sa klase ng emosyon na nakabakas sa mukha niya.

Para siyang nagmamakaawa.

Does he really want a baby now? Gusto na ba talaga niyang maging tatay?

"Sabihin mo nga sa 'kin, Bennet. Pinipwersa ka na ng magulang mo na magkaanak?" tanong ko.

Halatang nagulat ang lalaki pero kalaunan ay napatawa siya. "Nope! Pero nabanggit ni Daddy yan though hindi naman niya ako pinilit. He just asked."

Tumango tango ako. Akala ko pressured lang si Bennet. Turned out gusto niya na talagang magkaanak.

"O sige husband. Pagplanuhan natin yan. Pero huwag ngayon kasi tirik pa ang araw."

"Sira! Haha!" tawa ni Bennet. He continued his eating habang ako naman eh nagmuni-muni bigla.

Por dyos por santo, gusto na ni Bennet na anak. Hindi ko yun maibibigay sa kanya bilang Cole. Si Nicky ang kilala niya sa katawan ko. Pero aalis na ako at wala akong oras na natitira pa.

Siguro hindi lang talaga para sa min ang bagay na yun. We really are not meant to be.

What a sad reality. Sakit manghampas sa mukha.

I stared at Bennet. He's happily eating his breakfast. Okay n ako na ganyan siya. Kuntento na ang puso ko. Hanggang ganito na lang talaga ang role ko. Nothing less.

"Mm. Bennet...?" untag ko mayamaya.

"Hmmm?"

"Magpapaalam sana ako... Papunta akong Manila sana ngayong araw na 'to."

Kumunot ang noo ni Bennet bigla pagkarinig sa sinabi ko.

"Why?"

"Bibisitahin ko ang Vixen Industries at yung bahay namin sana..." medyo namilipit ako pagsasabi kay Bennet kasi hindi ko alam kung papayag siya. "Medyo matagal ko na ring hindi nabibisita ang company ni Papa kaya---"

"Okay," sagot ni Bennet.

"Ha?"

"Sabi ko okay. Sige pwede kang pumunta basta babalik ka rin mamayang hapon."

"Talaga?!" Nanlaki ang mata ko. Hindi ko inaasahan na mabilis na papayag si Bennet sa gusto ko.

"Yeah. At alam ko rin na ayaw mong may bodyguard kaya hahayaan kitang mag-isa pero sinasabi ko sayo babae, mag-iingat ka!" duro ni Bennet sa 'kin.

Uwaa!

"Oo husband! Mag-iingat ako!"

Deneretso ni Bennet ang pagkain niya. "Take my car. Ayusin mo lang ang pagmamaneho. Do you have a driver license?"

"Yes!"

"Yung hindi expired."

Napatigil ako. Hala! Expired na yung driver license ko as Cole. Pero siyempre hindi ko sasabihin kay Bennet.

"Kaka-renew lang nun," pagsisinungaling ko. Crossfinger!

"Good!"

Nang matapos kumain si Bennet ay nagready na siya para pumasok. Hinanda ko lahat ng kailangan niya. Mula sa suit, tie, long sleeves, pants, socks, shoes kahit paperworks inayos ko lahat para walang reklamo si Bennet.

Dinaig ko si The Flash sa bilis ng kilos ko.

But all in all I feel satisfied na napagsilbihan ko si Bennet sa paraang gusto ko.

"Impressive, wife!" anang lalaki nang makitang handa na lahat ng gamit niya.

"Naman! Ako pa!" sabi ko. "Ganda ko kaya."

"Oo na. Oo na. Hindi ako kokontra."

Nang tumigil sa harap ng bahay ang isang black Mercedes Benz, narealized ko na yun ang sundo ni Bennet.

"Ayan na sasakyan mo, Leofwin," sabi ko.

Tumango lang si Bennet tapos ay bigla niya ako pinitik sa noo.

"Aray!" piksi ko sabay simangot kay Bennet. "Problema mo?"

"Wala! Mag-iingat ka sa pagmamaneho. Malayo ang Manila. At huwag kang papagabi," asik ng lalaki. "Kundi patay ka sa kin!"

Umismid lang ako. "Opo! Saglit lang ako dun. Hindi kita tatakasan!"

Bennet scoffed then kissed my cheek immediately. Nagulat tuloy ako.

"Hoy! Tsansing to!"

"Pisngi lang eh," tatawa-tawang umalis si Bennet.

Lumabas na siya ng bahay pero nung tumapat siya sa bubong na bintana ay kumaway siya kaya kumaway din ako. "Ingat!" sigaw ko.

After a moment, lumabas na rin siya ng gate at pumasok sa kotse kung saan naghihintay ang sangkaterbang alalay at bodyguard niya.

Tsh!

---

Thirty minutes pagkaalis ni Bennet, lumarga na rin ako.

Kailangan kong makarating ng Maynila bago magtanghali. Ayoko gabihin sa daan. Baka mapatay nga ako ni Bennet pag nangyari yun. Haha! Buti nga pinayagan niya akong mag-isa lang. Samantalang sa America, sampu-sampu ang bodyguard ko.

Wala siyang tiwala sa akin noon. Lol.

Ini-lock ko ang buong bahay pag-alis ko. Tapos kinuha ko sa maliit na garahe ang isang black sleeky 2015 Audi na pag-aari ni Bennet. Gusto kong sumipol sa ganda at mahal ng kotse. Hindi kaya ma-carnap to sa Maynila? Haha! Wag naman sana.

Nakalabas ako ng Verona na walang sumisita sa kin. Nung makita nung mga guard sa Gate 2 ng Verona City State yung citizenship ID ko eh hindi na sila nagtanong kung saan ako papunta.

Ilang oras din ang byahe. At hindi naman traffic. Magaan din imaneho ang sasakyan ni Bennet. Smooth kumbaga.

By lunchtime, nakarating ako ng Manila.

Ang totoo... Nagsinungaling ako kay Bennet. Oo, sinungaling ako. Naumpisahan na eh kaya lubosin na. May ibang pakay talaga ako. Hindi ang pagpunta sa Vixen kundi...

Bibisitahin ako ang puntod ni Kelly.

Oo, dadalawin ko siya.

Now you all might think why I would do such things. Pero noon ko pa talaga gustong makita si Kelly. Simula noong makita ko ang painting niya na nakasabit sa dingding ng kuwarto ni Bennet sa Sephiro.

Sayang. Sa ganitong paraan ko lang siya pwedeng makita.

On the other hand, kung hindi siya siguro namatay, hinding hindi ko makikilala si Bennet. I would still be Cole, the daredevil photographer. Not Nicky, a bride worth millions of dollar.

Ayon sa research ko, sa Loyola Memorial siya nakahimlay kaya doon ako nagtungo.

Bahagyang umaambon nang dumating ako sa lugar. Ipinark ko ang sasakyan ni Bennet sa nakatalagang parking lot bago nagtungo sa isang maliit na facilities kung nasaan ang guard at reception.

"Yes, Ma'am! Good afternoon! Saan po tayo?" nakangiting bati ng guwardiya sa 'kin.

"Good afternoon po, ahm... Saan ko pwedeng makita ang... puntod ni Miss Alesana Marie Benavidez?"

"Kaibigan niya po kayo?"

Tumango ako. "Yeah."

"Pangalan niyo po?"

Kinuha ng guwardya ang log book at isang pen.

"Cole. Cole

Nicky Alphonse," sagot ko.

"Pakipirma na lang po."

Sumunod ako at pumirma sa log book kasama ng petsa. Dalangin kong hindi magresearch si Bennet nang tungkol sa mga bumibisita kay Lesana. Patay kami ni Nicky pag nagkataon.

Nang matapos ang inspeksyon ng guwardya ay sinabi niya sa kin ang eksaktong kinaroroonan ng puntod ni Kelly. Tapos ay lumakad na ako.

Hindi naman mahirap hanapin ang lugar. Malapit lang din siya. Iniisa isa ko ang mga puntod hanggang mapatigil ako nang mabasa ang pangalan ni Kelly.

Hindi ko alam kung anong klaseng damdamin ang lumukob sa akin nang makita ang puntod.

Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

Ipinatong ko sa damuhan ang binili kong bulaklak. "Mmmm. Kelly... Hello! Alam kong hindi mo ako kilala pero sigurado ako na kilala mo ang kakambal ko."

Lumuhod ako sa harap ng puntod at kinausap ang hangin.

"Kelly... Ano ba talaga ang nangyari sayo? Bakit ka namatay? Ayokong maniwala na si Nicky ang may gawa nun dahil kilala ko ang kakambal ko. Pero ano ba ang totoo?"

Ano nga ba ang totoo?

Di ba ang sabi nila may nakita silang baril kay Nicky? Kay Nicky ba ang baril na yun? Inembestigahan ba iyong mabuti? Kelan pa nagkabaril si Nicky?

"Tsk! Ikaw at si Nicky lang ang nakakaalam ng totoong nangyari Kelly. Sana mabuksan ulit ang kaso mo para mabigyan ka ng tamang hustisya."

Bumuntung-hininga ako.

Sa nangyari kasi'y pare-parehas silang biktima. Si Nicky. Si Kelly. Si Bennet.

Ako? Ah collateral lang ako. Sa term ng mga bata eh salimpusa.

Haaay!

Matagal-tagal din akong nakipag-usap sa hangin bago ko naisipang tumingin sa orasan ko.

Almost two o'clock na. Kailangan ko nag bumalik sa Verona. Baka dumating si Bennet na wala ako sa bahay, yari ako.

Tumayo ako at nagpagpag ng pantalon. Buti hindi tumuloy yung ulan kanina.

Pumihit ako para umalis na pero muntik na akong sumigaw nang makitang may lalaking nakatayo sa likuran ko.

"Jusko naman kuya! Huwag kang manggulat! Wala kang salita nasa likod lang pala kita! Pambihira ka!" buska ko sabay hawak sa dibdib ko.

The guy just stared at me. Walang ekspresyon ang mukha niya. Pansin ko na matangkad siya. At medyo may pagka-espanyol ang features. He's a handsome fellow probably the same age as Bennet.

Strange. Bakit nakatingin lang siya sa 'kin?

"Err... May... problema ba?" nagaalangan kong tanong.

Tinapunan ng tingin ng lalaki ang puntod ni Kelly bago muling tumingin sa 'kin. At napaatras ako nang bigla siyang ngumisi.

"Hindi ba binalaan kita na huwag ka nang babalik dito sa Manila? Anong ginagawa mo dito, in all places?"

Wait. What?!

Ako bang kinakausap ng lalaking to? Baliw ba siya? Hindi ko naman siya kilala.

"Huh?" Yun lang ang reaksyon ko.

Nang biglang bumalasik ang mukha ng lalaki ay nakaramdam ako ng matinding takot.

"You! Nag-warning na ako sayo! Ang sabi ko papatayin kita kapag nagpakita ka sa 'kin!"

Nanlaki ang mata ko nang akmang hahawakan ako ng lalaki. Mabilis akong tumakbo palayo. Tumatahip ang dibdib ko sa kaba. Baliw yata ang lalaking yun! Oh my god!

Tumakbo ako ng mabilis sa takot na habulin ng lalaki. Nang tingnan ko naman ang likuran ko ay nakahinga ako nang maluwag. Wala ang lalaki.

Dumeretso ako sa parking lot at agad sumakay sa kotse. Tapos nagmaneho ako palayo.

'Ang sabi ko papatayin kita kapag nagpakita ka sa kin!'

Kinilabutan ako nang mag-flashback sa isip ko ang sinabi ng lalaki.

Bakit ganun? Parang totoong kilala niya ako, at totoo rin ang banta niya na papatayin ako.

Bbbbrrrr. Katakot. Sayang guwapo pa naman.

----

Bennet POV

I sighed the moment I took my seat on my office. What a tiring morning! Nakatatlong-meeting na agad ako sa Board of Directors ng RedSphere. I don't know but those fat moguls probably missed my presence here in Verona.

"Tsk!"

"Good to be back, eh?" ani Fuji na bumungad sa pintuan. May hawak siyang folder sa isang kamay. "How's last night at your house?"

"Good," sagot ko.

"Did Nicky liked it?"

"I guessed so. She said it's cute and very homey."

Tumango-tango si Fuji habang iniisip ko naman kung nasa Manila na ba ang babaeng yun. Nagpaalam siya sa 'kin na bibisita sa Vixen pero hindi pa tumatawag yung officer doon na sinabihan kong tawagan ako kapag dumating si Nicky sa Vixen.

Ano na kayang nangyari dun?

"Nga pala, Bennet. Dumating na si Atty. Ronald Chang. Ang sabi niya, appointed ang pagkikita niyo? Will I allow him to meet you at this moment or---"

"Yes, please. Let him in. Tinawagan ko siya nung nasa America pa tayo. I'm expecting him," sagot ko.

"Alright then," ngiti lang ni Fuji bago lumabas ng opisina.

Importanteng makausap ko si Atty. Chang. Siya ang humawak sa kaso Kelly noon. I advised him to appeal on court to reopen the case, this time not to sue Nicky Alphonse but to investigate what had really happened then.

Noong makausap ko siya sa California, sinabi niyang kaya niyang pabuksan muli ang kaso. So I pushed him to do so. Pero sinabi ko rin na huwag nang mag-focus sa scenario kung saan si Nicky ang may sala kundi doon sa point na malilinis ang pangalan sa tamang paraan.

Bakit?

Dahil sinarado ang kaso na walang malinaw na resulta. Hindi noon napatunayan na talagang si Nicky ang may sala at hindi rin nalinis ang pangalan niya. So she was still in the middle of it. Iisipin pa rin ng mga tao na kriminal siya, inabswelto lang ng batas.

Ang kailangan sa kasong 'to ay proper closure at investigation. Yun ang dahilan kaya pinabuksan ko ang kaso.

After a couple of minutes, pumasok si Atty. Chang sa loob ng opisina kasama si Fuji.

"Good morning, Mr. Leofwin!" bati ng matandang attorney.

Bumati rin ako at itinuro ang silya sa tabi ng mesa.

Lumabas din naman agad si Fuji para bigyan kami ng privacy.

"How are you, Mr. Leofwin?" nakangiting sabi ng matanda.

Ngumiti ako. "I'm good now. Thank you!"

"Halata naman sa ngiti niyo, Sir. Mas maliwanag na ang aura niyo ngayon kesa noong kasagsagan ng kaso," anang attorney.

Tumikhim lang ako. "Well...?"

"Sir, I know that you married Ms. Nicky Alphonse. Kahit na siya ang idinidiin noon na siyang pumatay kay Ms. Kelly. I don't delve on personal matters so hindi ko kayo hinusgahan sa desisyon niyo. But now that I see you again and finds out that you were fine all along, I guessed you marrying her suited you a lot," komento ng matanda.

"You think so?"

Tumango si Attorney Chang. "Then pinabuksan mo ulit yung kaso..."

"Well..." humugot ako ng hininga. "Nicky told me na wala siyang kasalanan. Iginiit niya yun. She said she was unfairly judge by people just because she was there at the wrong place at the wrong time."

"Tama naman yun. Ang mga tao, walang pakialam. Maaga ka nilang huhusgahan base sa nakita nila at narinig. They didn't even analyzed the situation," segunda ng matanda. "I think your wife got the right to say she was innocent. Because she might be..."

Napatigil ako at napatitig sa matandang attorney.

"What do you mean?"

Kinuha ni Atty. Chang ang bitbit niyang attaché case at binuksan yun. Then inilabas niya ang ilang papel.

"Nung pinabuksan ko ang kaso at hawakan uli ang ilang papeles ng ebidensya at pahayag, napag-alaman ko na hindi pala gaanong inembestigahan ang buong pangyayari. It was poorly investigated."

"How?"

Umismid ang abogado. "The higher court was being ass. Inabswelto si Miss Nicky Alphonse nang hindi nagiimbestiga. If you ask me that's fishy. Hindi ba't inisip natin na binayaran ni Miss Madrid ang batas dahil sa paraan ng pagreject nila sa appeal natin. They're decided na talagang inosente siya despite not investigating. How could that be possible?"

Tumango ako. I was angry those whole time when I found out about the news of Nicky's disengagement on the crime.

"Then... we discovered something, Sir." dugtong ng abogado.

"What?"

"Yung mga katulong sa Mansion ng mga Benavidez, sinabi nilang nakita si Miss Madrid na may hawak ng baril. We got the hold of the records of fingerprint testing on the gun. Nasa record na hinawakan ni Miss Kelly ang baril kaya nandun din yung print niya, and right, nandun din yung kay Miss Nicky Alphonse... the rest binura ng mga police yung record."

"What? Why?"

"I don't know. Probably... to hide any other person's fingerprint?"

Huh? Another person?

"What about the gun? Where's the gun?" tanong ko.

"Nawala na. It disappeared just after the case was closed," sagot ng abogado.

"Then how are going to know if they're hiding something?"

Ngumiti ang matandang lalaki. "Don't worry, Bennet, Sir... Good thing we've hired new investigator. Hinanap nila yung mga lumang record na dinesregard ng korte. Nalaman namin kung kaninong baril ang nakita sa crime scene and you won't believe kung kanino yun."

"Hindi ba kay Nicky ang baril? I mean she got gun registered under her name---"

"Yes Sir, pero hindi kay Nicky ang baril na nakita. Yung baril na pag-aari niya ay nandoon sa vault ng Mansion ng mga Nicky Alphonse sa Las Piñas.

"Then who owned that fucking gun?! Kelly?"

Humugot ng hininga ang abogado bago inabot ang isang papel.

When I read what's inside, I found out it was a registration form of a gun under the name...

"MARTIN DELA VEGA?!"

What's this?

Martin was Kelly's childhood friend?! At sa pagkakaalam ko, naninirahan na siya sa Spain sa matagal na panahon.

"How come?!"

"Suspicious right. Sir?" anang abogado. "From what we've heard, nasa Spain na siya. So how come that a gun registered under his name found on crime scene if he's not there?"

Totoo. Pero... pero si Martin?! How?

Hindi kami close sa isa't isa. Mabigat ang dugo niya sa akin noon pa kahit sinubukan kong kaibiganin siya, hindi nangyari. Para siyang galit sa akin noon sa pagkakatanda ko.

Hindi ko maisip kung paanong napunta kay Nicky ang baril na pag-aari ni Martin.

"We tried to look for him but to no avail, hindi namin natagpuan kung nasaan ngayon si Mr. Martin," dugtong ni Atty. Chang.

Natahimik naman ako.

If ever Martin was there at the time Lesana died... hindi siya nagpakita. Wala rin siyang sinabi. Come to think of it, hindi rin siya pumunta noong burol o libing ni Kelly. Samantalang... bestfriend sila.

"What's happening here?" tanong ko sa kawalan.

Bakit naoverlook ito ng batas?

"We will investigate on this matter further, Mr. Devoncourt," sabi ng matanda.

"Yes, please do that," tugon ko.

Ipinangako ng attorney na pagaaralan pa ang kaso at ang natuklasan nila. Bago nagpaalam din siya. Nagpasalamat naman ako.

Nang makaalis ang matandang lalaki ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. This new discovery might help to uncover what really happened back then. Back the time Kelly died.

One more... kilala ba ni Nicky si Martin?