CHAPTER 30 VACATION

"More, please!." Nakangiti at bahagya siyang hinaplos ni Jacob sa tagiliran habang nilalagyan niya ng sabaw ang mangkok nito.

"Jacob!"

"Nagreready lang para mamaya." Nakangiting bulong nito sa kaniya.

"Asa ka!" Pinandilatan niya ito.

"Let's see." Nakatawang sabi naman nito.

"Che!" Tinampal niya ito sa braso, saka siya umupo sa tabi nito at nagsimula na nga silang kumain.

Sana ganito na lang sila palagi. Wala na siyang mahihiling pa. Isang buo at masayang pamilya na matagal na pinangarap ng kaniyang anak.

"Hey dude!" Biglang pumasok sa kaniyang opisina ang nakangiting si Harrold.

"Hey! What's up? Naligaw ka yata?" Nakangiting biro niya sa kaibigan.

"Masama na bang dumalaw dito?" Napasimangot na sabi nito at nagkunwaring lalabas ng kaniyang opisina.

"Hey man!" Nakatawang pigil niya saka sila nagkatawanan.

"Kumusta na ang buhay may asawa?" Tanong ng kaibigan at umupo ito sa ibabaw ng kaniyang table.

"Napaka saya ko pare." Aniya.

"Mabuti naman kung ganun dahil masaya kami lahat para sa inyo."

"Thank you pare."

Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. Nang biglang tumunog ang cellphone nito na nasa kaniyang tabi at tinignan kung sino ang tumatawag. Napa taas kilay ito sa nakita.

"Akala ko ba wala na kayo?" Agad na tanong nito sa kaniya.

"Y-yeah, wala na nga kami."

Sagot niya dito.

"Bakit siya tumatawag sayo?" Napatayo ito bigla at mariin siyang tinitigan.

"Hey! ang sama mong makatingin ha!" Nakatawang sabi niya sa kaibigan.

"Seryoso ako pare." Biglang nag iba ang timpla ng mukha nito.

"Look, magkaibigan lang kami ni Cass." Paliwanag niya.

"Akala ko ba okay na kayo ni Tricia?"

Tanong pa nito.

"Okay naman kami ni Tricia pare."

Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin.

"Bakit si Casey?"

Tumunog ulit ang kaniyang cellphone.

"Bakit hindi mo sagutin?"

"Hindi naman importante—."

"Ingatan mo si Tricia, ingatan mo ang pamilya mo dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag pinabayaan mo sila ng dahil lang sa Casey na iyan."

Napanganga siya sa sinabi ng kaibigan. Nakapamulsang lumapit pa ito sa bintana at napa buntung hininga.

"Mahal ko si Tricia pare."

"Mahal mo pero patuloy kang nakikipag ugnayan sa Casey na iyon."

"Pero wala kaming ginagawang masama ni Casey."

"Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Tricia kapag nalaman niyang nakikipaglapit ka parin sa ex mo?"

Tanong ni Harrold sa kaniya. Hindi naman siya agad nakaimik.

"Pare sinasabi ko na sayo ito, alam ko kung gaano kamahal ni Arvin si Tricia at Cade."

Nagsalubong naman ang kilay niya sa narinig.

"Sinasabi ko lang yung maaaring mangyari, kaya please lang pare ingatan mo ang pamilya mo."

Sabi ng kaibigan sa kaniya at minsan pa'y tinapik siya nito sa balikat. Naiintindihan naman niya ito kung bakit bigla na lang ito nainis kanina at aminado naman siyang kasalanan niya talaga.

"Saka wala naman ng dahilan para pakisamahan mo si Cass diba?"

"Yeah pare, pasensiya na hindi na mauulit."

"Bumawi ka sa asawa mo, magbakasyon kayo yung kayo lang." Suhestyon pa ni Harrold at napaisip siya. Magandang ideya.

"Para doon mo malalaman kung totoo na iyang nararamdaman mo para sa kaniya, mahal mo na ba talaga siya o naguguluhan ka pa."

Dagdag na sabi pa nito sa kaniya.

"Mahal ko si Tricia pare."

"Basta magbaksyon kayong dalawa yung kayo lang, iwan niyo muna si Cade ha."

"Okay pare, gagawin ko nga iyan."

Sa wakas ay nakangiting sabi niya sa kaibigan.

"That's great! maganda sa Palawan."

"Yeah, iyan nga ang unang pumasok sa isip ko." Aniya at nagkatawanan sila.

"Oh siya, mauna na ako. Susunduin ko pa si misis."

Pagpapaalam na ng kaibigan.

"Thank you pare."

"Balitaan mo na lang ako ha." Nakatawang lumabas na ito ng kaniyang opisina.

Napaisip siya sa suhestyon ng kaibigan. Magandang ideya nga iyon. Saka kahit hindi naman sila umalis ni Tricia totoo ang kaniyang nararamdaman para dito, pero okay na din iyon at ng masolo niya ang kaniyang misis diba?

Nang tumunog ulit ang kaniyang cellphone, pinatay na lang niya iyon. Ayaw na muna niyang magulo ang kaniyang isipan.

Pagdating niya ng bahay, naabutan niyang nagsusuklay si Tricia. Mukhang katatapos lang yata nito maligo dahil naaamoy pa niya ang sabobg ginamit nito.

"Hello misis." Nilapitan niya ito at hinapit sa baywang saka mariing hinalikan sa labi.

"Ang bango naman ng misis ko." Nanggigigil na bulong niya sa tainga nito na ikinahagikgik nito.

"Hmm.. ikaw ah! Nakakarami ka na." Nakatawang kinurot siya nito sa tagiliran.

"Misis…" Aniya. Paano nga ba niya uumpisahan?

"Yes?"

Nilingon siya nito habang abala ito sa pagkuha ng damit mula sa kaniyang closet.

"Gusto sana kita yayaing magbakasyon."

Sa wakas ay nasabi niya. Pero bakit nga ba kasi siya kinakabahan diba?

"Bakasyon?" Ulit nito saka nito iniabot ang damit na pagbibihisan niya.

"Yeah, Palawan naman tayo."

"Seryoso?"

"Yeah." Napatango siya. Mukha ba siyang nagbibiro?

"Tayo nina Cade?"

"Tayo lang muna sana."

"Paano si Cade?"

"Iiwan muna natin siya kina Mama."

"Ha? Bakit?"

"Gusto kong magbakasyon na ikaw lang muna sana ang iisipin ko, ikaw lang muna pagsisilbihan ko." Seryosong sabi nito sa kaniya at hinapit niya ulit ito sa baywang.

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro misis?" Napasimangot siya.

"Bakit hindi ba natin pwede isama sina mama, si Janna lalo na si Cade?"

"Gusto ko yung tayo lang."

Aniya saka ito kinindatan. Inirapan naman siya nito.

"Saka nandoon naman si ate sa bahay habang wala tayo, susunduin na nga nila si Cade mamaya."

"Ganun kabilis?"

"Yeah, kaya mag impake ka na dahil madaling araw tayo aalis."

"Hindi pa ako pumapayag noh!" Napasimangot ito.

"Anong gagawin ko para mapapayag kita?"

"Uhmmm.."

"Alam ko na!" Napangisi siya ng nakakaloko at nahulaan naman agad ni Tricia ang pinaplano na naman niyang kalokohan.

"Jacob!" Napatili na lang ito ng bigla niya itong buhatin at ipahiga sa kama.

"Good morning sir, good morning ma'am." Agad na bati sa kanila ng mga sumalubong sa kanila pagkababa pa lang nila sa sinasakyang private chopper na pagmamay ari ng binata, Inalalayan pa siya nito na makapasok sa loob ng isang magarang kotse, sa likod ng driver sila pumuwesto at mahigit bente minutos bago sila humimpil sa isang malaking bahay malapit sa dagat. Napakalaki niyon at napakaganda ng buong paligid na napapaligiran ng mga puno at halaman.

"Were here!" Nakangiting hinawakan siya ni Jacob sa kamay at iginiya papasok sa loob ng bahay na iyon.

"Good morning sir, good morning ma'am." Agad na kinuha ng isang nakaunipormeng katiwala ang kanilang mga gamit at nagtungo na ito sa pangalawang palapag ng bahay.

Nagtataka naman siya sa mga ikinikilos ng mga ito.

"Nandito na pala kayo, Jacob iho." Napalingon sila sa nagsalita at tumambad ang isang babae na medyo may katandaan na din.

"Opo nay." Lumapit ang matanda saka nagmano si Jacob dito, nakangiting tumingin ito sa kaniyang gawi kaya nagmano din siya dito.

"Hello po." Nakangiting bati niya dito.

"Kumusta iha."

"Okay lang ho."

"Nay, si Tricia po ang misis ko." Pagpapakilala ni Jacob sa kanila.

"Napakaganda mo naman iha." Puri nito sa kaniya.

"Siyempre naman nay, ang guwapo ko kaya." Singit ng binata sa kanila.

"Aba'y oo naman, parang kailan lang inaalagaan ka pa namin noong bata ka pa, tapos ngayon tignan mo may asawa at anak ka na."

Anito, saka hinaplos sa balikat ang binata. Isa pala ito sa mga katiwala ng mga Fuentebella.

"Oo nga ho nay eh."

"Oh siya, baka nagugutom na kayo, ipapahanda ko na ba ang mesa?" Pagkuway tanong nito sa kanila.

"Mamaya na lang ho nay, magpapahinga ho muna kami."

Sagot ng binata.

"Oh siya sige, magsabi lang kayo kapag gusto niyo ng kumain hane."

"Opo." Magkapanabay na sagot nila ng binata at nagpaalam sa matanda na magpapahinga muna.

Inalalayan siya ng binata hanggang sa marating nila ang ikalawang palapag ng bahay na kinaroroonan ng silid nila.

Namangha siya sa nakikita dahil napakagara ng kanilang silid, ang mga kagamitan sa loob ay sa ibang bansa pa yata ipinasadya at nasa tamang ayos ang mga ito. Parang nasa isang mamahaling hotel sila naroon. Nakaka relax dahil pwede kang tumambay sa may veranda habang pinapanood ang napakalawak na dagat isama pa ang mga di mabilang na taong lumalangoy at nagkakasiyahan.

"Nagustuhan mo ba?" Hindi niya namalayan ang paglapit sa kaniya ni Jacob at hinapit siya nito sa baywang.

"Yeah, ang ganda pala talaga dito." Nakangiting nilingon niya ang binata.

Dahil sa tanang buhay niya ngayon lang siya nakarating sa isa sa mga magagandang paraiso ng El Nido Palawan at nagsisisi siya kung bakit ngayon lang siya napadpad dito.

"Sa inyo ba ito?" Hindi niya napigilang tanungin ito.

"Sa atin, kasi simula ngayon sa atin na ito." Nakangiting sagot nito sa kaniya.

"Ha?"

"Sa atin na nina Cade at baby, syempre pamilya ko na kayo. Isa ito sa mga bahay bakasyunan ko noon lalo na kapag gusto kong mag relax."

Kwento nito sa kaniya.

"Ako lang ba ang—"

"Ikaw ang kauna unahang babae na dinala ko dito, ikaw lang at wala ng iba." Putol nito sa kaniyang sasabihin sana. Napaismid na lang siya sa kahihiyan.

"Nagseselos ka ba?" Tanong pa nito sa kaniya.

"Hindi ah!" Pagkakaila niya.

"Sus! halata kaya." Nakatawang biro nito sa kaniya.

"Asa ka!" Inirapan din niya ito para itago ang pagkapahiya.

"Nagseselos ka diba?" Patuloy na pangungulit nito sa kaniya.

"Hindi!"

"Aminin mo na kasi!"

"Oo na nga!" Naiinis na binato niya ito ng throw pillow saka ito nagtatawa.

"Sabi ko na nga ba eh!"

"So, masaya ka na?" Pinamaywangan niya ito.

"Joke lang, basta para sa akin ikaw ang pinaka magandang babae sa buhay ko." Sabi nito saka muli siyang hinapit sa baywang kaya napaupo siya sa kandungan nito.

"Jacob!" Napatili na lang siya.

"Misis namimiss na kita, baka naman pwede na." Pagkuway bulong nito sa kaniyang teynga.

"Ayoko." Inirapan niya ito.

"Misis naman." Isinubsob pa nito ang ulo sa kaniyang leeg.

"Jacob!"

"Kailan pwede? Namimiss na kita." Anas nito at nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito mula sa kaniyang baywang.

"Jacob!" Sansala niya.

"Baby.."Bagkus ay anas nito.

Naku! kapag ganito na ang pag tawag sa kaniya ng binata wala ng magandang patutunguhan ang usapan.

"Baby please.."

Nasa kaliwa na niyang dibdib ang kamay ng binata at malayang pumipisil doon.

"Jacob! not now please!" Nakatawang itinulak niya ito, dahil baka kapag hindi niya natantiya ang sarili baka bumigay siya ngayon. Wala pa naman siya sa mood.

"Kailan din? Mamaya?" Nagsusumamo ang mga matang tanong nito.

Nakatawang inirapan niya ang binata saka siya nagmamadaling pumasok sa banyo upang mag shower at naaalibadbaran na siya sa kaniyang suot, idagdag pa ang ginawa ng binata.

Paglabas niya ng banyo, hindi na niya naabutan si Jacob sa loob, siguro bumaba saglit. Patapos na siya noon magbihis ng biglang iluwa ng binata ang pinto ng kanilang silid.

"Ang bango naman ng misis ko." Agad na lumapit ito sa kaniya.

"Jacob!"

"Oo na, are you done? bigla akong nagutom tara na kumain na muna tayo." Pagkuway sabi nito sa kaniya.

Bigla ding kumulo yung tiyan niya, hindi pa pala sila nagbi breakfast. Kumain lang siya kanina ng sandwich at nag gatas.

"Anong kakainin natin?"

"Gusto mo bang—"

"Ang bastos mo talaga!" Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Hey! Wala pa akong sinasabi, ikaw misis ah napaka greenminded mo." Nakatawang pinisil siya nito sa baba.

Napahiya naman siya.

"Che! ewan ko sayo!" Nakasimangot na nagpatiuna na siya palabas ng kanilang silid. Nakatawang nakasunod naman sa kaniya ang binata.

Biglang kumalam ang tiyan niya pagkaamoy pa lang niya sa mga pagkain na nakahanda sa ibabaw ng lamesa. Sunny sideup, hotdog, ham, Tocino, tuyo na may sawsawang kamatis. Masarap sana sa sinangag na kanin kaso mula noong maglihi siya nasusuka siya sa amoy nito.

"Come on misis." Ipinaghila pa siya nito ng upuan saka ito tumabi sa kaniya. Nilagyan ng binata ang pinggan niya ng pagkain, kaya hindi niya maiwasang titigan ito.

"Alam kong guwapo ako misis." Anito saka siya kinidatan. Patay! nahuli siyang tinititigan ito.

"Yabang din!" Irap ko para pagtakpan ang pagkapahiya ko. Napangisi lang din ito at nagsimula na nga silang kumain.

"Ayaw mo ng tuyo?" Tanong ko sa kaniya ng mapansin na hindi siya kumukuha dito.

"Sige lang."

"Pero hindi ka pa nakakatikim nito?" Tanong ko. Napailing ito. Abah! Pag ulamin mo ba naman ng tuyo ang isang bilyonaryo?

"Tikman mo, masarap siya."

Sabi niya at nilagyan niya ang pinggan nito ng isang piraso.

"Masarap yan, tikman mo na dali tapos sabayan mo ng kamatis." Turo niya.

Kulang na lang ay mapatawa siya sa ekpresyon ng mukha nito habang isinusubo ang tuyo at kamatis.

"Masarap diba?"

"Y-yeah.." Sagot nito habang ngumunguya.

"Gusto mo pa?" Alok niya.

"No, thanks."

"Sabi ko sayo masarap eh!"

Nakatawang sabi niya sa binata.

"Pero mas masarap ka." Biro nito. Patay na! Siya naman itong hindi nakahuma agad.

"Bastos!" Tinampal niya ito sa braso pero tinawanan lang din siya. Kahit hindi siya magsalamin alam niyang namumula ang magkabila niyang pisngi.

Habang kumakain sila, biglang tumunog ang cellphone ng binata.

"Hello lovebirds."

Boses iyon ni Janna sa kabilang linya.

"Hi ate, kumusta kayo diyan? kumusta si Cade?" Tanong ng binata sa kapatid nito.

"Okay lang si Cade, hayun oh kasama ni Daddy nakasakay ng kabayo, nandito kami ngayon sa rancho."

"Wow ha!"

"Akala niyo kayo lang ang may outing ah, siyempre kami din." Nakatawang sabi nito.

"Great! sige na, mag iingat kayo diyan. "

"Hi Tricia! hindi ka ba pinapahirapan ng kapatid ko diyan?" Tumatawang sabi ni Janna sa kaniya.

"Hello ate, okay lang naman ako dito, tatawagan kita agad kapag may emergency." Nakatawang sagot niya dito.

"Yeah– sure!"

"Baby!" Agad na sansala sa kaniya ng binata na ikinatawa ni Janna sa kabilang linya.

"Bye lovebirds!" Tumatawang paalam nito sa kanila.

"Nasa rancho pala sila." Pagkuway sabi ng binata.

"Oo nga daw, namimiss ko na tuloy si Cade." Nalungkot siya bigla dahil unang beses na hindi niya kasama ang anak.

"I'm sorry baby." Lumapit ito sa kaniya at hinaplos siya sa likod.

"Gusto mo na bang umuwi?" Dagdag na tanong pa nito.

"Hindi, okay lang." Nginitian niya ang binata.

"Huwag ka mag alala hindi naman pababayaan nina mama ang anak natin, sa susunod na bakasyon natin dito kasama na silang lahat."

"Talaga?"

"Oo naman." Anito saka siya kinindatan kaya naging panatag na ang kaniyang kalooban.