CHAPTER 29 BIRTHDAY PARTY

Araw pa lang ng biyernes ay aligaga na ang lahat sa buong mansion sa paghahanda sa darating na kaarawan ni Doña Karina.

"Jacob iho, anong oras darating ang ate Janna mo?" Nakangiting lumapit sa kanila ang Ginang.

"I'm not sure ma, alam niyo naman si ate. Hindi pa kayo nasanay sa kaniya."

"Naku! baka sa sunday pa ang uwi niya dito." Napasimangot ito bigla.

"Tawagan mo na iyang ate mo, dahil lalong masisira ang araw ng mama mo at may pictorial pa tayo bukas." Sabad ng kararating na Don pero nakangiti naman ito.

"Yes Dad!" At kinuha ni Jacob ang cellphone mula sa kaniyang bulsa saka tinawagan ang ate nito.

"Hello ate."

"Hi bunso, what's up? Nandiyan na ba kayo sa bahay?"

"Kararating lang namin ate, anong oras ka uuwi ngayon?"

"MyGod! sa sunday pa ang birthday ni Mommy diba?" Nakatawang sabi ng doktora.

"Janna Kareen!" Agad na sabad ng Doña.

"Mommy!"

"Umuwi ka na ngayon, ipapasundo kita!"

"Mommy! I have my own driver, promise aagahan ko ang uwi sa sunday."

"Janna!" Maawtoridad na boses ng Don.

"Yes daddy! Coming.." Animoy maamong tupa na sagot nito.

Pinipigilan naman nila ang huwag mapatawa dahil nakikita na nila ang nagkakasalubong na kilay ng dalaga.

"Okay, that's my baby." Nakangiting sabi ng Don. Narinig pa nila ang paimpit nitong sigaw sa kabilang linya saka sila bumunghalit ng tawa.

Lahat ay abala sa kaniya kaniyang gawain, ang buong solar ng bahay ng mga Fuentebella ay punung puno ng mga nagkikislapang mga ilaw. Napakaganda ng buong paligid, napakasaya ng bawat bisita na naroon. May mga nagkukwentuhan. Nagtatawanan at hindi mapigilang mga kantiyawan.

"Happy birthday Grandma, I love you." Nakangiting bati ng kanilang anak sa lola nito na napaka ganda sa suot nitong gown matapos bumaba sa entablado at magbigay ng pasasalamat sa lahat ng dumalo sa espesyal na okasyong iyon.

"Thank you apo, i love you more at ang guwapo guwapo mo din!"

Nakangiting pinupog ito ng halik ng Doña.

"Happy birthday Ma." Nakangiting lumapit siya sa Ginang at hinalikan ito sa pisngi. Ganun din ang ginawa nina Jacob at Janna.

"Thank you Ina, napaka ganda mo naman sa suot mo." Puri naman nito sa kaniya.

Nakasuot kasi siya ng off shoulder dress na above the knee at kulay maroon iyon na lalong nagpatingkad sa kaniyang kaputian, light make up lang din ang ginamit niya pero lutang na lutang ang kaniyang kagandahan.

Halata na din ang umbok ng kaniyang tiyan pero hindi iyon nakabawas sa kaniyang taglay na kagandahan.

"Thank you Ma."

"Napaka ganda mong magbuntis iha, sigurado akong babae iyang dinadala mo ngayon." Nakangiting hinawakan pa siya ng Doña sa tiyan.

"How about me Mommy?" Singit naman ni Janna.

"Why iha, buntis ka rin ba?" Nakatawang tanong ng Don sa anak.

"Daddy!" Naiinis naman na sabi nito saka humilig sa balikat ng ama.

"I'm just kidding sweetheart, oo na pare pareho na kayo ng mama mo, at ng ate Tricia mo na magaganda."

Sabi ng Don at nagkatawanan sila.

Napakasaya niya dahil napakabait ng pamilyang kinabibilangan ng lalaking mahal niya. Napasulyap siya sa gawi ni Jacob at nahuli niya na mariing nakatitig ito sa kaniya. Napaka guwapo nito sa suot na polo na nakatupi hanggang siko. Napaka macho nitong tignan. Kahit ano yatang suot ng binata ay bagay nito.

'Ooppss puso kalma lang!' Saway niya sa kaniyang sarili dahil pakiramdam niya kinikilig siya sa mga oras na iyon.

"You look so beautiful baby." Hindi niya namalayan ang paglapit sa kaniya ng binata at niyakap siya mula sa likuran.

"Jacob!" Napaharap siya sa binata.

"Bakit ang ganda mo?" Nakangiting tanong pa nito sa kaniya, saka siya hinapit sa baywang kaya nagkadaiti ang kanilang katawan.

"Yung baby ko!" Tinampal niya ito sa braso.

"Oh! I'm sorry baby!" Agad na hinawakan naman siya sa tiyan saka iyon hinaplos.

"Jacob!" Pinandilatan niya ito pero tinawanan lang siya nito.

"Bakit ka nga pala nandito misis?" Tanong nito dahil may nilapitan itong kakilala kanina at iniwan sila sa mesang kinaroroonan nila.

Kagagaling lang niya sa kusina at uminom ng tubig dahil biglang sumama yung pakiramdam niya.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito sa kaniya at hinawakan siya sa braso.

"Yeah, medyo nahilo lang ako kanina dahil sa dami ng mga bisita."

Sagot niya.

"Halika na muna sa kwarto at ng makapag pahinga ka." Yaya nito sa kaniya at inalalayan siya sa baywang.

"No, okay lang ako. Nakakahiya naman kina mama."

"But Misis–."

"Ano ka ba, ako na mismo magsasabi sayo kapag hindi na ako okay."

"Are you sure?"

Pangungulit pa nito sa kaniya.

"Oo naman." Nakangiting sagot niya sa binata.

"Okay! sabi mo eh." Anito, saka siya hinapit sa baywang at bumalik sila sa mesang kinaroroonan ng mga magulang at anak nila.

"Iyan ba yung fiancee ni Jacob? Napakaganda naman niya." Narinig niyang puri ng isang matandang babae na madadaanan nila.

"Oo mare, bagay na bagay nga sila ng inaanak ko." Patiayon naman ng isa pa. Napangiti naman siya sa narinig. Nang lingunin niya si Jacob ay kinindatan naman siya nito na wari'y kanina pa nakikinig sa usapan ng mga bisita.

Napangiti na lang din siya.

"How sweet!" Puri agad ni Janna.

Kanina pa pala sila nito pinapanood.

"Inggit ka?" Nakatawang sabi ng binata sa kapatid.

"Basta kung saan kayo masaya, okay na ako dun." Sagot naman ng dalaga at minsan pay nagkatawanan sila.

Maya maya'y pumainlanlang sa paligid ang isang malamyos na tugtog na nagmumula sa isang sikat na banda na inimbitahan ng doktora at mga kaibigan din nito. Nagsimulang kumanta ang vocalist ng banda. Napaka ganda ng boses nito. Buong buo.

"Baby, may i have this dance?"

Nakangiting tumayo si Jacob sa kaniyang harapan at nakaumang ang palad nito sa kaniya. Napatingin siya sa buong paligid at lahat ay nakatingin sa kanila. Hinihintay kung tatanggapin ang nakalahad na kamay nito.

"Jacob! nakakahiya!" Pinandilatan niya ito pero ngiti lang ang naging sagot nito.

"Mommy!" Narinig niyang tili ng kanilang anak kaya wala sa sariling tinanggap niya ang palad ng binata.

Nakita pa niya ang ginawang pag thumbs up nito sa anak nila saka naman ito nagpapalakpak sa tuwa kasama ang tita Janna nito.

Nakangiti naman ang mag asawa habang nakatingin sa kanila, napasandal pa ang Doña sa esposo nito.

Iginiya siya ng binata sa dance floor, hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at pinagsalikop sa kaniyang leeg, saka naman siya nito hinapit sa baywang. Magkadikit ang kanilang mga katawan habang nagsasayaw.

"I love you." Pagkuway bulong nito sa kaniya.

Mataman niya itong tinitigan kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo.

"Misis, mahal na mahal kita, kayo ng mga bata." Ulit nito. Sasagutin ba niya ito ng mahal din niya ito o magkukunwari na lang siya at susupilin na lang niya ang kaniyang damdamin para dito.

"Misis, mahal mo din ba ako?"

Seryosong tanong nito. Mariin itong nakatitig sa kaniya.

"Jacob.."

"Please.." Pagsusumamo nito. Nakita niya ang paglamlam ng mga mata nito ng hindi niya makuhang sagutin ang tanong nito.

"Mahal ka din namin ng mga bata." Sa wakas ay kusang lumabas iyon mula sa kaniyang mga bibig at alam niyang galing iyon mismo sa kaniyang puso.

Walang pag aalinlangan.

"Mahal mo ako?" Ulit nito. Mariin siyang tinitigan kaya napatango siya.

"I love you baby!" Sa wakas ay nakangiti na ang binata bago nahulog ang isang butil ng luha mula sa mga mata nito.

Seryoso? Umiiyak talaga ang binata? Totoo ba ang kaniyangbnakikita?

"I'm sorry sa mga nagawa ko na ikinasama ng loob mo, makakaasa kang hindi na mauulit ang mga iyon. Promise!"

Dagdag na sabi pa nito at nagbabadya na naman ang luha nito mula sa kaniya mga mata kaya nahawa na din siya sa binata.

Naalala niya bigla ang tagpong kahalikan nito si Casey. Biglang bumalik lahat yung sakit.

Bakit siya nasasaktan ngayon?

"Basta kapag feeling mo hindi ka na masaya sa amin ng mga bata, magsabi ka lang sa akin ha."

Hirap na hirap siyang sabihin iyon, kasi kahit ang kaniyang isip ay kontra sa kaniyang sinasabi.

"No baby, hindi iyon mangyayari kahit kailan. Mahal na mahal kita kayo ng mga bata."

Anito at nakita niya ang pamumula ng mga mata nito, waring pinipigilan ang paglandas ng mga luha nito pero kusa din iyong nalaglag sa mga mata nito.

"Nandito lang kami nina Cade."

Pinanood niya ang masaganang luha na umaagos sa mga mata nito.

"Thank you baby, basta kahit anong mangyari sa akin ka maniniwala ha? Wala kang ibang paniniwalaan kundi ako lang." Sabi pa nito sa kaniya at pinunasan ang luhaang mukha.

"Oo." Napatangu tango siya.

Pero hindi niya inaasahan ang gagawin nito, lalo siyang hinapit sa baywang, hinawakan nito ang kaniyang mukha at mariing hinalikan sa labi. Nagtagal ng ilang minuto ang halikang iyon saka lang sila nahimasmasan ng makarinig sila ng sigawan at palakpakan. Biglang nag init ang magkabila niyang pisngi pero ang binata tila natutuwa pa sa ginawa nilang eksena.

"Daddy! Mommy!" Sumisigaw na tumakbo palapit sa kinaroroonan nila ang kanilang anak at yumakap sa kanila ng mahigpit. Nakakahiya! Nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanila at panay ang flash ng camera sa kinaroroonan nila.

"What's wrong Daddy? Are you crying?" Tanong ni Cade sa Daddy nito ng makitang nagpupunas ito ng luha.

"Yes baby, kasi mahal na mahal ko kayo ni Mommy at ang little sister mo." Hindi nahihiyang sagot nito sa anak, kaya hindi rin niya maiwasang mapahikbi sa mga oras na iyon. Masyadong nakakadala ang ginawang pag iyak ng binata.

"Mahal na mahal din po namin kayo Daddy, Mommy." Nakangiting yumakap sa kanila ang kanilang anak bago sila nagkayayaang bumalik sa kanilang mesa.

Halos hindi siya makatingin sa paligid dahil sa kahihiyan, pero ang binata prenteng naglalakad at nakangiti sa lahat. Niyakap naman sila ng mag asawa ng makarating sila sa kanilang mesa habang abala naman sa pagpupunas ng luha si Janna sa mga oras na iyon.

Natapos ang birthday party ng Ginang na masaya ang lahat, nakauwi na din sila sa kanilang bahay. Okay na din sila ni Jacob, kahit papaano ay bumabawi sa kanila ang binata.

"I'm home!" Napalingon siya sa nagsalita at tumambad ang nakangiti at kararating na binata mula sa trabaho. Katatapos niyang magluto noon ng sinigang na baboy.

"Hi baby!" Agad na bati nito sa kaniya at kinintalan siya ng halik sa labi.

"Hello baby girl, kumusta ka diyan sa tummy ni Mommy? Behave ka lang diyan ha para hindi mahirapan si Mommy." Sabi pa nito habang hinihimas ang medyo may kalakihan na rin niyang tiyan saka iyon hinalikan.

"Baliw ka talaga!" Kinurot niya ito sa tagiliran pero napatawa lang ito.

"Where's Cade?" Tanong nito ng hindi mahagilap ang anak.

"I'm here Daddy!" Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses at tumambad ang nakangiting si Cade pababa ng hagdan kasunod ang yaya nito.

"Kumusta ang baby ko?" Agad na niyakap niya ito at ginulo ang buhok.

"Hey Daddy! I'm not baby anymore big boy na ako, kasi magkakaroon na ako ng little sister." Sabi nito sa Ama.

"Ganun daw ba iyon?" Nakangiting tanog nito sa anak.

"Yes Daddy! saka bakit mo ginulo ang buhok ko, masisira nito ang kapogihan ko." Nakasimangot na inaayos nito ang nagulo nitong buhok. Nagkatinginan sila ng binata at napangiti.

"Okay son, I'm sorry!." Agad naman na paumanhin niya.

"Hmm.. may pinagmanahan nga." Nakangiting hinampas niya ang binata sa braso.

"Sabi ko nga!" Nakatawang sagot naman nito.

"Magbihis ka na muna habang inihahanda ko ang dinner natin." Sabi niya sa binata.

"Hmm.. mukhang mapapalaban yata ako nito mamaya ah." Bulong nito sa kaniya pagkakita sa niluto niyang ulam.

"Asa ka!" Inirapan niya ito.

"Misis naman! Ilang araw na kayang wala!" Nagkakamot ito sa batok.

"Oo na, sige na! Magbihis ka na muna. Nasa ibabaw ng bed yung pagbibihisan mo." Nakatawang ipinagtulakan na niya si Jacob dahil baka kung ano na naman ang magawa nito.

"Ang bait naman ng misis ko, sana bumigay ka din mamaya."

Anito saka siya kinindatan.

"Che!" Irap niya at nakatawang tumalikod na ang binata saka naman niya inihanda ang kanilang dinner.

"Wow! Super yummy!" Sabi ng kaniyang anak habang nilalagyan niya ng sabaw ang mangkok nito.

"Siyempre luto ko yan eh!" Nakangiting ginulo niya ang buhok ng anak.

"Mommy!" Agad na reklamo nito habang inaayos ang nagulong buhok.

"Okay baby, im sorry."

"Mommy!"

"Okay anak, im sorry." Bawi niya agad.

"May pinagmanahan!" Inirapan niya ang binata. Napatawa lang din ito.

"Kasi Mommy eh! nagbibinata na ang anak natin tinatawag mo pang baby." Dagdag biro pa ni Jacob.

"Daddy!" Kontra agad nito sa narinig.

"I'm sorry son." Bawi nito agad saka sila nagkatawanan.