CHAPTER 31 SEDUCE ME

Palubog na ang araw noong maisipan nilang maglakad lakad ng binata sa dalampasigan. Magkahawak kamay silang naglalakad at ang mga ibang naliligo ay sa kanila nakatingin.

"Bakit sila nakatingin sa atin?" Tanong niya sa binata.

"Kasi maganda ka, at ang guwapo ko naman daw." Nakatawang sagot nito sa kaniya.

"Ang yabang din!" Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Seryoso nga!"

"Oo na!"

"Hi Jacob!" Napalingon sila sa nagsalita at tumambad ang isang naka two-piece swimsuit na babae.

"Hey! It's me Averil." Pagpapakilala nito ng hindi makapagsalita ang binata.

"Oh--yes! Averil kumusta ka na?" Pagkuway tanong nito sa babae.

"I'm good! kauuwi ko lang galing California." Maarteng sabi nito saka naman siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Who is she?" Tanong pa nito. Akala mo naman kung sino. Kung dibdib lang ang labanan pwes! hindi rin naman siya matatalo noh! Saka mas malayong maganda naman siya dito sa Averil na ito. Mukha ngang ewan.

"Oh I'm sorry. She is Tricia, my lovely wife." Pagpapakilala nito sa babae.

"Really? Oh.. Hi Tricia." Nakangiting bati nito sa kaniya.

"Hello." Tipid niya itong nginitian.

"Nag asawa ka na pala, akala ko single ka pa hanggang ngayon tulad noong huli tayong magkita." Nakatawang hinaplos nito sa braso ang binata, at ang kumag na ito tila nag eenjoy naman. Heto na nga ang ebidensiya oh diba? Buntis na siya kumekerengkeng pa ang isang ito at sa harap pa talaga niya mismo?

"Yeah, saka alam mo na hindi na rin tayo bumabata diba?"

"Yeah, and she's pregnant?"

"Yes, second baby namin."

"Oh, ang bilis huh!" Maarteng sabi nito.

Saka sila nagkatawanan ng babae. Ang sarap hilahin ito sa buhok at ingudngud ang mukha sa buhanginan. Mangali ngaling iwan na niya ang binata.

"Oh siya sige, maiwan ko na kayo. Nice meeting you Tricia." Pamamaalam na nito at hinalikan siya sa pisngi ganun din ang ginawa nito sa binata pero may kasamang landi ang bruha.

"Bumalik na tayo sa bahay mo." Nakasimangot na sabi niya. Pagkaalis ni Averil.

"What?"

"Pagod na ako, gusto ko ng magpahinga."

"But—."

"Kung gusto mong sundan ang Averil na iyon fine! bahala ka sa buhay mo!" Naiinis na tinalikuran na niya ang binata at nagsimula na siyang maglakad pabalik ng bahay.

"Hey! are you jealous?"

"No! eh di kahit magsama pa kayong dalawa wala akong pakialam!" Naiinis na sabi niya.

"Look baby, magkaibigan lang kami ni Averil."

"Magkaibigan? Kung makatitig nga sayo akala mo kung sino."

Galit na sabi niya.

"Misis naman!" Napakamot ito sa ulo.

"So, nakasama mo na siya?"

Nagsasalubong ang mga kilay na tanong niya.

"Minsan ko lang siya nakasama noong birthday ni Alex, kaibigan siya ng pinsan ko." Paliwanag nito sa kaniya.

"Paanong nakasama, magkatabi kayo natulog ganun?"

"What? No way! Ipinakilala lang siya ng pinsan ko."

"Para kasing nakasama mo siya ng matagal, sa tema ng pananalita niya."

Tumigil siya sa ilalim ng puno ng niyog na may upuan at umupo doon dahil nakaramdam siya ng pagod, idagdag pa ang ngitngit na nararamdaman niya.

"Misis, wala kaming relasyon ng Averil na iyon. Believe me."

Sabi ni Jacob at tumabi ito sa kaniya.

"Really? Bakit kung makahawak siya sayo kanina akala mo talaga may pinagsamahan kayo."

"Ganun talaga si Averil."

"So, mas higit pa sa hawak ang ginawa niyo noon ganun ba?" Sigaw niya dito. Wait lang ha! Bakit kung makasigaw naman yata siya ay para siyang asawang nagseselos. Bakit ba! Naiinis talaga siya sa mga babaeng lumalapit at nagpapakita ng motibo kay Jacob lalo na kapag kaharap siya.

"Minsan ko lang siya nakita, hindi na yun nasundan."

"Ewan ko sayo!"

"Baby, please believe me. Hindi ko siya gusto. Ikaw lang ang mahal ko." Hinawakan pa siya nito sa mga kamay.

"Kung makasulyap ka kanina sa boobs niya akala mo–"

"Hey! Stop it baby."

"Porke ba hindi na ako sa sexy? Porke ba tumataba na ako?"

Nakasimangot na pagmamaktol niya.

"Nagseselos talaga ang misis ko, ni wala pa nga siya sa kalingkingan mo kung ganda at hubog lang ng katawan ang pag uusapan." Nakangiting hinapit siya nito sa baywang.

"Bakit ka nakangiti?"

"Kasi ang cute mong magselos!" Sagot nito at mabilis siyang ninakawan ng halik sa labi, siya naman itong nabigla ngayon at hindi agad nakaimik.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa binata. Pangatlong araw na nila noon sa isla ng bigla na lang siya nito hilahin sa dalampasigan at namalayan na lang niya ang sarili na nakasakay na sila sa isang yate.

"Saan tayo?" Tanong niya sa binata. Nakangiting tumabi naman ito sa kaniya.

"Mamamasyal tayo."

"Okay!" Napatango na lang siya.

Ang ganda ng buong paligid, nakaka relax ang tanawin na kaniyang nakikita. Sana ganito palagi. Yung wala kang ibang iisipin kundi ang mamasyal kasama ang mga mahal mo sa buhay.

'Sana huwag na itong matapos'. piping usal niya sa kaniyang sarili.

"Misis." Untag sa kaniya ng binata.

"Y-yes?"

"I love you." Pagkuway sabi nito sa kaniya. Saka siya nito hinapit sa baywang at pinaupo sa kandungan nito. Asiwa man siya sa kanilang itsura pero binalewala na lang niya ito.

"Wala man lang response?" Napasimangot ito at ang guwapo nitong tignan kapag nagtatampo.

"I love you too." Nakangiting sagot niya. Ayaw naman niyang masira ang napaka gandang araw nila noh.

Napahawak na lang siya sa batok nito ng kabigin siya at halikan sa labi.

Makakaiwas na naman ba siya sa gusto nitong mangyari?

"Uhmmm." Ungol niya ng magsimulang laruin ng binata ang dibdib niya. Hindi niya namalayan na nakababa na pala ang suot niyang damit at lantad na ang maputi at naglalakihan niyang bundok na ngayon ay pinagsasawahang dedehin ng binata.

"Jacob.." Daing niya dahil napakasarap ng ginagawa nito sa kaniya.

"Ohhh baby.."

"B- baka may makakita sa atin." Nagawa pa niyang ibulong dito. Saka siya lumingon sa buong paligid. Palapit na ang sinasakyan nilang yate sa dalampasigan at tumigil sila doon sa mga may puno na kanina lang ay natatanaw niya. Napaka ganda ng buong paligid. Puti ang buhangin at may nag iisang cottage doon kung tawagin na talagang ipinasadyang gawin.

Inalalayan siya ng binata sa pagbaba mula sa yate hanggang sa maapakan na niya ang puti at pinong buhangin.

"Wow! ang ganda naman dito." Agad na puri niya saka inilibot ang paningin sa buong paligid. Nakaka relax.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Jacob.

"Yeah, ang ganda!" Aniya saka siya huminga ng malalim.

"Come on, pumasok na muna tayo sa loob." Yaya nito sa kaniya.

"Diyan?" Turo niya sa nag iisang cottage doon na may kalakihan din.

"Yeah, come on misis." Anito, hinawakan na siya sa kamay at iginiya papasok sa loob ng cottage. So, may sariling susi ang binata. Ibig bang sabihin isa din ito sa mga pag mamay ari niya?

"Come on misis." Tuluyan na nga silang nakapasok at napanganga siya sa loob. Napa gara niyon at napaka linis.

"Gutom ka na ba?" Pagkuway tanong nito sa kaniya.

"Parang mas gusto ko munang lumangoy." Sagot niya, dahil kanina pa siya naeengganyo na magbabad sa asul na tubig.

"Sure, magbihis ka na at hihintayin kita." Nakangiting sabi nito.

"Hintayin mo na lang ako sa labas."

"Misis naman, mahihiya ka pa ba sa akin?"

"Jacob!" Pinandilatan niya ito.

"Fine! Pumasok ka na diyan sa room natin at hihintayin na lang kita dito." Sabi nito, kaya napatango na lang siya. Baka kasi biglang magbago ang isip nito. Pumasok na nga siya sa sinasabing kwarto ng binata at nagpalit siya ng damit.

Nagsuot siya ng floral maternity bathing suit, bumagay naman sa lumalaki na niyang tiyan. Sinipat niya ang sarili sa salamin at napapikit siya. God! Napaka daring naman ng suot niya. Kaya ba niya? Luwa ang kaniyang cleavage at paniguradong hindi na naman makakapagpigil ang binata nito. Napangiti siya sa isiping iyon. Hindi naman niya inaakit si Jacob sa lagay na iyon diba? Saka bakit siya mahihiya eh sila lang naman ang tao dito.

"Misis, are you done?" Boses iyon ng binata mula sa labas.

"Y-yeah!" Sagot niya at lumabas na nga siya. Hindi nga siya nagkamali dahil napalunok ang binata pagkakita sa kaniya.

"Wow!" Napahilamos pa ito sa mukha saka siya nito nilapitan.

"Ang ganda mo lalo misis." Anito at walang pasabing hinalikan siya sa labi. Hindi naman siya agad nakagalaw. Napakabilis talaga ng binata pagdating sa mga ganitong eksena.

"Uhmmmmp.." Ungol niya ng magsimulang maglakbay ang kamay nito sa kaniyang katawan.

"Baby.." Malambing na ungol nito kaya napamulat siya.

"Hmmmm…Jacob! Maligo na kaya muna tayo." Anas niya habang patuloy siyang hinahalikan ng binata sa leeg.

"Mamaya na.." Kontra agad nito.

"Hmmmm.. Jacob!" Hinawakan niya ito sa mukha kaya napatigil ito at tinitigan siya ng mariin.

"Gusto ko ng maligo." Nakatawang saad niya saka hinila na niya ito sa kamay papunta sa dalampasigan. Wala naman itong nagawa kaya napakamot na lang ito sa ulo.

"Humanda ka sa akin mamaya!" Anito saka minsan pay hinalikan siya sa leeg saka sila nagkatawanan.

"Ang sarap ng tubig!" Palatak niya ng mabasa ang kaniyang mga paa. Napaka lamig ng tubig at nanunuot iyon sa kaniyang kalamnan. Napasigaw pa siya ng sabuyan siya ni Jacob ng tubig.

"Jacob!"

"Ang sarap ng tubig diba?" Nakatawang nilapitan siya nito at iginiya na siya sa tubig kaya lalo siyang nabasa.

"I hate you!"

"I love you sexy!" Nakangiting sabi nito saka siya pinagtawanan.

"Che!" Inis na sabi niya saka niya inilublob ang katawan sa tubig.

"Humanda ka sa akin mamaya." Anas ng binata. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran.

"Asa ka!" Inirapan niya ito.

"Tignan natin!" Anito saka siya kinindatan kaya napataas kilay siya.

Kapag ganito kaguwapo ang manlalambing sayo aayaw ka pa ba diba? Napangiti siya ng bahagya sa isiping iyon.

"Excited?" Nakatawang idinikit pa ni Jacob ang katawan sa kaniya saka marahang pinisil ang kaniyang dibdib.

"Jacob!" Tinampal niya ito sa braso.

"Kasi naman inaakit mo ako." Nanggigil na sabi nito.

"Ikaw talagang lalaki ka kahit kailan!"

"As if naman ayaw mo?" Tinitigan siya nito ng mariin.

"Asa ka!" Inirapan niya ito saka siya lumangoy palayo. Naku naman! kapag ganito na ang eksena bibigay na talaga siya.

"Misis! Come on medyo mainit na." Tawag sa kaniya ng binata at lumangoy ito palapit sa kaniya. Hindi na niya namalayan kung ilang oras na sila nakababad sa tubig. Parang ayaw na niyang umahon.

Medyo masakit na nga sa balat ang sikat ng araw kaya kinuha niya ang nakaumang na palad ng binata at umahon na muna sila.

"Are you hungry?" Pagkuway tanong sa kaniya ni Jacob. Nasa pampang na sila noon. Iniabot sa kaniya nito ang tuwalya.

"Thankyou." Nakangiting kinuha niya ang tuwalya mula dito.

"Gusto mo na bang kumain?" Ulit na tanong nito.

"Sige, medyo nagugutom na nga ako." Aniya saka sila bumalik sa loob ng cottage.

"Maligo ka na agad, baka sipunin ka." Sabi pa sa kaniya ng binata. Napatingin siya dito.

"Why? Gusto mo bang sabayan na kita?" Nakakalokong tanong pa nito.

"Asa ka!" Irap niya dito saka dumiretso na siya sa banyo. Iniwan niyang tumatawa ito.

Inihanda na nga ng binata ang kanilang pananghalian dahil paglabas niya ng banyo naaamoy na niya ang ulam na pinapainit nito.

Napasilip siya sa labas at nakita niya ang mesa na punung puno ng pagkain, may pagka romantiko din pala ang bilyonaryong ito.

"Are you done?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Jacob ng makita siya at lumapit ito sa kaniya.

"Bakit ang hot mo?" Anas nito, kaya kinurot niya ito sa tagiliran.

"Ikaw talaga kahit kailan!"

"Inaakit mo ba ako?" Tanong pa nito sa kaniya.

"No way!" Irap niya saka nagpatiuna na siya sa labas. Nakasunod naman sa kaniya ang tumatawang binata.

Ipinaghila siya nito ng upuan at umupo ito sa kaniyang tabi.

Nagutom siya bigla sa mga pagkaing nakahain sa kaniyang harapan.

Nilagyan ng binata ang pinggan niya ng pagkain at ulam. Ipinag balat pa siya nito ng hipon bago nito inasikaso ang kaniyang sarili.

Napaka sarap kumain sa tabi ng dagat idagdag pa ang masarap na pagkain at ang malamig na simoy ng hangin.

"Masarap ba?" Tanong sa kaniya ng binata.

"Yeah."

"Ako nagluto niyan." Pagmamalaki nito sa buttered shrimp na talaga namang napaka sarap sa kaniyang panlasa.

"Really?" Nakataas kilay na tanong niya.

"Yeah, alam ko kasi na isa iyan sa mga favorite mo kaya nagpabili ako kagabi at niluto ko yan kaninang madaling araw." Kwento nito.

Oh! Nakaka touch naman ang effort ng bilyornaryong ito.

"Thank you." Sabi niya.

"I love you." Bagkus ay sagot nito kaya napangiti siya.

"Kinikilig ka?" Kantiyaw nito sa kaniya.

"Hindi na ako bata para kiligin." Nakaismid na sabi niya.

"Sus! kunwari ka pa."

"Hay naku! kumain ka na nga lang."

"Fine!" Napasimangot din ito.

"Gusto ko ng water melon." Pagkuway sabi niya, kaya iniabot iyon ni Jacob sa kaniya.

"Matamis?"

"Yup!"

"Pero mas matamis ka." Walang pasabing kinabig siya nito at hinalikan siya sa labi at kinagat iyon.

"Sweet!" Nakangiting sabi ng binata saka siya kinindatan.

"Ang bastos mo!" Kinurot niya ito sa tagiliran na lagi niyang ginagawa kapag naiinis siya.

"Ikaw kasi inaakit mo ako lagi."

"Ikaw kaya diyan!"

"Come on misis."

"Hay naku! Ewan ko sayo!"