CHAPTER 28 FAMILY IS LOVE
"Ang hirap naman ng ganito." Reklamo niya dahil kanina pa niya gustong kumain nun.
"Baka may mga bunga pa ng mangga doon sa Hacienda nila Jacob."
Sabi niya sa kaniyang sarili.
Pero ayaw niyang kausapin ang binata. Kahit huwag na lang siya kumain basta kahit anong mangyari hindi niya ito kakausapin.
Hanggang sa makarating siya sa bahay nila. Naramdaman niyang nanghihina siya at biglang sumama yung pakiramdam niya dahil hindi pa niya nakakain yung gusto niya.
"Hello Misis." Boses iyon ng binata.
Bahala na.
"Gusto kong kumain ng mangga." Inis na sabi niya dito.
"Mangga? kakain ka ng ganitong oras baka sumakit yung tiyan mo."
"Eh sa gusto kong kumain ng mangga, kauuwi ko lang galing ako sa labas nag hanap ako ng mabibilhan pero wala." padaskol na sagot niya.
"Lumabas ka? Sinong kasama mo?" tanong nito.
"Oo, ako lang mag-isa Bakit ba?" naiinis na tanong niya dito.
"Wala, sige na pauwi na ako diyan pero tatawagan ko si Mama na ipadala na lang sa driver nila dito sa bahay."
"Ikaw na lang ang kumuha doon sa kanila."
"Seryoso ka?"
"Oo, ikaw na lang ang kumuha bilisan mo ha!" Iyon lang at pinatay na niya ang end button ng kaniyang cellphone. Manigas ka! Kulang pa yan sa ginawa mong pagsisinungaling sa akin.
Alas otso na nang gabi ng dumating ang binata. Nasa living room siya noon at hinihintay ito.
"Bakit ngayon ka lang?" agad na asik niya dito.
"Hello misis." Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
"Ano ba! ang baho mo." Naka simangot na sabi niya sa binata.
"Hey! katatapos ko nga lang naligo doon sa bahay kanina."
Nakangiting sabi nito saka inamoy ang sarili.
"Che! ewan ko sayo!" Nakabusangot parin siya.
"Misis naman!"
"Ipagbalat mo nga ako ng mangga, dalian mo ah!"
Utos niya dito. Tinignan lang siya ng binata bago ito nagtungo sa kusina para ipagbalat siya ng kakainin niyang mangga.
Pagkatapos ng ilang minuto nasa harapan na niya ang nabalatan ng mangga at ang sawsawan niya ay alamang na ipinaluto niya kanina.
"Ang sarap!" Nakangiting sabi niya sa unang kagat pa lang niya nakaramdam siya ng kaginhawaan. Ganun ba talaga iyon? Napaka sensitive niyang magbuntis ngayon, hindi naman siya ganito kaarte noong ipaglihi niya si Cade.
"Gusto mo?" Alok niya sa binata na nakatitig sa kaniya habang kumakain.
"No, thank you."
"Daddy!" Napalingon silang dalawa ni Jacob at tumambad sa harapan nila ang nakangiting si Cade.
"Kumusta ang baby namin?" Agad na kinarga ito ng binata at pinupog ng halik.
"I'm fine Daddy, may surprise po ako." sabi naman ito at ipinakita ang nakatuping papel na hawak.
"Wow! did you draw it?" Manghang tanong niya sa kaniyang anak. Family is Love ang nakasulat tapos nakaguhit silang apat, si Daddy, si Mommy, si Cade at ang little sister nito. Magkaka hawak-kamay silang apat.
"Yes Daddy!"
"Wow! very good! that's my boy." Tuwang tuwa na sabi niya saka ito niyakap ng mahigpit. Nakaka touch lang dahil sa murang edad ng kanilang anak nakakapag isip na ng ganitong konsepto.
"Look Mommy oh." sabi sa kaniya ng anak at nilapitan siya nito.
"Wow! ang galing naman ng baby namin." Nakangiting ginulo niya ito sa buhok.
"I will also teach my little sister to draw when she comes out." sabi pa nito.
"Ang bait naman ng baby namin!" kinurot niya ito sa pisngi.
"Siyempre nagmana ako kay Daddy eh!"
"Sabi ko sayo eh!" Nakangiting kinindatan siya nito. Tinaasan naman niya ito ng kilay.
"Si Daddy lang? bakit ako hindi?" kunwari nagtatampong sabi niya.
"Siyempre dalawa kayo ni Daddy Mommy." sabi nito saka siya niyakap. Nagkatawanan naman sila.
"Siya nga pala misis, birthday ni Mama sa sunday."
Pagkuway sabi sa kaniya ng binata.
"Birthday po ni Grandma?" ulit ng kaniyang anak.
"Yes baby, dapat Friday nasa bahay na tayo."
"Anong gift natin kay Grandma Daddy?"
"Pupunta tayo sa Mall at mamimili tayo ng gift natin kay Grandma." Nakangiting ginulo ni Jacob ang buhok ng anak.
"Yeheeyy!!" nagtatalon ito sa tuwa.
"Kumusta yung mag-ina mo?"
Tanong sa kaniya ni Harrold. Nasa isang Bar sila noon. Bigla kasing nagyaya ang kaibigan sa hindi malaman na dahilan.
"Okay lang naman sila pare." Nakangiting sagot niya.
"Eh si Tricia?"
"Hindi parin ako pinapansin, hindi ko nga alam kung bakit siya nagagalit sa akin eh."
Napa buntong hininga siya saka inisang lagok ang natitirang laman ng bote ng alak.
"Alam mo ba kung bakit pare?"
Bigla siyang napatingin sa kaibigan.
May alam ba ito kung bakit hanggang ngayon nagagalit sa kaniya si Tricia?
"Bakit?"
"May nag send daw ng picture niyo ni Casey na nasa labas kayo at naghahalikan."
Diretsong sabi sa kaniya ng kaibigan.
"What? Anong naghahalikan? Kailan?"
Nagsasalubong ang mga kilay na tanong niya sa kaibigan.
"Bago yata nagpunta si Casey sa New York."
"Damn!" Napamura siya.
"Nagkita yata noong isang araw si Tricia at Arah, naikwento daw sa kaniya ni Tricia."
"Shit!"
Naalala na niya na hinalikan pala siya noon ni Casey at sino ang magaling na kumuha ng larawan sa kanila?
"Umiiyak daw noon si Tricia, gusto ka ngang sugurin noon ni Arah pagdating niya ng bahay pero pinigilan ko, kilala mo naman ang pinsan mong iyon."
"Kaya pala bigla na lang niya ako hindi hindi kinibo pag uwi ko ng bahay."
Nakita ko nga yung mga pictures niyo ni Casey."
"Seryoso?"
"Yeah, nasa cellphone nga ni Arah, pinasa niya mula kay Tricia."
"Fuck! wala akong alam."
"Bakit pa kasi kayo lumabas?"
"Look pare, wala kaming ginagawang masama ni Cass, nagpaalam lang siya dahil pupunta siya ng New York."
"Tapos maghahalikan kayo?"
"Siya yung humalik sa akin, nabigla nga ako noon."
"Mahal mo pa ba siya pare?"
Seryosong tanong sa kaniya ni Harrold.
"Mahal ko ang pamilya ko pare."
"Eh si Casey?"
"Magkaibigan na lang kami ni Cass."
"Ingatan mo si Tricia pare, dahil alam ko kung gaano siya kamahal ni Arvin."
"Yeah pare, kakausapin ko mamaya si Tricia pag uwi ko ng bahay na mali yung iniisip niya sa amin ni Cass."
"Mahal ka ni Tricia, kasi hindi ka niya iiyakan kung wala siyang nararamdaman sayo, kaya ayusin mo iyang gusot na iyan kung gusto mo ng maayos na pamilya."
Sabi sa kaniya ng kaibigan.
Napatango naman siya.
Matapos silang uminom,
nagkaniya-kaniya na sila ng uwi.
Pagdating niya sa bahay naabutan niyang nanonood ng TV sa may living room ang kaniyang mag-ina.
"Daddy your here!"
Agad na sinalubong siya ni Cade ng yakap, lumapit naman siya kay Tricia at hinalikan ito sa pisngi.
"Bakit gising pa kayo?"
Tanong niya. Tumabi siya kay Tricia.
"Kasi hinihintay ka po namin ni Mommy."
Sagot agad ng kaniyang anak. Napatingin naman siya kay Tricia pero nag-iwas ito ng tingin sa kaniya.
"Sorry anak, napasarap kasi yung kwentuhan namin ng Tito Harrold mo."
"It's okay Daddy, ewan ko lang diyan kay Mommy." Sabi pa ni Cade.
"Mommy."
Inakbayan niya si Tricia pero tinaasan lang siya nito ng kilay.
"Sorry na, hindi na mauulit bigla kasing nagyaya si Pareng Harrold."
"It's okay, unless na si Harold talaga ang kasama mo."
"Are you jealous?"
Nakatawang tanong niya.
"Why should I get jealous? Alam ko naman na nasa New York yung girlfriend mo."
Inis na sabi nito saka ito nagpunta ng kusina. Hindi naman siya agad nakaimik. Susundan sana niya ito pero biglang nagpakarga sa kaniya ang anak.
"Daddy sa room niyo ako matutulog ni Mommy tonight."
"Sure baby."
Nakangiting sabi niya sa kaniyang anak.
"Namimiss ko po kasi kayo katabi ni Mommy, pero bukas sa room ko na ako ulit matutulog."
Napatawa naman siya sa sinabi ng anak saka ginulo niya ito sa buhok.
"Come on Cade, it's getting late na, matulog na tayo."
Sabi ni Tricia sa kanila at nagpatiuna na ito sa kanilang silid. Sumunod naman sila ni Cade.
Nakahiga na ito ng madatnan niya sa kanilang silid at nasa ibabaw ng kanilang kama ang damit na pagbibihisan niya. Bilib din naman siya kay Tricia dahil kahit hindi siya nito pinapansin ay nagagawa parin nito ang kaniyang obligasyon. Mukhang wala talaga ito sa mood kaya bukas na lang niya ito kakausapin.
Madaling araw na noong magising siya at masama talaga ang kaniyang pakiramdam, bumangon siya at pumasok sa banyo at doon nagsuka. Halos maisuka na niya lahat ang kaniyang kinain.
"Misis are you okay?" Nag aalalang tanong sa kaniya ni Jacob. Hinahagod nito ang kaniyang likod noon. Marahil nagising ito dahil sa kaniyang pagsusuka.
"Y-yeah.." Nanghihinang sagot niya. Sinabayan pa ng kaniyang pagkahilo. Inalalayan naman siya nito pabalik sa kanilang kama.
"Dadalhin na lang yata kita sa hospital."
Nag aalala paring sabi ng binata sa kaniya.
"Ano ka ba, okay lang ako. Mawawala din ito mamaya." Nakasimangot na sabi niya.
"Are you sure?"
"Yeah."
Inalalayan siya ng binata at pinahiga ito sa kaniyang dibdib, nag aalangan man pero binalewala na lang niya iyon dahil talagang masama ang kaniyang pakiramdam. Naramdaman pa niya ang ginawang paghalik sa kaniya ng binata sa buhok.
Hanggang sa igupo siya ng antok.
Tanghali na nang siya'y magising, kaya pala may mabigat na bagay na nakadagan sa kaniya dahil pagmulat niya nakita niyang nakayakap sa kaniya ang binata. Wala na si Cade sa kanilang tabi. Hindi niya maiwasan ang hindi ito titigan dahil kahit tulog ito ay napaka guwapo parin nito. Napaka tangos ng ilong nito na nakuha ng kaniyang anak, ang labi nitong sadyang mapula na manaka naka niyang halikan pero pinigilan niya ang kaniyang sarili.
"Alam kong guwapo ako Misis."
Nakangiting nagmulat ito ng mata. Shocks! nakakahiya! kanina pa kaya siya nito pinagmamasdan?
"Ang yabang din!"
Inirapan niya ito. Akmang babangon na siya ng hapitin siya nito sa baywang at yakapin nang mahigpit.
"Bumangon na tayo, hindi ka ba papasok?" Tanong niya sa binata.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Bagkus ay tanong nito.
"Yup okay na ako, kaya ikaw bumangon ka na diyan at pumasok ka na."
"Tinatamad ako." Nakangiting sabi nito at isiniksik nito ang ulo sa kaniyang leeg.
"Jacob!" Kunwari naiinis na sabi sabi niya.
"Nakalimutan mo yatang ako ang may-ari ng FGC at boss Misis." Nakatawang sabi nito sa kaniya.
"Oo na! eh anong gagawin mo maghapon?"
"Mamasyal tayo nina Cade."
"Tinatamad ako." Nakasimangot na sabi niya.
Ng tumunog ang cellphone ng binata. Kinuha niya ito sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Dennice ang kaniyang sekretarya.
"Good morning po sir, ire remind ko lang po iyong meeting niyo kay Mr. Smith mamayang Eleven."
Shit! Nakalamutan niyang may meeting pala sila ni Mr. Smith ang isa sa mga Investors nila.
"Yeah, magkita na lang tayo doon
Pakiready na lang lahat iyong mga kailangan."
"Yes sir."
"Sige na, bye!"
Iyon lang at pinatay na niya ang end button ng kaniyang cellphone.
"Diba sabi ko naman sayo?"
Inarapan niya ang binata. Napasimangot naman ito.
"Come on, bumangon ka na at ng makapag breakfast ka man lang."
Nakawala din siya sa pagkakayakap mula rito. Inayos niya ang kaniyang sarili at nagpatiuna na siyang lumabas sa kanilang silid upang ihanda ang almusal ng binata.
Ipinagtimpla niya ito ng kape at ipinagsandok ng kanin at ulam.
Masama parin ang loob niya dito pero hinayaan na lang niya iyon. Ayaw naman niyang masira ang araw niya.
"Coffee." Sabi niya sa binata at iniabot ang mug na may lamang kape.
"Thank you Misis, hindi ka ba kakain?" Tanong nito sa kaniya.
"Hindi pa ako nagugutom eh."
"Kumain ka na kahit konti."
"Mamaya na lang."
"Okay, basta kumain ka mamaya ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom."
"Oo."
Hanggang sa matapos na itong kumain, inihanda na rin niya ang mga gagamitin ng binata sa pagpasok.
Saktong katatapos lang niya plantsahin ang mga damit ng binata ng lumabas ito mula sa CR na nakatapis lang ng tuwalya.
Iniabot niya ang damit dito. Sa harapan talaga siya nito naghubad? Hindi na nahiya. Asiwa tuloy siyang huwag na ito sulyapan.
"Misis paabot naman ako ng Polo ko." Paglalambing nito sa kaniya.
Ng lumingon siya naka brieft pa lang ito.
"Bastos!" Inirapan niya ito pero tinawanan lang siya.
"Baby, papasok na si Daddy sa office. Behave ka dito ha?" Sabi niya sa kaniyang anak at hinalikan ito. Nasa may living room ito noon at naglalaro.
"Yes Daddy."
"Misis, papasok na ako." Sabi nito at nilingon siya.
"Mag iingat ka."
Nakangiting nilapitan siya nito at hinalikan sa labi saka hinawakan siya sa tiyan.
Hinatid pa niya ito hanggang sa may garahe bago ito pumasok sa kaniyang saskayan.
"I love you Misis." Sabi pa nito pero Inismiran lang niya ito saka na siya bumalik sa loob. Aba! Masama parin ang kaniyang loob noh!