CHAPTER 27 SENT PHOTOS
Agad na lumapit sa kaniya si Casey at humalik sa kaniyang labi bagay na hindi niya naiwasan ng makita siyang palapit dito.
"Cass!." agad na kontra niya sa ginawa nito.
"I'm sorry, na miss lang kita." Nakangiting sabi naman nito sa knaiya. Napailing na lamang siya.
"So ano yung sasabihin mo?"
Pagkuway tanong niya pagkaupo pa lang niya sa harapan nito.
"Relax, kumain na muna kaya tayo." anito saka siya hinawakan sa kamay.
"Alam mo na busy ako sa office, sumaglit lang ako dito."
Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang kanilang order na pagkain. Alam na ng dalaga kung ano ang gusto niya pagdating sa restaurant na ito.
"Anyway kaya pinapunta kita dito kasi gusto ko lang magpaalam." Simula nito.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"May Show kami doon sa New York baka abutin kami ng 1 month doon."
"Okay, Good luck."
"Thank you, pero mamimiss kita."
Napasimangot ito.
"Cass."
"Fine! hindi na lang din kita mamimiss."
Sinulyapan niya ang dalaga. Nakasimangot ito. Dati kapag ganito ang eksena lalambingin lang niya ito okay na sila. Bakit nga ba sila humantong sa ganito? Dati masaya naman sila. Pero iba na ngayon. Hindi man niya aminin pero mahal na niya si Tricia at sigurado na siya doon. Hindi ito mahirap mahalin kasi bukod sa kabaitan nito, responsibleng may bahay at ina ng kaniyang mga anak. Wala na siyang maipipintas dito.
"Hon, something wrong?"
"Nothing." Sabi niya saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Marami pa silang pinagkwentuhan at naging maayos naman ang takbo ng kanilang usapan bago siya nagpaalam dito.
"Thank you sa time." Nakangiting yumakap sa kaniya ang dalaga at humalik sa kaniyang labi.
"You're welcome, mag iingat ka sa pupuntahan mo."
Gumanti siya ng ngiti dito kahit paano naman eh may pinagsamahan sila ng dalaga.
Mabait naman si Casey, Spoiled brat nga lang. Palibahasa nag iisang anak ng mayamang negosyante.
"Thank you, drive safely!"
Kumaway pa ito sa kaniya ng paalis na siya.
Kasalukuyan silang nanonood ng kaniyang anak sa may living room ng tumunog ang kaniyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang nag chat sa kaniyang messenger at hindi niya iyon kilala.
Kinapos siya ng hangin at hindi siya makahinga pagkakita sa larawang ipinadala ng di kilalang sender.
Si Jacob kasama si Casey at naghahalikan ang dalawa.
Yung isang picture ay nakahawak si Casey sa kamay ni Jacob at ang isa pa ay nagtatawanan ang mga ito at halata sa mga mukha ang kasiyahan. Kanina lang ito nangyari dahil iyon mismo ang damit ng binata na pumasok sa office.
So ibig sabihin lumabas ang dalawa at kumain sa labas? Bakit hindi man lang yata nagpaalam ang binata sa kaniya? Siguro may karapatan naman siya diba?
"Mommy! are you okay?" tanong sa kaniya ng anak dahil may tinatanong pala ito sa kaniya pero hindi na niya nasagot.
"Ha? ano yun anak?" tanong niya.
"Are you okay Mommy?"
"Y-Yes anak, okay lang ako."
"Anong gusto mong merienda?" pang iiba na lang niya dahil alam niyang hindi rin siya nito tatantanan kapag sinabi niyang hindi siya okay.
"Orange juice saka yung favorite ko na sandwich Mommy."
Nakangiting sabi ng kaniyang anak.
"Okay baby." Nakangiting pinisil niya ito sa baba saka nagtungo siya sa kusina.
Mabuti na lang at hindi nakita ng kaniyang anak ang pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa mga mata.
Bakit siya umiiyak? Bakit siya nasasaktan? Ibig bang sabihin nito mahal na niya talaga si Jacob? Hindi na niya iyon maitatago pa dahil heto siya ngayon umiiyak at nasasaktan!
Nagkabalikan na ba sila? Bakit wala man lang sinasabi sa kaniya ang binata kung ganon? Baka na realize na nito na si Casey naman talaga ang mahal niya at kaya nasa piling nila ito ngayon dahil lamang sa mga bata? Sinasabihan siya nito ng I love you pero para saan iyon?
Paimpit siyang umiyak. Nasasaktan siya! Libu libong karayom ang tumutusok sa kaniyang dibdib.
"Mommy!" boses iyon ng kaniyang anak.
"Sandali na lang baby." Sabi niya. Kinalma niya ang kaniyang sarili at inihanda ang merienda ng anak.
"Here baby." Sabi niya at iniabot ang pagkain ng anak.
"Thank you Mommy! I love you." sabi ng kaniyang anak. Niyakap siya nito at hinalikan.
Gustung gusto na niya ulit umiyak.
Dahil lang ba kay Cade at sa magiging kapatid nito kaya kasama nila si Jacob?
Sana sabihin na lang nito ang totoo sa kaniya habang maaga pa para alam naman niya kung saan talaga siya lulugar diba?
Nakahiga siya noon ng madatnan siya ni Jacob. Kauuwi lang nito galing trabaho. Pasado alas siyete na ng gabi noon.
Hello misis." agad na nilapitan siya nito at hinalikan sa labi.
Iiwas sana siya pero huli na.
"Magbihis ka na at sumunod ka na lang sa baba, kakain na tayo."
Sabi niya at walang lingon likod na tinalikuran niya ito. Nakita pa niya ang pagkunot noo nito pero hindi na lang niya iyon pinansin.
"Si Cade?" tanong nito sa kaniya ng hindi makita ang anak.
"Tulog na, napagod sa paglalaro." Sagot niya.
Akmang lalagyan niya ng kanin at ulam ang kaniyang pinggan pero pinigilan niya ito.
"Ako na, thank you." sabi niya.
"May problema ba?"
Tanong nito sa kaniya. Nakatitig ito sa kaniya ng mariin.
"Wala."
Sabi niya saka nagsimula na siyang kumain at agad din siyang natapos.
Wala talaga siya sa mood dahil hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip niya ang mga pictures na ipinadala sa kaniya. Kung hindi lang niya iniisip ang kaniyang baby hindi talaga siya kakain.
"Mauna na ako." sabi niya pero hindi man lang niya nagawang sulyapan ang binata na kumakain pa noon.
Muling nahulog ang masaganang luha sa kaniyang mga mata pagkapasok pa lang niya sa kanilang silid. Nasasaktan parin siya! Bakit parang wala lang ito sa binata? Hindi ba talaga nito sasabihin sa kaniya ang totoo?
Pumasok na siya sa banyo at nagpasyang maligo bago pa siya makita ni Jacob na miserable ang hitsura.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nasa loob ng banyo dahil paglabas niya wala parin ang binata sa kanilang silid. Bagkus naabutan niya ang cellphone nito na nagriring at si Casey ang tumatawag.
Lalo na naman siyang nasaktan ng mabasa ang message nito.
'Hon, nasa airport na ako, Thank you sa time kanina nag enjoy ako. See you soon. Ingat ka diyan lagi ha? loveyu.'
Iyon ang message ni Casey sa binata. Bakit hon parin ang tawag nito sa kaniya? Sila na ba ulit?
Pinigilan niya ang paglandas ng luha sa kaniyang mga mata kaya lalong bumigat ang kanyang nararamdaman.
Humiga na lamang siya at napapikit bago niya narinig ang pagbukas ng pinto ng kanilang silid.
Naramdaman niya ang pag upo nito sa kaniyang tabi at hinalikan siya nito sa noo.
"I love you." bulong nito sa kaniya gusto na sana niyang kiligin pero pinigilan niya dahil masama talaga ang loob niya dito.
Nang tumunog ang cellphone nito agad niya na sinagot iyon.
"Hello Cass, I'm good how about you?"
Narinig niyang sabi ni Jacob. So si Casey ang kausap nito?
"Sure, ingat ka din diyan." Iyon ang mga katagang narinig niya mula sa binata hindi na niya maintindihan pa ang iba pang sinasabi nito dahil nasasaktan na siya ng sobra. Akala siguro nito natutulog na siya. Hindi niya napigilan ang paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nasasaktan siya! iyon ang nararamdam niya sa mga oras na iyon.
Didistansiya na lang siya sa binata. Baka tuluyan ng masanay ang sarili na laging nandiyan ito sa kaniyang tabi tapos iiwan lang din pala siya nito sa ere. Iyon ang kaniyang nabuong plano. Bukas na bukas din. Bago siya iginupo ng antok.
Kahit puyat siya kagabi at masama ang kaniyang loob pinilit parin niyang ipaghanda ang binata ng almusal nito.
Nakaluto na siya noon ng mamataan niyang pababa ang binata. Ipinagtimpla parin niya ito ng kape.
"Good morning misis." Nakangiting bati nito sa kaniya saka siya nito hinalikan sa labi. Makakaiwas pa ba siya?
"Good morning, kumain ka na." Sabi niya dito.
"Hindi ka kakain?"
"Hindi pa ako gutom." Walang emosyon na sabi niya.
"Misis may problema ba tayo?" tanong ng binata sa kaniya. Nakatitig sa kaniya ito ng mariin.
Gusto niya itong sigawan at sabihin na nagseselos siya pero nagawa parin niyang pigilan ang kaniyang sarili.
"Wala, sige na at may gagawin pa ako sa itaas." sabi niya at nginitian naman niya ng tipid ang binata bago ito tinalikuran.
Shit! ayaw niya ng ganito. Isang araw pa lang pero namimiss na niya ang lamabingan nila ng binata. Pero masisisi ba niya ang kaniyang sarili?
Inihanda na niya ang mga gagamitin ng binata sa pagpasok, plinantsa na din niya ang uniform nito at nakaayos na ang mga papeles at laptop na nakapatong sa table nito.
"Misis."
Nagulat siya dahil biglang may yumakap sa kaniyang likuran hindi niya namalayan ang pagpasok ng binata dahil namimintana siya sa mga oras na iyon.
"May problema ba tayo?"
Tanong nito sa kaniya.
"Wala."
"Wala, pero bakit ganiyan ka? bakit ganito mo ako pakitunguhan?"
Naguguluhang tanong nito sa kaniya. Pinihit siya nito paharap at tinitigan siya nito sa mga mata.
Hindi naman siya makatingin ng diretso dito.
"Misis please, bakit parang ang lamig mo naman. Kahapon ka pa ganyan."
"Huwag mo na lang kasi ako pansinin, wala lang ako sa mood." palusot niya dito.
"May kasalanan ba ako? May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan?"
Malungkot na tanong nito sa kaniya. Konti na lang bibigay na talaga siya. Nagsusumamo ang binata sa kaniyang harapan.
"Wala kang kasalanan, talagang wala lang ako sa mood ngayon. Alam mo naman na naglilihi ako."
Seryosong sabi niya at ewan kung maniniwala sa kaniya ito.
Biglang tumunog ang cellphone ng binata sa ibabaw ng mesa at Sabay silang napatingin doon.
Si Casey na naman ang tumatawag.
"Sige na, may gagawin lang ako saglit."
Sabi niya at tinaggal ang nakapulupot na braso ng binata sa kaniyang baywang at tinalikuran ito.
Hindi na niya narinig kung ano ang pinag usapan ng dalawa.
Fuck! nasasaktan na talaga siya.
Pinahid niya ang mga luhang tumulo sa kaniyang mga mata bago dumiretso sa hardin.
Dito na muna siya habang kinakalma niya ang kaniyang sarili.
Umupo siya sa may duyan doon habang pinapanood ang mga paru- parong nagsisiliparan sa nagpapayabangan na nag gagandahang mga bulaklak.
Kahit papaano naman gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Mahal na mahal niya kaya ang mga bulaklak.
"Ma'am, gising na si Cade at hinahanap po kayo." sabi ng isa sa mga kasama nila sa bahay.
"Sige susunod na ako." Nakangiting sabi naman niya dito.
"Good morning Mommy." Agad na bati sa kaniya ng kanilang anak. Nasa kusina ito kasama si Jacob. Nakabihis na ito noon.
"Good morning too baby." ganting bati rin niya saka niya ito hinalikan sa labi.
"Papasok na ako." Sabi ng binata.
"Ingat ka Daddy, I love you." Nakangiting yumakap naman ang bata sa Ama.
"I love you too baby."
"Misis papasok na ako." Sabi ni Jacob lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya nito sa labi.
"Mag iingat ka." Iyon lang at tinalikuran na niya ito para ipagtimpla ng gatas si Cade.
Nagtatakang nakamasid sa kanila ang anak, marahil hindi ito sanay sa iniasta nila. Hindi na lang din niya ito pinansin dahil alam niyang magtatanong na naman ito.
"Hindi ka busy today?" tanong niya kay France. Agad na pumunta ito sa kanilang bahay ng maramdaman niyang may may problema siya.
"Hindi na ako pumasok, rest day ko na lang ngayon saka alam kong kailangan mo ako."
Nakatawang sagot nito.
"Seryoso ka?"
"Oo naman."
Nakaupo sila noon sa gilid ng swimming pool habang pinapanood ang lumalangoy na anak kasama ang yaya nito. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil binigyan siya ng isang matalik na kaibigan na sumbungan niya ng lahat ng paghihikahos niya sa buhay.
"France." Bigla siyang lumungkot at gusto niyang umiyak ngayon sa harap nito. Masamang masama parin ang kaniyang loob.
"Makikinig ako." anito at pinasandal siya sa balikat nito.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at ipinakita sa binata ang picture ni Jacob kasama si Casey.
"Fuck!" agad na mura nito pagkakita sa mga larawan ni Jacob na kahalikan si Casey.
"France." Naiiyak na sambit niya.
"Akala ko ba wala na sila?" inis na tanong nito sa kaniya.
"Hindi ko alam."
"Sinabi mo sa kaniya na alam mo na yung ginawa niyang kalokohan?"
"Hindi pa, hindi ko na lang din siya pinapansin mula kahapon kasi masamang masama talaga ang
loob ko."
"Gagong iyon, hindi ba niya naisip na bawal sayo ang ma stress, hindi ba niya alam kung ano yung mararamdaman mo kapag nalaman mo ang tungkol sa kanila."
"France."
Hindi niya napigilan ang huwag mapahikbi. Niyakap naman siya nito.
"Hindi ko alam kung ano ang magagawa ni Arvin kapag nalaman niya ito."
Nanggagalaiti na sabi pa ng binata habang hinahagod siya sa likod.
"Gagong iyon, akala ko pa naman may paninindigan siya." dagdag pa nito.
"France, baka marinig ka ni Cade."
Saway niya sa binata saka niya inayos ang kaniyang sarili.
"Mahal mo na ba talaga siya?" Seryosong tanong sa kaniya ng kaibigan.
Hindi naman siya agad nakaimik. Masasaktan ba siya ng ganito kung hindi diba? Iiyakan ba niya ang binata kung hindi niya ito mahal diba?
"Mahal mo na siya diba?" Ulit pa ni France. Napatango naman siya. Hindi naman na niya kailangan maglihim sa kaibigan eh kasi lahat ng ganap sa buhay niya ito ang unang nakakaalam.
"Anong plan mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam."
"Kausapin mo siya, tanungin mo kung ano ba talaga kayo, kung ano sila ni Casey ngayon para alam mo yung gagawin mo."
"Kakausapin ko siya mamaya pag uwi niya."
"That's good, kasi hindi naman yata pwede yung kayo ni Cade ang kasama niya dito sa bahay tapos sila pa pala ni Casey, bababa yung tingin sa kaniya ng anak niyo. Hindi iyon magandang halimbawa."
"Kaya mo naman diba?" tanong pa nito. Napataas kilay siya kasi hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin.
"I said, kaya mo naman kahit wala si Jacob if ever na si Casey ang piliin niya."
Shucks! parang sinaksak siya ng patalim ng walong beses.
wala ng mas sasasakit pa sa sinabi ng kaibigan. Kaya na ba niya talaga?
Kinaya naman niya ang pagpapalaki kay Cade noon kahit wala si Jacob sa buhay nila. Pero iba na kasi ngayon. Pinapasok niya ang binata sa buhay nila at nasanay na siyang kasama ito lagi ng kanilang anak.
"Kaya ko." May bikig sa kaniyang lalamunan ng sabihin niya iyon.
Gustung gusto na ulit niyang umiyak pero pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil nakatingin sa kanila ang anak.
"Pero diba laging sinasabi sayo ni Jacob na mahal na mahal niya kayo?"
"Oo."
"Naman pala, hindi naman siguro kayo basta basta na lang iiwan nun, lalo pa at magkakaroon na kayo ulit ng anak."
Nakangiting ginagap siya ng kaibigan sa kamay, waring pinapagaan lang nito ang kaniyang kalooban.
Napatango na lamang siya, ayaw na niyang magsalita dahil nasasaktan lang siya lalo.
"Basta nandito lang ako para sa inyo ng mga bata."
"Thank you France." Maluha luhang sabi niya at siya na ang yumakap sa kaibigan. Kahit papaano naman gumagaan ang kaniyang pakiramdam dahil alam niyang kahit anong mangyari hindi siya iiwan ng binata.
Hapon na noong magpasyang umuwi ang kaibigan, saka naman biglang may gusto siyang kainin. Natatakam siyang kumain ng mangga.
Namalayan na lang niya ang sarili na nagmamaneho ng kaniyang sasakyan para maghanap ng mangga. Hindi pa naman panahon ng mangga ngayon. Napasimangot siya ng dahil sa kakaikot wala pa siyang nakikita.
"Ano ba naman ito!" Nakasimangot na sabi niya. Nasa harapan siya noon ng isang supermarket. Nagbabakasali lang, pero wala talaga.
"Tricia!" May tumawag sa kaniyang pangalan at namataan niya si Arah, ang pinsan ni Jacob na asawa ni Harrold.
"Hey! anong ginagawa mo dito? sinong kasama mo?" agad na tanong nito matapos silang mag beso beso.
"Ako lang, may bibilhin kasi ako." Nakangiting sabi niya dito.
"Halika, bigla akong nagutom mag merienda na muna tayo." Yaya nito at pumasok sila sa isang Cafe malapit lang doon.
"Bakit parang nangayayat ka yata?" agad na puna ni arah sa kaniya habang kumakain ng cake.
"Pinapabayaan ka ba ng pinsan ko? May problema ba kayo?" dagdag tanong pa nito. Halata ba talaga na may problema siya?
"Okay lang ako."
"Parang hindi naman, come on maglilihim ka pa ba sa akin?"
Pinisil siya nito sa kamay. Oo nga naman kasi diba? Babae din ito at alam niyang maiintindihan siya nito. Ang lakas naman ng pakiramdam nito.
"Arah."
"Come on, sinasabi ko na nga bang may problema eh." Palatak nito.
Iniabot niya ang cellphone dito. Ayaw niya kasing magsalita baka maiyak lang na naman siya.
"What the fuck!" agad na bulalas nito pagkakita sa mga larawan sa kaniyang cellphone. Napatingin ang ilan sa mga kumakain doon dahil napalakas ang pagkasabi nito.
"Talagang makati ang babaeng iyon! hindi ba niya alam na may pamilya na ang pinsan ko?" Nanggagalaiting sabi nito.
"Isa pa itong Jacob na ito! anong ginagawa nila ng babaeng yan?" inis pa na sabi nito.
"Alam na ba ni Jacob na alam mo ang tungkol diyan?"
"Hindi niya alam, Hindi ko din naman kilala yung nag send basta hindi ko na lang din siya pinapansin kasi masama talaga yung loob ko." Pinunasan niya ang nahulog na luha mula sa mga mata. Bakit ba pagdating kay Jacob napaka sensitive niya.
"Makakarating ito sa kaniya! hindi ito pwede. Hindi pwede yung ginagawa niya."
"Hayaan mo na lang." Sansala niya.
"Hayts! makakatikim sa akin ng sermon iyon!" Kilala niya si Arah pagdating sa mga kalokohan galit ito.
"Mahal mo na ba?" tanong nito. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman ang tungkol sa kanila sa simulat sapul pa lamang.
"Sanay na kasi kami ni Cade na lagi siyang nandiyan para sa amin."
Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
"Mommy where are you?" agad na tanong ng kaniyang anak.
"May binili lang ako saglit anak, pauwi na din ako."
"Okay Mommy, ingat ka. I love you."
"I love you too baby."
Iyon lang at nawala na ito sa ere.
"Okay, mukhang hinahanap ka na ng pamangkin ko, pasyalan na lang namin kayo isang araw." Sabi ni Arah sa kaniya at sinabayan na nila ito ng tayo palabas ng cafe na iyon.
"Mag iingat ka." niyakap siya ni Arah bago siya pumasok sa kaniyang sasakyan.
Habang nagmamaneho iniisip parin niya yung kung saan siya kukuha ng mangga.