CHAPTER 26 LITTLE PRINCESS
"Darating din tayo diyan, huwag ka munang excited." Nakangiting hinawakan niya ito sa kamay para naman hindi tuluyang masira ang araw nito.
"Gusto ko lang bumawi misis kasi hindi ko man lang nagawa sainyo yan noon kay Cade."
"Ano ka ba, magkakasama na tayo ngayon." sabi niya sa binata.
"Kahit na misis, gusto ko lagi akong may time sa inyo ng mga anak natin."
Nakangiti na ito ulit.
"Naiintindihan ka naman namin."
"Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin." anito saka siya hinalikan sa labi.
"Mahal na mahal ka din namin ng mga bata." Aniya saka siya yumakap sa binata. Tapos na rin noon sila sa pagkain.
"I love you misis."
"I love you more." At minsan pay hinalikan siya ng binata saka sila nagkatawanan.
"Napakaaga naman yata pero heto tayo at nagda drama." nakatawang sabi niya.
"Oo nga noh, naku! sigurado akong magiging maarte na naman ang anak natin." biro naman nito sa kaniya.
"Che!" inirapan niya ang binata.
"I'm just kidding baby." anito saka siya hinapit sa baywang at napaupo sila sa may sofa.
"Jacob!" tili niya ng hawakan siya nito sa baywang. Doon pa naman malakas ang kaniyang kiliti.
"Hey! wala pa akong ginagawang masama sayo!" nakatawang sabi naman nito.
"Alam ko na yung ganiyang mga galawan mo noh!" Pinandilatan niya ito.
"Nasaan na kayo? kanina pa naghihintay sina mama dito." boses iyon ni Janna na nasa kabilang linya.
"Malapit na kami ate." sagot niya.
Naku! mas excited pa yata ang mga ito sa kaniya. Napangiti naman siya sa isiping iyon. Mahal na mahal talaga sila ng mga ito.
"Okay, sige mag iingat kayo."
"Sige ate, salamat." Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.
"Anong sabi ni ate?"
Tanong sa kaniya ni Jacob.
"Naghihintay na daw sina mama at papa doon."
"Mas excited pa yata sila sa atin ah."
Nakatawang sabi nito.
"Oo nga." Napatawa din siya.
"Mommy kelan lalabas ang little sister ko?" tanong ng anak na nasa backseat.
"Maghihintay pa tayo ng 7 months anak mula ngayon." nakangiting sagot niya sa anak.
"Kasi excited na po akong alagaan siya." sabi nito. Nagkatinginan naman sila ni Jacob. Napaka bata pa ng kanilang anak pero kung mag isip akala mo matanda na.
"Wow! that's my boy!" nakatawang sabi ng binata.
"Siyempre Daddy kuya na ako eh." sabi pa nito.
"Ang bait naman ng anak ko." pinisil niya ito sa pisngi.
Hay! wala na talaga siyang mahihiling pa. Sana maging maayos na nga ang lahat. Ang gusto lang naman niya simple, masaya at buong pamilya.
Hanggang sa makarating na sila sa pagmamay ari nilang Hospital. Lahat ng makasalubong nila ay bumabati sa kanila kahit noong papasok na sila sa loob.
Napapatingin sa kanila ang lahat dahil hawak ng binata ang kaniyang kanang kamay at karga naman nito sa kaliwa ang anak. Napakasayang pagmasdan diba? Napaka guwapo ng kaniyang mag ama at hindi naman siya pahuhuli kung ganda lang din ang pag uusapan.
"Hi Jacob!" maarteng boses ang tumawag sa pangalan ng binata at napalingon sila. Isang nurse ang tumambad sa kanilang harapan.
"Hi Freya." Nakangting bati naman ng binata dito. Aba! kung makangiti naman ang lalaking ito akala mo wala ng bukas noh? At sino naman ang babaeng ito? Ang kapal ng makeup kaya nagmumukhang maganda. Hindi ba niya nakikita na nakahawak sa kaniyang kamay ang binata o sadyang makati lang talaga ito?
"Misis mo?" Malanding tanong pa nito sa binata. Mukha ba siyang hindi misis nito? Hello Magkahawak kamay na sila oh saka hindi ba nito nakikita na magkamukha ang kaniyang mag ama?
"Yup, si Tricia misis ko." sagot naman nito.
"Oh I see." Nakangiti parin ito.
"Mauna na kami sa loob, kanina pa naghihintay sina ate." pagpapaalam na ni Jacob dito.
"Okay, bye!" Sagot nito saka nito kinindatan ang binata. Abah! malandi din talaga ang isang ito.
"Huwag mo nga akong hinahawakan!" Inis na inalis niya ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniya.
"What?"
"Hindi ka rin malandi noh!" galit na nagpatiuna na siya sa paglalakad at iniwan ang mga ito.
"Hello Tricia." agad na sinalubong siya ni Janna at nakipag beso beso ito sa kaniya. Kahit nawala na siya sa mood nagawa parin niya itong itong ngitian. Ngiti na lamang ang tanging naisagot niya dito.
"Were here!" boses iyon ni Jacob.
"Tita Mommy!" agad na yumakap at humalik dito ang kaniyang anak. Tinaasan lang din niya ng kilay ang binata ng ngitian siya nito.
"Nasaan sina Mama at Papa?" tanong ng binata.
"May dinalaw lang na kaibigan dito." sagot naman ng ate nito.
"Come on sweetie." Nakangiting yaya sa kaniya ni Janna at nagpatiuna na ito, sumunod naman siya dito.
"Humiga ka na at ng ma check na natin si baby." Excited na sabi nito. Sinunod naman niya ang pinapagawa nito.
Itinaas niya ang kaniyang damit at inayos naman ni Janna ang gagamitin at nagsimulang pakinggan ang heartbeat ni baby.
"Misis." nakangiti at naluluhang sabi ni Jacob. Hindi nila namalayan na nasa loob na pala ito kasama ang kanilang anak. Pinakinggan nito ang heartbeat ni baby sa pamamagitan ng fetal droppler mula sa ate nito.
"Uhmm.. can't wait to see you my little princess."
Sabi ng binata at tuluyang nahulog ang isang butil ng luha mula sa mga mata nito.
"Hey! ang drama mo naman!" siniko ito ng kaniyang ate Janna na naging emosyonal din noon.
"Ate naman." pinunasan naman nito ang luhaang mukha.
"First time mo?" biro pa nito.
"Yes, dahil hindi ko man lang ito nagawa kay Cade noon."
"Okay!" Napatangu tango naman ang doktora.
"I love you misis." pagkuway binalingan siya ni Jacob at hinalikan siya sa labi. Nahiya naman siya bigla dahil nakaharap sa kanila si Janna at Cade. Kahit kailan talaga itong si Jacob walang pinipiling lugar.
"Misis."
"Namimilit talaga ng sagot?" Nakatawang tinaasan ito ng kilay ng kaniyang ate.
"I love you too." Sagot na lamang niya upang hindi rin naman mapahiya ito.
"Kumusta ang aking Apo."
Boses iyon ng Doña na kapapasok sa loob.
"Ma, come on pakinggan mo yung heartbeat ni baby." Masayang inalalayan ito ng binata at iniabot ang instrumento sa ina na naka connect sa tiyan ng misis nito.
"Oh my baby." Tuwang tuwa na sabi ng Doña ng marinig ang pagtibok ng puso ng apo sa sinapupunan ng Mommy nito.
"Come on Apo, pakinggan natin yung heartbeat ng little sister mo." Yaya ng Doña sa Apo nito. Little sister talaga? Eh 2 months pa lang naman ito at hindi pa ma identify kung babae ba o lalaki ang kanilang magiging anak.
Lumapit naman ang anak nila at kinandong ito ng kaniyang lola habang pinapakinggan ang pagtibok ng puso nito.
"Hello my little sister, behave ka diyan sa tummy ni Mommy ha?" inosenteng hinaplos pa siya nito sa tiyan. Nagkatawanan naman sila sa ginawa ng kanilang anak.
"Kumusta yung baby namin ate?" pagkuway tanong ni Jacob sa ate nito. Nakaupo na sila noon sa pinaka living room ng silid na iyon.
"Okay naman si baby, normal naman yung heartbeat niya basta iwas muna sa stress ha?" sagot ni Janna sa kapatid saka tumingin ito sa kaniyang gawi.
"Jacob!" Warning agad na sabi ng Doña sa anak.
"Ma naman! parang bibigyan ko naman ng sakit ng ulo yang misis ko." nakasimangot na reklamo ng binata sa ina.
"Dapat lang na hindi dahil kami ng mama at ate Janna mo ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo iyang misis mo."
Boses naman iyon ng Don na bigla na lang din pumasok at sumingit sa usapan.
Aba! kapag pala sinaktan siya ni Jacob nandito agad ang mga sumbungan niya. Napangiti naman siya sa isiping iyon pero kapag dumating man yung point na magka problema sila habang kaya pa nilang ayusin walang maririnig ang mga ito mula sa kaniya.
"I agree." nakatawang sabi agad ng Doktora.
"Ate!"
"Mabuti na yung malinaw na usapan anak." ang Doña.
"Fine! pero hindi ko bibigyan ng ikakasama ng loob ang misis ko." Seryosong sabi ni Jacob sa pamilya nito at tumingin ito sa kanya.
"Okay, that's good." nakangiting tinapik ng Don sa balikat ang anak.
"Misis okay ka lang? Kanina ka pa walang imik." tanong sa kaniya ni Jacob kararating lang nila noon mula sa pamamasyal. Gabi na at kauuwi lang nila, after kasi ng kaniyang checkup nag yaya ang Don na mamasyal sila at kakain sa labas na kahit masama ang pakiramdam niya ay pinaunlakan niya ang mga ito.
"Okay lang ako." nakasimangot na sabi niya. Nagbibihis noon ang binata sa harapan niya. Hindi na talaga ito nahiya. Palibhasa sanay na, eh kumusta naman kaya siya diba? Hello! nahihiya parin kaya siya dito.
"Sabi mo okay ka lang pero bakit ka nakasimangot?" tanong pa nito sa kaniya.
"Wala!" naiinis na tumayo siya mula sa kama at kumuha ng damit sa closet.
Naiinis siya dahil sa pakikipaglandian ng binata kanina sa Hospital. Harap harapan ba naman diba? Hindi na nahiya ang mga ito nakaharap pa naman ang kanilang anak.
"Are you jealous?" Nakatawang tanong nito. Buwisit! at nagawa pa talaga nitong pagtawanan siya.
"Hindi!"
"Nagseselos ka eh." tumatawang lumapit ito sa kaniya saka siya hinapit sa baywang.
"Jacob ano ba!" piksi niya pero malakas ang binata. Lalo pa nitong pinagsalikop ang dalawang kamay paikot sa kaniyang baywang.
"Yung baby natin!" inis na hinampas niya ito sa braso.
"Aminin mo munang nagseselos ka." tudyo nito.
"Hindi nga!"
"Hindi talaga?"
Anito saka siya hinalikan sa leeg.
"Jacob!" tili naman niya.
"Hindi parin?"
"Oo na!"
"Anong oo na?"
"Nagseselos na ako! kasi sa harapan pa namin ng anak mo nakikipaglandian ka sa nurse na iyon!" inis na sabi niya.
Napatawa naman ang binata sa narinig. Paaaminin siya tapos pagtatawanan lang pala siya nito?
"I hate you!" Inis na sabi niya dito.
"Sabi ko na nga ba eh!" Palatak nito.
"So masaya ka na?" inirapan niya ito.
"Misis si Freya lang iyon, ikaw yung mahal ko." sabi nito saka siya hinawakan sa kamay.
"Ewan ko sayo!"
"Misis."
"Sa harapan pa talaga ng anak mo noh?"
"Ikaw, si Cade at ang magiging baby natin lang ang mahal ko kaya huwag ka nang magselos diyan ha?" anito saka siya nito niyakap.
"Kainis!"
"I love you."
Bulong nito sa kaniya at isiniksik nito ang ulo sa kaniyang leeg.
"Oo na!"
"I love you misis."
Naku! kung ganito lang kalambing ang binata aarte pa ba siya diba?
"I love you too."
Sagot niya saka siya nito pinaharap at hinalikan sa labi. Nagtagal ng ilang minuto ang kanilang halikan.
"I miss you misis." paglalambing ng binata. Konti na lang talaga at bibigay na siya.
"Baka nakalimutan mo na yung promise mo." dagdag pa nito.
"Jacob!" saway niya dahil nag init bigla ang kaniyang mukha.
Napatawa naman ito.
"Che! ewan ko sayo!" inirapan niya ito saka niya ito iniwan papasok ng banyo. Kahit kailan talaga may pagka pilyo ang binata.
Katatapos lang ng kanilang Board Meeting ng tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya tinignan kung sino ang tumatawag at si Casey ang nasa Caller ID niya.
"Hello Cass."
"Jacob pwde ba tayong magkita?"
"Cass please, nag usap na tayo diba?"
"May gusto lang ako sabihin sayo, nandito ako ngayon sa restaurant na favorite natin."
"Busy ako."
"Hihintayin kita, pinagbigyan na kita sa gusto mo diba? Kahit mahirap pipilitin kong sundin yung mga gusto mo."
"Fine!" nasabi na lamang niya para tumigil na ito. Nakiusap kasi siya dito na huwag na sila nito guguluhin at pumayag naman ito. Kilala niya si Casey.
"Dennice." tawag niya sa kaniyang secretary. Agad na lumapit naman ito sa kaniya.
"Yes sir."
"Ikaw na muna ang bahala dito, lalabas lang ako saglit, paki ready na lang yung mga files na pipirmahan ko mamaya."
Bilin niya dito habang inaayos ang kaniyang mga gamit.
"Yes sir."
"Thank you." Iyon lang at iniwan na niya ito.
Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at pinuntahan ang restaurant kung saan naghihintay si Cassey.