CHAPTER 25 CASEY'S FAULT
"Really? nasa hospital siya ngayon?" nakangiting tanong nito.
"Yes! at dahil sa kagagawan mo!" bulyaw niya sa dalaga. Pinagtitinginan na sila ng ibang mga tao na kumakain sa mga oras na iyon.
"Mabuti nga sa kaniya! hindi pa man nakakarma na siya!." nakatawang sabi nito sa kaniya.
"Ano nalaglag ba yung anak niya?" dagdag pa nitong nakatawa.
"How dare you!" Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito na ikinabigla niya. Hindi yata nito inaasahan ang kaniyang ginawa.
"Wala kang kasing sama!"
"Dapat lang sa kaniya iyon dahil mang aagaw siya!." histerikal na sigaw din nito at isang sampal ulit ang pinadapo niya sa pisngi nito.
"Hindi lang iyan ang matitikman mo kapag hindi mo inayos yang tabas ng dila mo!" bulyaw din niya. Akmang susugurin din siya nito pero agad na lumapit naman ang kaniyang body guard at hinarang si Casey.
"You bitch!" sigaw nito sa kaniya pero hindi na niya ito pinansin. Tinalikuran na niya itong nagsisigaw sa loob ng restaurant na iyon.
"Akala niya yata palalampasin ko yung ginawa ng baliw na babaeng iyon!" nakatawang sabi niya sa kaniyang driver body guard pagkapasok niya sa loob ng kaniyang sasakyan. Galit na galit parin siya.
"Talaga pa lang napakasama ng babaeng iyon ma'am, mabuti na lang at hiwalay na sila ni Boss Jacob." nakangiting napapailing naman si Carlo bago pinaandar ang sasakyan.
"Naku! mabuti na lang talaga hiwalay na sila ng kapatid ko dahil kung hindi araw araw kaming mag aaway ng babaeng iyon!." nakasimangot na sabi niya. Naiinis parin siya kay Casey. Nag aalburuto parin ang ang kaniyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Kung hindi lang sana kalabisan manaka nakang ingudngod niya ito sa sahig at ng mabawasan naman ang kakapalan ng mukha nito.
"Hmm.." mahinang ungol iyon ni Tricia. Agad siyang napatayo at tinignan ito. Eksaktong nagmulat naman ito ng kaniyang mga mata.
"Misis kumusta ka na? okay ka na ba? Anong nararamdaman mo? wala bang masakit sayo?" Magkakasunod na tanong niya dito.
"Kumusta yung baby natin?" nanghihinang tanong nito sa kaniya.
"Ligtas ang baby natin misis." nakangiti at maluha luhang sabi niya saka niya ito hinalikan sa labi at niyakap.
"I'm sorry."
"No, wala kang kasalanan misis." ginagap niya ito sa kamay.
"Sana hindi ko na lang pinatulan si Casey, hindi ko lang kasi matanggap yung mga pinagsasabi niya lalo sa harapan pa ng anak natin."
"Don't worry, kakausapin ko ng masinsinan si Casey dahil sa ginawa niya sayo."
"No need! dahil binigyan ko na siya ng malutong na mag asawang sampal." napalingon sila sa nagsalita at pumasok doon ang nakasimangot na si Janna.
"Pinuntahan mo siya?" tanong niya sa kaniyang ate.
"Yes! at talagang napakasama ng ugali ng babaeng iyon!" gigil na sabi pa nito.
"Hello sweetie, how are you?" Nakangiting nilapitan ni Janna ang Nakahigang si Tricia.
"Okay lang ako ate."
"Iwas stress muna ha? nakakasama sa inyo ni baby." Ginagap siya nito sa kamay. Marahan naman siyang ngumiti dito.
"Mommy!" Boses iyon ng kanilang anak. Kasunod na pumasok ang lolo at lola nito.
"How are you Mommy?" agad na tanong ng kaniyang anak lumapit ito sa kaniya at nagpabuhat upang mahalikan ang Mommy nitong nakahiga.
"Okay na kami ng little sister mo baby." nakangiting sagot niya sa anak.
"Tricia anak." Ang Doña. Lumapit din ito sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Nginitian naman siya ng Don.
"Ma."
"Magpagaling ka anak, iwas stress muna ha?"
"Opo."
"Sa bahay muna si Cade ngayon habang nagpapagaling ka anak." ang Don.
Sabay naman silang napatango ni Tricia sa sinabi ng Ama.
"Nandito na lahat yung mga kailangan niyo, uuwi muna kami nina Cade sa mansion para makapag pahinga ka ng maayos." Pagpapaalam ng Doña sa kanila.
"Bye Mommy! Bye Daddy!." Lumapit sa kanila ang anak at binigyan sila ng isang malutong na halik at mahigpit na yakap.
"Bye baby." magkapanabay na sabi nila sa kanilang anak.
"Sasabay na ako sa kanila, babalik na lang ako ulit mamayang gabi." sabi naman ni Janna.
"Sige ate."
"Magpagaling ka." sabi pa ng mga ito kay Tricia. Napangiti na lamang din ito at umalis na nga ang mga ito. Naiwan silang dalawa ni Tricia.
"Gusto mo bang kumain?" tanong niya dito.
"Yeah." Nanghihina paring sagot nito. Inihanda na nga niya ang pagkain nito.
"Kain ka na." nakangiting inalalayan niya ito para makaupo at makakain.
"Susubuan na kita misis." sabi niya.
"Kaya ko naman."
"Nanghihina ka pa, kaya sa ayaw at sa gusto mo susubuan kita."
sabi niya at kinindatan ito. Wala
itong nagawa ng subuan niya. Marami siyang nakain.
"Gusto ko ng grapes." sabi nito.
"Sure misis." aniya at kumuha ng grapes sa isang box. Malinis na iyon. Sinubuan niya ulit ito.
"Hindi ka rin gutom noh?" kantiyaw niya dito.
"Che!" napasimangot naman ito.
"Hey! I'm just kidding baby." sabi niya at niyakap ito.
"Ewan ko sayo!"
"Ito naman hindi na mabiro." aniya at kiniliti siya sa tagiliran.
"Jacob!" tili niya.
"I love you." pagkuway seryosong sabi niya kay Tricia. Tinitigan naman siya nito.
"I love you." kulit niya.
"I love you more." sagot nito at agad na kinintalan niya ito ng halik sa labi.
"Hi." napaangat siya ng tingin at tumambad ang nakangiting si Arvin.
Kasalukuyan siyang nagchachat noon. Nasa labas noon si Jacob at may binili kaya mag isa siyang naiwan.
"Arvin!" Masayang bulalas niya. Na miss niya ang binata. Ilang linggo din niya itong hindi nakita matapos iyong huli nilang pag uusap noon at nabalitaan lang niya na nasa London ito. Kahit hindi naman sabihin ng binata alam niya at ramdam niya na sumama din ang loob nito sa kaniya.
"Sweetie." agad na lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi saka mahigpit na niyakap.
"I miss you!"
Naiiyak na sabi niya dito.
"Na miss din kita sobra! kayo ni Cade."
Anito at hinawakan siya sa kamay.
"Kumusta ka na?"
"Okay lang ako, kauuwi ko lang kanina galing London. Ikaw kumusta ka na? Kumusta si Cade?" Tanong ng binata. Umupo ito sa kaniyang tabi habang hawak parin ang kaniyang kamay.
"Okay lang kami ni Cade, paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya.
"Sinabi sa akin ni France."
"Ganun ba."
"Yeah, so kumusta yung baby? okay lang ba siya?" tanong nito. Tinitigan siya nito ng mariin pero malamlam ang mga mata nito. Talaga itong si France kahit kailan pati pala pagbubuntis niya naikwento niya dito sa binata. Pero ayos na din iyon atleast alam na ni Arvin at hindi na siya mahihiyang aminin dito diba?
"Oo, okay lang si baby."
"Okay, that's good, Congrats ulit." Nakangiti at napatangu tango ito.
"Kumusta naman siya?" pagkuway tanong nito na ang tinutukoy ay si Jacob.
"Okay lang naman siya."
"Anong ginawa sayo ng Casey na iyon?"
"Hayaan mo na iyon."
Mahinahon niyang sabi dito dahil nakita niya ang pag igting ng mga panga nito. Pagdating talaga sa kaniya ayaw siyang inaapi at nasasaktan siya pareho sila ni France.
"Hayaan na lang? Nandito ka ngayon dahil sa kagagawann niya, paano kapag mas malala pa dito ang inabot niyo?" Galit na sabi nito.
"Anong sabi ni Jacob? Pagsabihan mo na kausapin niya yung Casey na iyon dahil pamilya na niya kayo."
"Kakausapin ko siya."
"Mabuti kung ganun dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya."
"Arvin please."
"Alam mo na ayaw kitang nakikitang nasasaktan, kayo ni Cade at sa magiging baby niyo." Pagkuway kalmante na nitong sabi sa kaniya.
"Thank you." sabi niya at ginagap ito sa kamay.
"Alam mo naman na mahal na mahal kita, kayo ni Cade." anito at sa ganoong ayos sila nadatnan ni Jacob.
"May bisita ka pala." Malamig na sabi nito. Saka napatingin sa magkahawak na kamay nila ni Arvin. Siya yung naunang bumitaw doon.
"Yes pare, dinalaw ko si Tricia dahil nabalitaan ko ang nangyari sa kaniya." Tumayo si Arvin at mariing tinitigan si Jacob. Nagsukatan ng tingin ang dalawa at nag aalala siya na baka kung anong gawin ng mga ito.
"Okay na siya." sabi naman nito.
"Kausapin mo yung ex mo, dahil kapag hindi niya tinigilan si Tricia pasensiyahan tayo." Mariing sabi ni Arvin kay Jacob.
"Hindi ko sila pinapabayaan."
"Wala akong sinasabing pinapabayaan mo sila, ang sa akin lang pare ayaw kong nakikitang nasasaktan si Tricia at Cade."
"Alam ko yung ginagawa ko."
May diin ang pagkakasabi nito.
"Alagaan mo ang pamilya mo, dahil hindi ako mangingiming kunin sayo si Tricia kapag sinaktan mo siya."
"Arvin! Jacob tumigil nga kayo!."
Sigaw niya. Napatingin naman ang mga ito sa kaniya.
"I'm sorry sweetie." agad na lumapit si Arvin sa kaniya.
"Uuwi na ako, magpagaling ka ha, tawagan na lang kita." anito saka siya hinalikan sa pisngi. Wala naman siyang nagawa upang pigilan ito dahil nakaharap si Jacob.
Napatango na lamang siya hanggang sa makalabas ito ng kaniyang silid.
"Ano iyon?" inis na sabi agad sa kaniya ni Jacob.
"Anong ginagawa niya dito?" nagsasalubong ang mga kilay na tanog pa nito.
"Dinadalaw lang niya ako, dahil nasabi ni France ang nangyari sa akin."
"Mahal mo ba siya?"
"Ano?"
"Mahal mo ba siya?" ulit nito.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Narinig ko ang sinabi niya sayo na mahal na mahal ka parin niya hanggang ngayon."
"Wala akong sinabing mahal ko siya!."
"Pero mahal na mahal ka parin niya." galit na sabi nito sa kaniya.
"Nag usap na kami tungkol diyan!"
Inis na sabi niya sa binata.
"Pero mahal mo siya?"
"Pwede ba Jacob!."
"Nakahanda ka niyang bawiin sa akin!."
"Bakit gagawa ka ba ng ikakasira ng pamilya natin?"
Tanong niya. Hindi naman agad ito nakasagot.
Napa buntung hininga ito.
"Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin." pagkuway kalmante na nitong sabi sa kaniya.
"Mahal na mahal ka din namin." naluluhang sabi niya.
"I'm sorry misis." agad na nilapitan siya nito
at kinintalan ng halik sa labi saka siya nito niyakap ng mahigpit.
"Aayusin ko ang gusot na ito, magiging okay din ang lahat." dagdag pa nito. Napatango na lamang siya.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya kay Jacob ng iba ang daan na tinatahak nila pauwi. Kalalabas lang niya ng hospital.
"Malalaman mo mamaya." nakangiting sagot naman nito sa kaniya.
"Ganun?" nakataas kilay na tanong niya.
"Yup!"anito saka siya kinindatan. Pumasok sila sa isang Napakalawak na Village. Nakangiting sinaluduhan sila ng nakangiting guard doon. Naglalakihan at Nagpapataasan ang mga bahay na nandoon at sigurado siyang mga mayayaman ang mga nakatira doon.
"Anong ginagawa natin dito?"
Maang na tanong niya ng tumigil sila sa harap ng isang napaka laking bahay. Mansion na iyon eh.
"Come on misis." yaya sa kaniya ng binata. Lumabas ito ng sasakyan saka umikot sa kaniyang gawi at inalalayan siya hanggang sa siya'y makalabas.
"Jacob! anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong niya.
"Basta, sumunod ka na lang sa akin." nakangiting sabi naman nito at hinawakan siya sa kamay at iginiya papasok sa loob.
Namangha siya pagkabukas nito ng gate. Napaka ganda ng buong paligid dahil napapalibutan ng mga puno at nag papayabangan ang mga bulaklak sa hardin. Nakaka relax sa paningin. Idagdag pa ang napaka linis na paligid.
Napatingin siya sa harap ng bahay. Napaka ganda niyon.
"Come on." sabi sa kaniya ng binata at hinila na siya nito sa kamay papasok sa loob ng bahay.
"Welcome home!" sigawan ng mga ito at nagsihulog ang mga confetti sa kanilang harapan.
Nagtatakang napatingin siya kay Jacob. Nakangiti lang ito.
"Mommy! Daddy!" agad na yumakap sa kanila ang anak. Anong ginagawa nila dito? Kasama ang mga lolo at lola nito. Si Janna. Si Harrold katabi nito ang kaniyang asawa ang yaya ni Cade at may dalawang bagong kasama nila sa bahay na naka uniporme at masayang nakatingin sa kanila.
"Mommy nagustuhan mo ba itong new house natin?" Masayang tanong sa kaniya ng anak. New house? Ito yung bagong bahay na lilipatan nila na matagal ng sinasabi sa kaniya ng binata?
"Welcome home misis." sabi sa kaniya ng binata at hinapit siya nito aa baywang.
"From now on, dito na tayo titira." dagdag pa nito.
"Ha? paano yung mga gamit sa bahay." atubiling sabi niya.
"Nandito na lahat ng kailangan niyo ni Cade, ipinalipat ko na lahat ang mga gamit niyo nung nasa hospital ka pa lang."
"Ang daya mo naman!" kinurot niya ito sa tagiliran.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito sa kaniya. Napangiti na lamang siya.
"Ipapakita ko sayo mamaya yung new room ko Mommy!." Tuwang tuwa na sabi ng anak.
"May new room ka na?" tanong
niya sa anak.
"Yes Mommy! kasi big boy na po ako."
"That's my boy!" ginulo naman ni Jacob ang buhok ng anak.
"Come on let's eat na." Yaya ng Don sa kanila at nagsisunuran naman sila dito at masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang inihandang pagkain.
"Kailan ang kasal pinsan?" tanong ni Arah sa pinsang si Jacob nasa sala na sila noon at nagku kwentuhan.
"Naku! Matagal na namin sinasabi sa mga iyan iha, ewan ko ba!". nakatawang sabi ng Doña.
"Excited na nga ako magpatahi ng gown ko!" Dagdag naman ni Janna.
"Dapat next month magpakasal na kayo." Ang Don.
"Oo nga." ang Doña.
"Basta sabihan na lang namin kayo agad." nakatawang sabi ni Jacob sa mga ito.
"Kelan pa kaya iyon?" nakasimangot na sabi naman ni Janna.
"Paglabas na lang ni baby."
"Grabe! super tagal naman! 7months pa ang hihintayin natin." nakasimangot parin ito.
"Basta kapag okay na ang lahat, magpapakasal kami agad nitong misis ko." sabi ni Jacob.
Napangiti na lang din siya.
Hanggang sa magpaalam na ang mga ito dahil gumagabi na. Ayaw naman matulog ng kanilang mga magulang doon at si Janna dahil First night daw nila sa kanilang bagong bahay at ayaw daw nila mang istorbo.
"Nagustuhan mo ba?" tanong sa kaniya ng binata. Nasa Veranda sila noon at nagpapahangin. Nakaupo ito at nakakandong siya dito habang nakayakap ang dalawa niyang kamay sa leeg nito.
Nakatulog na din noon si Cade sa bagong silid nito.
"Sobrang ganda! kaso napakalaki naman ng bahay na ito para sa ating apat." sabi niya.
"Pagkapanganak mo kay baby, sundan natin agad. Gusto ko 7 yung magiging anak natin." anito saka siya kinindatan.
"Hoy! grabe ka naman. Eh di losyang na ako nun." Nakatawang sabi niya.
"Hindi ah! ang ganda ganda mo kaya." anito saka siya nito pinisil sa baba.
"Okay na kahit dalawa lang." aniya.
"Sino magmamana ng mga kayamanan natin?"
"Ayun! Hindi rin mayabang!." sabi niya at nagkatawanan sila.
Sana lagi na lang sila ganito. Masaya. Walang nanggugulo. Walang problema.
"Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin." pagkuway seryoso ng sabi ng binata sa kaniya.
"Mahal na mahal ka din namin." sagot niya at namalayan na lamang niya ang pagdaiti ng labi nito sa kaniyang labi at marahan siyang hinahalikan.
"Hey! bawal muna." nakatawang sabi niya ng maramdaman ang kamay ng binata na pinaglalaruan ang kaniyang kaliwang dibdib.
"Miss na miss na kita." puno ng pagnanasang sabi nito sa kaniya.
"Magtiis ka muna." aniya at pilit pinipigilan ang kaniyang pagtawa dahil sa hitsura ng binata.
"Fine! basta humanda ka sa akin kapag magaling ka na " nanggigigil na sabi nito sa kaniya at minsan pay niyapos siya nito.
Napatawa na lamang siya sa iniasta nito.
Kahit inaantok pa siya ay pilit siyang bumangon upang ihanda ang mga gagamitin ng binata sa pagpasok.
Saktong kalalabas din nito mula sa banyo at katatapos naligo.
"Good morning misis." Agad na bati nito sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
"Good morning too." nakangiting bati din niya dito.
"Inaantok ka pa?" tanong nito sa kaniya. Napatango naman siya.
"Matulog ka na lang ulit mamaya pag alis ko." nakatawang sabi nito habang nagbibihis ito sa harapan niya.
"Matutulog ako maghapon." aniya.
"Sure, para may energy ka mamayang gabi kasi sobrang miss na miss na kita." Biro nito. Nag init naman ang magkabila niyang pisngi.
"Jacob!".
"Oh bakit?" nakatawang tanong nito.
"Wala!." inirapan niya ito.
Saka ito nagtatawa. Kinurot naman niya ito sa tagiliran.
Inayos niya ang natuping kuwelyo ng binata at napasigaw siya ng bigla siya nitong hapitin sa baywang.
"Jacob!" Tili niya.
"Sobrang namimiss na kita misis." bulong nito sa kaniyang tainga.
"Oo na!" aniya at pilit na kumawala pero lalo siyang niyakap ng binata.
"Mamayang Gabi ha." nang aakit na sabi nito sa kaniya saka siya nito pinaharap.
"Oo na!" nasabi na lamang niya para tigilan na siya nito.
"Sabi mo yan ha."
Excited na sabi nito.
"Oo nga!"
"Hindi na lang yata ako papasok, ano sa tingin mo?" anito saka siya kinindatan.
"Baliw!" Kinurot niya ito sa tagiliran at nagkatawanan sila.
"Papasok na ako." sabi niya at pinuntahan nila ang kanilang anak sa kabilang silid at mahimbing parin itong natutulog.
"Parang kailan lang, mamaya may binata na tayo." sabi sa kaniya ni Jacob.
"Oo nga eh."
"I love you anak." anito at hinalikan sa noo ang natutulog na anak bago sila lumabas sa silid nito.
Inihatid niya ito hanggang sa may garahe.
"Mag iingat ka ha." sabi niya sa binata.
"Thank you misis, mag iingat din kayo ni Cade at kay baby, huwag ka munang gumalaw galaw diyan ha. Magpalakas ka." Anito.
"Oo."
"Papasok na ako." aniya at hinalikan siya sa labi bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Kumaway pa ito sa kaniya hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin.
Pumasok na din siya sa loob.
"Ma'am kakain na po ba kayo?" Tanong sa kaniya ng bagong kasama nila sa bahay ng madatnan niya ito sa kusina na naglilinis.
Hindi naman nila kailangan ng mga kasama sa bahay kasi siya mismo gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang asawa at anak, kaso sa laki ba naman ng kanilang bagong bahay siguradong mapapagod siya sa lawak ng kaniyang lilinisan kaya ang mga magulang ni Jacob ang nagbigay ng kanilang makakasama sa bahay dahil ayaw nilang mapagod siya lalo at lumalaki ang kaniyang tiyan.
"Mamaya na lang ho, sabay na lang kami ni Cade na kakain pagka gising niya."
Nakangiting sagot niya dito.
"Okay ma'am." gumanti rin ito ng ngiti sa kaniya. Manang Luding daw ang pangalan nito ayon kay Jacob.
Mga nasa edad 45 na din ito.
"Kumain na ba kayo?" pagkuway tanong niya.
"Tapos na Ma'am."
"Ganun po ba, sige po at sa taas po muna ako." pagpaalam niya dito.
"Sige ma'am." anito at tumalikod na siya.
Naabutan niya ang kaniyang cellphone na nagriring pagpasok niya sa kanilang silid agad na tinignan niya kung sino ang tumatawag at si France nga iyon.
"Hello France, Good morning."
Bati niya sa kaibigan.
"Good morning sweetheart."
"Bakit? aga mong nagising ah."
" Ang daya mo ah, hindi mo man lang ako sinabihan na lilipat na pala kayo ng bahay." nagtatampong sabi nito.
"Hindi ko rin alam, kahapon ko lang din nalaman paglabas ko ng hospital." sabi niya sa kaibigan.
"Hindi ka rin spoiled diyan sa asawa mo noh?" Napatawa ito.
"Nagulat nga ako kahapon, pagdating namin nandito na silang lahat tapos bagong bahay daw namin." napatawa din siya.
"Mahal na mahal ka talaga ng asawa mo."
Siya naman itong hindi nakaimik sa sinabi nito. Pati itong kaibigan niya naniniwala na mahal siya ni Jacob?
"Siya nga pala, nagkasagutan daw sila ni Arvin noong dinalaw ka niya?"
tanong nito.
"Oo, akala ko nga mag aaway sila."
"Anong sinabi ni Jacob."
"Narinig niya kasi yung sinabi ni Arvin na mahal niya ako tapos kapag daw sinaktan ako ni Jacob hindi daw siya mangingiming agawin ako sa kaniya." Kwento niya.
"Sinabi ni Pareng Arvin iyon?"
"Oo, kaya nagalit si Jacob."
"Ganun ba, hayaan mo at kakausapin ko siya."
"Thank you."
"Ang haba ng hair mo girl, dalawang CEO talaga?" tumatawang kantiyaw nito sa kaniya.
"Iba talaga kapag maganda kamo." aniya.
"Oo na, dalawin kita diyan sa inyo kapag hindi ako busy mamaya."
'Okay, tumawag ka kapag natuloy ka ha." sabi niya.
"Sure, sige na. Bye sweetheart!."
"Okay, bye!".
Iyon lang at pinindot na niya ang end button ng kaniyang cellphone.
"Sir nagpupumilit po na pumasok si Ma'am Casey, nandiyan po siya sa labas." sabi ng kaniyang secretarya.
Nagpanting naman ang kaniyang tainga sa narinig. Hindi pa pala niya ito nakakausap mula ng mangyari ang insidente tungkol kay Tricia.
"Papasukin mo." sabi niya sa kaniyang secretarya. Nagtataka man pero pinapasok parin niya ito.
"Hon!" agad na lumapit ito sa kaniya at akmang hahalikan siya pero umiwas siya.
"Anong Kailangan mo?"
"Hon I'm really sorry."
"Matapos ang ginawa mo kay Tricia may gana ka pang magpakita sa akin?" inis na sabi niya dito.
"Hindi ko sinasadya iyon."
"Hindi mo sinasadya ang murahin at insultuhin siya sa harap ng anak ko?"
"Kaya nga ako nandito para humingi ng tawad, ayusin na natin itong relasyon natin please."
Kandaiyak na sabi nito at akmang yayakapin siya pero itinaas niya ang kaniyang kamay na tanda na huwag itong magkakamaling lumapit sa kaniya.
"Wala na tayong dapat ayusin dahil tapos na tayo, nag usap na tayo tungkol dito diba?"
"Pero mahal na mahal parin kita." umiiyak na sabi nito. Nakonsensiya naman siya narinig.
"Mahal mo ako tapos nagsasama kayo ng ex mo sa isang bubong? anong kalokohan naman iyon Cass."
"How did you know?"
Nagtatakang tanong nito.
"I have my own ways."
"Pero wala naman kami ginagawang masama."
"Cass please itigil na natin ito." Sumusukong sabi niya.
"Pero hindi ganun kadali."
"Huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin please."
"Jacob!." anito at niyakap siya ng mahigpit. Hindi na siya nakaiwas.
"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" umiiyak na tanong nito.
"Cass iba na yung situation natin ngayon, sana maintindihan mo naman ako." pagsusumamo niya dito sa dalaga.
"Mahal mo na ba si Tricia?" hilam sa luha ang mukhang tanong nito sa kaniya.
Napa buntung hininga siya.
"Mahal mo na ba si Tricia?" ulit nito.
"Yes." Walang atubiling sagot niya dito.
"I hate you!" Umiiyak na sabi nito sa kaniya saka siya iniwan.
Wala siyang nagawa kundi panoorin ang pag alis nito.
Hindi Ito ang gusto niyang mangyari pero mahal niya ang kaniyang pamilya. Mahal niya si Tricia at ayaw niyang masaktan ito. Alam niya na isang araw magiging okay din ang lahat. Maiintindihan rin siya ni Casey.
Napabuntung hininga na lamang siya at napaupo sa kaniyang swivel chair.
"Hey man!" Napalingon siya sa nagsalita at tumambad ang nakangiting si Harrold.
"What's up? Ang lalim ng iniisip mo ah." anito saka siya nito tinapik sa balikat.
"Kagagaling ni Cass dito." aniya.
"Anong ginawa niya dito?." tanong nito saka ito umupo sa kanyang harapan.
"Gusto niyang ayusin namin itong relasyon namin eh tinapos ko na nga sa amin ang lahat."
"Mahal mo pa ba siya?" Seryosong nakatingin ito sa kaniya.
"Wala na kami ni Cass at mahal ko ang pamilya ko."
"Bakit pa siya bumabalik sayo kung ganun?"
"Nagmakaawa na ako na tigilan na niya ang panggugulo sa amin ni Tricia at sa pamilya ko pero nagmamatigas parin siya."
"Nakita namin siya ni Arah nung isang araw sa Mall may kasama siyang lalaki at nagsusubuan sila habang kumakain."
"Tapos gusto niyang makipag balikan sa akin, hindi naman ako ganun katanga pare."
"Gusto ngang sugurin noon ni Arah pero pinigilan ko, sabi ko huwag na kasi wala naman na kayo at magagawa niya lahat ang gusto niya." Sabi ng kaibigan. Napatangu tango naman siya.
"Anong plan mo ngayon?"
"Mahal ko si Tricia at ang mga anak namin, ayoko na ulit na may mangyaring masama sa kanya at sa baby namin." Sabi niya sa kaibigan at naglakad lakad siya sa loob ng kaniyang opisina.
"Sensitive pa naman ang misis mo sa ipinagbubuntis niya ngayon kaya iwas stress muna."
"Oo nga pare, hanggang maaari ayokong sumama yung loob niya sa kahit anong bagay lalo na pagdating kay Cass."
"Okay, that's good pare."
"Naiinis lang ako sa Arvin na iyon." Nakahalukipkip na sabi niya.
"But why?"
"Dinalaw niya si Tricia noong nasa hospital at narinig ko mismo mula sa kaniya na mahal na mahal parin niya si Tricia at sinabi niya sa akin na hindi daw siya mangingiming agawin sa akin si Tricia kapag sinaktan ko siya."
Inis na kwento niya sa kaibigan ng maalala ang tagpong iyon. Lalo na ang magka hawak nilang mga kamay. Hindi man niya aminin pero nasasaktan siya. Gusto niya siya lang yung nakakahawak sa misis niya, siya lang yung yumayakap dito at wala ng iba.
"Anong sinabi mo?"
"Inawat kasi kami ni Tricia noon kaya tumigil kami, pero pag alis ni Arvin tinanong ko siya kung mahal rin ba niya ito."
"Anong sabi niya?"
"Hindi naman daw."
"Okay, good for you pare kung ganun."
"Oo nga pare."
"Kausapin mo na lang ng maayos si Casey para hindi na manggulo."
"Iyan nga yung gagawin ko pare."
Marami pa silang pinag usapan tungkol sa kanilang mga negosyo Hanggang sa magpaalam na ang kanyang kaibigan.
Kasalukuyan siyang nagluluto noon sa kusina ng madatnan siya ni Jacob. Kagagaling nito mula sa trabaho.
"Hello misis!." agad na bati nito at kinintalan siya ng halik sa labi.
"Nakakagutom naman iyang niluluto mo." Natatakam na sabi pa nito.
Saka yumakap ito sa kaniya mula sa likuran at isiniksik ang ulo sa kanyang leeg.
"Kumusta ang misis ko?"
malambing na tanong nito at lalo pa siyang hinapit sa baywang.
"I'm pretty fine." sagot niya.
"Okay, that's good, I miss you wife." paglalambing pa nito saka siya hinalikan sa leeg.
"Jacob! nag luluto ako." nakatawang saway niya sa binata.
"Miss na miss kita maghapon." anito saka nagsimulang maglikot ang mga kamay nito.
"Jacob!"
"Daddy!" Boses iyon ng kanilang anak papunta sa kanilang kinaroroonan. Agad naman na inalis niya ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniyang dibdib.
Kahit kailan talaga wala itong pinipiling lugar kapag naglambing.
"Baby!" agad na binuhat ni Jacob ang anak at pinupog ito ng halik.
Panay naman ang tawa nito ng nagsimula itong kilitiin ng kaniyang Daddy.
"Daddy Enough!." Malutong na tawa ng kaniyang anak.
Napakagandang larawan ng isang masaya at buong pamilya.
"Si Mommy naman ang kilitiin natin!." sabi ng binata at nilapitan nga siya ng mga ito saka kiniliti sa tagiliran. Panay ang kaniyang tili.
"Hey! enough na nagluluto si Mommy!" Tumatawang saway niya sa kaniyang mag-ama pero hindi siya tinigilan ng mga ito.
"Jacob! Cade!" Tili niya. Pinagtatawanan lang siya ng mga ito.
"Suko na ako, ayoko na. Baka masaktan si baby." Kunwaring hinawakan niya ang kaniyang tiyan. Tumigil naman ang dalawa at nagkatawanan sila.
"Come on let's eat na." yaya na niya sa kaniyang mag ama ng maihanda niya ang mesa.
"Wow pork sinigang!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Cade.
"Our Favorite dish!" natatakam naman na sabi ni Jacob. Napangiti na lamang siya sa hitsura ng kaniyang mag-ama.
"Let's eat." sabi ng binata matapos silang ipagsandok ng kanin at ulam sa mga pinggan nila ni Cade at nagsimula na nga silang kumain.
"Hindi ako papasok bukas misis." sabi ng binata. Nakahiga siya noon sa braso nito.
"Bakit?" tanong niya at tiningila ito.
"Check up mo bukas diba?"
Sabi nito. Oo nga pala. Nakalimutan niya na schedule pala ng checkup niya bukas at mag dadalawang buwan na ang kaniyang ipinagbubuntis.
"Hindi mo naman kailangan umabsent, kaya ko na ang pumunta doon sa hospital niyo." aniya.
"Hindi pwede, gusto ko kasama mo ako sa bawat checkup niyo ni baby, na hindi ko man lang nagawa noon kay Cade."
"Pero aabsent ka na naman." sabi niya dito.
"Nakalimutan mo yatang ako ang boss at anytime pwede akong umabsent." Nakatawang sabi nito sa kaniya. Napataas kilay naman siya.
Oo nga naman kasi noh! bakit ba nawala sa isip niya na ito pala ang guwapong CEO ng FCG.
"Okay, sabi mo eh." Nasabi na lang din niya.
"Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas." sabi ng binata at hinalikan siya sa labi.
"Good night."
"Misis." Kinalabit siya nito sa baywang.
"Bakit?"
"Paisa naman ako."
Naglalambing na sabi nito saka siya hinalikan sa balikat.
"Hindi pwede! checkup ko bukas." Tinampal niya ito sa braso.
"Saglit lang naman." ungot nito.
"Inaantok na ako."
"Misis naman eh!"
"Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas." Seryosong sabi niya dahil kapag nginitian niya ang binata itutuloy talaga nito ang kaniyang balak. Wala pa naman siya sa mood.
"Okay." nakasimangot na sabi nito. Lalo naman itong gumuwapo sa kaniyang paningin.
"Babawi ako promise." sabi niya at niyakap ito ng mahigpit saka hinalikan sa labi.
"Sige na nga." nakalabing sabi nito pero nakangiti na ito. May pagka matampuhin din ang lalaking ito.
Paggising niya wala na sa kaniyang tabi si Jacob. Nakakatamad pang bumangon pero kailangan dahil may Prenatal Checkup siya ngayon. Nag inat muna siya at inayos muna niya ang kaniyang sarili bago nagpasyang lumabas sa kanilang silid.
Pababa pa lang siya ng hagdan ay naaamoy na niya ang mabangong niluluto mula sa kusina. Agad tuloy siyang nagutom.
Naabutan niya si Jacob na nagluluto. Hindi niya sukat akalain na ito ang nasa kusina at nagluluto ng kanilang agahan.
Napaka guwapo at napaka macho naman ng lalaking ito kahit nakatalikod. Napakasarap makulong sa mga bisig nito.
Napaka swerte naman niya.
Eksaktong napatingin ito sa kaniyang gawi.
"Hey! alam kong guwapo ako." sabi nitong nakatawa. Nahuli yata siyang pinag papatansiyahan niya ito. Nakakahiya.
"Yabang din!" irap niya dito para itago ang pagkapahiya.
"Good morning misis." pagkuway sabi nito sa kaniya saka siya nilapitan at hinalikan sa labi.
"Bakit ang aga mo naman yatang nagising." pagkuway puna niya dito.
"Siyempre misis may checkup ka ngayon, excited akong makita yung baby natin." Nakangiting sagot nito.
"Kaya naman pala." Napalabi siya.
Patapos na din siya noon sa pagluluto. Sunny side up, tocino at hotdog ang niluto nito. Wala ng Fried rice kasi ayaw niya yung amoy ng bawang.
Ipinaghila siya nito ng upuan sa kaniyang tabi at ipinagsandok siya ng kanin at ulam.
"Kumain ka ng marami ha, para healthy kayo lagi ni baby." Nakangiti parin ito. Bakit anong meron at nasa mood yata ito?
"Yeah, thank you." Gumanti rin siya ng ngiti dito. Ayaw naman niyang masira ang araw nito diba?
"Misis kelan tayo mamimili ng mga gamit ni baby?" tanong ng binata sa kaniya. Nasa kalagitnaan na sila noon ng pagkain. Nagulat naman siya sa tanong nito.
"Ano ka ba, 2 months pa lang ni baby ngayon." sabi niya.
"Kahit na, excited na kasi akong bumili ng mga gamit niya." ungot nito.
"Hindi pa naman natin malalaman kung anong gender niya, saka na tayo bumili ha."
"Ganun ba." Napasimangot naman ito sa kaniyang sinabi