CHAPTER 22 PREGNANT
"Let's go." pagkuway yaya nito sa kanila at pumasok na nga sila sa loob ng hospital. Lahat ay nakangiti at bumabati sa kanila. May mga babae din na nagpapa cute sa binata kaya nainis siya. Oo aminado siyang guwapo si Jacob pero nakakainis lang na sa harapan pa mismo nakikipaglandian ang mga ito?
"Hey! what's wrong?" puna sa kaniya ng binata nang mapansin na nakasimangot siya.
"Wala!."
"Good morning sir Jacob." pabebeng bati sa kaniya ng isang staff na nakasalubong nila.
"Hello." ganting bati rin ng binata.
"Misis." tawag nito sa kaniya.
"Huwag mo nga akong kinakausap!."
Angil niya sa binata. Nauna na si Janna at Cade kaya nagmamadaling sumunod sa mga ito.
"Nagseselos ka ba?" tanong niya saka hinawakan siya sa kamay.
"Hindi!."
"Nagseselos ka eh! "
"Hindi nga ano ba!."
Naiinis na sabi niya. Kaya hinapit siya nito sa baywang at mabilis na ninakawan siya ng halik.
"Che!." irap niya sa binata.
Napatawa na lamang ito.
"Come here." Agad na nilapitan siya ni Janna at pumasok sila sa isang room.
Sumunod naman sa kanila si Jacob.
"Here." iniabot sa kaniya ni Janna ang isang PT kit at hindi naman siya first timer para hindi nito makuha ang ibig sabihin nito. So siya yung magchecheck up sa kaniya. All around Doctor pala ito. Ang galing naman!
"Excited na ako!." tili pa nito. Napangiti naman si Jacob samantalang siya kinakabahan na. Gusto na niyang umatras pero nandito na siya. Mabuti pa ngang malaman na nila kung buntis ba siya talaga or hindi para hindi na siya naiistress diba?
"Pumasok ka na sa loob." Nakangiting sabi ni Janna sa kaniya. Napatango na lamang siya at pumasok sa loob ng banyo.
In fairness ha napakalinis nito at napaka bango. Private room talaga ito ng Doktora. Kasi may sarili itong banyo, kusina, kama, TV, Refrigerator basta parang isang buong bahay ang lawak ng kwarto na ito at sinadya iyon.
Kinakabahang binuksan niya ang PT Kit pagkatapos niyang umihi at ipinatak doon. Pinagpapawisan siya ng malapot. Kinakabahan siya. Paano na lang kapag positive?
Napapikit pa siya at tinantiya kung okay na at napatutop siya pagmulat niya dahil dalawang linya ang nasa pregnancy test nito. POSITIVE!!
Ibig sabihin buntis siya? Nanghihinang napaupo siya.
"MyGod! " Naihilamos niya ang kamay sa mukha. Ang daming pumasok sa isip niya. Paano na lang? Paano si Casey? Paano si Arvin? Anong plano sa kanila ni Jacob?
Saka lang siya bumalik sa katinuan ng makarinig siya ng katok mula sa labas.
"Misis, are you done?" boses iyon ni Jacob. Inayos niya ang kaniyang sarili bago binuksan ang pinto.
"Anong result?" agad na nilapitan siya ni Janna at napasigaw ito ng makita niya ang hawak na pregnacy kit.
"Sabi ko na nga ba!" Nagtatalon ito sa tuwa.
"Thank you misis."Nakangiting nilapitan siya ni Jacob at naluluhang hinalikan siya sa labi at niyakap ng mahigpit.
Ganito pala yung pakiramdam kapag kasama mo mismo ang tatay ng anak mo.
"I love you." sabi pa ng binata sa kaniya.
"I love you too." sagot niya.
"Cade come on." tawag ng binata sa anak.
"Yes Daddy?"
"Say hi to your little sister." nakangiting sabi nito at ipinahawak siya sa impis pa niyang puson.
"Hi little sister, I'm so excited to see you soon." anito at hinalikan siya sa tiyan.
"Hello baby, behave ka diyan sa tummy ni Mommy ha? Huwag mo siyang pahihirapan okay?" anang binata at hinalikan din siya sa tiyan. Napatawa na lamang siya sa kaniyang mag-ama. One month pa lang naman kasi ang tiyan niya.
"On the way na sina Mama at Papa." Napalingon sila kay Janna. Ang mga magulang pala nila ang kausap nito kanina. Mas excited pa yata sa kanila.
"Come here, hindi pa tapos, check pa kita kung ilang months na si baby." Nakatawang sabi nito.
Lumapit naman siya dito.
"Diyan muna kayong dalawa." sabi nito sa kapatid at pinahiga siya sa kama.
"Okay, your 4 weeks and 2 days pregnant." sabi sa kaniya ni Janna.
Napatango naman siya.
"Sa 8 weeks mo pwede ka na magpa ultrasound para marinig natin yung hearbeat ni baby, ngayon bibigyan na muna kita ng vitamins ha." Sabi sa kaniya nito.
"Excited na ako." Hinawakan pa siya nito sa kamay. Napapangiti na lamang siya. Siya daw ang magiging personal na doktora nito para mamonitor siya lagi.
"Kumusta naman yang kapatid ko?" pagkuway tanong ni Janna. Nakaupo na siya noon matapos ang ilang test.
"Okay naman siya ate." sagot niya.
"Okay, thats good. Hows Arvin? Nakita daw siya ng isa sa mga barkada namin na umiiyak sa bar noong isang gabi."
kwento nito. Nagulat naman siya sa sinabi nito. Iyon yung araw na lumabas sila at sinabi niya dito ang totoo. Nakaramdam siya ng awa sa binata.
"Nandito na kami." boses iyon ng Doña. Masayang masaya ito.
"Come on." sabi ni Janna at inalalayan siya sa paglabas.
Nakangiting Doña at Don ang sumalubong sa kanila ng yakap at halik.
"Congrats mga anak." sabi ng Doña.
"Thank you ma." magka panabay na sagot nila ni Jacob.
"Sabi ko naman sayo papa." Nakatawang nilapitan ito ni Jacob at inakbayan ang nakangiting ama.
"Oo na, bilib na ako sayo iho." kantiyaw ng Don at nagkatawanan sila.
"Sana babae naman." sabi ni Janna.
"Hay naku! mapa babae man o lalaki okay lang." nakatawang sabi ng Doña.
"Tawagan mo si Tita Amarah mo magpapakain kamo ang CEO." nakatawang utosnng Don kay Janna.
"As in buong building?" tanong ni Janna.
"Yes!" nakatawang sabi ng Don.
"Seryoso?"
"I charge kamo sa CEO ng FGC."
Napatingin si Jacob sa ama. Kinindatan naman siya nito ng nagsimulang tawagan ni Janna ang tita amarah nito.
Magpapakain sila sa buong hospital at lahat ng staff at mga pasyente? Kulang kulang naman yata ang 1 million niyan. Sabagay bilyonaryo pala ang mga ito. Tignan mo nga, itong napaka lawak at napaka laking building pagmamay ari nila.
"I'm here." na palingon sila sa nagsalita at tumambad ang nakangiting babae. Mga nasa mid 50"s na ito pero napaka ganda parin.
Kahawig ito ng Don.
"Hello guys." isa isa sila nitong bineso beso.
"You must be Tricia?" nakangiting tanong nito sa kaniya.
"Yes po."
"Nice to meet you Iha, ako nga pala ang tita amarah niyo."
Pagpapakilala nito.
"Hi little kiddo." binalingan naman nito si Cade.
"Hello po."
"What's your name?"
"I'm Cade Jarred po." magalang na sagot nito. Saka niya ito hinalikan sa pisngi.
"How sweet! ang guwapo naman ng batang ito, Kamukhang kamuha mo noong ganito ka pa kabulinggit." nakatawang sabi nito kay Jacob.
"Lahi Amarah." nakatawang singit ng Don sa kapatid.
"Yeah kuya." at nagkatawanan sila.
"Sinong magpapakain, anong meron?" pagkuway tanong nito.
"Guess what tita?" Si Janna.
"Magpapakain ang CEO ng FGC dahil..."
"Magiging Daddy na ako ulit." Nakangiting bulalas ni Jacob.
"Wow! congrats mga anak." at niyakap siya ulit ng Ginang.
Napakabait talaga ng pamilya ni Jacob. Matunog ang pangalan at kabilang sa alta sociedad ang buong angkan nito pero sino ang mag aakalang nakikisalamuha sila sa mga ordinaryong tao lamang.
"Ma'am Amarah, nandito na po yung mga inorder na foods." sabi ng secretarya nito.
"Ganun kabilis?" si Janna.
"Yes! alam mo naman ang tita mo. " nakatawang sabi ni Amarah.
"Bigyan niyo silang lahat." Sabi ng Don.
"Yes kuya, oh siya maiwan ko na muna kayo ha." pagpapaalam nito sa kanila.
"Hindi na din kami magtatagal dito, mauna na kami." sabi ng Don sa kapatid. Kumaway naman ito bago sila tinalikuran.
"Let's go." Yaya ng Don. Nagsisunuran sila dito.
"Saan tayo papa?" tanong ni Jacob.
"Sa office mo, iti treat mo silang lahat." sabi ng Don.
"Seryoso?" singit ni Janna.
"Yes, at gusto kong makilala na ng lahat ang magiging asawa mo." Nakangiting sabi ng Don.
"Sure pa." nakangiting sagot niya.
Sa sasakyan niya sumakay ang mga ito. Sumunod na lang ang family driver nila. Kinakabahan naman siya dahil sa sinabi ng Don na ipapakilala siya.
Makaraan ang ilang minuto humimpil ang sasakyan nila sa napakalaking building. "FUENTEBELLA GROUP OF COMPANIES" ang nakasulat sa harapan nito. So ito yung company na pinapamahalaan ng binata?
Lahat ay bumabati sa kanila pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa loob.
Nahihiya siya kasi magkahawak kamay sila ni Jacob. Pinagtitinginan sila ng lahat. Buti na lang maganda yung suot niya at nakapag makeup pa siya. Hindi naman nakakahiya na humarap siya sa mga ito dahil kung sa ganda lang marami naman siyang tatalbugan noh!.
"Gusto ko lang ipakilala sa inyong lahat ang napaka ganda kong asawa, siya si Mrs. Tricia Fuentebella." Pagpapakilala ni Jacob sa kaniya.
"At imbitado kayong lahat sa kasal namin soon." dagdag pa nito. Kasal talaga? Nakangiting tinignan siya ng binata kasabay ng paghapit nito sa kaniyang baywang at hinalikan siya sa labi.
"Ang sweet!" tili nga mga ibang empleyado. Nginitian na lamang niya ang mga ito. Hiyang hiya siya. Nakatawa lang ang mag asawang Fuentebella na nakamasid sa kanila at kinikilig din ang doktora.
"Kilala niyo naman na si Cade diba?" tanong nito.
"Yes boss." sagot ng mga ito.
"Makikilala niyo din soon ang little sister nito." anito at hinawakan siya sa tiyan. Ano bang ginagawa ni Jacob? Nahihiya na siya.! Kahit hindi siya magsalamin alam niyang namumula na ang magkabila niyang pisngi.
"Congrats sir, congrats ma'am." bati naman ng mga empleyado nito. Ngiti na lamang ang naging sagot niya.
"Sir, nandiyan na po yung mga pinadeliver niyo." sabi ng secretarya ng binata.
"Okay, alam mo na yung gagawin niyo diyan." sabi naman nito kay Dennice na secretary niya.
"Come on guys, magsikain na muna kayo, manlilibre daw ang inyong CEO." sabi ng Don. Naghiyawan naman ang mga ito at nagpasalamat. Wala na silang masabi sa pamilyang pinagtatrabahuan. Mula sa matandang Fuentebella hanggang dito sa bunsong Fuentebella na taga pagmana wala ni isa man silang maipintas dito. Nasa kanila na lahat ang mabubuting ugali. Nakahandang tumulong sa mga nangangailangan anumang oras.
"Jacob." aniya sa binata at mahigpit na hinawakan ito sa kamay.
"Why misis?"
agad na tanong nito.
"Nahihilo kasi ako." sabi niya.
"Guys, enjoy lang ha." sabi ng binata at iginiya siya sa loob ng opisina nito.
"What's wrong?" agad na tanong ng Doña ng makitang inalalayan siya ng binata na maupo.
"Nahihilo daw siya ma." sagot ni Jacob.
"Are you okay iha?" hinaplos siya ng Doña sa mukha.
"Yes ma, nahihilo lang po ako." nakangiting sagot niya. Bakas sa mukha ng matanda ang pag aalala. Si Jacob naman balisa at kanina pa tinatawagan ang ate nito na kasama ni Cade at kung saang part ng building napadpad na naman.
"What's wrong?" agad na sumulpot si Janna sa kung saan kasama si Cade at ang secretarya ng binata.
"Ate! saan ka ba nagpupunta?" agad na tanong ni Jacob sa kapatid.
"Bakit anong nangyari?"
"Si Tricia nahihilo." Agad na nilapitan siya ng binata at nag aalala parin itong hinawakan siya sa kamay.
"Janna icheck mo na siya dali." si Doña.
"Relax! ang OA niyo naman eh! Natural lang na maramdaman yan ng misis mo kasi naglilihi siya." nakatawang sabi ni Janna.
"Saka nahilo siya sa dami ng tao dito kanina, natural lang yan." sabi pa nito.
"Ganun ba iyon?" Nag aalala paring tanong ng binata sa kapatid.
"Yes, OA lang kayo ni mama." nakatawang nilapitan siya ni Janna.
Napangiti na lamang siya.
"Baka mamaya may mangyari sa baby ko." Napasimangot ito at lalo naman itong gumuwapo sa kaniyang paningin.
"Okay na ako." sabi niya sa binata.
"Are you sure misis?"
"Yeah."
"Okay that's good iha." sabad naman ng Doña.
"Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ng Don.
"Diet ako pa." sabi ni Janna.
"Asa." biro ni Jacob sa ate nito.
"Pumayat na ako kala mo!"
inirapan nito ang kapatid.
"Oo na!" nakatawang sabi ng binata.
"Talaga!."
" Oh siya tama na yan, kumain muna tayo bago tayo umuwi." sabi ng Don.
"Okay pa." sagot ni Jacob at lumabas na sila sa building na iyon.
Sa isang sikat na restaurant sila kumain.
Napapatingin ang mga ilang babae kay Jacob pagpasok pa lang nila sa loob. Nakaakbay kasi sa kaniya ito. Halatang nagpapansin ang mga ito sa binata at naiinis siya!
"Something wrong?" puna ng binata sa kaniya.
"Wala." inis na sabi niya.
"Bakit ka Nakasimangot?"
"Inaantok lang ako." sabi na lang niya. Alangan naman sabihin niyang nagseselos siya diba eh kaharap nila ang mga magulang nito at si Janna.
Nag order na sila ng kanilang mga pagkain.
Asikasong asikaso ng binata ang anak nila habang kumakain. Nasusuka naman siya sa amoy ng kinakain ng mga ito.
"Hindi ka talaga kakain?" tanong ni Jacob sa kaniya.
"Wala akong ganang kumain."
"Kahit konti lang." pagpupumilit ng binata.
"Ayaw kong kumain, wala akong gana." sabi niya.
"Ano bang gusto mong Kainin iha?" ang Doña.
"Wala po ma, wala lang po ako talagang gana." nakangiting sagot niya. Nakakahiya naman kasi diba. Baka sabihin nag iinarte siya pero God Knows! ayaw talagang tumanggap ng pagkain ang tiyan niya ngayon. Ewan ba niya. Napaka sensitive naman niyang maglihi ngayon compared kay Cade noong ipinagbubuntis niya.
"Excuse me, CR lang ako." paalam niya sa mga ito.
"Sasamahan na Kita misis." sabi ng binata sa kaniya.
"No, I can manage ano ka ba." medyo nakatawang sabi niya sa binata. OA naman nito. Naglilihi lang siya at hindi siya baldado noh!
"Are you sure?" kulit pa nito.
"Yup!."
"Okay misis." sabi nito at tumalikod na siya.