CHAPTER 23 SENSITIVE

PAGDATING nila sa kanilang bahay agad na humilata siya. Biglang sumama yung pakiramdam niya.

"Misis, are you okay?" agad na tanong sa kaniya ng binata ng mapansin na matamlay siya. Katatapos nito noon magpalit ng damit.

"Medyo masama lang yung pakiramdam ko." sagot niya.

"Ano bang nararamdaman mo?"

"Nahihilo ako saka nanghihina na hindi ko alam."

"Mabuti pa yatang dalhin na kita sa hospital misis." nag aalalang sabi ng binata sa kaniya.

"Ano ka ba! okay lang ako, medyo masama lang pakiramdam ko. Mawawala din ito mamaya." Nanghihinang sabi niya sa binata.

"Okay, basta kapag hindi ka pa okay hanggang mamaya dadalhin na kita sa hospital." Hinawakan siya nito sa baba at kinintalan siya ng halik sa labi. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag aalala.

"Yeah, ako magsasabi sayo mismo kapag hindi na ako okay." Pinilit niyang ngitian ito.

"Okay misis." sabi nito.

"Hindi ka ba pupunta ng office?" tanong niya.

"Bukas na lang ako papasok, hindi kita pwedeng iwan na masama ang pakiramdam mo." sabi ni Jacob sa kaniya. Nagtatalon naman ang puso niya sa tuwa. Ibig sabihin mahalaga pala siya sa binata.?

"Misis anong gusto mong ulam mamaya? pagkuway tanong nito sa kaniya. Lumapit ito sa kaniyang tabi at pinahiga siya sa dibdib nito habang nakayakap ito sa kaniya. Ang sweet lang ha! bigla tuloy siyang kinilig.

"Wala akong ganang kumain."

"Kailangan mong kumain kahit konti para kay baby." sabi nito.

May pagka OA din pala talaga itong mister niya noh?

"Okay, sabihin ko na lang mamaya kapag nagutom ako." nasabi na lamang niya para hindi na siya nito kulitin.

Nang biglang tumunog ang cellphone ng binata. Kinuha niya ito mula sa kaniyang tabi at kitang kita niya ang nasa caller ID nito. Si CASEY!. Tinignan siya nito.

"Bakit hindi mo sagutin?" aniya pero may bikig sa kaniyang lalamunan ng sabihin niya iyon sa binata. Tila kinurot yung puso niya at hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.

"Wala naman ng dahilan para mag usap pa kami." Napa buntunghininga ito.

"Bakit?"

"Wala na kami misis."

"Pumayag siya?"

Imposible naman yata na ganun lang kadali na pumayag ang CASEY na iyon na maghiwalay sila ng binata. Base sa mga kwento ni France mahal na mahal nila ang isat isa.

"Ginagawa mo lang ba ito dahil kay Cade at sa magiging kapatid nito?" Huli na nung maisip niya ang kaniyang tanong.

"Ganiyan ba yung tingin mo sa akin?"

Tinitigan siya nito ng mariin.

Hindi naman siya agad nakapagsalita.

"Alam ko kung gaano mo kamahal yung Casey na iyon at hindi naman ganun kadali na iwan mo na lang siya diba?"

Sabi niya pero bakit tila yata nasasaktan siya at tinutusok ng pinong karayom ang puso niya.? Mahal na ba niya ang binata? Imposible! kontra agad ng kaniyang isip pero ayaw naman paawat ang kaniyang puso.

'Mahal mo na si Jacob!' sigaw ng puso niya.

'No! hindi ito pwede' kontra agad ng isip niya.

"Hindi mo naman kailangan hiwalayan si Casey dahil lamang sa mga bata, saka hindi ko naman sila ipagkakait sayo." aniya. Napaupo siya at hinarap ang binata. Titignan niya kung ano ang magiging reacksyon nito.

Hindi naman agad ito nagsalita at malalim na napa bungtung hininga. So ibig sabihin naguguluhan pa ito?.

"Gusto ni Cade ng buo at masayang pamilya." pagkuway sabi nito.

"Kaya ka ba nandito sa amin ngayon?" Hirap na hirap siyang tanungin ito. Baka kung sabihin nito na mahal na mahal niya si Casey at kaya lang naman siya nandito dahil kay Cade at sa magiging kapatid nito.

"No, that's not what I mean, mahal ko kayo ni Cade at sa magiging anak natin."

"Hindi ko naman ipagkakait si Cade sayo at sa magiging baby natin, anytime pwede mo naman silang dalawin or kunin ganun."

"Pero gusto ni Cade ng buo at masayang pamilya."

"Dahil gusto ni Cade?"

Naningkit ang mga mata ng binata na nakatitig sa kaniya.

"Dahil iyon ang gusto ko." Sabi nito. Siya naman itong hindi nakaimik ngayon.

"Gusto mo?" ulit niya.

"Oo, saka magkakaroon na ulit tayo ng isa pang anak, hindi pa ba sapat iyon na dahilan?"

"Paano si Casey?"

Nakipagtitigan siya sa binata.

"Wala na nga kami diba."

"Paanong wala? naki paghiwalay ka sa kaniya?"

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Anong hindi ko naiintindihan doon?"

"Wala, Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin at gusto ko buo tayo." Sabi nito saka ito tumayo at lumabas sa kanilang silid. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Para saan ang mga luhang iyon? Bakit nasasaktan siya ngayon? Dahil ba mahal na rin niya ang binata o dahil alam niyang mahal parin ni Jacob si Casey at wala lang ito pagpipilian kaya nandito ito ngayon sa piling nila.

Nakahanda naman siyang magsakripisyo kung si Casey ang pipiliin nito eh! matalino si Cade at alam niyang maiintindihan din niya ang magiging situation nila balang araw. Hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iyak.

Unangg beses niyang iyakan ang binata sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Nagising siya dahil sa marahang pagtapik sa kaniyang balikat. Pagmulat niya tumambad sa harapan niya ang nakangiting si Jacob kasama ang anak nito.

"Hello Mommy." Bati sa kaniya ng anak at hinalikan siya sa labi.

"Kakain na tayo, alas siyete na ng gabi." sabi ng binata.

Alas siyete ng gabi? ganun siya katagal natulog?

"Come on misis, wala pang laman yang tiyan mo mula kaninang tanghali." sabi ng binata. Bumangon naman siya at inayos ang kaniyang sarili. Nakatitig sa kanya si Jacob. Halata ba na umiyak siya? Naku! baka mamaya kung anong isipin ng mokong na ito.

"Let's go." sabi ni Jacob at hinawakan siya nito sa kamay habang karga ang kanilang anak palabas sa kanilang silid.

Kumalam agad ang kaniyang tiyan pagka amoy niya sa sinigang na baboy na niluto ng binata. Nakakagutom naman!

Ipinaghila siya nito ng upuan sa kaniyang tabi tapos nilagyan na niya ng kanin at ulam ang kaniyang pinggan. Kumakain na noon ang kanilang anak dahil kanina pa pala nakahanda ang pagkain nito. Asikasong asikaso na naman sila ng binata.

"Yummy!" Nakangiting sabi ng kanilang anak.

"Siyempre! luto yan ni Daddy eh." nakatawang ginulo nito ang buhok ng anak.

"Mommy yummy diba?" tanong sa kaniya ng anak.

"Yeah baby." nakangiting sagot niya dito.

"I told you daddy, my little sister in mommy's tummy will also like the pork sinigang." Nakatawang sabi ng kanilang anak.

"Yeah baby, and it will also be your little sister's favorite when she comes out."

"Yehey!" pumapalakpak na sabi ng kanilang anak.

Nakakatuwa naman pagmasdan ang kaniyang mag-ama.

Heto na nga ba yung kinakatakutan niyang mangyari. Paano kapag dumating yung panahon na marealize ng binata na si Casey talaga ang kailangan niya at hindi sila? Na kaya naman nilang gumawa at bumuo ng sarili nilang pamilya?

Paano si Cade at ang magiging kapatid nito? Paano siya? Makakaya pa ba niya?

"Misis." untag sa kaniya ng binata ng mapansin na tumigil siya sa pagkain.

Tinignan niya itong nagbabadya ang mga luha.

"What's wrong misis?"

"Wala." sabi niya sabay tayo sa kaniyang upuan bago pa makita ng binata ang paglandas ng kaniyang mga luha at dumiretso siya sa loob ng banyo.

Doon niya pinalabas ang masaganang luha at paimpit na umiyak.

"Misis are you okay?" tanong sa kaniya ni Jacob mula sa labas. sinundan pala siya nito.

"Yeah, medyo sumama lang yung pakiramdam ko."sagot niya. Kinalma naman niya ang kaniyang sarili.

"Are you sure? papasok ako."

"No, okay lang ako. Samahan mo na lang si Cade." aniya.

"But misis."

"Please Jacob."

"Okay misis." at narinig niya ang mga yabag paalis sa harap ng banyo. Saka lang siya nakahinga ng maluwag.

Ano bang nangyayari sa kaniya? bakit ba napaka senti nya ngayon? Dala lang ba ng kaniyang pagbubuntis o nasasaktan siya sa isiping iiwan din sila ng binata. Bakit ba kasi napaka negative niya?

Nang kumalma ang pakiramdam niya inayos niya ang kaniyang sarili saka siya lumabas ng banyo.

"Are you okay misis?" agad na tanong sa kaniya ng binata. Hindi naman siya makatingin ng diretso dito dahil namumugto ang kaniyang mga mata.

"Yeah, ikaw na muna bahala kay Cade masama ang pakiramdam ko sa kwarto na muna ako." sabi niya sa binata, akmang tatalikod na siya ng bigla siya nitong hapitin sa baywang.

"Mahal na mahal ko kayo ni Cade at sa magiging baby pa natin. Believe me, hindi ko kayo iiwan misis mahal na mahal ko kayo." seryosong sabi nito sa kaniya. Nakasiksik ang ulo nito sa kaniyang leeg at lalo siyang niyakap ng mahigpit.

Pero hindi siya nagsalita.

"Misis, hindi ko kakayanin kapag nawala kayo sa akin." dagdag pa nito.

Pinihit siya nito paharap at nagtama ang kanilang mga mata. Seryosong nakatitig ito sa kaniya at mababanaag ang paglamlam ng mga mata nitong nagsusumamo.

"Misis, naniniwala ka naman sa akin diba?" anito at hinawakan siya sa magkabilaang pisngi para magpantay ang kanilang mga mukha.

"Misis."

Tumunog na naman ang cellphone nito at inilabas nito iyon mula sa kaniyang bulsa.

It's Casey again!! Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para talikuran ang binata.

Nakakasakit naman na masyado! Narinig pa niya ang pag tawag nito sa kaniyang pangalan pero nagbingi bingihan na lamang siya. Magkukulong na lamang siya sa kanilang kwarto. Ayaw na muna niyang makita ang binata.

Nang tumunog ang kaniyang cellphone at si France ang tumatawag.

"Hello France." agad na sabi niya.

"Makikinig ako sweetheart." anito. Halata ba talaga sa kaniyang boses na may pinagdadaanan siya?

Hindi siya agad nakapagsalita.

"Mahal mo na ba siya?" tanong nito.

"Ano ka ba, hindi noh! wala man lang ba congrats diyan?" Iniba niya ang usapan. Pinasaya niya ang kaniyang boses.

"Congrats sweetheart kababasa ko lang kasi ng message mo, kaya tinawagan kita agad."

Napatawa naman ito.

"Sa wakas may magiging kapatid na si Cade, kumusta naman yang asawa mo?" dagdag pa nito at binuntunan ng pagtawa.

"Asawa ka diyan!"

"Oh bakit? magiging dalawa na ang anak niyo, kailan niyo balak magpakasal?"

"Mahal niya si Casey." sabi niya. Nag iba bigla ang pakiramdam niya.

"Sinabi niya mismo sayo?"

"Hindi, pero hindi naman ako tanga para hindi maramdaman iyon."

"Sweetheart." naramdaman niya ang pakikisimpatya nito base sa kaniyang boses.

"Kaya lang naman siya nandito dahil sa mga bata." Aniya.

Bakit ba nagbabadya na naman ang luha sa kaniyang mga mata?

"Mahal mo na ba siya?" tanong nito. Kinapa niya ang kaniyang damdamin. Naguguluhan ang kaniyang puso.

"Sweetheart."

"Hindi ko alam."

"Kilala kita sweetheart." anito at napabuntung hininga ito sa kabilang linya.

"France." Pilit man niyang pigilan ang paghikbi narinig parin iyon ng binata.

"Dadalawin kita bukas diyan ha." sabi nito sa kaniya.

"Ang hirap naman ng ganito." aniya.

"Naiintindihan kita sweetheart, come on tama na yan, baka makakasama yan kay baby." pagpapatahan nito sa kaniya.

"Thank you kasi lagi kang nandiyan para sa akin." aniya at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Basta pupunta ako diyan bukas ha, enough na. Huwag ka na umiyak diyan sweetheart."

"Yeah, thank you." sabi niya.

"Oh sige na magpahinga ka na diyan."

"Okay." At pinatay na niya ang end button ng kaniyang cellphone. Napabuntung hininga siya. Ano ba talaga?

Mahal na ba niya si Jacob? Naguguluhan na kasi siya.

"Mommy!" Biglang pumasok si Cade kasunod ang Daddy nito. Saka niya inayos ang kaniyang sarili.

"Are you crying mommy?" tanong ng anak sa kaniya. Patay! hindi na siya makakaiwas. Mariin siyang tinitigan ng binata. Nag iwas siya ng tingin dito.

"No baby, naalala ko lang si lolo at lola." Palusot na lang niya dito. Oo nga pala noh mula nung dumating si Jacob sa buhay nila hindi na niya nadalaw ang mga ito.

"Bakit hindi natin sila dalawin?" sabi sa kaniya ng binata.

"Oo nga mommy, hindi pa nila kilala si Daddy." sabi ng kaniyang anak.

Tinignan niya ang binata.

"Oo nga Mommy." segunda rin nito.

"Sige, sa ibang araw dalawin natin sila." nasabi na lamang niya.

"Shower ka na anak." sabi ni Jacob at nilapitan ang anak upang tanggalin ang damit nito.

"Ako na ang bahala kay Jacob, magpahinga ka na lang." sabi nito sa kaniya ng lapitan niya ang anak.

"Okay." Nasabi na lamang niya at inihanda na lang ang damit pantulog na gagamitin ng anak.

KAGAGALING lang niya sa isang meeting sa labas ng pumasok ang kaniyang secretary sa office nito.

"Sir, nandito po si Miss Casey." sabi nito sa kaniya.

"Anong ginagawa niya dito?"

Inis na tanong nito.

"Jacob!" nasa likuran na pala ito ng kaniyang secretary.

"Sige na Dennice maiwan mo na kami."

"Sige po sir." anito at lumabas na ito.

"What are you doing here?" agad na tanong niya sa dalaga.

"Ayaw mo na ba akong makita?" asik nito agad sa kanya.

"Tapos na tayo diba?"

"Sayo tapos na pero sa akin hindi pa! mahal na mahal kita Jacob." anito at nilapitan siya saka akmang hahalikan siya nito pero nakaiwas siya.

"Ipinakilala mo na pala ang malanding yun dito?" tanong nito sa kaniya.

"Stop! ayusin mo yang pananalita mo kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng building na ito " galit na sabi niya. Ito na ba ang Casey na minahal niya? Ganito na ba sila ngayon?

"At nagpabuntis pa talaga sayo ulit? para ano? wala ka ng kawala sa kaniya ganun?" dagdag na sabi nito.

"Malandi din talaga!" nanlilisik ang mga matang sabi nito.

"Enough!" bulyaw niya dito.

"Ipagpapalit mo ang relasyon natin dahil lamang sa kanila?"

"Mahal ko ang mag iina ko."

"Paano ako?" naiiyak na tanong nito.

"Ikaw itong nakipag hiwalay sa akin diba? Anong gusto mong gawin ko?"

"Mahal na mahal kita Jacob!." Anito saka siya niyakap. Hindi na siya nakaiwas.

"Gumagawa ka na lang ng dahilan ngayon para iwanan ako." dagdag pa nito

"Nakapag desisyon na ako Cass, im sorry." Hinawakan niya ang dalaga at inilayo niya ang sarili dito.

"Sabihin mong mahal mo rin ako please!." pagsusumamo nito.

Naaawa siya dito. Kahit papaano naman mahal parin niya ito pero hindi man niya aminin mahal na din niya si Tricia. Mahal niya ang kaniyang mag-iina.

Ngayon pa lang siya bumabawi sa kanila.

"I'm sorry Cass, pero mahal ko si Tricia." Hindi niya alam kung paano lumabas sa kaniyang bibig ang mga salitang iyon.

"I hate you!" at malakas na sinampal siya ni Casey. Hindi niya iyon napaghandaan.

"Hindi pa tayo tapos!" galit na sabi pa nito saka siya tinalikuran. Naiwan siyang tulala.

Bakit humantong sila sa ganito? Dati masaya naman sila. Pero hindi siya nagsisisi na dumating sa kaniyang buhay ang mag-iina niya.

NAGISING siyang wala na ang binata sa kaniyang tabi. Hindi man lang siya nito ginising bago pumasok sa trabaho. Lalong sumama na naman ang kaniyang loob dito.

Kahit tinatamad bumangon na lamang siya at nagpasiya siyang maligo muna dahil naiinitan siya. Alas diyes na pala ng umaga.

Katatapos niyang magbihis ng katukin siya ng yaya ni Cade.

"Iha nandiyan sa baba si sir France." anito.

"Sige ho, susunod na po ako." aniya at tumalikod na ito.

Inayos niya ang kaniyang sarili bago nagpasyang lumabas ng silid.

"Good morning beautiful preggy." bati agad nito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning too." yumakap naman siya dito. Namimiss na niya ang kaibigan, bihira na kasi ito magpunta sa kanila hindi tulad noon na hindi matatapos ang araw na hindi nila ito nakakasama ni Cade.

"Sarap ng tulog mo ah, namumugto yata yang mga mata mo." biro nito.

"France!" inirapan niya ito.

"Oh bakit? totoo naman ah!"

Nakatawang sabi nito.

"Oo na!"

"So inlove ka na?

"Hindi ah!." napasimangot siya.

"Sus! kilala na kita! ganiyan na ganiyan ka din noon kay Hender!"

"Ewan ko sau!"

"Mahal mo na siya diba?"

Kulit nito.

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Magiging dalawa na yang anak niyo, hindi ka na teenager noh! arte nito!" siniko siya ng binata. Napasimangot siya lalo.

"Bakit mo siya iniiyakan kung hindi mo siya mahal?"

Napipi naman siya sa mga batikos ng binata.

"Mahal niya si Casey!"

"Sinabi niya sayo?"

"Hindi."

"Hindi naman pala eh."

"Pero natatakot ako, alam ko naman na mahal niya parin si Casey at nararamdaman ko iyon."

"Ano bang sabi niya sayo?"

"Mahal daw niya kami ng mga bata pero hindi ako naniniwala."

"Anong sinabi mo?"

"Na hindi naman niya kailangan iwan si Casey para sa amin, saka hindi ko naman ipagkakait ang mga bata sa kaniya kung sakali."

"Anong sabi niya?"

"Mahal na mahal daw niya kami at hindi niya kami iiwan."

"Naman pala eh! ano pang pinoproblema mo doon?"

"Sa tingin mo totoo yung mga sinasabi niya?" tanong niya sa kaibigan. Natahimik naman ito.

"Ano ba ang sinasabi ng puso mo?"

Tinitigan siya nito ng mariin. Kaya nag iwas siya ng tingin dito.

"Alam ko mahal mo na din si Jacob."

"Dapat ko ba siyang mahalin?" Hirap na hirap niyang sabihin iyon.

"Bakit naman hindi magiging dalawa na yung anak niyo."

"Pero natatakot ako, paano kapag iniwan niya kami?"

"Bakit kasi iniisip mong iiwan niya kayo eh diba nga gusto ka na rin niyang pakasalan?"

"Hindi ko alam kung seryoso siya."

"Seryoso yun, sa tanda na niyang iyon magloloko pa siya pagdating sa mga ganyang bagay."

"Ewan ko sa kaniya, nagugutom ako, halika kumain muna tayo." yaya niya sa binata.

Ayaw na niyang isipin pa kung ano ba talaga ang totoong plano ni Jacob sa kanila. Bahala na. Bahala na si Batman.

"Hayaan mo tatanungin ko si pinsan kung ano ba talaga ang plano ni Jacob." Anito saka siya kinindatan.

"Thank you."

"Huwag lang magkakamali na lokohin ka ni Jacob dahil ako mismo mambubugbog sa kaniya." dagdag pa nito na sinabayan ng malakas na pagtawa.

"Baliw! Kumusta na pala si Arvin? Batch pala siya ni ate Janna yung kapatid ni Jacob."

"Hayun umiiyak noong nalaman niya na dumating na yung Daddy ni Cade, magdamag kami noon sa bar nag inuman."

"Hindi naman siya galit sa akin?"

Tanong niya habang hinuhugasan ang grapes na kakainin niya.

"Kahit nasaktan mo siya, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sayo."

"Nahihiya ako kay Arvin." aniya saka umupo sa harap ng binata at iniumang ang grapes dito.

"Ano ka ba, naiintindihan ka naman ni Arvin eh. Huwag ka lang daw sasaktan ni Jacob dahil kukunin ka daw niya dito."

"Sinabi niya sayo?"

"Oo, mahal na mahal ka parin niya."

"Sana kung ganun lang kadali ang lahat noh." Napabuntung hininga siya.

"Ang lupit noh? Pinag aagawan ka ng dalawang CEO." napatawa ito.

"Che!"

"Pero wala si Arvin ngayon."

"Saan siya nagpunta?"

"Sa London."

"Anong ginagawa niya don?"

"Brokenhearted daw." Anito at sinabayan ng pagtawa.

"Seryoso?"

"Yeah, kinabukasan after namin mag inuman lumipad na siya patungong London."

Nakonsensya naman siya lalo sa narinig.

"Kailan daw babalik?" tanong niya sa kaibigan.

"I dont know, siya kaya yung tanungin mo."

"Suplado! tatawagan ko siya mamaya." inis na sabi niya. Nag peace sign naman ang binata.

Nag tumunog ang cellphone nito.

"Yes anne?"

"Sir, ire remind ko lang yung meeting mo mamayang 1 o'clock kay Mr. Singson."

"Yeah, I'm on my way now. See you darling." Malambing na sabi nito. Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.

"Kahit kailan talaga babaero ka!" hinampas niya ito sa braso.

"Anong magagawa ko sweetheart? Artistahin eh." nakatawang sabi nito saka siya kinindatan.

"Hay naku! ewan ko ba sayo! kailan ka ba magbabago?"

"Kapag dumating na yung babaeng kagaya mo."

"Ewan ko sayo!"

"Oh siya mauna na ako ha, may meeting pa ako saka namimiss na daw ako ng secretary ko." At sinabayan na niya ito ng tayo.

"Loko! sige makarma ka diyan sa ginagawa mo! "

Inihatid niya ito hanggang sa may gate.

"Thank you sa pagbisita." aniya.

"Your always welcome sweetheart." anito at hinalikan siya sa pisngi. Yumakap naman siya dito.

Kahit papaano gumaan ang kaniyang pakiramdam. Ito lang naman kasi ang sumbungan niya sa lahat ng bagay.

"Mag iingat ka." sabi niya ng pumasok na ito sa loob ng sasakyan nito. Kumaway pa ito sa kaniya bago nito pinaharurot ang sasakyan palayo sa kanila.

Ano na naman ang gagawin niya maghapon? Nakakabagot naman ang ganito.

Matutulog na lang siguro siya maghapon.

Nang mag ring ang kaniyang cellphone at si Janna ang tumatawag.

"Hello ate."

"Hindi ka ba busy ngayon?" tanong nito.

"Hindi naman ate."

"Come on may bagong bukas na restaurant diyan sa malapit, labas naman tayo." sabi nito.

"Ngayon na ate?"

"Yeah, sunduin na lang kita diyan, Anong ginagawa ni Cade?"

"Nanonood ate."

"Oh siya, daanan ko na lang kayo ni Cade."

"Sige ate." at nawala na ito sa kabilang linya.

Oh! Tinatamad pa naman siyang lumabas ngayon pero hindi naman niya mahindian ang ate ni Jacob.

Eksaktong katatapos nilang magbihis ng may bumusina sa tapat ng bahay nila at si Janna na nga iyon.

"Hello little kiddo." bati ni Janna.

"Hi Tita mommy!" Humalik ito sa tita nito. Nakipagbeso beso naman siya dito.

"Let's go." sabi ng dalaga.

Pumasok na sila sa loob ng sasakyan nito.

"Anong meron ate?" tanong niya.

"Successful kasi yung ginawa kong operation kaya bibigyan ko naman ng break ang self ko noh!" nakatawang sabi nito.

"Oo nga naman." pagsang ayon niya dito.

"Dadalawin din natin after si Grandma at grandpa gusto mo ba iyon Cade?" nilingon nito ang pamangkin sa backseat.

"Yes Tita Mommy!" agad na sagot naman nito.

At nakarating na nga sila sa bagong bukas na Italian restaurant. Mangilan ngilan pa lang ang tao sa loob pagkapasok nila.

Nag order agad ng pagkain nila ang doktora.

"Kumusta naman kayo ni Jacob?" pagkuway tanong sa kaniya ni Janna.

"Okay lang naman ate." sagot niya dito at pilit na ngumiti.

"Ngiting pilit lang ganun?"

Makakaiwas pa ba siya dito?

"Ano kasi.."

"Ma'am eto na po yung order niyo, enjoy po!." Natigil sila sa pag uusap ng dumating ang order nila. Inayos muna niya ang pagkain ng anak.

"Uhmm yummy!" sabi agad ng kaniyang anak ng magsimula itong kumain.

"Kumain na muna tayo, nagugutom ako. " nakatawang sabi ng doktora. Sumang ayon naman siya dito.

Nagutom din siya bigla.

"Hey ate Janna!" Napalingon sila sa maarteng boses na nagsalita at tumambad ang babaeng napakaikli ng suot at makapal ang makeup.

"Casey?"

"Yeah it's me!" maarteng sabi nito nakipag beso beso ito sa dalaga.

"Who is she?" tanong nito sa kanila at nakatikwas ang kilay nito.

"Siya si Tricia ang fiancee ni Jacob at ang anak nila." nakangiting pagpapakilala ng doktora.

"Ohh, siya pala yun." nakatawang sabi nito.

"Ikaw pala yung babaeng nang agaw kay Jacob, ako lang naman ang girlfriend niya!" dagdag pa nito.

"What the hell are you talking about Casey!" galit agad na kontra ni Janna ng makitang nagpipigil siya.

Nagtatakang nakamasid lang din si Cade sa kanila.

"Wala na kayo ni Jacob diba? ano pang pinagpuputok ng butse mo?" nanggigigil na sabi ni Janna. Nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang mga kumakain.

"Oh really? iyon ba yung sinabi niya sa inyo?" napatawa pa ito.

"Alam ko naman na simulat sapul ayaw mo na ako para kay Jacob! pero sorry kasi mahal na mahal ako ng kapatid mo!" nakakalokang dagdag pa nito. So ibig sabihin sila parin at nagsisinungaling sa kaniya si Jacob?

"Sa tingin mo ipagpapalit lang ako ni Jacob sa isang kagaya niya na One night stand? MyGod ate Janna nag iisip ka ba?"

"Damn you!" at lumagapak ang palad nito sa nabiglang dalaga.

"Wala kang karapatan na insultuhin si Tricia dahil hindi mo alam ang totoo! at hindi ka na nahiya? nakaharap yang bata kung anu anong pinagsasabi mo?" nagpupuyos sa galit na sabi ni Janna kay Casey.

"Isusumbong ko kayo kay Jacob!" galit na sabi din nito habang hawak ang nasaktan na pisngi.

"Fine! magsumbong ka! tignan lang natin kung sino ang paniniwalaan niya." galit na bulyaw ng doktora. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit. May pagka tigre din pala ang isang ito. Akala mo tahimik pero hindi pala.

Galit na galit siyang pinukol ng matatalim na tingin ni Casey bago ito nagdadabog na iniwan sila.

"Tricia, I'm sorry. are you okay?" agad na tanong ni Janna sa kaniya.

"Yeah ate." pero hindi rin pala niya kayang kontrolin ang sarili. Nahulog sa kaniyang mga mata ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Agad naman siyang dinaluhan ni Janna.

"I'm really sorry." paumanhin nito at hinagod siya sa likod.

"Napaka sama talaga ng babaeng iyon!" dagdag pa nito.

"Tita mommy sino po iyon? napaka bad po niya." Agaw tanong ni Cade. napatingin naman sila dito.

"Hay Naku! Hayaan na natin iyon baby, baliw iyon." Kunwaring napatawa ang doktora.

"Mommy are you okay?" tanong sa kaniya ng anak.

"Yeah baby." at nginitian niya ito.

"Let's go! kanina pa daw naghihintay sina Grandma." sabi ng doktora at sinabayan na niya ito ng tayo. Nakuha naman niya ang ibig sabihin nito at sumunod siya sa mga ito.

"Yehey! " tuwang tuwa naman na sabi ni Cade.

Nakatuon lamang ang atensyon ni Janna sa pagmamaneho ayaw muna nilang pag usapan ang tungkol sa nangyari kanina dahil siguradong magtatanong sa kanila si Cade. Matalino pa naman ang anak.

Maya maya'y nakarating na sila sa mansion. Agad na sinalubong sila ng mag-asawa.

"Hello po Grandma, hello po Grandpa." bati ni Cade at yumakap at humalik sa lolo at lola nito.

"Hello Apo." tuwang tuwa naman na niyakap at pinupog ng halik ng mag asawa ang apo.

"Hello ma, hello pa." Yumakap at humalik din siya sa mag asawa. Ganun din ang ginawa ng doktora.

"Himala! napadalaw ang doktora namin." biro ng Don.

"Siyempre Daddy! successful ang ginawa kong operasyon kaya binigyan ko din naman ng break ang sarili ko." nakatawang yumakap si Tricia sa ama nito.

"Sana laging ganito."Sang ayon ng Doña. Nagkatawanan sila.

"Grandpa samahan mo naman ako sa garden doon ako magpi play." sabi ng apo.

"Sure Apo." nakatawang sabi ng Don ng hilahin siya ng apo papunta sa garden.

"Mommy!" agad na sabi ng Doktora sa ina. Nakaupo sila noon sa may sala.

"May problema ba?" agad na tanong naman ng Doña.

"Kumakain kami sa isang restaurant kanina ng biglang dumating yung Casey na iyon!". inis na kwento ni Janna sa ina.

"Tapos anong ginawa niya?" tanong pa nito saka siya tinignan.

Alam na ng mga ito na alam na niya ang tungkol kay Casey at Jacob.

"Ininsulto niya si Tricia at hindi na nahiya nakaharap pa si Cade kaya sinampal ko siya."

"Kahit kailan talaga eskandalosa ang babaeng iyon!"

"Isusumbong daw niya kami kay Jacob! ang kapal talaga ng mukha niya!" galit na sabi pa nito.

"Anong sabi ng kapatid mo?"

"Wala pa ma, tatawagan ko palang siya mamaya."

"I'm sorry iha." Sabi ng Doña at hinawakan siya sa kamay.

"Hay naku! mabuti na lang at hindi siya ang mapapangasawa ni bunso dahil kung hindi naku naman! araw araw kaming mag aaway!"

Nagngingitngit na dagdag pa ni Janna. Hindi talaga sila magkakasundo ni Casey.

"Ewan ko ba diyan sa kapatid mo at kung ano ang nagustuhan sa babaeng iyon!".

"Wala na sila pero naghahabol pa ang babaeng iyon!"

"Huwag na huwag lang manggugulo ang babaeng iyon dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko!." Ang Doña.

"Kakalbuhin ko siya ng bonggang bongga!" Sabi ni Janna at nagkatawanan sila.

Eksakto namang nagring ang cellphone nito at si Jacob ang tumatawag.

"Ano nagsumbong na ba sayo ang babaeng iyon?" agad na sita nito sa kapatid.

"What happened? Kasama mo ba ang mag iina ko?" bagkus ay tanong nito.

"Yeah, nandito kami kina mama, dito kami matutulog ngayon dumaan ka sa bahay niyo at kumuha ng damit ni Cade at ni Tricia." Napatingin siya kay Janna. kinindatan lang siya nito. Abah! wala iyon sa plano ah.

"Okay ate."

"Oh siya sige na, mag usap na lang tayo mamaya pag punta mo dito."

Anito at pinatay na niya ang end button ng kaniyang cellphone.

"Dito kami mag iisleep over ngayon." nakatawang sabi ni Janna sa ina.

"Sure! naku matutuwa ang papa niyo diyan." sabi ng Doña at nagpaalam ito na pupuntahan ang mag lolo. Excited lang? Mahal na mahal talaga nila ang kanilang apo. Wala na siyang masabi sa pamilya ni Jacob.

"Let's go! mag rest muna tayo." sabi ni Janna sa kaniya. Sumunod naman siya sa itaas kung nasaan ang kani kanilang mga silid.

"Mag beauty rest ka na muna diyan, mamaya pa ang dating ng hubby mo." nakatawang biro nito sa kaniya ng papasok na ito sa kaniyang silid.

Napailing na lamang siya. Buti na lang din talaga kasundo niya si Janna. Nakita niya kung paano nito kamuhian si Casey kanina at nasampal pa nito dahil sa kaniya.

Naaawa din siya sa babae pero hindi naman tama yung ginawa niya na insultuhin siya lalo pa at naka harap ang kaniyang anak.

Napahiga siya sa malambot na kama. Napakalinis parin nga silid ni Jacob na silid na nila ngayon. Inaantok tuloy siya. Matutulog muna siya. Gigising na lang siya mamaya kapag dumating na ang binata.

"Misis, wake up na." naalimpungatan siya sa pagtapik sa kaniya ng kung sino. Nabungaran niya ang binata na nakaupo sa harapan niya. Nakabihis na ito ng pambahay.

"Alas siyete na, kakain na daw tayo." dagdag pa nito. Ganun siya katagal natulog?

"Okay." Aniya at bumangon na siya. Inayos muna niya ang kaniyang sarili.

"Misis." tawag sa kaniya ni Jacob.

"Why?" nilingon niya ito.

"Are you okay? I'm sorry for what Casey did to you." Nilapitan siya nito mula sa likuran saka siya niyakap ng mahigpit.

"Are you mad at me?" tanong pa nito. Hindi siya nagsalita. Baka kasi kung ano ang masabi niya na ikasasakit lang ng kaniyang damdamin.

"Misis." ulit nito. Nakasiksik ang ulo nito sa kaniyang leeg na madalas niyang gawin kapag naglalambing ito.

"Hindi mo naman kasi siya kailangan iwan eh." may bikig sa kaniyang lalamunan ng sabihin niya iyon.

"Wala na kami, tapos na kami ni Casey. Believe me, kayo nina Cade ang pinili ko. Mahal na mahal ko kayo." Seryosong sabi nito.

"Paano si Casey na mahal na mahal ka?" Tanong niya. Nanatili parin sila sa ganoong ayos.

"Kayo ni Cade at sa magiging anak natin ang mahal ko."

"Paano nga si Casey?"

"Siya yung nakipag hiwalay sa akin."

"Pero mahal na mahal ka niya."

Sabi niya. Pinipigilan niya ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Ayaw niyang makita ng binata na nasasaktan siya.

"Pero kayong mag iina ko ang mahal ko." giit nito. Pinihit siya nito paharap at hinawakan siya sa mukha.