CHAPTER 21 EVERYTHING'S GONNA BE ALRIGHT

"Ihahatid na kita sa bahay niyo." sabi ng binata sa kaniya paglabas nila ng restaurant. Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito.

Nasaktan niya ang damdamin ng binata kaya marapat lamang na pagbigyan siya nito.

Tinext na lang niya si France na mauna na dahil ihahatid na siya ni Arvin sa bahay nila.

"Arvin." tawag niya. Nilingon naman siya nito habang nagmamaneho.

"Yes sweetie?"

"Thank you for everything." hinawakan niya ito sa kamay.

"Mahal na mahal ko kayo ni Cade, alam mo yan." pinisil siya nito sa kamay saka siya nginitian.

Hindi niya napigilan ang pagbalong ng luha sa kaniyang mga mata.

"Ano ka ba, okay lang ako, mas masasaktan ako kapag nakita kitang umiiyak kaya tahan na." nakangiting sabi nito sa kaniya. Pero hindi parin niya mapigilan eh! nasasaktan siya para sa binata.

Hanggang sa makarating na sila sa kanilang bahay.

Ipinagbukas pa siya ng pinto ng binata at inalalayan siya hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng kotse nito.

"Hindi ka na papasok sa loob?" tanong niya jay Arvin.

"Next time na lang ha, babalik pa kasi ako ng office." sagot nito.

"Sige."

"Pwede ko parin ba kayong dalawin dito ni Cade?"

"Oo naman ikaw pa, welcome ka dito sa bahay."

"Thank you sweetie." anito saka siya niyakap ng mahigpit.

"Mauna na ako, kiss mo na lang ako kay Cade ha." Sabi ng binata. Hinalikan muna siya nito sa pisngi bago pumasok sa loob ng kotse nito.

"Ingat ka."

Nakangiting kumaway pa ito sa kaniya bago nito pinaandar sasakyan.

Saka lang siya pumasok sa loob ng mawala na ito sa paningin niya.

Pagpasok sa loob nadatnan niyang nakahilata sa sofa ang kaibigang si France. Ni hindi nga niya napansin na naka park na pala ang kaniyang sasakyan sa garahe.

"Kumusta ang pag uusap niyo ni pareng Arvin?"

agad na tanong nito. Tumabi naman siya dito.

"Umiiyak siya." Heto na naman ang pagbalong ng kanyang mga luha.

"Anong sabi niya?"

"Naiintindihan naman niya ako." Aniya saka pinunasan ang luhaang mukha.

"Sabi ko naman sayo maiintindihan ka niya diba?"

"Pero nasaktan ko siya, Hindi ko kayang makita siya na nasasaktan."

"Ano ka ba, huwag mo na isipin yun magiging okay din ang lahat."

"Naaawa ako kay Arvin."

"Isipin mo na lang si Cade at sa magiging kapatid nito, ano ka ba."

Napahikbi siya kaya niyakap siya ng binata. Ano ba naman ito! wala na yata siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ngayon.

Kagigising niya, tinignan niya ang orasan alas siyete na pala ng gabi. biglang kumalam ang kaniyang tiyan. Parang gusto niyang kumain ng ice cream ngayon. Kaya tinawagan niya si Jacob.

"Hello Jacob."

"Why?"

Galit agad na tanong nito. Galit parin ito hanggang ngayon?

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Bakit?"

"Bilhan mo naman ako ng ice cream please, mango graham cake ha."

"Ice cream lang?"

Tanong nito. Ano pa ba yung gusto niya? Hayts! wala na. Ice Cream lang talaga.

"Okay, sige pauwi na din ako mamaya."

"Ngayon na please." paglalambing nito.

"Okay." Iyon lang at nawala na ito sa ere. Napataas kilay na lang siya.

After 10 minutes narinig na niya ang pagdating ng sasakyan ng binata. Pero heto at nakahilata parin siya. Tinatamad siyang bumangon.

Maya mayay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kanilang silid at iniluwa iyon ng binata.

"Here." iniabot sa kaniya ni Jacob ang isang gallon ng ice cream mango graham cake.

"Thank you." aniya saka kinuha ito. Bigla tuloy lumakas yung pakiramdam niya pagkahawak sa ice cream.

Nagutom siya bigla.

Iniabot niya ang damit ng binata na kinuha niya mula sa closet nito.

Seryoso parin ito. Anong problema na naman nito? Ni hindi man lang nagpasalamat?

"Gusto mo ng ice cream?" tanong niya dito.

"No, thank you." Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Pumasok ito ng banyo.

"Bahala ka diyan sa buhay mo." Nakasimangot na sabi niya saka siya lumabas ng kanilang silid. Kakain na lang siya ng ice cream.

"Baby you want ice cream?" tanong niya sa anak na kasalukuyang nanonood ng cartoons.

"Yes Mommy!" agad na lumapit ito sa kaniya at binigyan niya ito ng ice cream.

"Thank you Mommy!." anito saka siya hinalikan sa labi. Napangiti naman siya. Parang ang Daddy lang din nito.

"Anong gusto mong ulam?" napalingon siya sa nagsalita at tumambad sa harapan niya ang guwapong mukha ni Jacob. Naka short lang ito ng pambahay at naka sando.

Kahit anong isuot nito ay bagay sa kaniya. Lumalabas parin ang kaguwapuhan nito.

"Oo alam kong guwapo ako." sabi nito. Saka lang siya nahimasmasan. Nakakahiya!

"Che!" iningusan niya ito.

"Anong gusto mong ulam?" tanong sa kaniya ng binata.

"Magluluto ka?"

Aniya sabay subo ng ice cream.

"Yeah."

Napangiti naman siya. Parang gusto niyang mag ulam ng Tinolang manok ah! ang lakas pa naman ng ulan sa labas. Masarap ang sabaw ngayon.

"Tinolang manok sana.."

"Okay, magluluto na ako." anito at inihanda ang mga lulutuin. Nakaupo lang siya at pinapanood ang binata.

"Gusto ko ng singkamas." sabi niya sa binata.

"Baka naman sumakit yung tiyan mo diyan, kumakain ka pa ng ice cream." sabi ng binata.

"Ako na magbabalat kung ayaw mo!." nakasimangot na sabi niya sa binata at akmang tatayo siya sa upuan pero pinigilan siya ng binata.

"Umupo ka na lang diyan, ihahanda ko na."

sabi naman nito kaya napataas kilay na lang siya.

Ipinagbalat nga siya nito ng singkamas at iniabot sa kaniya ng maihanda niya iyon.

"Sawsawang suka please!."

Tumalikod ulit ito at inihanda ang kaniyang sawsawang suka.

"Napipilitan ka lang ba?" tanong niya sa binata. Tinignan siya nito.

"No."

"Are you sure?"

"Yeah." sagot nito at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Okay!" nasabi na lang niya at ipinagpatuloy ang pagkain sa singkamas at ice cream.

"Ang sakit pare." umiiyak na sabi ni Arvin sa kaibigang si France. Nandito sila ngayon sa bar at umiinom.

"Pare."

"Akala ko okay lang pero hindi pala, ang sakit sakit!." patuloy ito sa pag iyak. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ang mahalaga mailabas niya ang totoong nararamdam, ang nagpapabigat sa kaniyang damdamin.

Ngayon lang siya umiyak dahil sa isang babae, alam ng Diyos kung gaano niya kamahal si Tricia.

"Naiintindihan ko naman siya, dahil alam kong para kay Cade yung ginawa niya." dagdag pa nito.

"Magiging okay din ang lahat pare." tinapik niya ito sa balikat.

"Mahal na mahal ko parin siya pare, hindi iyon magbabago kahit kailan." Humahagulgol na sabi nito. Siya si Arvin Dela Vega. Isang CEO at nag iisang anak umiiyak dahil sa isang babae.

"Kapag sinaktan siya ng Fuentebella na iyon hindi ako magkakamaling kunin sa kaniya si Tricia."

"Naiintindihan kita pare."

"Alam mo kung gaano ko kamahal si Tricia pare."

Anito at pinunasan ang luhaang mukha.

"Yeah pare." Sagot nito. Pati rin siya ay nasasaktan para sa kaibigan pero ang importante ngayon ay si Cade. Naiintindihan din niya kung bakit iyon ginawa ni Tricia. Wala siyang kinakampihan sa dalawang kaibigan. Nasa gitna lang siya at nagpapasalamat siya dahil kahit nasasaktan na si Arvin pinipilit niya paring unawain at intindihin ang situation ng mag-ina. Kaya lalo niya itong hinangaan.

"Let's eat na." yaya ni Jacob sa kanilang mag ina. Nanonood sila noon sa may sala.

"Coming Daddy!." sagot ng anak at sinabayan na niya ito ng tayo.

"Misis." tawag nito sa kaniya.

"Ayoko ng tinola." nakasimangot na sabi niya.

"What? eh diba ikaw ang nagsabing gusto mo ng tinolang manok?" sabi niya dito.

"Kanina iyon, pero ayoko na ngayon." reklamo niya.

"Eh anong gusto mo ngayon? ipagluluto kita."

"Wala, basta ayokong kumain." sagot niya at sinundan ang anak sa hapag kainan.

"Mommy ayaw mong kumain?" tanong ni Cade sa kaniya.

"Later baby, hindi pa ako gutom." sabi niya sa anak.

"Ang sarap ng luto mo Daddy!" puri ng anak sa Daddy nito. Umupo ito sa tabi ni Cade.

"Ayaw mo talagang kumain?" kulit ni Jacob sa kaniya.

"Mamaya na lang, hindi pa kasi ako gutom." sagot niya. Napatango na lang din ito at sinabayan ang anak sa pagkain.

Ang sarap pag masdan ang kaniyang mag-ama na sabay at masayang kumakain

Dati pangarap lang niya noon pero heto na sila ngayon.

Tama lang yung naging desisyon niya na piliin ang kaniyang mag-ama higit kay Arvin. Oo aminado naman siyang mahal na niya si Arvin pero pagdating pala sa kapakanan ng anak mo gagawin mo ang lahat kahit kapalit nito ang pansarili mong kaligayahan at nagpapasalamat siya dahil nauunawaan siya ng binata.

"I'm done!." sabi ng anak.

"Me too." sabad naman ng Daddy nito at nagkatawanan ang mga ito. Napangiti na lang din siya.

MADALING araw noong gisingin niya ang binata. Kanina pa kasi kumakalam ang kaniyang tiyan.

"Jacob." tinapik niya ito sa balikat. Nagmulat naman ito agad.

"Why?"

"Nagugutom ako." sabi niya. Tinignan nito ang orasan. Alas dos palang ng madaling araw.

"Anong gusto mong kainin?"

"Hindi ko alam, basta nagugutom ako, samahan mo naman ako sa kusina." aniya.

Bumangon naman ang binata kahit alam niyang antok na antok ito.

Sabay silang bumaba ng binata at nagtungo sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa kaniya.

"Parang gusto ko ng sandwich saka mainit na gatas." sabi niya sa binata.

"Okay." sagot nito at nagsimula niyang ihanda ang gusto niyang kainin.

Pagkatapos ihanda ang kaniyang sandwich iniabot nito iyon sa kaniya at nagtimpla naman ito ng kaniyang gatas.

"Thank you." sabi niya sa binata.

Tinanguan lang siya nito at tumabi ito sa kaniya habang pinagmamasdan siyang kumakain.

"Gusto mo?" tanong niya sa binata.

"Nope." sagot nito.

"Isang bite lang, come on." kulit niya sa binata. Wala itong nagawa ng subuan niya ito.

"Masarap diba?"

"Syempre ginawa ko yan eh." anito saka napatawa ng pagak.

"Sabi ko nga." Aniya saka sila nagkatawanan.

"Misis."

"Uhm?"

"Are you pregnant?"

Seryosong tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya agad nakaimik.

"Misis."

"Hindi ko alam." sa wakas ay nasabi niya.

"Mag pa checkup kaya tayo mamaya."

suhestiyon ng binata.

"Natatakot ako."

"What?"

"Paano nga kapag buntis ako?" kagat labing tanong niya.

"Bakit ka matatakot eh nandito naman ako."

Napatingin siya dito. Hinawakan siya nito sa kamay.

"Mahal na mahal ko kayo ni Cade at kahit kailan hindi ko kayo iiwan."

sinserong sabi ng binata at hinalikan siya sa labi saka niyakap.

"I love you."

"I love you too."

"Magpa checkup tayo mamaya ha." Nakangiting sabi ng binata.

"Sige." Gumanti rin siya ng ngiti dito.

"Misis, matagal ka pa?" tanong sa kaniya ng binata. Pumasok ito sa kanilang silid. Siya na lang yung hinihintay. Napaka guwapo naman ng kaniyang Mag-ama.

Magpapacheck up kasi siya ngayon.

"Tapos na ako."

Sabi niya. Nakasuot siya ng korean off shoulder dress above the knee at tinernuhan niya naman ng dollshoes.

"Wow! ang ganda mo naman Mommy!" puri sa kaniya ng anak.

"Thank you baby." nakangiting pinisil niya ito sa pisngi. Nakatitig naman sa kaniya ang binata.

"Oo alam kong maganda ako." nakatawang inirapan niya ang binata.

"Sabi mo eh!." napatawa din ito.

"Let's go." sabi niya at nagpatiuna na siya binuhat naman ni Jacob ang anak at sumunod sa kaniya.

Inalalayan pa siya nito hanggang sa makapasok at makaupo siya sa loob ng sasakyan.

"Saang hospital tayo?" tanong niya sa binata.

"Doon na lang tayo kina ate." sabi niya."

"Okay." sagot niya.

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng mag ring ang kaniyang cellphone

Si Janna ang tumatawag.

"Saan na kayo?" tanong sa kaniya ni Janna.

"Malapit na kami ate."

"Okay, see you Ingat kayo."

"Sige ate, thank you."

Aniya at nawala na ito sa kabilang linya.

Makalipas ang isang oras tumigil sila sa isang napaka laking hospital na may 10 palapag at nakasulat sa harap nito ang "Fuentebella Hospital and Medical Center." Inalalayan siya ng binata hanggang sa makalabas siya ng sasakyan.

Napatingin siya kay Jacob.

"Sa inyo ito?" tanong niya dito.

"Oh nandiyan na pala kayo." Napalingon sila sa nagsalita at tumambad ang nakangiting si Janna.

Oo nga pala noh, nakalimutan na naman niya na bilyonaryo pala itong Tatay ng anak niya.

"Hi Tricia." bati sa kanya ni Janna at nakipag beso beso ito sa kaniya.

"Hey little kiddo." Nakangiting bati rin nito sa kanilang anak.

"Hello Tita mommy!" nakangiting nagyakapan ang mga ito.