CHAPTER 20 IT HURTS

"Misis."

"Saang lupalop ka na ba ng mundo nakarating ha Jacob Fuentebella?" galit na sabi agad ni Tricia sa kaniya.

"Hinihintay ko lang yung singkamas na pinadala ni mama kay Ka Oscar."

Mahinahon na sabi niya dito. Ito pa ang galit ngayon?

"Bilisan mo! ang tagal mo!" inis na sabi niya.

"Yeah misis, nandito na si Ka Oscar."

"Bye!."

Iyon lang at pinatayan na siya ng cellphone. Ganun lang talaga?

Matapos ang ilang minuto dumating na ang hinihintay niyang si Ka Oscar na may dala dalang 4 na bungkos na singkamas.

"Dami naman nito tay, buti meron kayo nito?"

Tuwang tuwa na sabi niya.

"Aba'y tanim yan ni Ka Estong dun sa kabilang barangay, tumawag sa akin ang mama mo kanina mabuti na lang at may naiwan pa kamo."

sagot ng kanilang katiwala.

"Maraming salamat po, mauna na po ako at naghihintay na si misis." Paalam niya sa matanda saka ito tinapik sa balikat. Ngumiti naman ito sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang?" agad na asik niya sa binata pagkapasok pa lang nito sa loob ng kanilang bahay.

"Pasenya ka na misis, sa Hacienda pa kasi galing ang mga iyan, bigay nina mama."

Sabi niya at inilapag ang mga dalang singkamas sa mesa.

"Pakibalatan naman ako, bilisan mo ha!"

nakasimangot na utos niya.

"Sure misis."

Nginitian siya ng binata pero tinaasan lang niya ito ng kilay.

Demanding lang ang peg ganun?

Kung makapag utos naman siya dito sa binata. Nakalimutan niya yatang bilyonaryo ito. Ah kahit na! eh sa gusto niya itong utusan diba?

Nakaupo siya ng maya maya'y lapitan siya ng binata at ibigay ang nabalatan ng singkamas at may sawsawang suka.

"Here misis." iniabot niya ito mismo sa harapan niya.

"Thank you." sabi niya. Oh atleast nag thank you naman siya kahit papaano diba? Takam na takam siyang kumagat ng singkamas. Napaka sarap naman nitong isawsaw sa sukang puro.

"Gusto mo?" alok niya sa binata.

"Nope, okay ka na?"

Nakangiting tanong nito sa kaniya.

"Yup."

"Are you sure?"

"Oo naman."

"Hindi kita pwedeng iwanan na masama ang pakiramdam mo misis."

"Okay na ako, kaya ko na."

"Okay, maliligo na din ako kung ganun." Pagpapaalam nito sa kaniya.

Tinanguan na lamang niya ito.

Pagkatapos niyang kumain ng singkamas umakyat na siya sa itaas para ihanda ang mga gamit ng binata saktong tapos na rin ito noon at kalalabas ng banyo.

"Here." iniabot niya ang damit ng binata saka siya humilata. Antok na antok pa yung pakiramdam niya. Gustung gusto niyang matulog muna.

"Inaantok ka?"

"Yup."

"Papasok na ako ng trabaho misis." sabi ng binata sa kaniya kaya pinilit niyang bumangon.

"Mag iingat ka."

"Thank you misis." sagot nito saka siya hinalikan sa labi.

"Ano ba yang pabango mo! ang baho naman!"

reklamo niya ng malanghap ang pabangong ginamit nito. Masakit sa sikmura. Nakakahilo.

"Ha? Ito naman yung lagi kong ginagamit ah." anito saka inamoy ang sarili.

"Ang baho kaya!." napasimangot siya.

"Magpalit ka nga ng damit ang baho mo!." reklamo niya.

"Misis naman, papasok na ako sa work."sagot niya.

"Okay, basta huwag mo na ako lalapitan." aniya saka lumayo siya sa binata.

Napailing naman ito saka hinalikan ang anak na natutulog.

"Papasok na ako misis."

"Ingat ka, hindi na kita ihahatid sa baba tinatamad ako saka ang baho ng amoy mo!." nakasimangot na reklamo pa nito. Wow ha! For the First Time yatang masabihan siyang mabaho at si Tricia pa talaga ang nagsabi nun? Symptoms ba talaga yun ng naglilihi?

Napailing na lamang siya at lumabas ng kanilang silid.

Buntis kaya talaga ito?

Kagigising lang niya ng katukin siya ng yaya ni Cade, nasa baba daw si France. Hindi na siya nag abalang ayusin ang kaniyang sarili kasi tinatamad siya.

"Anong itsura yan ha?" sita agad sa kaniya ng kaibigan.

Ganun na ba kasagwa ang itsura niya ngayong umaga?

"Bakit?"

"Naglilihi ka ba?" agad na tanong nito sa kaniya. Oo nga noh? naglilihi ba siya sa lagay na yun?

"Hindi ko alam." sagot niya.

"Nabanggit kasi sa akin ni Harrold kaninang dinalaw namin si Lola."

"Ha?"

"Tinanong nga niya ako kung buntis ka, eh hindi ko naman alam."

Saan naman kaya nalaman ni Harrold? Siguro kay Jacob!

"Ano itong singkamas dito?" tanong ng kaibigan ng makita ang singkamas na nasa mesa.

"Wala, gusto ko lang kumain niyan."

"Umamin ka nga sa akin." pinaharap siya nito at pinasadahan siya mula ulo hanggang paa.

"Bakit ba!."reklamo niya.

"Buntis ka noh?" Daig pa nito ang isang babae kung mapaamin siya.

"Hindi ko pa alam kasi hindi pa naman ako nagpapa check up." sagot niya.

"Pero kaninang umaga nagising ako na nagsusuka saka nahihilo, tapos gusto kong kumain ng singkamas kaya nagpahanap ako kay Jacob." Tinatamad na kwento niya sa binata.

"Congrats sweetheart! buntis ka na talaga! " tuwang tuwa na niyakap siya ng kaibigan.

"France natatakot ako."

"Bakit ka naman matatakot eh nandiyan naman si Jacob."

"Paninindigan niya kaya ito?"

Aniya saka hinimas ang impis pang tiyan. Hindi pa naman sure kung meron na talagang laman iyon.

"Ofcourse! si Cade nga na hindi niya alam pinanindigan ka , ngayon pa kaya na kasama mo na siya?".

Sabagay may point din itong kaibigan niya pero nag aalala parin siya. Paano si Casey? Nakahanda ba nitong iwan para sa kanila? Sabagay kung hindi kaya ng binata na iwan ito okay lang naman sa kaniya basta pag usapan na lang nila ang setup pagdating kay Cade.

Pero bakit tila yata nasasaktan siya sa isiping iyon?

"Saka paano si Arvin?"

"Bakit kayo na ba?"

"Hindi naman, pero hindi pa niya alam ang tungkol kay Jacob."

Ayaw naman niyang magsinungaling sa binata. Napakabait pa naman nito.

"Mabuti pang sabihin mo na sa kaniya ang totoo habang maaga pa."

"Okay, tatawagan ko siya mamaya at magkikita kami sa labas."

"Kaya mong bang mag drive?" tanong sa kaniya ng kaibigan.

"Ipag drive mo naman ako kung hindi ka busy ngayon."

"Sure, pero hindi ako magpapakita ha, tawagan mo na lang ako kapag tapos na kayong mag usap."

"Masasaktan ko si Arvin." Malungkot niyang saad dahil kahit papaano naman eh napamahal na sa kaniya ang binata.

"Mabait si pareng Arvin at alam kong maiintindihan ka niya." ginagap siya nito sa kamay.

"Nahihiya kasi ako sa kaniya."

"Kaya mo yan sweetheart, isipin mo na lang para kay Cade yang gagawin mo at sa magiging kapatid nito." naiiyak na niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan.

Nagpaalam siyang maliligo muna habang naghihintay ang kaibigan. Natawagan na din niya si Arvin at sinabi niya kung saan sila magkikita.

Nakasuot lang siya ng Floral dress na above the knee at tinernuhan lang niya ng doll shoes. Kahit Hindi pa siya sigurado kung may laman na ba ang kaniyang sinapupunan mas maigi na din kung mag iingat siya.

"Let's go sweetheart." yaya sa kaniya ni France at inalalayan siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng kotse nito.

"Kinakabahan ka?"

"Yeah.."

"Kaya mo yan sweetheart, alam kong maiintindihan ka ni pareng Arvin."

"Thank you." At nginitian niya ang kaibigan.

Makalipas ang 20 minutes nakarating na sila sa lugar kung saan sila magkikita ng binata. Bumaba siya sa isang sikat na restaurant at pumasok siya doon sa loob.

Nakangiting Kinawayan siya ni Arvin pagkakita sa kaniya at sinalubong siya nito sabay abot ng isang pumpon na bulaklak bago siya nito hinalikan sa pisngi.

"Hi Sweetie, ang ganda mo naman."

Nakangiting bati sa kaniya ng binata.

"Hello, thankyou. kanina ka pa dito?" Tanong niya sa binata. Inalalayan naman siya nito hanggang sa makaupo siya sa harap nito.

"3O minutes na." Anito saka siya kinindatan.

"As in?"

"Yeah." nakangiting sagot nito at lumabas ang dalawang malalalim na dimples nito. Napaka guwapo ng binata. Napaka swerte naman ng mamahalin nitong babae.

"Nag order na ako ng foods natin ha." pagkuway sabi ng binata sa kaniya.

"Okay."

Kabisado na kasi ng binata ang mga gusto niyang kainin kapag nandito sila sa restaurant na ito.

"Arvin." Kinakabahang sabi niya. MyGoD! paano ba niya uumpisahang sabihin dito ang totoo?

"Yes sweetie?"

"Ano kasi.."

"Hey! relax lang.. anong meron?" Nakatawang sabi sa kaniya ng binata at ginagap siya nito sa kamay. Bigla naman siyang naawa dito.

"May gusto kasi akong aminin sayo." Naiiyak na sabi niya.

"What is it sweetie?"

"Nagkita na kami ng Daddy ni Cade, at sa bahay siya nakatira ngayon."

Nakayukong pag amin niya kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.

Mahal na niya si Arvin eh! Tapos masasaktan naman ang damdamin nito.

Hindi agad ito nakapagsalita. Waring iniisip ang kaniyang sinabi.

"Kelan pa?" malungkot na tanong nito sa kaniya.

"Noong nasa London ka, sasabihin ko naman sana agad sayo kaso nahihiya ako." aniya saka pinunasan niya ang luhaang mukha.

"Don't cry please, lalo lang ako masasaktan niyan."

Pang aalo sa kaniya ng binata. Ramdam mo sa kaniyang boses ang kalungkutan.

"I'm really sorry."

Napahikbi na siya. Lumipat naman ito ng upuan sa tabi niya saka siya nito niyakap.

"Sshh.. Don't worry sweetie okay lang ako."

Tinitigan niya ito at lalo siyang nasaktan ng makita niyang may nahulog na butil ng luha mula sa mga mata nito.

Nagtagal sila sa ganoong ayos bago sila kapwa nahimasmasan.

"Nagsasama lang kami dahil kay Cade."

"Sino yung maswerteng lalaking iyon?"

"Jacob Fuentebella."

"Jacob Fuentebella?" ulit nito. Napatango naman siya.

"CEO ng Fuentebella Group of Companies? The Young billionaire?" tanong nito.

"Yeah." So kilala nito si Jacob?

"Okay, So kumusta naman si Cade?" tanong nito sa kaniya. Waring iniiba ang usapan.

"Okay lang naman siya."

"Okay."

"Arvin, alam kong galit ka sa akin." Hinawakan niya ito sa kamay. Mariin naman siya nitong tinitigan at napa buntung hininga ito.

"Hindi ako galit sayo, naiintindihan kita dahil alam kong para naman sa kapakanan ni Cade ang ginagawa mo."

"I'm really sorry."

" Ano ka ba, okay lang ako. Basta makita ko kayong masaya ni Cade okay na ako doon."

May pait sa boses nito habang sinasabi ang mga iyon.

Napakabait naman ng binatang ito. Hindi nito deserve ang masaktan ng ganito!

"Mahal mo na ba siya?" tanong nito. Hindi siya agad nakasagot. Mahal na ba niya si Jacob? Ano ba talaga?

"Hindi." sagot niya. Pero agad na kumontra ang kaniyang isip.

"Basta nandito lang ako para sa inyo ni Cade ha." At minsan pay niyakap siya nito ng mahigpit at namalayan na lamang niya tumutulo na ang mga luha nito. Napaka guwapong binata umiiyak dahil lang sa kaniya?

Pinagtitinginan na sila ng mga taong naroon pero wala silang pakialam.

Natigil lang sila at naghiwalay ng dumating ang kanilang order.

Nagtaka naman ang waitress na nag serve sa kanila dahil parehong mugto ang kanilang mga mata.

"Kain na." Yaya ng binata sa kaniya saka siya nito nginitian.

"Thank you." sabi niya sa binata.

"Basta kapag sinaktan ka ng Fuentebella na iyon kukunin kita sa kaniya anumang oras." seryosong sabi nito.

"Mahal na mahal parin kita, kayo ni Cade, hindi iyon magbabago." Dagdag pa nito. Napatango na lamang siya.

Haba ng hair noh?? Pinag aagawan lang naman siya ng dalawang naggaguwapuhang CEO.

At ipinagpatuloy na nila ang pagkain habang nagku kwentuhan.

Nang mag ring ang kaniyang cellphone at si Jacob ang tumatawag.

Nag excuse siya sa binata para sagutin iyon.

"Hello."

"Where are you?" galit agad na tanong nito.

"Nandito ako sa labas." galit na naman ito? Anong meron?

"Sinong kasama mo?"

"Si Arvin." sagot niya.

"What? At bakit kayo magkasama ng Arvin na iyan?"

Galit na galit parin ito.

"Jacob pwede ba! wala kaming ginagawang masama!." Naiinis na rin na sabi niya.

"Tapos iniwan mo yung anak natin dahil lang sa Arvin na iyan?"

"Pauwi na din ako mamaya!."

"Ni hindi mo man lang ako sinabihan na lalabas ka pala."

"I'm sorry."

"Umuwi ka na dahil kung hindi pupuntahan kita diyan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

"Oo na! "

Bulyaw din niya saka pinatayan ito ng cellphone.

"Si Jacob ba iyong tumawag?" tanong sa kaniya ng binata pagbalik niya sa kanilang mesa.

"Yeah." tipid niya itong nginitian.

"Nagseselos?".

"Bahala siya sa buhay niya!." aniya. Napatawa naman si Arvin dahil napasimangot siya.

"Basta nandito lang ako para sa inyo ni Cade."

May mahihiling pa ba siya? Lahat na ng

ugaling papangarapin ng isang babae na kay Arvin na. Sana kung ganun lang kadali ang lahat.