CHAPTER 17 HACIENDA FUENTEBELLA

"Oo na! kaya bumangon ka na diyan kasi ikaw na lang yung hinihintay namin." kinurot niya ito sa tagiliran.

"Ouch! naglilihi ka na?"

"Asa ka!." inirapan niya ito at itinulak ang binata. Napatawa naman ito.

"Daddy! wake up na!" sa ganung ayos sila nadatnan ni Cade.

"Oh diba I told you ikaw na lang ang hinihintay.?" sa wakas ay nakawala siya sa mga bisig nito.

"Daddy!"

"Good morning baby!." pagkuway bati nito sa anak. Lumapit naman ito sa ama at binigyan siya ng yakap at halik.

"Good morning too Daddy! bumangon ka na diyan kasi malelate na tayo."

"Oo na, babangon na po, excited naman kayo masyado pinagod kasi ako ng Mommy mo last night!"

biro nito sa anak.

"Ano yun Daddy?"

"Jacob! " pinandilatan niya ito dahil nakakahiya sa bata. Pero tinawanan lang siya nito.

"Let's go." binuhat niya ang anak at lumabas sila sa kanilang silid.

"Good morning everyone." bati ng binata.

"Sarap ng tulog mo ah." puna ng ama saka tinapik siya sa balikat.

"Syempre pa, alam mo na." anito saka kinindatan ang ama at nagkatawanan sila.

"Here's your coffee." iniabot niya ang isang baso ng kape sa binata.

"Thank you misis." saka siya nito hinapit sa baywang.

"Jacob! " pinandilatan naman niya ito. Nakakahiya! sa harap pa talaga ng mga magulang at kapatid nito.

"How sweet!." kinikilig na sabi ni Janna.

"Syempre! inggit ka te?" biro ni Jacob saka tinawanan ang kapatid.

"Nope! okay na ako basta makita ko kayong masaya!"

"May pinaghuhugutan?"

"Wala noh! bilisan mo na diyan magkape at ng makaalis na tayo!" inirapan naman siya ni Janna.

"Wow! ang ganda!" bulalas ni Cade ng papasok na sila sa loob ng Hacienda Fuentebella.

Hitik sa bunga ang mga di mabilang na puno ng mangga, sa dulo naman ay ang nagpapataasang puno ng Niyog. Napakagandang tanawin.

Huminto ang sasakyan nila sa isang Napakalaking bahay, mas malaki lang ng bahagya ang mansion nila sa siyudad.

Luntian ang buong paligid at napakasarap ng hangin. Nakaka relax.

"Magandang umaga ho, Don Henry, Doña Karina, Señorito, Señorita." magkakapanabay na bati ng mga tauhan sa hacienda.

"Magandang umaga din ho." ganting bati din nila.

Sinalubong sila ni Ka Oscar at Nanay Sedeng ang katiwala nila sa Hacienda.

"Nandito na pala kayo, pumasok na muna kayo sa loob at ng makapag almusal." yaya ni Nanay Sedeng sa kanila. Sumunod naman sila dito at tumambad ang napakaraming pagkain. Sagana sa prutas at gulay. Bagong pitas kaya siguradong manamis namis.

"Aba'y napaka pogi naman ng batang ito." kinurot ni Ka Oscar sa Pisngi si Cade.

"Hello po." Nakangiting bati nito sa matanda.

"Siya nga pala Tay, Nay asawa ko po si Tricia at ang anak po namin si Cade." pagpapakilala ni Jacob sa kanila.

"Hello po." nakangiting bati niya sa mag asawa.

"Abay napaka ganda naman nitong asawa mo iho." puri ni Nanay Sedeng.

"Siyempre naman nay, sa guwapo kong ito?" nakatawang sabi nito at inakbayan ang matanda.

"Oo nga naman Sedeng, parang ako lang din noon." biro din ni Ka Oscar, nagkatawanan sila sa sinabi nito at nagsimula na silang kumain.

"Ang ganda naman dito." sabi niya kay Jacob habang naglalakad sila. abala naman sina Janna at Cade sa pag seselfie.

"Dito ako pumupunta kapag gusto ko ng peace of mind." sagot naman nito.

"Tulad ngayon?" sinulyapan niya ang binata.

"Yeah, mamayang gabi kailangan tahimik." biro nito. Nakuha naman agad niya ang gusto nitong ipahiwatig.

"Bastos!" hinampas niya ito sa braso.

"Why? ikaw misis ha wala pa akong sinasabi alam mo na." Nakatawang hinapit siya nito sa baywang.

"Bahala ka diyan!" napasamingot siya.

"Uy joke lang! ito naman." Tumigil ito sa paglalakad at bigla siyang hinawakan sa mukha at mariing hinalikan.

"Jacob! nakakahiya ka! ang daming tao eh!" saway niya sa binata. Ang ibang trabahador sa Hacienda ay nakatingin sa kanila at nakangiti. Napababa siya ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Bakit ako mahihiya eh napaka ganda yata ng Misis ko?" anito at kumaway pa sa mga trabahador. Naghiyawan pa ang mga ito.

"Che!." inirapan niya ang binata.

"Sungit!."

Nakatawang sabi nito.

"Mommy! I want buko juice!" sabi ng anak at itinuturo ang di mabilang na puno ng Niyog.

Tinawag naman ni Jacob ang dalawa sa mga katiwala nila sa Hacienda at nagpakuha ng buko.

"Dapat pala every weekend dito na lang tayo." sabi ni Janna sa kanila.

"Pwede rin." sagot ni Jacob.

"Sasabihin ko kay Daddy." maarteng sabi ng Doktora.

At dumating na nga ang mga inutusan niyang kumuha ng buko. Ipinagbalat sila ng mga ito. Tuwang tuwa ang kanilang anak.

Hay! nakaka relax naman dito. Sariwa ang mga prutas at gulay, luntian na kapaligiran, mabango at malamig na simoy ng hangin. Saan ka pa diba? Hindi tulad sa siyudad na puno ng polusyon.

"Here misis." iniabot sa kaniya nito ang nabalatan ng buko.

"Thank you." Aniya saka ito nginitian.

"Ang tamis!." sabi ng kanilang anak.

"Oo nga!." segunda rin ni Janna sa pamangkin.

Matapos siyang uminom, kinuha ni Jacob ang buko sa kaniya at doon rin uminom. Mahihiya pa ba siya kung makapag halikan naman sila ay wagas. Napangiti siya.

"Why?" nakatitig pala sa kanya ito.

"Wala."

"Are you sure?"

"Yup."

"Daddy what if try din natin mag boodle fight Mamaya." sabi ng anak. Napatingin lahat sila dito. Boodle fight talaga? Saan naman nakukuha ni Cade ang mga ganyang ideas.

"As in kamayan?" si Janna.

"Yes Tita Mommy! just like I watched on TV."

"Gusto ko yan baby! pero naku masisira na naman ang diet ko nito." maarteng sabi pa nito.

"Arte naman!. wala namang boyfriend." biro ni Jacob sa ate.

"Che!."inirapan lang siya nito.

"Okay baby, magpapahanda ako ng pang boodle fight mamaya pagbalik natin." sabi niya sa anak.

"Promise?"

"Promise baby.".

"Yehey! thank you daddy!." at niyakap pa siya nito.

Napaka swerte naman niya sa lalaking ito. Mali! Si Cade pala ang masuwerte sa Daddy nito.

Hanggang kelan kaya sila ganito? Paano na lang kapag nalaman ni Casey ang tungkol sa kanila? Manggugulo kaya ito? Paano din si Arvin? Mahal na ba niya si Jacob?

"Misis." untag ni Jacob sa kaniya.

"Yes?"

Patay! ang lalim na naman ng kaniyang iniisip.

"Huwag mo na muna isipin, mamayang gabi pa natin iyon gagawin." bulong nito sa kaniya.

"Ano?" Nagsasalubong ang kaniyang mga kilay.

"Sabi ko na nga ba eh!." palatak nito.

"Asa ka naman! " inirapan niya ito pero tinawanan lang siya.

"Let's go." yaya na niya sa mga ito.

Binuhat naman ni Jacob ang anak pabalik sa bahay.

Nakalatag na ang tatlong mahabang mesa na nababalutan ng dahon ng saging, Kanin, Inihaw na karne ng baboy, isda, pusit, hipon inihaw na okra at talong na may sawsawan na bagoong at kamatis, saging, pulang pula at matamis na pakwan ang kanilang pananghalian.

"Yehey!" tuwang tuwa na bulalas ng anak. Tinawag nila lahat ang mga katiwala ng Hacienda Fuentebella at nagsimula silang kumain.

Nagtatawanan at nagku kwentuhan sila habang kumakain.

"Misis." pagpupumilit na sinubuan siya ni Jacob. Naghiyawan at kinikilig naman ang mga kasama nilang kumakain. Hiyang hiya siya sa mga ginagawang ka sweetan ng binata.

"The best talaga dito!" sabi ni Janna.

"Tita Mommy ang saya noh?" sabi ni Cade.

"Yeah baby, kaya dapat every weekend tayo nandito Daddy!." sabi ni Janna sa ama.

"Sure, basta every weekend tayo magkakasama." sagot ng Don.

"Kaya pilitin mong umuwi, hindi every 2 months." nakatawang sabi ng Doña.

"Yes Mommy!." anito at kinindatan ang ina.

Nag uumapaw rin ang kasiyahan sa kaniyang puso, tignan mo nga naman nabansagang isa sa mga pinakamayaman at maipluwensiyang angkan sa buong pilipinas ang pamilya Fuentebella pero sino ang mag aakalang kahit sino at pinakamababang uri kaya nilang pakisalamuhaan.

Hindi sila matapobre, mababait sila sa kanilang nasasakupan kaya kita at ramdam mo din ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya.

Tignan mo si Janna at Jacob, napakataas na tao pero mababa ang kanilang loob. Kaya nilang pakisamahan ang lahat dahil pinalaki sila ng mag asawa na maayos at may mabuting loob. May mahihiling pa ba siya?

"Misis." untag ng binata.

"Tignan mo yang anak mo." sabi niya habang kausap ang batang babae na anak ng isa sa mga katiwala nila sa Hacienda.

"Ang guwapo talaga ng anak ko." puri nito.

"Siyempre ang guwapo kaya ng Daddy niya!".

"Oo na! binubuhat ang sariling upuan." irap niya dito.

Napatawa naman ito.

Busog at masaya ang lahat na pinagsaluhan ang inihanda nilang pagkain.

Nagpahinga muna sila pagkatapos nilang kumain dahil nakatulog naman si Cade. Nasa kuwarto sila noon nina Jacob.

Nang tumunog ang cellphone ng binata.

"Hello pare." sabi nito.

"Pare, kumusta kayo diyan?" si Harrold ang nasa kabilang linya.

"Okay lang pare, nandito kami ngayon sa Hacienda."

"Mukhang masayang masaya ka ah." puna nito sa kaniya.

"Oo naman! sino namang hindi diba? napakaganda yata ng misis ko at magiging Daddy na ako soon."

"Jacob!." sigaw niya sa binata. Tinawanan lang siya nito at sumabay pa si Harrold na nasa kabilang linya.

"Hi Tricia!" sabi ni Harrold.

"Hello." sabi na lang din niya.

Loko loko din talaga itong si Jacob. Mamaya maniwala ito.

"Hello pinsan, pagbalik niyo dito kayo sa bahay mag dinner ha, isama mo si Tricia at Cade ang daya mo hindi ko pa sila nakikilala." boses iyon ng isang babae.

"Sure pinsan." nakatawang sabi nito. Naging secretary ni Harrold si Tricia pero ni minsan hindi ito nakilala ng pinsan, paano ba naman kasi sa bahay lang naglalagi ang pinsan at nag aalaga ng anak nila ni Harrold. Hindi rin ito sosyalera gaya ng iba at sigurado siyang magkakasundo sila ni Tricia.

"Ikumusta mo na lang ako kay Tricia at Cade, pati din sina tita at tito saka si ate Janna."

Bilin pa nito.

"Sige pinsan, oh siya babye na."

"Bye!"

"Mabuti pa nga at dito kayo mag dinner pag uwi niyo at makapag bonding din naman itong mga misis natin."

sabi ni Harrold sa kaniya.

"Sure pare, sabihan mo lang si pinsan na huwag akong ibubuking dito sa misis ko kundi lagot ako dito." biro ni Jacob saka tumatawang kinindatan siya. Napasimangot naman siya. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o hindi pero hindi niya iyon nagustuhan.

Tumayo siya at nagpunta siya sa tapat ng bintana para sumagap ng sariwang hangin. Medyo bumigat kasi yung pakiramdam niya.

"Sige na pare, nagseselos na itong asawa ko, bye!."

Napataas kilay siya sa narinig.

Naramdaman na lang niya ang pagpulupot ng mga bisig nito sa kaniyang baywang.

"Sorry na, joke lang naman iyong sinabi ko kay pareng Harrold."

anito saka isinisik ang ulo sa kaniyang leeg.

Hindi siya nagsalita. Sumama kasi talaga yung loob niya. Alam naman niya yung tungkol sa kanila ni Casey bakit kailangan pa niyang biruin ng ganun si Harrold diba?

"Misis." anito pero hindi niya ito pinansin kaya pinaharap siya nito.

"Sorry na, joke lang naman iyon."

Saka siya nito tinitigan ng mariin.

"Ikaw lang, kayo lang ni Cade ang mahal ko." sabi pa niya.

Hinawakan siya nito sa pisngi at pinagpantay ang kanilang mga mukha.

"Misis, naniniwala ka naman sa akin diba? kayo lang ni Cade."

nagsusumamo na sabi nito. Pahihirapan pa ba niya ang kaniyang sarili?

"Oo na!" Naiinis na sabi niya.

"Napipilitan ka lang yata eh, ngumiti ka muna." paglalambing ng binata.

"Oo na nga!."

"Good! " anito saka bigla siyang binigyan nga mabilisang halik sa labi.

"Jacob!." kinurot naman niya ito sa tagiliran saka sila nagkatawanan.

God! mahal na ba niya ang binata? Naguguluhan na din siya. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman para dito.

"I love you, kayo ng anak natin." pagkuway sinserong sabi nito sa kaniya.

"Mahal ka din namin ni Cade." sagot niya.

"Huwag niyo na ako ulit iiwan ha, kasi hindi ko kaya."

"Promise."

"Thank you misis." at minsan pay kinintalan siya ng halik sa labi.

Aba! nakakarami na ito ah.

KINAGABIHAN ay nagkayayaan ang mga lalaking mag-inuman.

Kasama nila si Jacob, nasa silong naman sila ng punong mangga nina Janna nakaupo sa mga upuang gawa sa kawayan na nakapaikot sa puno. Napakasarap ng hangin at napaka liwanag ng buong paligid dahil sa liwanag ng buwan.

"Kumusta kayo ni Jacob?" tanong ni Janna sa kaniya.

"Okay lang naman ate." tipid niyang sagot dito.