CHAPTER 18 WHAT IF

Mataman siyang tinitigan at nagtataka siya sa mga kilos nito.

"Kumusta si Arvin?" nagulat siya sa tanong nito. Kilala niya si Arvin? sabi na nga ba eh! balisa kasi ito.

"Kilala mo si Arvin ate?" Hindi makapa niwalang tanong niya.

"Yup, Classmate ko siya noong high school, tapos nung last reunion namin naikuwento ka niya sa akin."

Napanganga siya sa narinig mula dito. Napakaliit naman talaga ng mundo.

"Mahal na mahal ka niya."dagdag pa nito. Hindi siya nakaimik. Ano ba ang dapat niyang sabihin dito?

"I'm sorry Tricia.."

paumanhin naman nito agad.

"It's okay ate, Yeah, Matagal na nga siyang nanliligaw sa akin 3 years na pero hindi ko pa sinasagot." pag amin niya. Mataman naman itong nakikinig sa kaniya.

"Mahal mo na ba siya?" tanong nito. Aaminin ba niya dito na napamahal na sa kaniya si Arvin? Bakit may Casey din naman ang kapatid nito ah.

"Ate.." Napa buntung hininga siya.

"It's okay sweetie." ginagap siya nito sa kamay.

"Naiintindihan ko yung situation niyo ni Jacob, kasi kahit pati rin naman siya alam mo kung ano yung totoong

nangyayari diba?"

Malungkot na sabi nito.

"Paano yung anak niyo na gusto ng Complete and happy Family?"

dagdag pa nito.

"Ate."

"Sabi sa akin ni Jacob noong tumawag sa akin, kaya niyang iwan ang lahat para sa anak niyo, ngayon pa lang daw siya bumabawi sa inyong mag-ina niya.

"Wala ka bang nararamdaman kahit konti kay Jacob?" Napi pressure siya sa mga tanong ni Janna sa kaniya.

"I'm sorry, masyado na yatang personal yung mga tanong ko. I just wanna know."

Anong isasagot niya dito? Mahal na ba niya si Jacob?

"Sweetie."

"Hindi ko alam ate." sagot niya

"It's okay, naiintindihan naman kita, basta nandito lang kami nina Mama at Papa para sa inyo nina Jacob at Cade." Hinawakan siya nito sa kamay at pinisil iyon.

"Thank you ate." Nginitian niya ito. Napakabait talaga ng pamilya ng binata. Wala na siyang masabi. Mahal na mahal pa ng mga ito ang kanilang anak.

Napalingon siya sa pwesto nina Jacob at saktong nakatingin rin ito sa kaniya, bigla siyang kinabahan.

Lalo na ng makita niyang palapit ito sa kanila ni Janna.

"Hello Misis, I miss you." Tumabi agad sa kaniya ang binata at hinapit siya nito sa baywang.

"Jacob! " pinandilatan naman niya ito dahil nakaharap sa kanila si Janna.

"Why Misis?"

At inilapit pa nito ang mukha sa kaniya. Kulang na lang ay mahalikan siya nito.

"Pasok na ako sa loob, nang iinggit naman kayo!" nakatawang sabi ni Janna at sinabayan na niya ito ng tayo.

"Mabuti pa nga ate, dahil gusto ko ng masolo itong misis ko."

"Okay! bye na."

Humalik sa kanila ang dalaga bago pumasok sa loob ng bahay. Naiwan sila ni Jacob. Tapos na rin silang mag inuman noon.

"Misis." tawag nito sa kaniya.

"Bakit?"

"Mahal na mahal ko kayo ni Cade." Niyakap siya nito ng mahigipit.

Ano na naman ba ito? Lasing ba ito?

"Mahal ka din namin ni Cade." sagot niya dito.

Pinihit siya nito paharap at mariin siyang tinitigan. Inilapit nito ang mukha sa kaniya at kinintalan siya ng halik sa labi, marahan lang nung una hanggang sa lumalim ang halik nito. Ipinasok pa nito ang dila sa kanyang bibig, naroon yung sisipsipin nito iyon. Nag init ang buo niyang sistema sa hatid nitong kiliti. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay sa leeg ni Jacob habang abala ang kamay nito sa paglalakabay sa buo niyang katawan.

"Uhmmmm." paimpit niyang ungol ng ipasok nito ang kamay sa suot niyang damit at paglaruan ang kaniyang dibdib.

"Misis.." daing ng binata. Saka lang siya nahimasmasan.

"Jacob!." medyo naitulak niya ito. Nagtaka naman ito sa ginawa niya.

"Why baby?".

"Nandito tayo sa labas!" inirapan niya ito. Napatawa naman ito.

"Anong nakakatawa?"

"Akala ko kung ano na."

"Jacob!" pinandilatan niya ito.

"I'm sorry misis, sa loob na din natin ituloy." biro nito.

"Bastos!" hinampas niya ito sa braso. Tinawanan lang siya nito at mabilis na ninakawan ng halik sa labi.

"Pasok na ba tayo sa loob?"

"Nope, dito na muna tayo. Ang ganda dito noh? nakaka relax."

sabi niya sa binata.

Naka upo ang binata at nasa harap siya nito at malayang nakayakap sa kaniya ang buo nitong katawan.

Hinayaan na lang din niya ito. Napaka sarap makulong sa mga matitigas nitong bisig at paminsan minsan ay ninanakawan siya ng halik sa labi.

"Misis."

"Hmm.."

"Magpakasal na kasi tayo."

Napatingin siya sa sinabi nito. Seryoso ba ito?

"Bakit ako na ba talaga ang gusto mong makasama habang buhay?"

"Oo naman, kaya nga pakakasalan na kita diba?"

nagsusumamong sabi nito sa kaniya.

"Paano si Casey?"

"Maiintindihan din niya ako."

"What if manggulo siya? Gusto ko ng simpleng buhay lang para sa anak ko, ayoko yung magulo."

"Hindi ko hahayaan na saktan kayo ng kahit na sino."

"Pag usapan na lang natin yan kapag okay na ang lahat, huwag muna ngayon ha." Hinawakan niya sa mukha ang binata.

"Basta ang importante sa ngayon masaya tayo nina Cade."

Dagdag na sabi niya at siya na ang humalik dito.

"I love you misis."

"Mahal ka namin ni Cade."

Ng yakapin siya ng binata gumanti rin siya ng yakap dito at nagkatawanan sila.

"Tara na sa loob, namimiss na kita." biro pa nito. Kinurot naman niya ito sa tagiliran.

Pagpasok pa lang nila sa loob naabutan nilang nagriring ang cellphone ng binata at si Casey ang tumatawag. Nilingon siya nito at humihingi ng permiso na sagutin iyon. Napatango na lamang siya saka nagpasyang pumasok sa banyo. Ayaw niyang marinig kung ano man ang pag uusapan ng dalawa. Hindi man niya aminin pero biglang sumama ang kaniyang loob dito.

"Hello hon, are you still mad at me?"

maarteng boses iyon ni Casey.

"Anong Kailangan mo?" Supladong tanong niya sa dalaga.

"Hon, ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?"

mangiyak ngiyak na tanong nito sa kaniya.

"Wala."

"Hon!"

"Ano tatawagan mo ako pagkaalis ng ex mo? ex nga ba o kayo na ulit?."

"How did you know?"

"I have my own ways." galit na sabi niya dito.

"Hon!"

"At alam ko rin na kauuwi niyo lang galing sinehan."

"kasi siya yung laging nandiyan para sa akin! nasaan ka tuwing kailangan kita? wala diba! wala!."

"So kaya yung ex mo ang laging nandiyan para sayo ganun?"

"Oo! at mabuti pang maghiwalay na lang tayo kung ganyan ka lagi!." sigaw nito sa kaniya.

"Fine!" Iyon lang at pinatayan na niya ito ng cellphone.

Saktong napadako naman ang tingin niya sa kalalabas ng banyo na si Tricia. Nanunuot sa kaniyang ilong ang ginamit nitong sabon. Babaeng babae. Nakatapis lang din ito ng tuwalya at napaka sexy nito sa kaniyang itsura.

"Hey! bakit hindi mo ako hinintay?" agad na hinapit niya ito sa baywang at nagkadaiti ang kanilang katawan.

Napasimangot naman siya ng maalala si Casey.

"What's wrong? are you jealous?"

Nakatawang tanong nito sa kaniya.

"Hindi!"

"Eh bakit ka ganyan?"

"Wala."

"Nagseselos ka eh!" pangungulit nito at lalo pa siyang niyakap.

Halata ba talagang nagseselos siya?

"Bakit naman ako magseselos? Eh di kahit pakasalan mo pa siya!"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Nagseselos ka nga!" anito at kiniliti siya.

"Hindi!"

"Nagseselos ka diba?" kulit pa nito.

"Oo na!" nasabi na lamang niya para tumigil na ito.

"Sabi ko na nga ba eh! Pero sorry siya kasi kayo lang ni Cade ang mahal ko."

"Oo na! kaya ikaw maligo na, amoy alak ka." Pumiksi siya at ipinagtulakan ang binata para maligo.

"Kiss muna." paglalambing nito.

pero tinawanan lang niya.

"Asa ka."

"Humanda ka sa akin mamaya." anito saka siya kinindatan at tumatawang pumasok siya sa banyo. Napailing na lamang siya.

Nagtataka siya sa mga ikinikilos ng binata. Totoo ba lahat ng iyon? Nagdududa parin kasi siya. Hindi naman pwedeng ganun lang na tapusin niya yung relasyon nila ng Casey na iyon diba?

Saka paano din si Arvin? Ang gulo naman!

"Misis, baka gabihin ako uuwi mamaya ha." sabi sa kaniya ng binata nagsusuklay ito noon . Kababalik lang nila galing Hacienda at back to normal na naman. Late na nga papasok ang binata. Kasi my aasikasuhin daw itong importante sa kumpaniya.

"Tawagan mo ako kapag lalabas ka ha." dagdag pa nito. May pagka strikto din pala ito.

"Oo."

"Huwag kang lalabas kapag si Arvin lang kasama mo."

"Jacob!."

"Oh bakit?" tinignan siya nito ng masama. Selos ba ito agad?

"Wala." nasabi na lamang niya, mamaya mag away na naman sila.

Inayos niya ang kwelyo ng binata at lumabas na sila sa kanilang silid.

"Ingat ka Daddy." Niyakap siya ng kaniyang anak at hinalikan sa labi. Naglalaro ito sa may sala.

"Thank you baby, behave ka ha kasi baka ma stress si mommy kawawa yung little sister mo sa tummy niya."

"Yes Daddy!."

"Good! that's my boy!" Saka nito ginulo ang buhok ng anak.

"Mag iingat ka ha." sabi din niya sa binata.

"Thank you misis." anito at hinalikan siya sa labi bago pumasok ito sa kaniyang sasakyan. Nakangiting kumaway pa ito sa kanila ni Cade ng papalayo na ang sasakyan nito.

Larawang ng isang masayang pamilya. Napangiti na lamang siya.

Pinapanood niya ang anak na naglalaro sa may living room ng dumating si France.

"Tito France!" agad na yumakap ang bata dito.

"Hey little kiddo, how are you?"

"I'm Good tito." sagot nito at ipinag patuloy ang paglalaro.

"Hi sweetheart." hinalikan siya nito sa pisngi.

"Kauuwi lang namin galing Hacienda nila." sabi niya.

"Kaya pala blooming ka." sinipat siya nito mula ulo hanggang paa.

"Dati naman akong maganda ah!"

Napasimangot siya.

"Iba kasi yung aura mo ngayon sweetheart!." palatak nito.

"Che! ewan ko sayo kung anu anong napapansin mo." irap niya sa kaibigan.

"Umamin ka na kaya sa akin!."

"Anong aaminin ko?" Tanong niya sa kaibigan pero hindi siya makatingin ng diretso dito.

"Maglilihim ka pa ba sa akin?"

Tinitigan siya nito ng mariin.

"Makikinig ako."

Kapag ganito na ang tema ng kaibigan alam niyang may itinatago siya at hindi sinasabi dito.

"Sweetheart."

"Uhm.. kasi---"

"Maglilihim ka pa ba sa akin?" hinawakan siya nito sa kamay.

"May nangyari sa amin ni Jacob." nahihiyang sabi niya.

"What? are you sure?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.

"Oo nga.." Hindi siya makatingin dito.

"Masama ba akong babae?" dagdag na tanong niya.

"No! walang may kasalanan, ginusto niyo naman ni Jacob yan diba?"

Nakangiting pinisil siya nito sa baba.

"Natatakot ako, what if mabuntis ako?."

"What? baliw ka ba nandiyan na nga ang Daddy, sa iisang bahay na kayo nakatira anong ikinakatakot mo?"

"Basta, sana huwag naman muna."

"What if meron?"

Tanong ng binata. Napaisip naman siya. Heto na nga ba yung sinasabi niya eh! Hindi kasi siya nag iisip. Isang haplos lang kasi ng binata bumibigay na siya agad.

"Mahal mo na ba si Jacob?"

"Hindi."

"Kahit konti?"

Hindi naman siya agad nakaimik. Mahal na ba niya ang binata? OhGod! ang hirap naman ng ganito.

"Hindi ko alam, kasi si Arvin."

"Huwag mo na muna isipin si Arvin, ang importante ngayon si Cade, kasi lalo ka lang mahihirapan niyan." pinisil siya nito sa kamay saka siya niyakap. Nakaramdam siya ng kaginhawaan. Buti na lang talaga nandito si France. Ewan na lang niya kung wala ito sa tabi niya.

"Sir, nandito po si Miss Casey." Sabi ng kanyang secretarya.

"Bakit daw?" Tanong niya.

"Hon! " agad na pumasok ang napaka seksing si Casey at agad siyang niyakap at hinalikan sa labi. Nabigla siya sa ginawa nito.

"What are you doing here?" kunot noong tanong niya.

"Hindi ka ba masaya na makita ako? Hon I miss you." at hahalikan na naman sana siya nito pero umiwas siya.

"Akala ko ba tapos na tayo?" seryosong tanong niya.

"Parang hindi mo naman ako kilala, galit lang ako noon hon, hindi ako seryoso nung sabihin ko yun." mangiyak ngiyak na paliwanag nito.

"Pero para sa akin seryoso iyon."

Napatayo siya sa kanyang swivel chair.

"Ayusin na natin ito please!."

"No!." Matigas na sabi niya. Hindi niya alam kung paano niya nasasabi ngayon ang mga bagay na iyon sa nobya. Mahal na mahal niya ito pero pinapahirapan na siya ng kaniyang damdamin.

"Bakit? dahil ba sa may anak ka na ha? dahil ba may iba ka na?" galit na tanong nito sa kaniya.