Chapter 19: CRAVING SATISFIED

"Ipagpapalit mo lang ako sa babaeng pokpok na iyon?"

Nag panting ang kaniyang taynga sa narinig at galit na hinawakan niya ito sa braso.

"Huwag na huwag mo siyang matatawag na maruming babae, dahil hindi siya ganun!." nanggagalaiting sabi niya kay Casey saka binitawan ito sa braso. Tila nasaktan naman ito sa ginawa niya dahil hinaplos niya iyon. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa mag ina niya, pero magtataka pa ba siya? Isa siyang Fuentebella.

"Eh anong tawag mo sa kaniya?" galit din na tanong nito.

"Saka sigurado ka bang sayo talaga yung bata?" dagdag pa nito.

"Umalis ka na please!."

"Hindi pa tayo tapos Jacob!." galit na galit itong iniwan siya.

Napamura na lamang siya. Heto na nga ba yung sinasabi niya! hindi pa man nanggugulo na ito.

"Damn!" nasipa niya ang basurahan at tumilapon ang laman nun.

Nang tumunog ang kaniyang cellphone at si Tricia ang tumatawag. Kinalma muna niya ang kaniyang sarili bago sinagot iyon.

"Hello Misis."

"Dito ka ba magdi dinner mamaya?"

Malambing na tanong nito sa kaniya. May meeting pa siya mamayang alas siyete kay Mr. Moore pero pipilitin niyang umuwi dahil alam niyang maghihintay si Tricia sa kaniya.

"Yeah Misis."

"Anong gusto mong ulam?"

"Kahit ano basta luto mo."

"Sure ka ha?"

"Oo naman misis." masayang sabi niya. Buti na lang talaga tumawag ito ngayon dahil kung hindi bad mood siya maghapon.

"Okay, sabi mo eh.. oh siya sige na."

"Mommy si Daddy ba iyan?"

Narinig niya na tanong ng anak sa kabilang linya.

"Hello Daddy!."

"Hi baby, How are you? hindi ba pasaway ang baby ko diyan?"

nakangiting tanong niya sa anak kahit hindi siya nakikita ng mga ito.

" No Daddy behave po ako kasi baka mapano po yung little sister ko sa tummy ni Mommy."

Sagot nito. Napatawa naman siya sa narinig. Paniwalang paniwala talaga ito na may kapatid siya sa tiyan ng Mommy nito? Sana nga makabuo na sila ulit. Imposible kaya yun?

"Okay! That's my boy.."

"I love you Daddy, ingat ka diyan." dagdag pa ng anak.

"Kayo din mag iingat diyan ni Mommy, I love you more baby." sagot niya.

"Bye Daddy!"

"Bye anak."

"Oh siya, sige na babye na." boses ulit iyon ni Tricia.

"I love you misis." Sabi niya. Kusa iyong lumabas sa kaniyang bibig.

"Oo na, Sige na."

"Wala man lang bang I love you too diyan?"

Napasimangot siya.

"Oo na, I love you too."

"No choice?".

"Hindi, sige na.. bye!"

Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya. Napangiti naman siya. Buti na lang talaga Nandiyan ang kaniyang mag-ina. Kahit papaano gumagaan ang kaniyang pakiramdam.

Mag aalas nuwebe na ng gabi ng matapos ang kaniyang meeting kay Mr. Moore isa sa mga foreign investors nila.

Nagmamadali siyang lumabas ng restaurant na iyon at tinungo ang kaniyang sasakyan.

Sigurado kanina pa naghihintay ang kaniyang Misis.

After 20minutes nakarating na siya sa kanilang bahay. Sinalubong siya agad ni Tricia at kinuha ang dala nitong gamit.

"I'm late, I'm sorry misis," sabi niya dito at hinapit ito sa baywang saka hinalikan sa labi.

"It's okay." nakangiting sabi naman nito sa kaniya at hinila na siya sa Mesa.

"Wow! ang sarap naman ng ulam natin." nakangiting puri niya sa inihanda nitong pagkain.

Nagluto kasi siya ng pork pochero para maiba naman diba?

Ipinag sandok niya ito ng kanin at ulam bago umupo sa tabi nito.

"Hmm sarap." puri agad ng binata pagkasubo pa lang nito.

"Masarap ba talaga?"

Nakangiting tanong niya kay Jacob.

"The most delicious pork potchero i have ever tasted."

Sagot naman nito saka siya hinalikan sa labi.

"Thank you misis." dagdag pa nito.

Nag uumapaw naman ang puso niya sa kaligayahan dahil nagustuhan nito ang inihanda niyang pagkain.

"Mapaparami na naman ang kain ko nito misis."

"Okay lang yan."

"Baka kapag tumaba na ako ipagpalit mo na ako." napasimangot ito bigla at nagpadagdag iyon sa kaguwapuhan niya.

"Baliw!" Nakatawang inirapan niya ito.

"Hindi mo ako ipagpapalit?"

"Hindi noh!."

"Promise?"

"Yup!."

"Thank you misis."

"Welcome." at nagkatawanan sila.

"Kumusta si Cade?" pgkuway tanong ng binata.

"Kanina pa tulog, hindi ka na niya nahintay." sagot niya.

"Ganun ba."

"Yeah." at ipinagpatuloy na nila ang pagkain.

Iniligpit na muna niya ang kanilang pinagkainan bago nagtungo sa kanilang silid.

"Shower ka na." sabi niya sa binata habang inihahanda nito ang damit pantulog nito.

"Hindi ka sasabay?"

Nakangising tanong nito sa kaniya.

"Mauna ka na." sabi niya.

"Sabay tayo." anito saka siya niyakap. Naglalambing na naman ito.

"Jacob!."

"Please Misis, wala akong gagawin sayo na masama. Behave lang ako." anito saka siya kinindatan. Alam na niya ang mga galawan nito.

"Ayoko!."

"Please?"

"Mauna ka na."

Napatili na lang siya ng bigla siya nitong buhatin at dalhin sa loob ng banyo at itinapat siya sa shower kaya nabasa silang dalawa.

"Ang bastos mo! " nakatawang kinurot niya ito sa tagiliran.

Tinawanan lang naman siya ng binata at nagsimula na nga silang maligo.

Wala na siyang nagawa ng ang binata na mismo ang nagtanggal sa suot niyang damit. Nahihiya pa siya dito.

"Jacob! " pinandilatan na lamang niya ito ng halikan siya sa labi at nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa kaniyang katawan.

NAGISING na lamang siya isang umaga na nahihilo at nagsusuka.

"Misis are you okay?" Agad na dinaluhan siya ng binata sa loob ng banyo at hinagod ang kaniyang likod.

Hindi rin niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman ngayon.

"Misis.." kinakabahang tawag sa kaniya ng binata.

"I'm --okay." nanghihinang sabi niya dito. Inalalayan naman siyang makatayo at maglakad ng binata pabalik sa kanilang kama.

Pero nahihilo parin siya. May gusto siyang kainin na hindi niya alam. Basta natatakam siya.

"Misis Okay ka na?" tanong sa kaniya ng binata. Nakasandal siya sa dibdib nito dahil talagang nahihilo pa siya.

"Medyo, nahihilo ako."

"Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital?" nag aalalang sabi pa nito sa kaniya. Tinignan naman niya ito ng masama saka napasimangot.

"Okay lang ako, mawawala din ito mamaya." sabi na lamang niya.

"Ako na magluluto ng breakfast natin, anong gusto mo?" pagkuway tanong ni Jacob sa kaniya. Ano bang gusto niya? Wala naman siyang maisip.

"Parang gusto ko ng tuyo na may kamatis saka sinangag." sabi niya at bigla siyang natakam.

"As in tuyo talaga?"

"Oo, bakit? Masarap kaya yun."

"Okay sige, magluluto na ako, magpahinga ka na muna dito at tawagin na lang kita kapag nakaluto na ako." sabi ng binata. Napatango na lamang siya at hinalikan muna siya sa labi bago ito lumabas ng kanilang silid.

Nakaidlip siya ng maramdaman niya ang pagtapik ng binata sa kaniyang balikat at ginigising siya.

"Misis Kakain na." yaya nito sa kaniya. Kaya nag inat siya at dahan dahang bumangon. Nahihilo parin kasi siya.

Nakaakbay sa kaniya ang binata ng lumabas sila sa kanilang silid at nagtungo sa kusina. Nakahain na ang sinangag, pritong tuyo na may sawsawang kamatis, sunny side up at hotdog.

"Shit!." Tinakpan Niya ang bibig at agad na tumakbo siya sa lababo at doon nagsuka. Hindi niya gusto ang amoy ng sinangag na may bawang.

"Misis." Nag aalalang dinaluhan na naman siya ng binata at hinagod siya sa likod.

"Ayoko ng sinangag!." sigaw niya sa binata. Nabigla naman ito sa ginawa niya.

"What? ang sarap kaya!."

"Pakialis na ano ba!" naiinis na sabi niya dito.

"Okay!." at nakakunot noong tinalikuran siya nito para tanggalin sa mesa ang sinangag.

"Tinanggal ko na sa mesa yung sinangag." pagkuway narinig niyang sabi ng binata saka siya nito binalikan.

"Okay ka lang ba talaga? Dalhin na kaya kita sa hospital?"

"OA nito!." sabi niyang nakasimangot.

Napailing na lang si Jacob sa iniasta niya. Hindi rin naman niya maintindihan ang kaniyang sarili.

Nang mahimasmasan ay bumalik na siya sa mesa. Pinanood lang niya ang binata habang kumakain.

"Kain na misis." yaya nito at ipinagsandok siy ng bagong lutong kanin.

"Hmmp! ayokong kumain." Napasimangot siya.

"Kumain ka na kahit konti lang."

"Parang gusto ko ng singkamas." sabi niya. Singkamas talaga?

"Singkamas?" napakunot noo ito.

"Oo." nag lalaway na sabi niya.

"Saan ako kukuha ng singkamas ngayon? Hindi pa panahon ng singkamas ngayon misis." sabi niya. Buntis ba ito? Bakit bigla yatang napaka weird nito.! kung anu anong gustong kainin saka nagsusuka pa ito.

"Basta gusto ko ng singkamas."

napasimangot na siya.

"Saan ako kukuha ng singkamas?"

"Eh di maghanap ka!" naiiritang sabi nito sa binata at sinabayan na niya ito ng tayo at iniwan ito sa mesa.

"Fine! maghahanap na ako ng singkamas." kakamot kamot ito sa ulong napatayo na lang din ito at kinuha ang susi ng kotse nito.

"Hindi ka sasama?" tanong niya sa nakabusangot na misis na nakade kwatrong nakaupo.

Tinaasan lang siya nito ng kilay. Napailing na lamang siya at lumabas na ng bahay.

Hindi niya alam kung saan magsisimulang maghanap ng singkamas ngayon.

Naikot na niya lahat ng palengke medyo malayo na siya pero wala siyang makitang ni isang nagtitinda ng singkamas.

Saan siya ngayon maghahanap ng singkamas?

"Pare, may alam ka bang bilihan ng singkamas?" pati si Harrold naistorbo na niya dahil sa singkamas na iyan.

"Singkamas? as in ng ganito kaaga?"

"Yeah pare."

"Anong gagawin mo sa singkamas?"

nakatawang tanong nito sa kaniya.

"Yung misis ko pare nagpapahanap ng singkamas."

"What? Wow! congrats pare." hiyaw nito sa kabilang linya.

"What?"

Pumasok din sa isipan niya ang iniisip ng kaibigan.

Naglilihi ang misis niya?

Napangiti siya sa isiping iyon.

"Wow pare! Symptoms na yan na magiging Daddy ka na ulit. " tumatawang kantiyaw ng kaibigan sa kaniya. Napangiti na lang siya sa isiping iyon at sana totoo na nga talaga na buntis ito.

"Saan ako maghahanap ng singkamas ngayon? Magagalit sa akin iyon kapag wala akong inuwing singkamas."

Napabuga siya ng hangin.

"Hindi pa kasi panahon ng singkamas ngayon eh."

"Love, may alam ka ba na bilihan ng singkamas?" Narinig niyang tanong ng kaibigan sa asawa nito.

"Wala pang singkamas sa panahon ngayon." Sagot naman nito.

"Misis ng pinsan mo nagpapahanap ng singkamas." nakatawang sabi ng kaibigan sa asawa nito.

"Pinsan? Wow! congrats!." Agad na tili naman ni Arah sa kabilang linya.

"Thank you pinsan pero hindi pa naman sure." sabi niya dito.

"Sure na yan, oh siya at tawagan ko yung mga friends ko at magtatanong ako kung saan tayo makakabili ng singkamas na yan."

"Okay, thank you pinsan."

at nagpaalam na siya sa mag asawa.

"Ate?" si Janna naman ang tinawagan niya ngayon.

"Yes bunso?" Inaantok pa na tanong nito sa kaniya.

"May alam ka bang bilihan ng singkamas?"

"Singkamas? as in turnip?"

"Yeah."

"Anong gagawin mo sa singkamas?" Naguguluhang tanong ng kapatid nito sa kaniya.

"Si Tricia nagpapahanap ng singkamas." sagot niya.

"Oh MyGod! congrats bunso!." Biglang tili nito.

"What?"

"Magiging Daddy ka na ulit!."

Masayang bulalas nito.

"Sana nga ate, pero saan ako ngayon kukuha ng singkamas?"

"Wait! tatawagan ko si Mama bye!." at nawala na ito sa kabilang linya. Excited naman yata masyado ang ate niya. Baka naman gusto lang ng misis niya na kumain ng singkamas diba? Aayain niya itong magpa checkup para sure talaga na buntis ito. Hindi pa man, pero masayang masaya na siya. Napapangiti siya habang nagda drive.

Nang biglang Tumawag ang kanilang Mama.

"Hello ma."

"Hello iho, congrats!" sabi ng kaniyang ina.

"Po?"

"Kasi magiging Daddy ka na ulit." masayang sabi ng Doña.

"Ma, hindi pa naman sigurado, saka wala pa siyang sinasabi sa akin."

"Congrats son!" narinig niyang sabi din ng kaniyang Daddy.

"Thank you Pa."

Pag sang ayon na lang din niya sa mga magulang. Hindi rin niya masisisi ang mga ito dahil sabik ang mga ito sa Apo.

"Pag uwi mo ng bahay niyo, magpa checkup na kayo ha." ang mama nila.

"Yes ma, pero unahin na po muna natin yung singkamas na pinapahanap niya." aniya sa ina.

"Speaking of singkamas iho, on the way na siya hintayin mo na lang diyan papunta na si Ka Oscar."

Sinabi kasi ni Janna kung saan siya parte at doon daw niya ito hihintayin.

"Talaga ma?"

"Yes iho, para kay Tricia at sa apo ko."

"Thank you ma, wait lang po ha, sagutin ko lang po yung tawag ni Tricia."

"Sige iho."

Iyon lang at nawala na ito sa ere saka sinagot ang tawag ni Tricia.