KABANATA 11

ABELA SCHENEDER-RIOS

This is our first day in our Private Resort in Palawan, ang ganda ng tanawin rito, nakaka-relax.

Ang sarap sigurong tumira rito, ano? 'Yung sobrang tahimik nang kapaligiran, payapa ang dagat, 'yung mga hangin na yumayakap sa 'yo na para bang handa silang makinig sa sasabihin mo.

"What are you doing here?" Biglang sambit ng isang tinig mula sa likod ko.

Bago pa ako makalingon ay niyakap na ako nito sa aking likuran at saka pinatong ang kaniyang baba sa aking kanang balikat, ang mga braso niyang nakapulupot sa aking baywang ay aking hinawakan.

"Nagpapahangin, ikaw bakit ka nandirito?" I ask him, while i put my two hands in his hand too.

"Hmm, sinundan ka, hindi ka kasi agad bumalik kaya nag-alala ako."

"Ahh, 'yung mga bata tulog na ba?"

"Yes, it's past 9 pm na, hindi ka pa ba inaantok?"

"Inaantok na."

Tumingin ako sa mapayapang dagat. Nataramdaman kong inalis niya ang kaniyang baba sa aking balikat bago ako iniharap sa kaniya.

"Let's go? Let's sleep, maaga pa tayo bukas, right?"

Oo nga pala, kanina ay diretso kain kami at pahinga dahil sa mahabang byahe.

"Alright."

~~

Nagising ako sa mga halik na dumadampi sa buong mukha ko, nang idilat ko ang aking mga mata ay ang asawa ko ang nabugaran ko.

"Good morning, wife..."

Napangiti ako dahil ro'n, ito na naman 'yung feeling na nililipad ka sa alapaap. Ang sarap sa pakiramdam na magising ka tapos ang mukha ng mahal mo ang mabubugaran mo, para kang nasa langit.

"Good morning, hubby..." Muli niya akong hinalikan sa noo bago sa aking labi.

Agad naman kong napatakip dahil sa ginawa niya, napatawa siya dahil sa ginawa ko. Bahagya ko siyang sinamaan ng tingin habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking bibig.

Nakakahiya, hindi pa nga ako nag-to-toothbrush.

"What?" natatawa niyang sambit sa akin nang makita ang masama kong tingin.

"Hindi pa nga ako nakapag-sipilyo, eh. Go away, hubby!"

"Na-ah!" Muli niyang nilapit ang mukha niya sa akin para halikan ako muli.

"Hubby! Stop it! Hahaha!"

"I don't want too," at saka niya muling nilapit ang mukha niya.

Sa gitna nang harutan namin ay may biglang kumatok sa aming kuwarto.

Bigla itong bumukas, doon namin nabugaran ang mga anak namin na nakasilip.

"Come in, kids," ani ng asawa ko.

"Good morning, Mommy! Good morning, Daddy!" Sabay-sabay nilang saad.

"Good morning, too!" sambit naming dalawa.

"Come here," saad ko sa kanila, lumapit naman sila sa kama naming mag-asawa bago namin silang hinalikan sa kanilang noo.

Inilahad ko ang dalawa kong braso para sa isang yakap na agad naman nilang tinugon.

Ahh, ang sarap sa pakiramdam. Babaunin ko ito hanggang sa kamatayan.

"I miss you all so much, babies," bulong ko sa hangin.

"Are you all exited?"

"Yes!"

"That's good, gutom na ba kayo?"

"Opo, puwede na po ba tayong kumain? Pretty please." Trei said, isa sa nga quadruplets.

Natatawa ko naman siyang tiningnan dahil sa itsura niya. Tumingin ako sa asawa kong nakangiting nakatingin sa akin bago tumango.

"Is that what you want, wait me here. Maghihilamos lang si Mommy."

Bumango ako sa higaan bago dumiretso sa CR upang mag-hilamos at mag-sipilyo.

"I'm done!"

Lumabas na kami sa kuwarto upang pumanhik sa kusina. Nakita kong may nakahanda ng mga pagkain.

"Sinong nagluto?" tanong ko sa asawa kong nakaakbay sa akin.

"Ako."

Napatingin ako sa kaniya dahil ro'n, nagdududa ang mga tingin.

"What? I'm the one who cook this. Huwag mo akong tingnan ng ganiyang tingin," natatawa niyang saad.

Ang mga bata naman ay tumango, kaya naman ay nakumbinsido ako. Napangiwi ako ng may naramdaman ako sa aking dibdib.

"Are you ok, wife?"

Tumingin sa akin ang mga bata nang dahil ro'n. Muli akong tumingin sa kaniya, nginitian ko siya upang makita niyang ok lang ako, gano'n rin sa mga bata para hindi na sila mag-alala sa akin.

"I'm fine, napagod lang siguro ako sa byahe natin kahapon."

"Are you sure?" tumango naman ako sa kaniya. "Ok, sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang kakaiba, ha?"

"Opo..."

"Alright, let's eat!"

"Let's eat!!"

Nagtawanan kami ng sabay na sumigaw ang mga bunso naming sina Trei, Tran, Trav, at Troy.