KABANATA 10

THIRD PERSON'S POV

Makalipas ang dalawang buwan, unti-unting naghihilom ang mga sugat ni Travis. Gano'n din ang kaniyang tatlong anak na nagising na makalipas ang isang buwan at kalahati. Masaya sila dahil maayos at ligtas ang mga bata.

Sa loob ng dalawang buwan ay nagkaroon ng pag-asa ang pamilya ni Bel nang nakakausap nila si Bel ng maayos. Ang limang bata naman ay pumasok na sa paaralan habang may sampung mga bodyguards na naka-assign para mag-bantay sa kanila.

"Abela, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Treya kay Bel na nakakausap niya ng maayos kahit pa-paano.

Tumingin si Bel kay Treya at saka niya ito tinitigang maiigi, nangingilala.

Ngumiti si Bel bago sumagot. "M-medyo maayos na ako, A-ate."

"Very good, gumaling ka na agad, ha? Inaantay ka na ng mga anak mo."

Tumango-tango si Bel habang nakangiti.

"Mga anak ko..."

"Yes, mga anak mo. Pati na rin ang asawa mo, si Travis."

"Travis... Hubby... Mga anak..."

"Uhuh, your husband and kids."

Tumingin naman si Treya sa Doctor na palaging tumitingin kay Bel.

"Kamusta na po siya, doc?"

Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.

"After that tragic events happened, as of now, shes ok. As her doctor, nakakakitaan ko na agad ng signs na mabilis na lamang siyang bumalik sa dati niyang sarili. Mabilis rin siyang matuto, at mabuti na rin na palaging nandiyang ang mga anak niya nang sa gayo'n ay malaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakatutulong rin ang mga gamot na iniinom niya. Sa ngayon ay mas magandang tutukan natin siya ng pansin para na rin mag-tuloy tuloy ang kaniyang paggaling."

"Wala naman po bang damage na nangyari sa kaniya?"

"None. Sa tulong rin ng mga doctor na umasikaso sa kaniya sa ospital ay wala ipagpasalamat natin na wala siyang natamong damages sa kaniyang mga ribs part, kaunting panahon na lang ay gagaling na siya."

~~

ABELA SCHENEDER-RIOS

Ilang buwan na ang nakararaan, sariwa pa sa akin ang masalimuot na pangyayaring 'yon, nadamay pa ang mga anak ko.

Nasa tamang pag-iisip naman ako pero bakit ba nila patuloy na sinasabing baliw ako, palagi ko 'yang naririnig sa mga nurse na nagbabantay sa akin, minsan na ring sinabi ni Ate 'yon.

Gusto ko silang itama sa mga sinasabi nila, pero wala akong lakas na loob na sabihin 'yon. Isa itong trauma dahil sa nangyari sa akin, hindi ko naman ito ginusto.

Alam kong naaawa na rin sa akin ang mga anak ko, gustong gusto ko silang makausap pero sa tuwing gusto kong magsalita ay palagi akong pinangungunahan ng takot, 'yung takot na baka masaktan ulit sila sa akin.

Ang aking asawa naman ay paulit ulit akong humihingi sa kaniya ng tawad, nang dahil kasi sa akin ay nasaktan siya.

Siguro nga ay baliw na ako, pero hindi ko naman 'to ginusto. Kaunting panahon na lang ay alam kong malalagpasan ko ito.

Sa dami na nang pinagdaanan ko, ngayon pa ba ako susuko?

Lalo na at may panibago na naman akong kahaharapin na hindi ko pa nasasabi sa kanila.

Sapat na siguro ang ilang taon na nakasama ko ang mga anak at asawa ko, ano?

Darating rin ang araw na sasaya sila ngunit hindi na ako ang kaligayahan nila. Masiyado na ba akong nag-o-over think? Naisip ko na baka naaawa lang sa akin ang mga anak ko.

Siguro kapag nawala ako ay aalagaan naman sila ng Ate ko, tutal ay mahal na siya ng mga ito at alam kong mapapasaya niya rin ang asawa ko.

Wala sila rito ngayon sa kuwarto kung saan ako nagpapahinga.

Naramdaman kong may nag vibrate sa ilalim ng unan ko kung saan akong nakahiga habang nag-iisip.

Kinuha ko ang cellphone kung saan ito nakalagay, may tumatawag. Napahinga muna ako ng malalim bago ito sinagot.

"H-hello?" nauutal kong sagot sa tawag.

"Are you ready?" agarang tanong ng kausap ko.

Parang nawalan ako ng boses dahil ro'n, handa na ba ako? Siguro naman ay oo.

"Yes... P-puwede bang hanggang isang linggo pa?"

Matagal na natahimik ang nasa kabilang linya bago ito muling sumagot.

"Ok."

TRAVIS EVAN RIOS

"How are you, my wife?" I ask her, while I kiss the palm of her hand.

"I'm fine, hubby. How about you?"

Tumingin ako sa mga mata niya bago sumagot.

"I'm fine, too. Get well soon, ok?"

"Hmm, why?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya...

"Para makasama ka namin, at para na rin makabawi kami sa pagkukulang namin."

Tumitig siya sa 'kin habang sinasambit ko 'yon, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata o ano.

"Hmm." Tanging sagot niya lang.

"Wife..."

"Yes?"

"I'm sorry for what we did to you, alam kong kulang ang rason kung bakit namin ginawa 'yon. Gusto lang naman namin na maging ligtas ka, pero hindi naman namin aakalain na hahantong sa gano'n. Sana mapatawad mo pa kami."

Ngumiti siya sa akin bago ako hawakan sa mukha.

"Ok na, tapos na 'yon. Ang mahalaga ay nagsisi kayo, sana ay hindi na ito mauulit dahil hindi ko kakayanin. Kapag may problema ay sabihin niyo sa akin, ha? Nang sa gano'n ay sabay-sabay natin 'yon na malutasan. Maging lesson sana sa inyo ang ginawa niyo... Basta ang palagi niyong tatandaan ay mahal na mahal ko kayo, kahit ano pa ang gawin niyo."

Bakla mang tingnan ay napaluha ako sa sinabi niya, tumango ako habang umiiyak.

"Shh... It's ok now, love..."

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ako sa pag-iyak nang muli siyang nagsalita.

"Hubby, puwede ba tayong pumunta sa isang beach? Isang linggo sana tayong manatili ro'n, gusto ko lang na maka-bonding ko ulit kayo, gusto ko ulit na makasama kayong lahat, 'yung kumpleto tayong pamilya kasama ang mga bata."

Ngumiti ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, 'yon rin ang pinaplano ko.

"Of course, pupunta tayo sa private resort natin sa palawan. Para na rin makalanghap ng sariwang hangin ang mga anak natin, gagawa tayong muli ng panibagong memories."

"Yeah, a new memories."

~~

ABELA SCHENEDER-RIOS

Pagtapos ng pag-uusap namin ng asawa ko ay kinabukasan niyon ay kaagad kaming nag-tungo sa Palawan.

Masayang masaya ang mga bata nang inannounce namin na pupunta kami sa private resort namin sa Palawan.

Ngayong araw ang alis namin, maaga pa lang ay umalis na kami papuntang airport, kausap ko ang panganay namin na rin Trasha, paminsan minsan rin ay sumasabat ang triplets at quadro.

Ngayon na lang ulit kami nakapag-bonding nito, after more than a years, ngayon ko na muling mararanasan.

Isa-isa akong tumingin sa mga anak kong nagtatawanan at nag-kukuwentuhan.

Makikita mo sa mga mata nila ang saya, parang may kamay na humaplos sa puso ko nang dahil ro'n, ngayon ko na lang kasi ulit nakita 'yon.

'Yung feeling na hindi sila ilag sa 'yo, 'yung hindi ka nila nilalayuan na parang may nakagahawang sakit ka', 'yung hindi na sila cold sa 'yo. At nahahawakan mo pa sila.

For the past few years, ngayon ko na lang ulit sila nakitang tumawa at nahawakan, nakausap nang pang-matagalan.

Sana ay makita at makausap ko pa sila sa mga susunod na araw, ma-mi-miss ko ito, sa ngayon ay hindi na muna ako mag-iisip ng kahit na anong nagpapalungkot sa akin.

Gusto ko munang sulitin ang isang linggong makasama ko silang kumpleto, dahil hindi ko na alam kung kailan ito muling mauulit.

"Mommy, were here na po."

Natauhan ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Traj.

"Huh?"

"You're spacing out, Mommy, were here na po."

"Ah, oo."

Dito na muli kaming magsisimula ng panibagong memorya na araw-araw kong dadalhin.

"Let's go."