KABANATA 12

ABELA SCHENEDER-RIOS

Nandito kami ngayon sa tabing dagat, pinapanood namin ang mga anak namin na masayang naliligo. May mga bodyguards na nakakalat sa paligid.

Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang mga anak ko. Kuntento na sa nakikita.

"You don't want to swim?" tanong ng asawa ko sa aking likod, nakaupo kami sa linatag naming kumot, nasa tabi namin ang mga pagkain na hinain ng kasam-bahay.

Gusto ko nga sanang ako ang mag-luto, pero hindi ako pinayagan ng asawa ko.

"Later, panonoorin ko muna ang mga batang naliligo. Ang saya nilang tingnan, right?" Lumingon ako sa kaniya nang sinabi ko 'yon.

"Yeah, tama ka. Sana tuloy-tuloy na ito, hmm."

Sana nga, hubby. Sana nga.

"Yeah," tanging sagot ko lang.

"Mommy!" Napalingon ako kay Traj nang tinawag niya ako.

"Yes?!" saad ko sa kaniya.

"Let's swim po!"

"Ok!" tanging sambit ko sa anak ko, tumingin naman ako sa asawa kong nakatingin na sa akin. "Let's go?"

Nauna siyang tumayo bago niya ako tinulungang tumayo.

"Here we go!"

~~

"Mommy, are you ok?" tanong ni Triv nang makita niya ang kalagayan ko, medyo nanghihina.

"Hmm? I'm ok, siguro medyo pagod lang ako, 'nak."

"Is that so? Tell me po kung may nararamdaman po kayo, ok?" ngumiti naman ako sa kaniya at saka ginulo ang kaniyang buhok.

"Yes po. Where's the others?"

"Nasa living room po, they are waiting for you po. Sumunod po ako kasi ang tagal niyo, baka po kung ano na ang nangyari."

Muling may humaplos na kamay sa aking puso, ang gaan sa pakiramdam nang sinabi niya.

Kung kaya ko lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na, gusto kong hindi na ito matapos. Hindi naman siguro selfish ang hiling ko, right?

I want to bond more with my families. They are my life, sa kanila ako kumukuha ng lakas. Nagpapasalamat nga ako sa Diyos na hindi pa niya ako kinuha noong panahon na nasa binggit kami ng kamatayan.

I thank my life for him, dahil binigyan niya ako muli ng isang pang pagkakataon na makasama ko ang mga anak at ang mahal kong asawa.

Ito na 'yung time na parang gusto mong sulitin ang oras na makasama ko ang pamilya ko, pero parang gusto ko na lang ulit na maging malungkot, dahil sa tuwing masaya ako ay palaging bumibilis ang oras.

Mag-tatatlong araw na kami rito sa palawan, handa na ba akong matapos ang isang linggong palugid ko?

Puwede bang kahit na marami pang taon ang ibigay sa akin? Mukhang marami akong kasalanan dati sa past life ko, dahil parang ang dami kong kailangang isakripisyo.

Hindi naman ako naging masamang tao simula ng maipanganak ako o sadiyang malas na tao lang ako. Parang ako na ang umaako ng mga karma ng ibang tao, bakit 'yung iba, kahit na may ginawang kasalanan ay binibigyan pa rin ng panibagong buhay, 'yung magiging masaya na sila.

Samantalang ako? Heto, patuloy pa ring bimibigyan ng problema. Pero ayos na rin ito, dahil ayoko namang maranasan ito ng pamilya ko.

Tanga na kung tanga, bobo na kung bobo at martyr na kung martyr, wala akong magagawa kung ito ang nakasaad sa akin. Wala akong magagawa kung patuloy ko lang itong tinatanggap, ang mahalaga kahit papaano ay nakikita, nakakausap, at nahahawakan ko sila.

Kuntento na ako sa kung ano ang meron ako, tatanggapin ko na lang kung ano ang gusto ng Diyos para sa aking kapalaran. Siguro nga ganito ang misyon na kailangan kong gampanin sa oras na ito.

Makita ko lang ang ngiti at tuwa sa kanila ay nawawala na ang sakit at lungkot sa akin.

~~

After two days, sunod-sunod na araw na naging masaya ako na kasama sila, wala na akong mahihiling pa.

Two more days to go, ahh, I don't want to end this.

Wala rito ang mga anak ko, umalis sila kasama ang Daddy nila. Hindi ko alam kung saan sila pupunta, basta ang sinabi lang nila sa akin ay may gagawin lang sila. Hindi na lang ako nagtanong dahil kahit na pamilya kami ay alam ko ang salitang privacy.

Narinig ko ang tunog ng tawag sa aking cellphone, hawak ko ito magmula ng umalis sila. May hinihintay na tawag.

"Good afternoon." Bati sa kabilang linya, ito na naman ang pakiramdam. Hindi na yata ito mawawala sa akin.

"Yeah, good afternoon too."

"Are you ready? You still have two days para makasama at makapag-paalam ka sa kanila."

"No, ayokong magpaalam sa kanila. Siguro ay magbibigay na lang ako ng hint, ayaw kong iwan sila..."

Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya.

"Wala na tayong magagawa, oras na natin. Kaunting palugit na lang ang natitira, hindi naman natin ito ginusto. Kung puwede lang sana na hindi na lang tayo ang binigyan ng ganito... Sa ngayon ay mag-enjoy na lang tayo habang kasama sila, maging masaya tayo sa kanila, tingnan na lang natin sila sa malayo. Alam kong oras na umalis tayo ay maaaring mabilis rin nilang matatanggap na..."

Umiling ako sa narinig, hindi ko pa rin kaya, hindi pa ako handa.

"Hindi ko pa kaya, parang... parang hindi pa ako handa."

Nakikita ko ang itsura niyang problemado, nakikita ko agad ang itsura niyang nahihirapan.

"Ako rin..." bulong niyang saad. "Pero wala tayong magagawa. Hanggang dito lang tayo, hindi rin natin puwedeng sabihin sa kanila dahil alam ko-alam mong hindi nila matatanggap, mahihirapan lang sila sa sitwasyon natin. Masasaktan sila, ayaw naman nating makita 'yon sa kanila, hindi ba?"

Tumango ako kahit alam kong hindi niya ito nakikita.

"Alam ko, alam ko..."

"Hmm, tatawag na lang ako ulit after two days. Goodbye."

"Bye..."

Pagbaba ng tawag ay siyang pagsigaw ng mga boses.

"Mommy! We're home!"

Sigaw ng mga anak ko nang makarating sila dito sa bahay.

Sinalubong ko naman sila, ang hawak kong cellphone ay mabilis ko nang natago.

"Saan kayo pumunta? Ha? Naghanap ba kayo ng chix?" pagbibiro ko sa kanila.

Natawa naman sila sa sinabi ko, nasa likod nila ang asawa kong natatawa rin dahil sa sinabi ko.

"Hindi po, hahaha!"