KABANATA 9
THIRD PERSON'S POV
Continuation...
"W-wife, let's go home..." marahang sabi ni Travis sa asawa habang nakaalalay sa kaniya ang isang lalaking nurse.
Ngunit hindi nakinig sa kaniya ang asawa.
"Ano ba, tama na sabi! Parang awa niyo na!"
Naiiyak na si Travis sa asawa bago niya ito hawakan sa balikat at saka mahigpit na hinawakan.
"Wife, comeback please wife. Tama na, hmm." Marahan niyang bulong sa asawa.
Nang dahil do'n ay parang natauhan si Bel, dahan-dahan niyang nilingon ang asawang nag-mamakaawang nakatingin sa kaniya. Nag-susumamo ang mga tingin nito sa kaniya.
"H-h-hubby?" parang nangingilalang saad ni Bel sa kaniyang asawa.
Napapangiting tumango naman si Travis bago sumagot, medyo nakahinga ng maluwag.
"Yes, its me. Let's go, wife. Our kids, need us."
"Our kids?" parang batang tanong nito, na animong isang batang wala kamuwang-muwang.
Tumango-tango naman si Travis habang nakangiting nakatitig sa asawa.
"Yes, wife. Let's go, hmm? So, you can rest na, we can rest, ok?"
"Ok."
Tumingin naman si Travis kay treya na nakangiting nakatingin sa kanila. Nakahinga na ito ng mabuti, pero may takot at lungkot na nababalot para sa kalagayan nilang mag-asawa at para sa mga pamangkin niya.
"Let's go, namumutla kana. Kailangan pa nating makapunta sa ospital dahil nando'n ang mga anak niyo. Kailangan nila kayo."
Tumango naman si Travis kay Treya, inalalayan ng nurse si Travis habang si Bel naman ay inalalayan ni Treya.
Pansin pa rin nila na wala pa rin ito sa sarili, nag-aalala pa rin sila rito pero kailangan muna nilang makarating sa ospital upang ipatingnan ang kanilang mga sarili.
Nang makarating sila sa ospital ay agad silang inasikaso ng mga nurse at doctor. Diniretso naman ng mga nurse at doctor na umaasikaso kay Travis sa OR dahil sa katawan nitong nanghihina at namumutla.
Si Bel na nakatulala pa rin ay agad na pinag-tuunan ng pansin. Ginamot muna ito bago ilipat sa isang private room, habang si Treya ay sumilip sa mga batang nasa katabi lang ng kuwarto ni Bel.
Nakita niya ang mga batang tahimik na umiiyak, nakatulala habang lahat sila ay nakasiksik sa isang sulok.
~~
TREYA ABELA SCHENEDER-SCOURTER
"Mrs. Scourter, can I talk to you?" napatingin ako sa isang doctor ng magsalita ito sa tabi ko. Ang doctor ng mga bata.
"Yes po, doc?"
Napahinga muna siya ng malalim bago magsalita
"For now, I want to say na nasa masamang kalagayan pa ang tatlong pasyente. Our three patient is under observation, we don't know kung kailan sila magigising dahil may posibilidad na nasa comatose stage sila. Kailangan silang tutukang maigi, at kung maaari ay bilang lang ang mga puwedeng bumisita sa kanila."
"Kailan po sila puwedeng gumising?"
"As of now, we don't know. Sila mismo ang mag-rereact kung kailan nila gustong magising, masiyadong delikado ang tama ng mga baril sa kanang dibdib nila, Mrs. Scourter. Mabuti na lang at walang mga organs ang natamaan ng mga bala. Ang mapapayo ko lang ay ipag-dasal natin na bumuti na ang kalagayan nila. Oras-oras rin ang kada check nila if nag-reresponse ang mga vital signs nila."
"Thank you, doc. Tanong ko lang po, 'yung sa limang bata, bakit po sila nakatulala?"
Tumingin ang doctor sa akin bago muling tumingin sa limang bata na nakasiksik sa isang sulok.
"Sa tingin ko ay nagkaroon sila ng trauma about sa nangyari, pero mas kailangan nating makasiguro na walang damage ang nangyari sa kanila. Mas mabuti pang ipatingin sila sa psychiatrist, upang masuri kung anong klaseng trauma ang nangyari sa kanila. Huwag niyo ring iwan ang mga batang ito na nag-iisa sila, baka bigla silang ma-trigger at magwala."
Naaawa ako sa mga bata, pero kailangan ko muna silang tutukang maiigi dahil ang mga magulang nila ay nasa masamang kalagayan. Walang puwedeng umasikaso sa kanila kundi ako lang, ako lang ang inaasahan ng mag-asawa.
"Ok, doc. Thank you."
Tumingin sa akin ang doctor bago bumuntong-hininga.
"Don't say that, ginagawa lang namin ang kailangan naming gawin. Excuse me."
Tumango lamang ako sa kaniya bago tumingin sa mga bata. Sana matapos na ito.
~~
"Doc, ano pong posibleng nangyari sa mga bata?" nandito ngayon ang isang psychiatrist doctor na tumingin sa kalagayan ng mga bata at kay Abela.
"Isang PTSD o Post Traumatic Stress Disorder ang nangyari kay Abela. Ayon nga sa kuwento mo, sa sobrang stress niya sa nangyari sa kaniya sa nagdaang taon ay mayroon na siyang PTSD, maaaring hindi niya ito sinasabi sa iba dahil baka hindi siya paniwalaan ng mga ito. Ang mga ganitong kaso ay kailangang pag-tuusan ng pansin, maaari ay pag-tuusan mo siya ng pansin. Hindi ito isang simpleng sakit lang dahil baka bigla na lang itong mag-trigger sa kaniya, baka bigla rin niyang saktan ang sarili."
"Sobra-sobrang emosyon ang naiipon niya sa loob ng damdamin niya. Mayroon rin akong ibibigay na reseta upang once na inatake siya ay maaari siyang kumalma sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot. Sa ngayon, nasa iyo ang desisiyon kung gusto mo siyang gumaling kaagad. It takes months or year bago siya tuluyang gumaling."