KABANATA 8

ABELA SCHENEDER-RIOS

Nandito ako ngayon, umiiyak na nakatingin sa walang buhay ni Demya, nakatulala. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko, para akong biglang na-mental block dahil sa nangyari.

Paulit-ulit kong tinatanong ang diyos kung ano ba talaga ang kasalanan ko?

May naririnig akong sirena ng mga pulis, tapos na hindi ba? Kasi, sawang-sawa na akong mapagod, parang ang sarap mag-pahinga ng walang sawa, 'yung tipong walang problemang iniisip.

Para na akong onti-onting nababaliw dahil sa nangyayari, hindi ko na din alam ang nangyari sa mga anak ko. 'Yung tipong, gusto kong tumakbo sa kanila pero hindi ko magawa, dahil ngayon ay para na akong nawawalan ng lakas.

"Abela!" tawag sa akin ng kung sino pero, heto ako, tuloy-tuloy ang lakad sa isang sulok.

Nakakita kasi ako ng isang kutsilyo, hindi ko alam pero parang may mga bumubulong sa akin. Ayoko mang isipin na baliw na ako pero parang gano'n na nga.

"Abela, your kids need you! Wake up!"

Punong-puno na ako, gustong-gusto ko na talagang mag-pahinga. Nakakapagod ang araw na ito, alam kong maalagaan ng Ate ko ang mga anak ko habang nag-papahinga ako.

Saglit lang naman na pahinga, sobrang pagod na talaga ako. Siguro naman ay maiintindihan nila, hindi ba?

Dahan-dahan akong tumingin sa Ate kong umiiyak na yatang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya habang hawak-hawak ang kutsilyong may kalawang.

"I-I n-need t-to r-rest, A-a-ate... I'm t-tired..." umiling lang siya habang nakatingin sa akin.

Kitang-kita ko na gusto niyang pumunta sa akin pero hindi niya magawa dahil hawak niya ang duguan kong anak.

Tumingin naman ako sa lima ko pang anak na nakatinging umiiyak sa akin, may sinasabi sila pero parang hindi ko na marinig 'yon.

"M-mommy w-wants to r-rest."

Pagkatapos ay sa asawa kong nanghihina nang nakatingin sa akin, gusto niya akong lapitan pero dahil sa daming dugo na ang nawala sa kaniya ay hindi niya magawang gawin.

"H-hubby, I'm t-tired. I-I want t-to rest..."

"W-wife, n-no... Just rest, h-huwag mo l-lang i-ipag-patuloy 'yang g-gusto m-mong g-gawin. Hmm?"

Wala akong maintindihan sa sinabi niya, nakakabinging tunog lang ang naririnig ko. Nakakabaliw.

Mga boses na nag-uudyok sa aking gawin 'to, ang tunog nang sirena ng mga pulis, iyak ng mga bata, at mga boses na nagpipigil sa akin.

Muli kong ibinaling ang paningin ko sa patalim na hawak ko, dahan-dahan ko itong inangat papunta tiyan ko. Kaunting hiwa lang, gusto ko lang makaramdam ng ginhawa.

"Mommy, no!"

"Abela!"

"Wife, please! Stop! You can rest with us!"

But... I want this. I want to see a blood more, my blood.

Muli na namang may bumulong sa akin na ituloy ko lang pero para na akong naiinis dahil ang ingay niya.

"Stop it! You're so noisy!" sigaw ko, pero hindi pa rin ito tumitigil sa kakabulong sa akin, binitawan ko ang hawak kong patalim bago pinagtuusan ng pansin ang mga boses na bumubulong sa akin.

Tinakpan ko ang tenga ko habang patuloy na sumisigaw, wala na akong pakialam kung nag-aalala man sa akin ang mga taong nakapaligid sa akin.

Masakit sa tenga, nakakarindi. Sinabunutan ko ang sariling buhok, unti-unti na akong nawawala sa sarili.

Ayoko na nito, gusto ko nang matapos ito.

"Ayoko na! Parang awa niyo na! Tigilan niyo na ako!"

Fuck this life! I want to end this, but I don't know how. I badly want to end this fucking shit life.

"Tama na! Tama na, ayoko na. Maawa kayo sa akin, maingay! Nakakarindi!"

"Lumayo kayo sa akin! Ahh!! I want to end this! Ayoko na!"

I don't know what to do. Help, please help me... Please, help, help, I badly want to someone help me.

Please...

~~

THIRD PERSON'S POV

Awang-awa ang mga anak, asawa at kapatid ni Bel dahil sa nangyayari sa kaniya. Tinulungan na rin ng mga pinadalang medical ang mga anak nito.

Gusto na sanang ipapunta sa ospital ng mga nurse si Travis pero ayaw niya dahil gusto niyang manatili sa asawa at kumbinsihin ang asawa na tumigil na pero halata pa ring wala sa katinuan ang asawa.

Gustong-gusto niya itong tulungan, pero dahil sa kalagayan niya ay hindi niya magawa dahil marami na rin ang nawalang dugo sa kaniya.

Ilang minuto rin ang nakalipas tuluyan nang umalis ang mga bata para ipunta sila sa ospital, gustong-gustong sumama ni Treya pero hindi niya maiwan ang mag-asawa kaya nanghiram siya sa kapwa niya pulis ng cellphone upang tawagan ang asawa niyang pumunta sa ospital para bantayan ang mga bata. Mabuti na lamang at pumayag ito.

Tinulungan ng isang nurse si Travis na tumayo habang hawak ang tama niya sa upang hindi pa siya tuluyang mawalan ng dugo, habang si Treya naman ay tinalian ng puting tela ang tama ng baril sa kaniya.

Lumapit si Travis sa asawang kanina pa nag-wawala sa hindi malamang dahilan.