chapter 7-visitor

Para akong nabato balani ng mga oras na ito. Pakiramdam ko'y hinihigop ang lakas ko at tila gustong pumikit ng mga mata ko. Hanggang sa naramdaman ng likod ko ang lamig ng pader. Hindi ko man lang namalayang naisandal na pala ako ng lalaking ito.

Mayamaya pa'y nanlalaki ang mga mata ko nang gumapang ang isang kamay niya sa aking beywang at pagkatapos ay maharang pinisil iyon. Ako naman ay napaliyad ng wala sa oras. Hindi pa nagtatagal ang pagkagulat ko nang unti-unting pumaloob ang kamay nito sa aking damit.

Gusto ko sana itong pigilan dahil wala akong suot na bra, ngunit tila nawala ang lakas ng kamay ko para tapikin ito. Tanging ang utak ko lang yata ang gumagana ng mga sandaling ito.

Hanggang sa tuluyan na niyang maabot ang hinaharap ko, pagkatapos ay marahang pinisil iyon.

"Hmmm!" ungol ko, hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa aking bibig. Jusko po! Baka isipin pa nito na nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa akin. Akala ko'y hanggang halik lang ang ipagkakaloob niya sa akin. Nagulat na lang ako nang gumapang ang labi niya sa aking panga, hanggang sa mapunta sa aking leeg. At iyon naman ang pinagdiskitahang halikan.

Ramdam ko ang matinding halik niya roon. Para bang sabik na sabik ito sa leeg ko. Kaya naman tuluyan ko nang naipikit ang mga mata upang tanggapin ang pinagpalang labi ng lalaki.

Ngunit bigla kong naimulat ang mata ko nang mas bumaba pa ang halik niya. Mas lalo akong na shock nang bigla niyang itaas ang aking suot na malaking t-shirt. At pagkatapos ay basta na lang sumubsob sa aking dalawang boobs. At salitang pinaghahalikan iyon.

Parang lalong nag-init ang buong katawan ko dahil sa ginagawa nito sa akin. Tila mag-iiwan din iyon ng marka sa akin balat dahil sobra ang paghalik niya sa katawan ko.

Hanggang sa. . . biglang mawala ang labi niya sa boobs ko, kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang alamin kung nasaan ang lalaking gumagahasa sa akin. Nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko ay hindi ko na nakita ang bulto ng lalaking iyan.

“Nasaan na kaya iyon? Bakit iniwan akong nabibitin?" abnormal na tanong ko sa aking sarili. Inikot ko rin ang paningin ko sa buong paligid ng silid ko, ngunit kahit anino nito ay wala.

Kaya naman magkakasunod kong pinilig ang ulo ko at baka panaginip lang ang lahat.

Pagkatapos ay isang malalim na buntonghininga na lang ang ginawa ko. At tuluyan na akong humakbang papalapit sa aking higaan. Bigla ko ring nahila ang buhok ko dahil sobra akong naguguluhan.

"Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Basta na lang akong iniwan na bintin na bitin. Nakakaloka!" bulalas ko. At pagbagsak akong nahiga sa kama. Mas mainam sigurong matulog na lang. Hanggang sa ipinikit ko na ang mga mata ko. Mayamaya pa'y hindi ko na rin namalayang nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN nagising ako sa mga katok ni inay sa pinto ng silid ko.

"Bella anak! Bumangon ka na riyan!" pagtawag sa akin ni inay.

"Sige po!" sagot kong inaantok pa. Uminat muna ako upang mawala ang antok na aking nararamdaman at

pagkatapos ay patamad akong umalis sa kama. Maliksi rin akong humakbang para buksan ang pinto.

"Inay," saad ko nang mabuksan ang pinto.

Bumaba ka na anak. Para makakain ka na. Saka ngayon ka lang makakakain ng maayos dahil day off mo sa trabaho. Hindi katulad kapag may pasok ka laging kang nagmamadali!" palatak ni inay.

"Sige po inay, susunod na po ako sa ibaba," tanging nasabi ko. Hindi rin naman nagtagal si Inay rito sa harap ng silid ko. Sinabi lang niya sa akin na aalis daw muna sila kamasa ang itay ko. At ako raw muna ang bahala rito sa bahay.

Isang malalim na buntonghininga muna ang aking ginawa bago ako magdesisyong bumaba para kumain ng umagahan. Pagdating sa kusina ay agad akong naghain para sa aking sarili. Itinaas ko rin ang paa ko sa upuan at nagsimula na nga akong sumubo.

Nakakailang subo pa lang ako ng pagkain nang marinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pinto ng bahay namin.

"Anak ng tukwa! Sino kayang istorbo ito? Hindi naman ito si Inay at Itay, dahil kaaalis lang nila. Saka may susi naman sila na dal-dala. Kaya alam kong ibang tao ang kumakatok sa bahay namin. Kahit masama ang loob dahil nabitin ang aking pagsubo ay napilitan akong tumayo para buksan ang pinto.

Pagdating sa harap ng pinto ay nakasimangot na binuksan ko iyon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang itim na sapatos, hanggang sa maglakbay ang mga mata ko sa tuhod, tiyan, dibdib at tuluyang mapunta sa mukha nito. Mas lalong nagsalimbayan ang sa pagtaas ang dalawang kilay ko nang tumambad sa akin ang lalaking nakasuot ng salamin.

May sombrero rin ito sa ulo. Lalo kong tinitigan ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. At nang tuluyan kong mamukhaan ito ay ganoon na lang ang pagkamangha ko. . .

Hindi ako maaaring magkamali. Alam kong iisa lamang sila. Ang lalaking nanghingi ng dugo sa akin at ang lalaking hinalikan ko kagabi, ganoon din ang lalaking nakita ko sa grocery store. At sure na akong iisang tao lang.

"Tititigan mo na lang ba ako, babae?!" masungit na turan niya sa akin.

Nag-alis muna ako nang bara sa aking lalamunan bago sumagot sa tanong nito.

"May kailangan ka po ba, Sir?" tanong ko. Hindi ako nagpahalata na natatandaan ko na siya.

“Huwag na tayong maglokohan pa babae. Alam kong kilala mo ako."

"Naku! Ipagpaumanhin po ninyo, Sir. Pero hindi ko po talaga kayo kilala. Peksman mamatay man ang mga langgam sa loob ng bahay namin," sagot ko rito. At desidido sa aking plano na magkunwaring 'di ko siya kilala.

"Talaga? Hindi mo ako kilala? Hmmm. . . sige at ako'y magpapakilala sa 'yo," saad nito. At pagkatapos ay napansing kong dahan-dahan siyang humakbang papasok sa loob ng bahay namin. Kaya naman labis akong nataranta sa inaakto nito.

"Hey! Teka lang! Bakit papasok ka sa loob ng bahay namin?!" natatarantang tanong ko at medyo napalakas din ang tono ng boses ko.

"Wala ka bang balak na papasukin ako sa loob ng bahay ninyo? Doon ko sana balak magpakilala."

“No! Bawal ka sa loob. Saka. . . ano. . . may bisita ako!"

"Talaga?" tanong nito. At nakita kong sumilip ito sa loob ng bahay para alam siguro kung totoo ang sinasabi ko.

"Hmm! Puwede ba mister! Umalis ka na. Masyado mo akong inaabala!" singhal ko.

"Inaabala? Di ba kumakain ka lang naman ng umagaha?"

"Ha! P-Paano mo nalaman?!"

"Secret," sagot nito at pinagpatoy ang paghakbang. Ngunit maliksi akong humarang sa daraanan nito.

"Hep! Hep! Hep! Bawal ka nga pumasok, ang kulit mo, ah!" sigaw ko.

Ngunit hindi pa rin nagpatinag ang lalaki at talagang patuloy pa ring humahakbang. Kaya naman hindi na ako nakapagpigil pa. . .

"Ahhhh! Tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako! Dahil ginagahasa ako!" sigaw ko.

"Hmmm! Ginagahasa agad? Hindi ba puwedeng nagbabalak pa lang, babae?"

"Ano?!" tanong ko at nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.